"KUMUSTA?" Agad na bati ni Yosef kay Blue nang magkita sila muli sa bar.
"Ok lang, balita ko may inuwi kang babae nakaraang linggo?" bahagyang ngumiti sa kausap ang babae.
"Ah, hindi ko kilala iyon." Napakamot sa batok na sagot ni Yosef.
"Ikaw ha, sobrang hilig mo sa babae baka magkasakit ka niyan ng H.I.V." Sermon nito sa binata.
"Hindi iyan, maingat ako."
"Sana lang ay magbago ka kapag natagpuan mo na ang babaeng alayan mo ng iyong pangalan." Malungkot na wika ni Blue.
"Bakit ba tungkol sa ganyan ang pinag-uusapan natin?" nailang bigla ang binata. "Maiba tayo, pumayat ka yata?" Sinuri nito ang pigura ng dalaga.
"Stress lang sa trabaho kaya pumayat. Hindi rin ako magtatagal dahil malayo ang uuwian ko ngayon."
Nakaramdam ng pagkadismaya si Yosef, gusto pa sana niyang makipagkwentohan sa dalaga.
"Ihatid na kita kung gusto mo?" alok nito sa huli.
"No need, but thanks! Kasama ko ang driver ko."
Kahit nakangiti ang dalaga ay nababanaag niya ang lungkot sa mukha nito. Gusto niya sanang alamin at baka makatulong siya ngunit nagmamadali itong nagpaalam.
...
"TUMAWAG ang kapatid mo."
Natigil sa pagpasok sa kanyang silid si Marie nang marinig ang tinig ng Ina.
"Wala ka ba talagang balak ipaalam sa kanya ang kalagayan mo, Anak?" Malungkot na tanong ni Lydia nang hindi magsalita si Marie.
"Hindi ko po kayang makita siyang nasasaktan, Mom!" hindi lumilingon na tugon sa Ina. Mabigat ang mga hakbang na tumuloy sa kanyag silid at nakayukong umupo sa gilid ng kama.
Naawa na sinundan ito ni Lydia, siya ang nasasaktan higit kanino man. Halos maubos na ang kaunting kayaman nilang mag-asawa sa pagpagamot dito ngunit parang wala ng lunas ang sakit nito sa ulo. Nakuha nito ang sakit nito noong maliit pa sa hindi niya alam na dahilan. May namuong dugo malapit sa utak nito at hindi basta maoperahan ito dahil humina na rin ang katawan. Nagkaroon ng komplikasyon at maging ang ibang parte ng katawan nito ay naapiktuhan.
"Lalo siyang masasaktan kapag sa huli na niya malaman, Anak. Aam mo kung gaano ka niya kamahal!"
"Hindi ko po kaya na makita siyang umiiyak, Ma. Lalo lang po akong mahihirapan na dalhin ang sakit ko pati ang bigat ng kalooban!" Umiiyak na tugon nito sa kinikilalang ina.
"May awa ang Panginoon, Anak! Huwag ka mawalan ng pag-asa! Lumaban ka hindi lang para sa amin ng Papa mo kundi para na rin sa iyong kapatid!" Humagulhol na rin ng iyak ang ginang habang yakap ng mahigpit si Marie.
Pinainum niya ito ng gamot nang biglang kumirot muli ang sakit sa ulo. Hilam ng luha ang pisngi ng dalaga na nakatulog. Kinumotan ito ng ginang matapos punasan ng palad ang basang pisngi ng anak. Taimtim ang dasal na sana ay magkaroon ng milagro para sa anak na may malubhang sakit.
....
"MABUTI naman at tumawag ka!" himig nagtatampo na wika ni Divine nang tumawag ang kapatid.
"Ate!" Pinasigla ni Marie ang kanyang boses.
"Oh bakit masaya ka yata?" Nakangiti habang kausap ang kapatid.
"Nagkita po kami kagabi!" Kinikilig na tugon nito.
