ABOT hanggang sa kabilang ibayo ang kabang nararamdaman ngayon ni Gerlie habang naglalakad na sila ng kabigang si Lyca, papasok sa tinutuloyan ng maging amo niya."Narito na tayo, huminga ka nga ng malalim para ma-relax ka." Inayos ni Lyca ang suot niyang sumbrero."Kinakabahan talaga ako Besh, baka mahalata ako?" Bahagya pang pumiyok ang boses niya. Sinasanay na kasi niya magsalita na malaki ang boses upang magmukha talaga siyang lalaki."Kainin mo ito!" Isinubo niya kay Gerlie ang candy na lasang maasim. "Umayos ka, mukha ka ng baklang tikbalang." Biro niya sa kaibigan upang maibsan ang kabang nadarama nito.Hindi maipinta ang mukha ni Gerlie habang masama ang tinging ipinukol sa kaibigan. Ang asim pa ng isinubo sa kanya nito kung kaya nakalimutan na niya ang kabang nararamdaman."Come!"Nagulat pa siya nang may nagsalita sa kanilang harapan. Hindi niya napansin na nag-door bell na pala ang kaibigan. Bahagya pang napaawang ang kanyang labi nang masilayan ang guwapong mukha ng lalaki
MATAMAN na tinitigan ni Khalid ang lalaking kaharap ngayon. Tulad ng una nilang pagharap, nakasuot na naman ito ng cap. Mukhang bagong gupit ito, napatingin siya sa hila-hila nitong bag. "Is it that heavy?" naitanong niya nang tila hirap ito sa paghila. Gusto niyang idugtong kung bakla ba ito dahil kulay pink ang bag, plus ang laki pa na madalas ganoong size ang gamit ng kababaihan dahil marami ang mga itong abobot sa katawan. Tumikhim muna siya bago sumagot, "a little bit, Sir!" may kasama pang hingal na sagot niya dito. Sa totoo lang ay mabigat ang dala niya kahit de gulong iyon. Halos hirap din siyang huminga dahil napahigpit ang pagkabuhol ng de taling tela, na inilagay sa kanyang dibdib upang magmukhang abs sa halip na chocolates hills. Ngayon siya nagpasalamat na hindi siya biniyayaan ng malaking dibdib dahil kung nagkataon, baka breast cancer ang aabutin niya dahil kailangang ipitin. "Hey, waz up?" Nakangiti na sinalubong siya ni troy nang makapasok na siya sa loob. "Welco
"GRABE ang pogi nila, panira lang sa view ang baklang kasama!" Nakasimangot na nilingon ni Gerlie ang isang grupo ng kababaihan na nadaanan nila habang naglalakd sila sa loob ng Mall of Asia. "Pakilakasan po at hindi ko naririnig!" singhal niya sa babaeng nakatikwas pa ang kilay. "What's wrong?" Kunot ang noo na tanong ni Khalid sa baklang kasama. "Those girls are so mean!" parang bata na sumbong ni Gerlie at nakatikwas ang daliri na itinuro ang babaeng nang-aakit kung makatingin sa mga hunks na kasama niya. Naudlot ang paglapit sana ng babae na gustong magpakilala nang marinig ang sinabi ng inakalang bakla. "She said you look a like goat because of that beard on your face." "Hoy bakla, wala akong sinasabing ganyan ha!" halos bumuga ng apoy dahil sa galit ang babae kay Gerlie. "Nonsense, let's go!" Nagpatinuna na ng lakad si Khalid, ni hindi tinapunan ng tingin ang babaeng nagpapa-cute sa kanya. "Bleee!" Inilabas ni Gerlie ang dila upang asarin ang babae bago patakbong sumuno
