"ANO ang kinain mo at biglang bumalik sa dati ang pangangatawan mo?" pabirong tanong ni Yosef kay Blue nang magkita sila muli nang gabing iyon.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Kunot ang noo na tanong ng dalaga.
May pagtataka na tinitigan ni Yosef ang kaharap. Parang may mali dito na hindi niya matukoy. Ganoon pa rin naman ang mukha pero mukhang tumapang? Hindi pa ito tumawa sa kanyang birong totoo. Maging ang boses ay parang may mali rin.
"Kahapon lang tayo nagkita at alam mong napuna ko rin ang iyong pangangatawan." Hindi hinihiwalayan ng tingin ang dalaga. Iwan ba niya pero parang na magnet ang kanyang mata sa mukha nito ngayon. Tila lalong gumanda sa kanyang paningin at nagustuhan niya ang katarayang taglay ng aura nito ngayon.
"Payat ba talaga ako kahapon?" Nanlalim ang mga mata na tumitig sa kaharap. Naiinis si Marie dito pero kailangan niya itong kausapin para sa kapatid. Bigla din siyang nag-alala sa kaalamang nangayat ang kapatid nang hindi niya alam.
"Ano ba ang nangyari sa iyo at parang nagka-amnesia ka?" Tumawa ng pagak ang binata.
"Ha? Ahm pasensya na at lasing na yata ako." Umiwas ng tingin dito si Divine Joy.
Nangunot ang noo ni Yosef nang mapatingin sa baso ng dalaga. Nauna ito roon kung kaya naisip niya na napatagay na nga ito. Ngunit hindi alak ang laman ng baso nito kundi lemon juice.
"Nakakalasing na pala ngayon ang juice?" Nakangisi na kumento ni Yosef.
Namula nang bahagya ang pisngi ng dalaga dahil nabuko na nagsisinungaling siya. Hindi niya alam kung ano ang lasa ng alak at ayaw niyang subukan dahil sa amoy pa lang ay nahihilo na siya. Naamoy niya kanina ang unang serve sa kanya ng bartender at hindi niya nagustoha. Hindi niya akalain na kilala ng bartender ang kapatid niya sa pangalang blue.
"May sakit kasi ako kung kaya hindi ako pwedeng uminum mg alak." Pilit ang ngiti na paliwang ng dalaga sa kaharap.
"May mali talaga!" bulong ni Yosef sa sarili nang ngumiti ang kaharap. Parang gusto na niya ngayon na laging nakangiti ang dalaga sa kanya.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ni Joy nang mapansin na nakatitig sa kanya ang binata.
"Bakit lalo ka yatang gumanda?" wala sa loob na naisatinig ni Yosef ang nasa isip.
"Diyan mo ba nakukuha sa matamis mong salita ang mga babae mo?" Sa halip na kiligin ay nakaramdam ng panibugho si Joy.
"Hindi ko na kailangan magbitaw ng mabulaklak na salita sa mga babaing dumaan sa buhay ko." Tugon ng binata at inisang lagok ang laman ng kopitang hawak. Naroon sila ngayon sa isang table lang dahil ayaw nitong pumasok sa isang private room.
"Ang yabang!" naibulong ni Joy.
Mula sa isang sulok ay naroon si Marie at masaya na pinapanood ang dalawa. Totoo na may gusto siya sa binata pero hindi ganoon kalalim. Mas malaki ang kanyang pagnanais na ang dalawa ang magkatuluyan. Hindi alam ng binata na magkakilala na sila noong bata pa bago pa man ito nanirahan sa ibang bansa upang doon magpatuloy sa pag-aaral. Ninang nito ang ina niyang umampon sa kaniya kung kaya alam niya na mabuting tao ito kahit na babaero. Iba ang kulay ng damit na suot niya ngayon at naka disguise rin upang walang makakilala sa kaniya.
"Try this, pina mix ko ang lemon juice upang hindi matapang at nakakabuti din iyan para maalis iyang trangkaso mo." Iniabot ni Yosef ang isang kopita sa dalaga.
"Ayaw ko!" Halos mabali na ang leeg nito sa pag-iling.