"Divine Marie! Sinasabi ko sa iyo noon pa, hindi ko siya gusto para sa iyo! seryosong sita nito sa kakambal.
"Ate naman, akala ko ba ay love mo ang lahat ng love ko?" parang bata na tugon nito at alam ni Divine Joy na nanunulis ang nguso ng kapatid mula sa kabilang linya ngayon.
"Mahal ko ang mga mahal mo sa buhay maliban sa lalaking iyon!" seryoso pa rin si Joy.
"Ate please, give him a chance? Magbabago din siya sa tamang panahon. Kapag nakausap mo siya ng sarilinan at makilala ang pagkatao niya, baka ma fall ka rin sa kanya."
"Tumigil ka Marie! Alam mo ang pangarap ko sa buhay. Pinagbigyan lamang kita sa hiling mo na ito dahil gusto ko rin na kilalanin ang lalaking napusuan mo. Habang maaga ay kalimutan mo na siya dahil hindi ko siya gusto at masasaktan ka lamang sa kanya."
Dinig ni Joy na napabuntonghininga ang kapatid at hindi na ito muling nagsalita upang ipagtangol ang lalaking gusto nito. Bigla siyang nakunsensya nang maramdaman na nalulungkot ito.
"Nasaan ka ba ngayon at hindi ka nagpapakita sa akin? Miss na kita, twin!" paglalambing nito sa huli upang hindi na magtampo sa kanya dahil sa pag-ayaw sa lalaking crush umano nito.
"Nasa probinsya ako ate kasama si Mama. Sobrang miss na rin po kita, kapatid ko!" namamalat ang lalamunan na tugon ni Marie.
"May sakit ka ba?"
"Huh? Wala ate, medyo malamig ang klima dito kung kaya parang sisipunin ako." Mabilis na pagkaila ni Marie sa kapatid.
"Uminom ka agad ng gamot!"
"Tapos na po! Ahm ate, pwede makahingi pa ng isang pabor sa iyo?" nag-aalinlangan na tanong ni Marie sa kapatid.
"Kung tungkol sa lalaking iyon ay huwag mo nang ituloy." Tila nabasa nito ang isip ng kapatid.
"Ate please?" Malambing na pakiusap ni Marie sa kapatid at bahagya pang umubo.
"Ano ba ang nakikita mo sa manyak na lalaking iyon at para kang tuta na bumubuntot doon?" Iritableng tanong niya sa kapatid.
"Ate.. kasi may usapan kami na magkikita kami bukas sa lugar na lagi namin pinupuntahan. Baka po pwede ikaw muna ang pumalit bilang ako dahil parang tatrangkasuhin ako ngayon." Pinalungkot pa nito ang boses at umubo muli.
"Last na ito, maliwanag?" Napilitang umoo si Joy. Sobrang mahal niya ito at hindi kayang paghindian. Alam din niya na lahat ng paborito niya ay ginagaya nito tulad ng kulay. Maging ang kanyang pangalan ay ginamit din nito sa pag-apply sa trabaho. Wala namang problema sa kanya, ang ayaw niya lang na ginagawa nito ay halos wala nang itira sa sariling sahod sa trabaho dahil nilalagak nito sa pundo ng kumbento at sa kanya.
"Thank you ate ko!" masayang wika nang nasa kabilang linya.
Binigay agad sa kanya ang instructions kung ano ang dapat gawin at kung saang lugar. Bigla pang lumaki ang ulo niya nang malaman na sa bar ang mga ito nagkikita palagi. Magkamukha sila ni Devine Marie at iilan lang ang nakakaalam na may kambal ito at siya iyon. May umampon na mag-asawa sa kaniyang kapatid noon at siya ay naiwan sa kumbento. Ngunit hindi sila nawalan ng communication ng kapatid at lalong tumibay ang kanilang relasyon bilang magkapatid.