HALOS maduling si Gerlie kakatingin sa mga taong sumasayaw sa dance floor. Naparami na ang kanyang nainum at hindi mahagilap ng kanyang paningin ang manyak na amo. May gumapang na higad dito kanina kung kaya nangati ang lalaki at iniwan siya roon mag-isa."Hello, baby, wanna come with me?" mapang-akit na tanong ng lalaki sa kanya. Pang lima na ito na nagyaya sa kanya na maikama siya."Bakla ako, iuuwi mo pa rin ba ako?" ang gasgas niyang linya na isinasagot sa bawat lalaking lumalapit sa kanya.Ngumisi ang lalaki na mas mukhang manyak pa keysa sa kanyang amo. "Mas masarap magpaligaya ang bakla, let's go?" Bahagya pa itong yumukod at inilapit ang mukha sa kanya."May kasama ako," aniya at itinulak ang mukha nito palayo sa kanya."Iyon ba?" Itinuro nito sa kanya ang manyak niyang amo na nakaupo sa isang sulok at may nakakandong na babae. Kaya pala hindi niya mahanap sa gitna ng dance floor at nasa dilim pala na nakapwesto. Mukhang kanina pa siya binabantayan ng lalaking ito at alam ku
"ATE, pasalubong ko pag-uwi mo ha!" pabulong na bilin ni Chim sa kapatid, isinama siya roon ni Lyca upang magkita silang magkapatid bago ang alis ng mga ito mamayang hapon."Puro pasalubong ang nasa utak mo, hindi ba pwede na pag-ingatin mo ako sa halip na iyan ang naiisip mo?" pabulong din na sikmat niya sa kapatid. Nag-uusap lang sila ng mahina upang hindi marinig ang normal niyang tinig ng mga binatang amo na nasa kani-kanilang mga silid sa ngayon."Sa tingin ko naman ay hindi ka mapahamak sa mga kamay nila, Ate. Baka nga sila pa ang mapapahamak sa mga kamay mong tila bakal dahil makalyo.""Ikaw!" napalakas ang boses na dinuro ang kapatid na madaldal tulad niya. "Tatapyasin ko na talaga iyang nunal sa baba mo!""Joke lang, ate, hindi ka na mabiro!" Tumatawa na inilagan ang binato sa kanya ng kapatid na slipper.Napalabas ng silid si Troy nang marinig ang kumusyon sa kanilang sala. "You two were fighting?" tanong niya sa dalawa na tila naglalaro ng patintero sa pagitan ng sofa."No!
"WHAT are you doing here?" tanong ni Khalid kay Troy nang mapagbuksan ito at kasama pa si Xander."Bawal na ba kami tumambay dito?" balik tanong ni Troy gamit ang salitang banyaga. Nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa labi nito at nang-aarok ang mga titig sa kaibigan. Si Xander ay parang walang narinig na tumuloy na sa loob."Where is George?"Lalong nagsalubong ang kilay ni Khalid sa tanong ni Xander. "Hey, he was resting in his room so that bother to call him out." Saway ni Khalid kay Troy nang makitang kakatok ito sa silid ng bakla. Pagkatapos kumain ay pinapasok na niya ito sa silid nito kanina. Binilinan na matulog ng maaga at huwag nang lumabas ng silid dahil maaga silang aalis bukas."Its too early to sleep," ani Troy at itinuloy ang naudlot na pagkatok sa pintuan ng silid ng bakla.Napapalatak na bumalik sa kinaupuan si Khalid at inabala ang sarili sa harap ng kanyang laptop. Napatunghay lamang siya nang bumukas ang pintuan ng silid. Niluwa niyon ang ulo ng bakla na may pag-a
"ANG ganda niya noh? untag ni Daisy sa pananahimik ng bakla nang wala na ang babaeng tinutukoy nito. "Sumeksi pa lalo, naku tiyak na maglalaway na naman si Boss Khalid at makipagbalikan.""Ex niya iyon?