"Ikaw ba talaga iyan, Blue?" Nang-aarok ang tingin ng binata sa dalaga.
"Akin na nga!" kinabahan si Joy na baka tuluyan siyang mabuko ng binata. Ayaw niyang magtampo sa kanya ang kapatid.
"Hindi ganyan ang pag-inum." Salubong ang mga kilay na inagaw sa kamay ng dalaga ang baso at hinagod ang likod nito nang sunod-sunod na inubo ito.
"Ang sama ng lasa!" Tuloy-tuloy ang pag-ubo na reklamo ng dalaga.
Napailing na tinignan ito ni Yosef. Alam niyang mahina uminum ang dalaga ng alak pero sa inaakto nito ngayon ay tila ngayon lang ito nakatikim ng alak.
Parang pamilyar sa kanya ang pagsimangot ng mukha ng dalaga at boses ngunit hindi mahagilap sa isip kung kailan at saan niya iyon narinig o nakita ang ganoong ngiti.
"Lasing na yata ako at kung ano-ano na ang pumapasok sa aking isip."
Dinig ni Joy na wika ng binata. Kinabahan siya na baka nahahalata na talaga nito na isa siyang impostor.
"Uuwi na ako," nagmamadali na tumayo si Joy at nagpaalam sa binata. Ayaw niyang tumagal pa at baka makilala na siya nito.
Nagpaiwan si Yosef at pinagpatuloy ang pag-inum na mag-isa. May lumalapit sa kanya na mga babae ngunit maginoong tinatanggihan ang mga ito. Nawalan siya ng gana sa ibang babae ngayon dahil okupado ni Blue ang buong isip.
Kinabukasan ay tanghali na siya pumasok za opisina. Bilang CEO ay hawak niya ang kaniyang oras sa trabaho. Ngunit ngayon lang siya tinanghali ng pasok dahil sa nangyari kagabi na nagpagulo sa kaniyang isipan hanggang ngayon.
"Good morning, Sir!" bati ng ilang empleyado kay Yosef sa entrance pa lang ng kompanya. Tumango lang siya at tumuloy sa kanyang opisina. Bago pa man marating ang opisina ay nadaanan niya ang kanyang manang na secretary.
Inaasahan niyang babati rin ito sa kanya ngunit tumingin lang ito sa gawi niya at tinuon muli ang tingin sa harap ng computer.
"Ganyan na ba ngayon kung tratuhin ng tauhan ang kanyang boss?" may kalakasan na tanong ni Yosef sa babae. Hindi niya alam kung bakit biglang umiinit ang kanyang ulo kapag ganoon ang inaasta ng secretary. Dalawang buwan na rin nagbago ang ugali nito na hayagan ang pagkadisgusto sa kanya. Kung hindi lang dahil sa ninang niya na nagrekominda dito ay baka sinisante na niya ito.
"Good morning po, Sir, may babae pong naghihintay sa inyo sa loob ng opisina mo." Tila napilitan lamang ito na bumati sa kanya at may diin sa bawat kataga na binitiwan.
Biglang nasapo ni Yosef ang noo pagkarinig sa tinig ng dalaga. Pilit iniisip kung sino ang ka boses nito.
"Babaero na lasinggo pa!" ani Divine sa mahinang tinig lamang.
"What did you say?" salubong ang mga kilay na tanong ni Yosef.
"Wala po, Sir, kanina pa naghihintay ang bisita mo." Hindi namalayan ni Joy na tumikwas ang gilid ng itaas ng labi niya.
Pinukol ni Yosef nang nagbabantang tingin ang dalaga bago ito tinalikuran.
"Ano ba ang nagustuhan mo Marie sa lalaking ito? Lahat na yata ng hindi magandang ugali ay nasa kanya!" palatak na wika ni Joy sa kawalan. Napataas pa ang dalawa niyang kilay nang wala pang isang minuto ay lumabas ang sexy na babae sa opisina ni Yosef.
"Himala, walang ahhh ohhh yeahh naganap?"
"Hindi ako ganoon kahayok sa laman para isipin mo na lahat ng pumapasok sa loob ay kinakanti ko!"
