HINDI mapakali si Jhaina sa loob ng kanyang silid sa isiping nasa labas ang intsek na binata at kausap ang kanyang mga magulang. Nagugutom siya pero wala siyang ganang kumain."Anak, nakahanda na ang hapunan." Tawag ni Lucy sa dalaga na nagkukulong sa silid nito."Susunod na po ako!" Napilitan siyang bumangon, naiinis siya sa sarili dahil hindi alam kung ano ang isusuot. Naging conscious siya sa sarili pananamit sa kaalamang makasalo ang binata sa pagkain."Ano ba ang problema? Ano naman kung pangit ang maging tingin niya sa akin?" tanong niya sa sarili hanang nakaharap sa malaking salamin."Ayst, whatever!" Humaba ang kaniyang nguso at inis na isinuot ang unang damit na napili.Padabog siyang umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Zoe. Ni hindi manlang siya tinapunan ng tingin nito at patuloy na nakikipag-usap sa kanyang kapatid. Ang mga magulang niya ay mukhang may sariling mundo rin habang inaasikaso ang isa't isa sa paglagay ng pagkain sa mga plato nito.Napangiti si zoe nang maram
"SA BAHAY ninyo daw natulog si Zoe, Bhe?""Paano mo nalaman?" Salubong ang mga kilay na sagot ni Jhaina sa tanong ni Rochelle."Kausap ko siya kagabi bago natulog, nabanggit niya na doon nga siya matutulog sa inyo. 'Di ko alam na magkaibigan pala sila ng iyong kapatid." Nakangiti pero may kasamang intriga ang kanyang mga tanong kay Jhaina.Hindi natuwa si Jhaina sa narinig. Kung ganoon ay hindi pumapalya si Zoe sa pagkontak kay Rochelle. Nang maalala ang nangyari kagabi ay uminit na naman ang kaniyang ulo."Magtapat ka nga sa akin, may gusto ka ba sa intsek na iyon?" Prangkahang tanong ni Jhainasa babae. Lalong sumama ang kanyang pakiramdam sa isiping tinutuhog silang dalawa ni Rochelle ng binata."Ha, ahm wala namang masama kung makipagkaibigan ako sa kanya hindi ba?" nahihiyang sagot ni Rochelle."Sa lagay na ito, pinapaasa mo lang ako? Tama nga yata si Kuya na nag-aaksaya lang ako ng oras sa iyo." Naging matabang ang tono ni Jhaina at may halong pait dahil mas mukhang kaakit-akit k
"ANO ang ginagawa mo dito?" nagulat pa si Trixe pagkakita sa babaeng itinaboy niya noon palayo kay Zoe. Kakarating niya lang ng Pinas at walang nakapagsabi sa kanya na nagkita na muli ang dalawa. Pero alam na niya ang tunay na pagkato ng kaharap bago pa siya noon bumalik ng Hong Kong."Sino ka?" may pag-aalinlangan na tanong Jhaina sa babae. Pamilyar ang mukha ng babae sa kanya ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakilala."Ha, nakalimutan mo na agad ako?" ani ni Trixe sa nang-uuyam na tono ng pananalita. "So, ipaalala ko sa iyo ang lahat. Ako ang fiancee ni Zoe at ginawa ka lang niyang panakip butas nang alagaan ka niya noong may sakit ka. Hindi ka naman siguro bulag na may pagkahawig tayo."Hindi maipinta ang mukha ni Jhaina na nakatingin sa babae. Naalala na niya ito noong sumugod ito sa bahay ng binata. Lumaban siya dito noon at nagkasakitan sila, dahil sa sama ng loob ay umalis siya ng bahay at doon na siya natauhan at muling bumalik sa tama ang isip."Hindi ba at sina