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Gerlie sa kaharap. Bigla siyang nanliit lalo na sa kanyang dibdib. Parang gusto na niyang bawiin ang pasalamat noon sa may likha na biniyayaan siya ng maliit na hinaharap."Oo, nagkahiwalay dahil nga babaero si Boss Khalid. Pero sobrang mahal ni Ma'am Joy, kaya tiyak na isang halik lang kapag nagkita sila ay come back agad iyan sila sa isa't isa." Sobrang saya na pagkukuwento ni Daisy sa kanya. Hindi na napansin ang pag-asim ng kanyang mukha."Dito rin ba siya nagtatrabaho?" Nakapangalumbaba na tanong ni Gerlie muli sa babae."Naku hindi mo siya kilala?" Nakamulagat pa ang mga mata na ibinalik ang tanong sa kanya."Obvious ba?" Mataray na sagot niya dito."Ay ang taray! Kung hindi ka lang pogi!" Inirapan ni Daisy ang bakla."Pogi ba talaga ako? Hi
NAIHILAMOS ni Khalid ang sariling palad sa mukha nang makaalis na si Joy. Kinakain ng frustration ang sariling isip ngayon dahil sa gumugulo sa kanyang isipan. "Damn! What the hell is happening to you, man?" numura niya ang sarili sa harap ng salamin. Napatitig si Khalid sa kanyang repliksyon, guwapo pa rin naman siya kahit mukhang tagtuyot mula nang magkaroon siya ng tutor. Gusto niyang suntokin ang sariling mukhang nakikita sa salamin nang makipagtitigan siya sa kaniyang repleksyon. Tila nakakalokong ngumiti ito kahit seryoso naman ang mukha niya. Kung may sariling isip lamang iyon ay baka masabi nito sa kanya na, 'karma mo na iyan sa pagiging manyak. Lalaki lang pala ang katapat mo?'"Fuck you!" ang naisigaw niya kasabay ng pagsipa sa maliit na lamesa. Lumikha iyon ng ingay kung kaya natauhan siya. Napabuntonghininga siya bago inayos ang sarili at nagpasyang lumabas ng silid upang uminum ng tubig.Pagkalabas ay napatigil siya sa harap ng pinto ng bakla. Naikuyom niya ang kamao at
TUMIGIL si Gerlie sa pag-iyak nang mapansin ang driver ng sinasakyang taxi na panay ang sulyap sa kanya at nakatitig pa sa kanyang cleavage. Ngayon lang niya natitigan ang mukha ng lalaki na tila naglalaway sa pasimpleng sulyap sa kanyang dibdib. Tumikhim siya at inayos ang sarili lalo na ang neckline ng kanyang suot. Kahit hindi pamilyar sa lugar, pumara na siya sa takot na baka maisipan ng driver na dalhin siya sa kung saan. "Five hundred and fifty pesos, miss," ani ng driver habang nakangiti sa kanya. "Bakit ang laki?" Nakamulagat ang mga mata na tanong niya sa driver. Wala pa namang kalahating oras ang kanilang itinakbo ngunit sinisingil na siya ng malaki. "Ganoon talaga, miss, kung hindi mo naman kaya magbayad ay tumatanggap ako ng isang halik lang." Parang gustong masuka ni Gerlie habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Iniisip pa lang niya na may ibang lalaki ang hahalik sa kanya maliban kay Khalid ay hindi niya matanggap. Amoy sigarilyo pa ang lalaking driver at mukhang tigan
"I have surprise for you!" Malapad ang ngiti na kumapit sa braso ni Khalid si Joy."Joy, wait!" Mahina ngunit mariin na awat niya sa dalaga nang pahila siya nitong inilalayo kay Gerlie. Ayaw niyang makaagaw ng atensyon ng mga taong nasa paligid kung kaya nagpatianod siya sa panghihila nito."C'mon, Honey, they're waiting!" masaya pa rin na wika ni Joy, hindi pinansin ang babaeng katabi nito kanina. Alam niya na kung sino ito at gumagawa siya ng paraan upang mailayo ang binata sa babae.Hindi pa man sila nakakalayo, nakita na niya kung sino ang tinutukoy ni Joy na sorpresa umano para sa kanya."Mom, Dad? What are you doing here?" gulat na tanong niya sa mga magulang."We're not invited?" Mataray na sagot ng kanyang ina. "Salamat kay Joy at nakapunta kami dito ng ama mo para um-attend sa kasal ng kaibigan mo. Siya ang nag-asikaso sa papers namin at gumastos." Tonong nanunumbat na ani ng kaniyang ina gamit ang kanilang salita."We have money, Mom!" iritadong sagot niya sa ina. Mukhang g