"Ay kabayo!" Gulat na napalingon si Divine Joy sa amo na nasa kanyang likuran na pala.
"Ikaw lang nag-iisip niyan sir ah!" hindi alam ni Joy kung ano ang dapat gawin nang makita ang galit sa mukha ng huli.
"Huwag na mag-deny dahil narinig ko iyon!"
"Eh kasi naman Sir, sa ilang buwan kong pagtatrabaho dito ay puro babae na ang nakikita kong tinatrabaho mo sa loob." Walang preno na tugon ni Joy. Gusto niyang pagsabihan ito para sa kapatid.
"So naninilip ka kung gaoon?" Turo niya sa maliit na binatana habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang dalaga.
"Kahit hindi ako sumilip, naririnig ko naman, Sir." Pagkaila ng dalaga, ayaw niyang malaman nito na minsan siya sumilip dahil nakakahiya.
Ang kaseryusohan sa mukha ni Yosef ay biglang nagbago habang pinagmamasdan ang dalaga. Hindi dapat siya ang nagagalit dito o napipikon.
"Ano kaya kung ikaw naman amg trabahuhin ko?" puno ng kapilyohan na tanong ni Yosef sa manang na secretary. Gusto lamang niyang subukan kung tumatalab din ba ang kanyamg karisma sa isang tulad nito na parang madre umasta minsan.
"Bastos! Tamaan ka sana ng kidlat! naeskandalong tugon nito.
Tumawa ng malakas si Yosef sa naging reaksiyon ng dalaga. " pustahan, wala ka pa naging first kiss noh?" mapang-asar na tanong ni Yosef.
"Its none of your business!" asik ni Joy sa binata. Halos hindi na niya nakikilala ang sarili ngayon dahil nawawala na ang pagiging mahinahon kapag kaharap ang binata. Nakakapagbitaw na rin siya nang hindi magandang salita minsan dahil dito.
"Ang bata mo pa pero manang na manang ka na kung umasta." Palatak ni Yosef at iniwan na ito.
Nakahinga ng maluwag si Joy nang wala na sa harapan ang antipatiko niyang amo. Nagkakaroon talaga siya ng kasalanan dahil sa lalaking ito.
"Bumalik ka na Marie, please!" nakapikit ang mga mata na bulong niya sa isip lamang. Ayaw na niyang tumagal pa dito dahil lumalaki lamang ang kasalanan ng kanyang isip at bibig.
"Ate isang buwan pa please." Pakiusap ni Marie sa kapatid nang muling makausap sa telepono. Gusto na umano nitong bumalik ng kumbento dahil doon ang tunay na tahanan nito.
"Isang buwan, pagkatapos niyan ay wala nang hirit pa." Pabuntonghininga na wika ni Joy.
Yes Ate, thank you po!"
Napangiti na rin si Joy dahil bakas sa boses ng kapatid ang saya.
"Bakit ba kasi ang tagal mo riyan, ano ba ang ginagawa mo?" Hindi nakatiis na tanong nito sa kapatid.
"Inaayos ko lang ang problema sa lupain nila Mama, Ate." Masigla pa rin na sagot nito mula sa kabilang linya.
"Sige, ipagdasal ko na maayos na ang problema ninyo riyan. Mag-ingat ka palagi!" hindi na nito sinumbatan ang kapatid tungkol sa pakipagkita sa amo niya nakaraang araw pero sa kanya ay hindi. Naisip na kaya marahil pumayat ayon sa lalaki ay dahil may trangkaso ang kapatid at stress sa problema nito ngayon.
"Thank you Ate, ikaw rin mag-ingat diyan at huwag pabayaan ang kalusugan. Mahal na mahal kita Ate!"
Nakaramdam ng kakaiba si Joy sa mga bilin ng kapatid. Napadalas ay palagi itong nagbibilin sa kanya na para bang mawawala ng mahabang panahon.