"OUCH!" Daing ni Zoe kasabay ng paghawak sa sariling nang alugin ng marahan ni Jhaina iyon. "Why you do that?" "Sorry, ginawa ko iyan at baka sakaling maalala mong asawa mo ako." Nanunulis ang nguso na wika ni jhaina."Asawa kita?" Turo niya sa dalaga at naaliw sa mukha nito na mukhang paiyak na. Kung alam niya lang na ito ang paraan upang mapaamo ang dalaga at maalala siya nito ay sana noon pa siya nagpa hospital. Gustong matawa ni Zoe sa kaniyang sarili dahil naisip pa niyang ayos lang maaksidente kung ito naman ang kapalit."Obvious ba?" Pinandilatan niya ng mga mata ang binata at sinindak upang maniwala sa kaniya."Pero sino naman ang babaeng namulatan ko kanina at ang pangalan ay, Trexi?" Nanunubok na tanong niya sa dalaga. Natutuwa siya sa paiba-ibang reaksiyon na nakikita sa mukha nito ngayon."Gusto mo ang babae na iyon kahit may amnesia ka na?" Hindi na maipinta ang mukha ng dalaga dahil sa selos. Tila nasusuka pa ito sa isiping mas gusto ng binata ngayon ang karibal kaysa
GUSTONG suntukin ni John Carl si Zoe kung hindi lang ito nakaratay sa hospital bed katulad ng kanyang kapatid ngayon. Nalaman niya na nakita ni Jhaina nang halikan ng babae ito."Tama na iyan, John, baka manariwa na naman ang kanyang sugat." Awat ni Mark sa pinsan nang kwelyuhan nito ang kanyang kaibigan dahil sa galit.Hindi pa nila alam hanggang ngayon kung bakit hinimatay ang dalaga. Naroon sila sa silid ni Zoe na kanina pa nakikiusap sa kanila na dalhin siya sa silid ni Jhaina."Gago kasi siya Kuya Mark, bakit kailangan pa niya magpahalik sa ex niya?" Kuyom ang kamao ni John, nagagalit siya ngayon kay Zoe at gusto niya talaga makasuntok ng isa para sa kanyang kapatid."Please dalhin niyo na ako sa kanyang silid!" Nakikiusap muli na ani Zoe sa magpinsan. Walang ibang mahalaga sa kaniya ngayon kundi ang makita ang dalaga.Napaubo na si Zoe dahil sa pagpupumilit na makabangon mag-isa. Si John Carl ay galit na tumalikod at iniwan ang nagmamakaawa na kaibigan. Naaawa na tinulongan ito
NAGING tampulan sa Universidad si Jhaina nang malaman ng lahat na buntis ito. Si Rochelle ay lumayo na rin sa kanya na may kinikimkim na galit sa dibdib."Drink your vitamins after lunch ok?" Bilin ni Zoe sa dalaga nang maihatid sa paaralan.Nakangiti na tumango si Jhaina sa nobyo, hatid sundo siya ng lalaki at ito mismo ang naghahanda ng kanyang pagkain sa bahay at maging ang baon sa paaralan. Ayaw nito na kumain siya nang galing sa labas dahil baka hindi umano healthy. Mas strict pa ito sa kaniyang mga magulang pero wala siyang reklamo."Behave my Babies!" Hinalikan niya ang umbok ng tiyan ni Jhaina. Para sa kanya ay baby niya ang dalaga at pangalawa ang kanilang anak."Buksan mo na po ang pinto at lalabas na ako." Utos niya sa lalaki na nakayakap pa rin sa kanya."Isa pa ngang halik," hiling nito muli sa asawa. Naayos na niya ang kasal nila noong nagpa secret married sila kung kaya legal wife na niya ito. Pagkaanak nito ay papakasal sila muli sa simbahan.Umikot ang-eyeballs ni Jha
"THIS is my friend, Sir, his name is George." Pakilala ni Lyca sa kasamasang kaibigan sa apat na lalaki na naroon."Are you sure that he is a man, not a woman? hindi kumbinsadong tanong ni Khalid kay Lyca.Napatitig na rin ang tatlo sa kasama ni Lyca. Nakasuot ng sumbrero ito at may bigote na hindi nila sigurado kung tunay at mukhang pang 80's ang suot na damit."Yes, sir, please hired him because he badly needed a job." May kasamang pagsusumamo na wika ni Lyca. Ang kaibigan ay tahimik lang at halatang kabado."For me, he's ok," ani ni Troy nang mapagmasdan ng husto ang lalaki. "For me, yes also! we don't have enough time to find another one, Bro." Sang-ayon ni Xander sa sinabi ni Troy.Tinanguan din ni Zoe si Khalid bilang sang-ayon sa ibang kaibigan."Ok, you have to be ready because you'll come with us in Hong Kong." Mukhang napilitan lamang na sumang-ayon si Khalid sa mga kaibigan. Ni hindi na muli tinapunan ng tingin ang lalaki na mukhang bakla sa kanyang paningin.Nagkapalitan