KABA ang nararamdaman ni Gerlie ngayon sa halip na pananabik sa pagtuntong muli sa bansang Pilipinas. Nagkausap na sila ni Troy at alam na nito ang relasyon nila ni Khalid. Si Xander naman ay hindi niya maarok kung ano ang saloobin ukol sa nakikitang pagbakod sa kanya ni Khalid. Hindi ito nagtatanong at hindi rin nagbago ng pakikitungo sa kanya. Sa huling isang linggo niyang pananatili sa Hong Kong ay naririnig niya ang chismis kapag sinasama siya ng binata. Naghihinala ang mga ito kung ano talaga ang relasyon nila ng binata dahil palagi siyang hinahanap nito kapag nawala lang saglit. Hindi pa rin naniniwala si Daisy na isa siyang tunay na babae."You were not happy to see your sister again?" tanong ni Khalid nang mapansin na tila hindi masaya ang dalaga."I do, just don't mind me." Pilit na ngumiti siya sa binata. Hindi niya masabi dito na alangan siyang sumama dito sa ganaping kasal nila Zoe and Jhaina. Nahihiya siya makipaghalubilo sa sirkulasyon ng mayayamang kamag-anak at kaibiga
"LOOK at what you did!" Namumula ang pisngi na turo niya sa mantsa na nasa kubre kama. Maraming dugo ang lumabas sa kanya. Maliban sa dugo na galing sa pagkapunit ng kanyang pagka birhen, dinugo rin siya ulit dahil sa na puwersa sa ginawa nilang pagniniig ng binata.Masayang tumawa ang binata habang buhat ang dalaga upang dalhin sa bathtub nito mismo. Hindi niya pinansin ang reklamo nito at basta na niya ito binalot ng puting kumot upang hindi lamigin. Gusto niyang siya ang magpaligo dito at hugasan ang mantsa ng dugo na dumaloy sa makinis nitong hita."Don't worry, love, I will give it to the laundry.""No, I don't want other people see my blood." May kasama pang iling habang nakanguso na turan niya sa binata."Ok, ok!" Sumusuko na anito habang marahan na inilapag ang dalaga sa kanyang bathtub. "I will wash it, then."Lihim na napangiti ang dalaga sa sagot ng binata. Sobrang mahal nga siya talaga nito at ramdam niya ang pag-iingat nito sa kanyang katawan. Para siyang babasaging cryst
FEELING ni Gerlie ay sobrang ganda niya ngayon habang tinititigan ang sariling mukha sa salamin. Nakaalis na ang binata upang pumasok sa opisina pero ang halik nito sa kanya kanina ay ramdam pa rin niya hanggang ngayon. Hinubad niya ang damit habang nakaharap pa rin sa malaking salamin. Agad na tumambad sa kanyang paningin ang namumula niyang dibdib. Halos puno iyon mg marka dulot mg halik ng manyak niyang amo. Kahit walang linaw ang relasyon nila, masaya na siya at kuntento sa kaalamang mahal siya nito.Mabagal ang ginawa niyang pagkilos habang naliligo. Wala naman siyang gagawin, may isang oras nang nakaalis ang binata at bilin nito na magpahinga lang umano siya. Kahit wala naman silang ginawa kagabi at kaninang umaga ay feeling nito napagod siya sa likot ng kamay nito at kaadikan sa halik.Napatitig siya sa kanyang munting kayaman na namaga yata sa kakalamas ng binata. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Lyca nang tawagan niya ito kanina."Lalake rin iyan kapag nagka asawa ka na."