"PINAGTATAGUAN mo ba ako? galit na tanong ni Jinky sa nobyo. Sinadya niya ito sa bahay nito mismo. "Bakit ko naman gagawin iyon?" Kaila ng binata."Ilang araw ka nang hindi nagpaparamdam sa akin." Nagbabadya na papatak ang luha niya dahil sa sama ng loob sa binata."You were just over thinking, Babe, busy lang ako sa trabaho dahil may bago akong hawak na malaking proyekto ngayon." Nilambing nito ang nobya, mahal naman niya ito ngunit hindi iyon sapat upang tumino siya sa buhay pagkabinata. Construction firm ang isa sa hinahawakan niyang negosyo. Mga kilalang engineer ang kanyang tauhan kung kaya malakas ang negosyo at marami ang nagtitiwala sa kanyang kompanya."Totoo ba iyan?" parang ice na natunaw ang galit ni Jinky nang yakapin siya ng nobyo.Isa sa magaling na Senior Engineer ang ama ni Jinky sa kompanya ng binata kung kaya nagkalapit ng husto ang dalawa."Hindi pa ba sapat na patunay ito?" Simpatiko ang ngiti ng binata at idinikit ang ibabang parte sa katawan ng dalaga."Ano ka
WEARING a short-sleeved blouse with collar and skirt above the knee. Pinatungan niya ang suot ng kulay asul na denim jacket. Nilugay din ang lampas balikat na buhok na medyo curly."Marie, is that you?" kausap niya sa sarili sa harap ng salamin. Napangiti siya sa kanyang hitsura, ibang-iba sa Joy na laging maluwag ang suot at old fashion pa. Sinuot muli ang salamin ngunit hindi na ganoon makapal. Hindi na siya mapagkamalan na siya si Divine Joy kung makita siya ng mga kasama sa trabaho.Nagkaroon ng kaunting confident sa sarili si Joy matapos maayos ang sarili. Itinatak sa isipan na siya ngayon si Devine Marie na siyang haharap sa ibang tao.Wala siyang kilala sa mga naroon kung kaya tahimik lamang siya na tumayo sa isang tabi. Samantalang ang iba ay nagkakamustahan at pakilala sa bawat isa na naroon."Which company you are belong, Miss? tanong ng isang matangkad at guwapong lalaki kay Joy."Villamor Manufacture Company, Sir." Magalang na sagot ng dalaga dito."Are you his—""His secr
"HEY!" Masayang bati ni Yosef kay Blue nang mamataan ito. Ilang gabi na rin siyang tumatambay doon at nagbabakasakali na makita muli ang babaing gumugulo sa kanyang isipan nitong mga nagdaang linggo."Miss me?" Nakangiti ngunit matamlay ang mukha ng dalaga."What's wrong?" May pag-aalalang tanong ni Yosef sa dalaga. Nakasuot ito ng makapal na Jacket at may saklob na nakasuot ngayon sa ulo nito."Mapagbigyan mo ba ako sa hihilingin ko kung sakali?" Malungkot na tanong ng dalaga za binata."Bakit ganyan ka kung magsalita? Para ka naman namamaalam." Biro ng binata pero nakaramdam siya ng kaba. Naiisip pa lang niya ay nalulungkot na siya."I'm dying!"Maiksi at mahinang salita pero parang bombang tumama sa pandinig ng binata."Huwag ka naman magbiro nang ganyan—""I'm serious!" putol nito sa iba pang sasabihin sana ng binata.Awang ang bibig at hindi makapaniwalang napatitig su Yosef sa mukha ng dalaga."Mahaba na ang limang buwan na taning ng doctor sa akin." Patuloy nito nang hindi na n