NAKAPANGALUMBABA si Gerlie sa harap ng lamesa habang tinititigan ang kapatid na maganang kumakain."Hindi ka pa ba papasok, Ate?" boses ngungo na tanong ni Chim sa kapatid dahil puno ng pagkain ang bibig nito."Huwag ka ngang magsalita na puno ang bibig mo!" "Bakit ang init ng ulo mo?" Nakasimangot na tanong nito sa kapatid. "Nagmana lang naman ako sa iyo ah!" pangatwiran pa nito sa kapatid."Kumain ka na nga lang at huwag mo akong pansinin!" Tinuktokan niya ng kutsara sa ulo ang kapatid na madaldal. Tama naman ito, nagmana lang ito sa kanya dahil ganoon din ang gawi niya lalo na kung sila lang dalawa ang magkaharap."Aray! May regla ka ba, Ate?" Kakamot-kamot sa ulo na tanong nito sa kapatid."Kapag mainit ang ulo, may regla agad? Hindi ba pwedeng nawalan lang ng trabaho kung kaya maiinit ang ulo?" Nandidilat ang mga mata na anito sa kapatid na kinse anyos lamang."Ayon!"pumitik sa hangin si Chim, "hulaan ko, maling direksyon na naman ang naituro mo sa tinu-tour mo? Ang sabi ko nama
TUMIGIL si Gerlie sa pag-iyak nang mapansin ang driver ng sinasakyang taxi na panay ang sulyap sa kanya at nakatitig pa sa kanyang cleavage. Ngayon lang niya natitigan ang mukha ng lalaki na tila naglalaway sa pasimpleng sulyap sa kanyang dibdib. Tumikhim siya at inayos ang sarili lalo na ang neckline ng kanyang suot. Kahit hindi pamilyar sa lugar, pumara na siya sa takot na baka maisipan ng driver na dalhin siya sa kung saan. "Five hundred and fifty pesos, miss," ani ng driver habang nakangiti sa kanya. "Bakit ang laki?" Nakamulagat ang mga mata na tanong niya sa driver. Wala pa namang kalahating oras ang kanilang itinakbo ngunit sinisingil na siya ng malaki. "Ganoon talaga, miss, kung hindi mo naman kaya magbayad ay tumatanggap ako ng isang halik lang." Parang gustong masuka ni Gerlie habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Iniisip pa lang niya na may ibang lalaki ang hahalik sa kanya maliban kay Khalid ay hindi niya matanggap. Amoy sigarilyo pa ang lalaking driver at mukhang tigan
"I have surprise for you!" Malapad ang ngiti na kumapit sa braso ni Khalid si Joy."Joy, wait!" Mahina ngunit mariin na awat niya sa dalaga nang pahila siya nitong inilalayo kay Gerlie. Ayaw niyang makaagaw ng atensyon ng mga taong nasa paligid kung kaya nagpatianod siya sa panghihila nito."C'mon, Honey, they're waiting!" masaya pa rin na wika ni Joy, hindi pinansin ang babaeng katabi nito kanina. Alam niya na kung sino ito at gumagawa siya ng paraan upang mailayo ang binata sa babae.Hindi pa man sila nakakalayo, nakita na niya kung sino ang tinutukoy ni Joy na sorpresa umano para sa kanya."Mom, Dad? What are you doing here?" gulat na tanong niya sa mga magulang."We're not invited?" Mataray na sagot ng kanyang ina. "Salamat kay Joy at nakapunta kami dito ng ama mo para um-attend sa kasal ng kaibigan mo. Siya ang nag-asikaso sa papers namin at gumastos." Tonong nanunumbat na ani ng kaniyang ina gamit ang kanilang salita."We have money, Mom!" iritadong sagot niya sa ina. Mukhang g