NAUDLOT ang tangkang paghawak sana ni Gerlie sa kamay ni Khalid upang alisin iyon sa loob ng kanyang damit nang mag-umpisa itong humagod roon. Napasinghap siya nang tila na kuryente siya hatid ng init ng palad nito at muling nag-init ang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung paano nito naalis ang tabing ng kanyang munting kayamanan kanina nang hindi nahuhubad ang kanyang blusa.Parang bampirang uhaw sa dugo ang binata na humahalik sa kaniyang leeg ng dalaga habang naglalaro ang isang kamay sa malambot na bundok nito. May kasamang kagat ang halik dahil sa gigil at dinadaanan ng dila ang mabango nitong leeg. Para siyang adik na hindi makuntinto sa paghalik lamang sa leeg ng dalaga. Gusto niyang mag-iwan ng love-mark sa balat nito pero sa tagong parte lamang. Tumigil siya sa paghalik dito at pinakatitigan muna ang mukha ng dalaga. Lalong naghurimintado ang kaniyang libido nang masalubong ang namumungay nitong ang mga mata. Napangiti siya at mabilis kinintalan ng halik ang nakaawang ni
"NAKU po! Galit na naman ang dragon!" Kagat ang ibabang labi na bulong ni Gerlie sa kanyang sarili nang humarap sa kanya ang binata. May nakaharang na sofa sa pagitan nila kung kaya napauklo siya ng tayo dahil pahaklit ang hawak nito sa mga kamay niya. Banaag sa mukha ng lalaki ang galit habang pinakatitigan siya."What do you have that makes my heart melt everytime you were around? Why can't I get rid of your face in my mind?"Napaawang ang labi ni Gerlie sa narinig at sa nakikitang pagkalito sa mukha ngayon ng binata. Biglang umamo ang mukha nito at mukhang nawawala. Tanging paglunok lamang ng sariling laway ang nagawa niya dahil biglang tinambol ang kanyang dibdib sa kabang naramdaman. Na excite siya na kinakabahan sa kung ano pa ang sunod na sasabihin ng binata sa kanya."I hate myself now!"Nanlaki ang mga mata ng dalaga at nabawasan ang excitement na nararamdaman. Mukhang masama ang epikto ng kaniyang kabaklaan sa binata."You know why?"Umiling lang siya bilang sagot sa tanong
PAGGISING ni Gerlie ay wala na ang binata. Nag-iwan lang ito ng note sa lamesa na manatili siya sa bahay at huwag lumabas hangga't hindi ito dumarating. Wala siyang magawa kindit ang sundin ang utos nito. Hindi naman siya naiinip dahil kagi niyang kausap ang kapatid ang kaibigan sa chat. Pero nagugulohan pa rin siya dahil wala pa ring linaw kung ano ang dahilan at nakipag suntokan ito kay Troy nang gabing iyon. Hindi rin niya nakikita sina Troy dahil nga kulong lang siya sa pad nito.Isang linggo rin ang lumipas na ganoon ang buhay niya. Tila ba sinasadyang ikulong lang siya doon ng binata at ayaw nito na may ibang makakita sa kanya."Ano ba talaga ang trabaho ko rito?" Reklamo niya habang naglilinis dahil walang magawa. Nililinis niya ang sala at silid niya, tanging silid ng lalaki lang ang hindi niya pinapasok upang linisin dahil takot siyang pumasok doon na walang pahintulot ng binata.Dumating ang gabi na mag-isa na naman siyang kumain at wala pa ang amo. Ramdam niyang umiiwas din
NAIHILAMOS ni Khalid ang sariling palad sa mukha nang makaalis na si Joy. Kinakain ng frustration ang sariling isip ngayon dahil sa gumugulo sa kanyang isipan. "Damn! What the hell is happening to you, man?" numura niya ang sarili sa harap ng salamin. Napatitig si Khalid sa kanyang repliksyon, guwapo pa rin naman siya kahit mukhang tagtuyot mula nang magkaroon siya ng tutor. Gusto niyang suntokin ang sariling mukhang nakikita sa salamin nang makipagtitigan siya sa kaniyang repleksyon. Tila nakakalokong ngumiti ito kahit seryoso naman ang mukha niya. Kung may sariling isip lamang iyon ay baka masabi nito sa kanya na, 'karma mo na iyan sa pagiging manyak. Lalaki lang pala ang katapat mo?'"Fuck you!" ang naisigaw niya kasabay ng pagsipa sa maliit na lamesa. Lumikha iyon ng ingay kung kaya natauhan siya. Napabuntonghininga siya bago inayos ang sarili at nagpasyang lumabas ng silid upang uminum ng tubig.Pagkalabas ay napatigil siya sa harap ng pinto ng bakla. Naikuyom niya ang kamao at