"Good morning, Mom!" Bati ni Yosef sa ina at humalik sa pisngi nito. "May bisita po pala kayo," anito na hindi agad nakilala ang Glginang na kausap ng ina sa balcon."Hindi mo na ba natatandaan ang Ninang Lydia mo, Hijo?" tanong ni Meldred sa anak."Ay sorry po, matagal na rin tayong hindi nagkita kung kaya hindi ko agad kayo nakilala." Hinging paumanhin ni Yosef sa ginang. Mahigit sampung taon na rin nang huli niya itong nakaharap."Ok lang Hijo, kumusta ka na? Ang laki na nang pinagbago mo at binatang-binata ka na." Natutuwang niyakap ni Lydia si Yosef."Hindi lang iyan binata Mare, matanda na rin siya pero ayaw pa mag-asawa." Naka ingos na kumento ng ina ni Yosef."Kung wala lang sana sakit ang aking anak eh pwede ko siyang ipakilala sa iyong binata, Mare." Malungkot na ngumiti ito sa mag-ina.Nakikinig lang si Yosef sa pag-uusap ng dalawang ginang habang umiinum ng kape. Ang alam niya ay nag-ampon ang kanyang ninang ng dalagita noon dahil walang kakayahan ang mga ito na magka anak
"MA'M Jinky, sandali po!" Pilit na hinaharangan ni Divine Joy ang pintuan ng opisina upang hindi makapasok ang babae sa loob."Kung sasabihin mo na wala siya sa loob o may ka meeting ay huwag ka nang humarang diyan kung ayaw mong ipatanggal kita sa trabaho mo ngayon din!" may kalakasan na bulyaw nito kay Joy. May nakapagsabi sa kanya na may bisita na namang babae ang nobyo kung kaya nagpunta siya roon."Ano ba ang ingay na iyan?" Dinig ni Divine ang baritonong boses ng amo kasabay nang pagbukas ng pintuan. Ang babaing ka meeting nito ay nasa likuran ng huli at nakataas ang kilay na nakatingin kay Jinky."Sino siya?" Turo ni Jinky sa babaing maganda pero mukhang kagalang-galang ang postura."Not now Jinky, please!" tiim bagang na bulong nito sa nobya, pure business ang pinag-uusapan nila ng kanyang bisita ngayon."Mukhang susugod sa gyera ang girlfriend mo, Mr. Villamor? Mauna na ako at ipaalam ko nalang sa iyo kung nakapag desisyon na ako kung ang company mo ang aking mapili." Hindi n
NAPASAPO sa dibdib si Divine Joy nang maibaba ang telepono. Tulala na napatingin kay Yosef na nasa kanyang harapan ngayon."Are you ok?" tanong muli ni Yosef sa kanyang secretary. Agad siyang lumabas upang kamustahin ito nang malaman na tinawagan ito ng kanyang Ninang Lydia at pinaalam na nasa Hospital si Marie."Hey!" Niyugyog na nito ang balikat ng dalaga dahil parang natuod na ito sa kinatatayuan."A-ang kapatid ko!" Nauutal na wika nito at nag-unahan sa pagpatak ang mga luha sa mata."Huminga ka muna ng malalim," agad na inabotan ito ng binata ng tubig. Parang tinusok ng karayom ang kanyang dibdib nang makitang umiiyak si Joy."Kailangan kong puntahan ang kapatid ko, baka napaano na siya!" Nanginginig ang kamay na inabot ang bag at hindi pinansin ang inaabot ng binata. "Samahan na kita," maagap na inalalayan ito ni Yosef dahil parang mabuwag sa pagkatayo.Patuloy lang na lumuluha si Joy habang nasa daan. Mabilis ang pagpatakbo ni Yosef ng sasakyan kung kaya thirty minutes lamang
PINADALA ni Yosef si Marie sa ibang bansa upang doon magpagamot. Naniniwala sila na may milagro pang mangyayari upang madugtongan ang buhay ng dalaga. Makabagong teknolohiya sa larangan ng medicine ang bansang Amerika at may nakausap ng doctor si Yosef upang magsagawa sa masilang operasyon ng dalaga."Maraming salamat, hindi ko alam kung paano kita mabayaran sa kabutihang ginawa mo para sa aking kapatid!" ani JOY sa binata nang mapagsolo sila sa opisina nito. Hindi siya nakasama sa pagpunta sa ibang bansa kahit pwede naman dahil wala siyang passport. Maantala lamang ang pagpagamot ng kapatid kung hintayin pa na ma-release ang kanyang passport."Huwag mo na isipin iyan, sapat na sa akin na manatili ka dito hangga't gusto ko." Makahulogang sagot ng binata."Pero kapag bumalik na si Marie, pwede na akong bumalik sa Kumbento hindi ba?" wala man kasiguradohan na mabuhay ang kapatid ay naniniwala siya sa awa ng Diyos."No!" matigas na tugon ni Yosef dito."Why?" nagugulohang tanong ni Joy