KABA ang nararamdaman ni Gerlie ngayon sa halip na pananabik sa pagtuntong muli sa bansang Pilipinas. Nagkausap na sila ni Troy at alam na nito ang relasyon nila ni Khalid. Si Xander naman ay hindi niya maarok kung ano ang saloobin ukol sa nakikitang pagbakod sa kanya ni Khalid. Hindi ito nagtatanong at hindi rin nagbago ng pakikitungo sa kanya. Sa huling isang linggo niyang pananatili sa Hong Kong ay naririnig niya ang chismis kapag sinasama siya ng binata. Naghihinala ang mga ito kung ano talaga ang relasyon nila ng binata dahil palagi siyang hinahanap nito kapag nawala lang saglit. Hindi pa rin naniniwala si Daisy na isa siyang tunay na babae."You were not happy to see your sister again?" tanong ni Khalid nang mapansin na tila hindi masaya ang dalaga."I do, just don't mind me." Pilit na ngumiti siya sa binata. Hindi niya masabi dito na alangan siyang sumama dito sa ganaping kasal nila Zoe and Jhaina. Nahihiya siya makipaghalubilo sa sirkulasyon ng mayayamang kamag-anak at kaibiga
"LOOK at what you did!" Namumula ang pisngi na turo niya sa mantsa na nasa kubre kama. Maraming dugo ang lumabas sa kanya. Maliban sa dugo na galing sa pagkapunit ng kanyang pagka birhen, dinugo rin siya ulit dahil sa na puwersa sa ginawa nilang pagniniig ng binata.Masayang tumawa ang binata habang buhat ang dalaga upang dalhin sa bathtub nito mismo. Hindi niya pinansin ang reklamo nito at basta na niya ito binalot ng puting kumot upang hindi lamigin. Gusto niyang siya ang magpaligo dito at hugasan ang mantsa ng dugo na dumaloy sa makinis nitong hita."Don't worry, love, I will give it to the laundry.""No, I don't want other people see my blood." May kasama pang iling habang nakanguso na turan niya sa binata."Ok, ok!" Sumusuko na anito habang marahan na inilapag ang dalaga sa kanyang bathtub. "I will wash it, then."Lihim na napangiti ang dalaga sa sagot ng binata. Sobrang mahal nga siya talaga nito at ramdam niya ang pag-iingat nito sa kanyang katawan. Para siyang babasaging cryst
FEELING ni Gerlie ay sobrang ganda niya ngayon habang tinititigan ang sariling mukha sa salamin. Nakaalis na ang binata upang pumasok sa opisina pero ang halik nito sa kanya kanina ay ramdam pa rin niya hanggang ngayon. Hinubad niya ang damit habang nakaharap pa rin sa malaking salamin. Agad na tumambad sa kanyang paningin ang namumula niyang dibdib. Halos puno iyon mg marka dulot mg halik ng manyak niyang amo. Kahit walang linaw ang relasyon nila, masaya na siya at kuntento sa kaalamang mahal siya nito.Mabagal ang ginawa niyang pagkilos habang naliligo. Wala naman siyang gagawin, may isang oras nang nakaalis ang binata at bilin nito na magpahinga lang umano siya. Kahit wala naman silang ginawa kagabi at kaninang umaga ay feeling nito napagod siya sa likot ng kamay nito at kaadikan sa halik.Napatitig siya sa kanyang munting kayaman na namaga yata sa kakalamas ng binata. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Lyca nang tawagan niya ito kanina."Lalake rin iyan kapag nagka asawa ka na."
