NAPASUNTOK sa pader si John Carl, nang sinabi ng kaniyang mga magulang ang findings sa kalusugan ng kaisa-isang kapatid."Kasalanan ko ang lahat ng ito!" Kuyom niya ang kamao na dumudugo na."Tama na, hijo, may kasalanan rin ako kung bakit ito nangyari sa kaniya!" Inawat ni David ang binata sa pagsuntok muli nito sa pader."Ang anak ko!" Patuloy sa impit na pag-iyak ang kanilang ina sa isang tabi. Hindi niya matanggap na may gumalaw sa katawan ng dalaga at hindi nito maalala."Mom, Dad?" Tawag ni Jhaina sa inaantok na diwa sa mga magulang nito. Rinig niya ang komosyon sa paligid at ang iyak. Ngunit hindi niya maintindihan at matukoy kung sino dahil namimigat pa rin ang talukap ng mata. Hinihila rin ang diwa sa karimlan dala ng gamot na itinurok sa kanya kanina.Pinunasan muna ni Lucy ang pisngi na basa ng luha bago lumapit kay Jhaina. "Anak, may masakit ba sa iyo?" "Umiiyak po ba kayo, Mom?" Nakapikit na tanong nito sa ina dahil sa timbre ng boses nito ngayon.Tumikhim muna ang gina
Huling Na-update : 2022-08-12 Magbasa pa