HINDI malaman ni Joy kung ano ang dapat gawin nang maglapat ang labi nila ng binata. Kinabig nito ang kanyang batok kung kaya hindi mailayo ang mukha mula dito."Uhmmp!" Pilit na nanlaban at tinutulak si Yosef ngunit lalo lamang naging marahas ito sa paghalik sa nakatikom niyang bibig."Ouch!" Daing ni Yosef at pinutol ang halik dahil inapakan ng dalaga ang kanyang paa."Bakit mo ako hinalikan? Manyak ka talaga kahit kailan, paano na kapag nalaman ito ng mga Madre? Baka hindi na nila ako tanggapin!" Umiiyak na sumbat ni Joy dito habang pinapalo ng palad sa dibdib ang binata."So ako ang first kiss mo?" Malapad ang ngiti na tanong pa nito at hindi ininda ang palo ng dalaga. Hinayaan niya lang ito na saktang siya hanggang sa mapagod."Nagawa mo pang matuwa na damuho ka!" Lalong nagalit ang dalaga, tumigil ito sa pag-iyak at padabog na iniwan ang binata sa labas ng bahay.Sumisipol habang nakangiti si Yosef na sinundan ang dalagang galit sa kanya. Mabilis ang hakbang at hinarang ang sari
TUMIGIL si Gerlie sa pag-iyak nang mapansin ang driver ng sinasakyang taxi na panay ang sulyap sa kanya at nakatitig pa sa kanyang cleavage. Ngayon lang niya natitigan ang mukha ng lalaki na tila naglalaway sa pasimpleng sulyap sa kanyang dibdib. Tumikhim siya at inayos ang sarili lalo na ang neckline ng kanyang suot. Kahit hindi pamilyar sa lugar, pumara na siya sa takot na baka maisipan ng driver na dalhin siya sa kung saan. "Five hundred and fifty pesos, miss," ani ng driver habang nakangiti sa kanya. "Bakit ang laki?" Nakamulagat ang mga mata na tanong niya sa driver. Wala pa namang kalahating oras ang kanilang itinakbo ngunit sinisingil na siya ng malaki. "Ganoon talaga, miss, kung hindi mo naman kaya magbayad ay tumatanggap ako ng isang halik lang." Parang gustong masuka ni Gerlie habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Iniisip pa lang niya na may ibang lalaki ang hahalik sa kanya maliban kay Khalid ay hindi niya matanggap. Amoy sigarilyo pa ang lalaking driver at mukhang tigan
"I have surprise for you!" Malapad ang ngiti na kumapit sa braso ni Khalid si Joy."Joy, wait!" Mahina ngunit mariin na awat niya sa dalaga nang pahila siya nitong inilalayo kay Gerlie. Ayaw niyang makaagaw ng atensyon ng mga taong nasa paligid kung kaya nagpatianod siya sa panghihila nito."C'mon, Honey, they're waiting!" masaya pa rin na wika ni Joy, hindi pinansin ang babaeng katabi nito kanina. Alam niya na kung sino ito at gumagawa siya ng paraan upang mailayo ang binata sa babae.Hindi pa man sila nakakalayo, nakita na niya kung sino ang tinutukoy ni Joy na sorpresa umano para sa kanya."Mom, Dad? What are you doing here?" gulat na tanong niya sa mga magulang."We're not invited?" Mataray na sagot ng kanyang ina. "Salamat kay Joy at nakapunta kami dito ng ama mo para um-attend sa kasal ng kaibigan mo. Siya ang nag-asikaso sa papers namin at gumastos." Tonong nanunumbat na ani ng kaniyang ina gamit ang kanilang salita."We have money, Mom!" iritadong sagot niya sa ina. Mukhang g