NAUDLOT ang tangkang paghawak sana ni Gerlie sa kamay ni Khalid upang alisin iyon sa loob ng kanyang damit nang mag-umpisa itong humagod roon. Napasinghap siya nang tila na kuryente siya hatid ng init ng palad nito at muling nag-init ang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung paano nito naalis ang tabing ng kanyang munting kayamanan kanina nang hindi nahuhubad ang kanyang blusa.Parang bampirang uhaw sa dugo ang binata na humahalik sa kaniyang leeg ng dalaga habang naglalaro ang isang kamay sa malambot na bundok nito. May kasamang kagat ang halik dahil sa gigil at dinadaanan ng dila ang mabango nitong leeg. Para siyang adik na hindi makuntinto sa paghalik lamang sa leeg ng dalaga. Gusto niyang mag-iwan ng love-mark sa balat nito pero sa tagong parte lamang. Tumigil siya sa paghalik dito at pinakatitigan muna ang mukha ng dalaga. Lalong naghurimintado ang kaniyang libido nang masalubong ang namumungay nitong ang mga mata. Napangiti siya at mabilis kinintalan ng halik ang nakaawang ni
"NAKU po! Galit na naman ang dragon!" Kagat ang ibabang labi na bulong ni Gerlie sa kanyang sarili nang humarap sa kanya ang binata. May nakaharang na sofa sa pagitan nila kung kaya napauklo siya ng tayo dahil pahaklit ang hawak nito sa mga kamay niya. Banaag sa mukha ng lalaki ang galit habang pinakatitigan siya."What do you have that makes my heart melt everytime you were around? Why can't I get rid of your face in my mind?"Napaawang ang labi ni Gerlie sa narinig at sa nakikitang pagkalito sa mukha ngayon ng binata. Biglang umamo ang mukha nito at mukhang nawawala. Tanging paglunok lamang ng sariling laway ang nagawa niya dahil biglang tinambol ang kanyang dibdib sa kabang naramdaman. Na excite siya na kinakabahan sa kung ano pa ang sunod na sasabihin ng binata sa kanya."I hate myself now!"Nanlaki ang mga mata ng dalaga at nabawasan ang excitement na nararamdaman. Mukhang masama ang epikto ng kaniyang kabaklaan sa binata."You know why?"Umiling lang siya bilang sagot sa tanong
PAGGISING ni Gerlie ay wala na ang binata. Nag-iwan lang ito ng note sa lamesa na manatili siya sa bahay at huwag lumabas hangga't hindi ito dumarating. Wala siyang magawa kindit ang sundin ang utos nito. Hindi naman siya naiinip dahil kagi niyang kausap ang kapatid ang kaibigan sa chat. Pero nagugulohan pa rin siya dahil wala pa ring linaw kung ano ang dahilan at nakipag suntokan ito kay Troy nang gabing iyon. Hindi rin niya nakikita sina Troy dahil nga kulong lang siya sa pad nito.Isang linggo rin ang lumipas na ganoon ang buhay niya. Tila ba sinasadyang ikulong lang siya doon ng binata at ayaw nito na may ibang makakita sa kanya."Ano ba talaga ang trabaho ko rito?" Reklamo niya habang naglilinis dahil walang magawa. Nililinis niya ang sala at silid niya, tanging silid ng lalaki lang ang hindi niya pinapasok upang linisin dahil takot siyang pumasok doon na walang pahintulot ng binata.Dumating ang gabi na mag-isa na naman siyang kumain at wala pa ang amo. Ramdam niyang umiiwas din
NAIHILAMOS ni Khalid ang sariling palad sa mukha nang makaalis na si Joy. Kinakain ng frustration ang sariling isip ngayon dahil sa gumugulo sa kanyang isipan. "Damn! What the hell is happening to you, man?" numura niya ang sarili sa harap ng salamin. Napatitig si Khalid sa kanyang repliksyon, guwapo pa rin naman siya kahit mukhang tagtuyot mula nang magkaroon siya ng tutor. Gusto niyang suntokin ang sariling mukhang nakikita sa salamin nang makipagtitigan siya sa kaniyang repleksyon. Tila nakakalokong ngumiti ito kahit seryoso naman ang mukha niya. Kung may sariling isip lamang iyon ay baka masabi nito sa kanya na, 'karma mo na iyan sa pagiging manyak. Lalaki lang pala ang katapat mo?'"Fuck you!" ang naisigaw niya kasabay ng pagsipa sa maliit na lamesa. Lumikha iyon ng ingay kung kaya natauhan siya. Napabuntonghininga siya bago inayos ang sarili at nagpasyang lumabas ng silid upang uminum ng tubig.Pagkalabas ay napatigil siya sa harap ng pinto ng bakla. Naikuyom niya ang kamao at