KABA ang nararamdaman ni Gerlie ngayon sa halip na pananabik sa pagtuntong muli sa bansang Pilipinas. Nagkausap na sila ni Troy at alam na nito ang relasyon nila ni Khalid. Si Xander naman ay hindi niya maarok kung ano ang saloobin ukol sa nakikitang pagbakod sa kanya ni Khalid. Hindi ito nagtatanong at hindi rin nagbago ng pakikitungo sa kanya. Sa huling isang linggo niyang pananatili sa Hong Kong ay naririnig niya ang chismis kapag sinasama siya ng binata. Naghihinala ang mga ito kung ano talaga ang relasyon nila ng binata dahil palagi siyang hinahanap nito kapag nawala lang saglit. Hindi pa rin naniniwala si Daisy na isa siyang tunay na babae."You were not happy to see your sister again?" tanong ni Khalid nang mapansin na tila hindi masaya ang dalaga."I do, just don't mind me." Pilit na ngumiti siya sa binata. Hindi niya masabi dito na alangan siyang sumama dito sa ganaping kasal nila Zoe and Jhaina. Nahihiya siya makipaghalubilo sa sirkulasyon ng mayayamang kamag-anak at kaibiga
"LOOK at what you did!" Namumula ang pisngi na turo niya sa mantsa na nasa kubre kama. Maraming dugo ang lumabas sa kanya. Maliban sa dugo na galing sa pagkapunit ng kanyang pagka birhen, dinugo rin siya ulit dahil sa na puwersa sa ginawa nilang pagniniig ng binata.Masayang tumawa ang binata habang buhat ang dalaga upang dalhin sa bathtub nito mismo. Hindi niya pinansin ang reklamo nito at basta na niya ito binalot ng puting kumot upang hindi lamigin. Gusto niyang siya ang magpaligo dito at hugasan ang mantsa ng dugo na dumaloy sa makinis nitong hita."Don't worry, love, I will give it to the laundry.""No, I don't want other people see my blood." May kasama pang iling habang nakanguso na turan niya sa binata."Ok, ok!" Sumusuko na anito habang marahan na inilapag ang dalaga sa kanyang bathtub. "I will wash it, then."Lihim na napangiti ang dalaga sa sagot ng binata. Sobrang mahal nga siya talaga nito at ramdam niya ang pag-iingat nito sa kanyang katawan. Para siyang babasaging cryst
FEELING ni Gerlie ay sobrang ganda niya ngayon habang tinititigan ang sariling mukha sa salamin. Nakaalis na ang binata upang pumasok sa opisina pero ang halik nito sa kanya kanina ay ramdam pa rin niya hanggang ngayon. Hinubad niya ang damit habang nakaharap pa rin sa malaking salamin. Agad na tumambad sa kanyang paningin ang namumula niyang dibdib. Halos puno iyon mg marka dulot mg halik ng manyak niyang amo. Kahit walang linaw ang relasyon nila, masaya na siya at kuntento sa kaalamang mahal siya nito.Mabagal ang ginawa niyang pagkilos habang naliligo. Wala naman siyang gagawin, may isang oras nang nakaalis ang binata at bilin nito na magpahinga lang umano siya. Kahit wala naman silang ginawa kagabi at kaninang umaga ay feeling nito napagod siya sa likot ng kamay nito at kaadikan sa halik.Napatitig siya sa kanyang munting kayaman na namaga yata sa kakalamas ng binata. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Lyca nang tawagan niya ito kanina."Lalake rin iyan kapag nagka asawa ka na."
NAUDLOT ang tangkang paghawak sana ni Gerlie sa kamay ni Khalid upang alisin iyon sa loob ng kanyang damit nang mag-umpisa itong humagod roon. Napasinghap siya nang tila na kuryente siya hatid ng init ng palad nito at muling nag-init ang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung paano nito naalis ang tabing ng kanyang munting kayamanan kanina nang hindi nahuhubad ang kanyang blusa.Parang bampirang uhaw sa dugo ang binata na humahalik sa kaniyang leeg ng dalaga habang naglalaro ang isang kamay sa malambot na bundok nito. May kasamang kagat ang halik dahil sa gigil at dinadaanan ng dila ang mabango nitong leeg. Para siyang adik na hindi makuntinto sa paghalik lamang sa leeg ng dalaga. Gusto niyang mag-iwan ng love-mark sa balat nito pero sa tagong parte lamang. Tumigil siya sa paghalik dito at pinakatitigan muna ang mukha ng dalaga. Lalong naghurimintado ang kaniyang libido nang masalubong ang namumungay nitong ang mga mata. Napangiti siya at mabilis kinintalan ng halik ang nakaawang ni
"NAKU po! Galit na naman ang dragon!" Kagat ang ibabang labi na bulong ni Gerlie sa kanyang sarili nang humarap sa kanya ang binata. May nakaharang na sofa sa pagitan nila kung kaya napauklo siya ng tayo dahil pahaklit ang hawak nito sa mga kamay niya. Banaag sa mukha ng lalaki ang galit habang pinakatitigan siya."What do you have that makes my heart melt everytime you were around? Why can't I get rid of your face in my mind?"Napaawang ang labi ni Gerlie sa narinig at sa nakikitang pagkalito sa mukha ngayon ng binata. Biglang umamo ang mukha nito at mukhang nawawala. Tanging paglunok lamang ng sariling laway ang nagawa niya dahil biglang tinambol ang kanyang dibdib sa kabang naramdaman. Na excite siya na kinakabahan sa kung ano pa ang sunod na sasabihin ng binata sa kanya."I hate myself now!"Nanlaki ang mga mata ng dalaga at nabawasan ang excitement na nararamdaman. Mukhang masama ang epikto ng kaniyang kabaklaan sa binata."You know why?"Umiling lang siya bilang sagot sa tanong
PAGGISING ni Gerlie ay wala na ang binata. Nag-iwan lang ito ng note sa lamesa na manatili siya sa bahay at huwag lumabas hangga't hindi ito dumarating. Wala siyang magawa kindit ang sundin ang utos nito. Hindi naman siya naiinip dahil kagi niyang kausap ang kapatid ang kaibigan sa chat. Pero nagugulohan pa rin siya dahil wala pa ring linaw kung ano ang dahilan at nakipag suntokan ito kay Troy nang gabing iyon. Hindi rin niya nakikita sina Troy dahil nga kulong lang siya sa pad nito.Isang linggo rin ang lumipas na ganoon ang buhay niya. Tila ba sinasadyang ikulong lang siya doon ng binata at ayaw nito na may ibang makakita sa kanya."Ano ba talaga ang trabaho ko rito?" Reklamo niya habang naglilinis dahil walang magawa. Nililinis niya ang sala at silid niya, tanging silid ng lalaki lang ang hindi niya pinapasok upang linisin dahil takot siyang pumasok doon na walang pahintulot ng binata.Dumating ang gabi na mag-isa na naman siyang kumain at wala pa ang amo. Ramdam niyang umiiwas din
NAIHILAMOS ni Khalid ang sariling palad sa mukha nang makaalis na si Joy. Kinakain ng frustration ang sariling isip ngayon dahil sa gumugulo sa kanyang isipan. "Damn! What the hell is happening to you, man?" numura niya ang sarili sa harap ng salamin. Napatitig si Khalid sa kanyang repliksyon, guwapo pa rin naman siya kahit mukhang tagtuyot mula nang magkaroon siya ng tutor. Gusto niyang suntokin ang sariling mukhang nakikita sa salamin nang makipagtitigan siya sa kaniyang repleksyon. Tila nakakalokong ngumiti ito kahit seryoso naman ang mukha niya. Kung may sariling isip lamang iyon ay baka masabi nito sa kanya na, 'karma mo na iyan sa pagiging manyak. Lalaki lang pala ang katapat mo?'"Fuck you!" ang naisigaw niya kasabay ng pagsipa sa maliit na lamesa. Lumikha iyon ng ingay kung kaya natauhan siya. Napabuntonghininga siya bago inayos ang sarili at nagpasyang lumabas ng silid upang uminum ng tubig.Pagkalabas ay napatigil siya sa harap ng pinto ng bakla. Naikuyom niya ang kamao at