"Humanda ka sa akin na lalaki ka!" ang naibulong sa sarili ni Joy. Kung mukha lang ang pagbabasihan ay wala sila pinagkaiba ni Marie. Kung kaya nitong gayahin ang istelo niya sa pag aayos sa mukha at damit ay kaya niya rin gayahin ito.
May ngiti sa labi na ibinaba ni Marie ang telepono matapos ang pag-uusap nila ng kakambal.
"Sorry Ate, ginagawa ko ito para sa iyo. Gusto ko na nasa maayos at masaya ka sa iyong buhay bago kita iwan sa mundong ito." Muling tumulo ang luha habang tinititigan ang larawan nilang magkapatid noong magkasama pa sila sa Kumbento.
Napapikit siya at inalala ang panahon kung paano sila magkasama na magkapatid at napadpad sa lansangan. Limang taon lamang sila noon nang basta na iwan ng kanilang madrasta sa isang kalye dahil hindi umano sila kayang buhayin pa. Patay na ang kanilang tunay na ina nang isilang sila at ang ama ay nag-asawa muli. Namatay din ito dahil sa aksidente kung kaya basta na sila itinapon sa kalye ng madrasta.
"Huwag ka nang umiyak at matakot, nandito si Ate at hindi kita iiwan!" Gumanti si Marie ng yakap sa kapatid na pilit nagmamatapang para sa kaniya.
Parehong umiiyak silang dalawa na magkayakap sa isang madilim na sulok. Ang dungis na nila dahil maghapon naglalakad sa paghahanap ng daan pauwi sa kanilang bahay. Ang natandaan lang nila ay sumakay sila ng bus at bumeyahe ng mahabang oras. May nagbibigay sa kanila ng pagkain kapag humingi at naawa ngunit walang may gustong kumupkop sa kanila.
"Ate, baka po may momo dito!" Nanginginig sa takot na wika ni Marie.
"Magdasal tayo!"
Sa murang edad ay matalas na ang kanilang isip lalo na si Joy. Malakas ang pananalig sa itaas na siyang turo sa kanila ng ama noong nabubuhay pa ito.
Kinabukasan ay naglakad muli sila hanggang napadpad sa isang kumbento ng mga madre. Naawa ang mga ito nang makita sila at kinupkop. Sila ang kauna-unahang bata na kinupkop nang naturang Kumbento. Naging maayos ang mga unang buwan nilang pagtira sa kumbento hanggang sa inabot ng marami pang taon. Ngunit isang araw ay kinausap sila ng mother superior.
"Mga Anak, may gustong mag ampon ng bata na mag-asawa, papayag ba kayo kung isa sa inyo ay kunin nila?" kausap sa kanila ni Mother Theresa, sampong taon na sila ng mga panahong iyon.
"Hindi po ba pwede na dalawa kami ni Ate ang kunin nila?" malungkot na tanong ni Marie. Ayaw niyang mapawalay sa kapatid at umalis sa tahanang iyon ngunit kailangan dahil kinakapos sa badget ang Kumbento at malaki na rin sila. Kailangan nila umano lumabas na ng tahanan at mamuhay ng normal sa labas bilang isang mabuting mamayan.
"Hindi ganoon kayaman ang mag-asawa mga anak. Wala silang kakayahang magkaroon ng sariling anak kung kaya naisip nilang mag-ampon.
"Si Marie na lang po ang ibigay niyo, Mother!" sabat ni Joy, sakitin ang kanyang kapatid at kailangan nito maipagamot palagi. Marahil ay dala ng pamamalupit ng kanilang madrasta noon.
Lagi silang sinasaktan at nakita pa niya nang iuntog ang ulo ng kapatid sa isang upuan. Kahit bata pa ay nakaramdam ng galit noon si Joy sa madrasta at kinagat sa binti ito kung kaya napagpalo din siya ng husto. Hindi na niya matandaan ang mukha ng madrasta ngayon at kung saan sila dati nakatira.
"Ayaw ko ate, paano ka?" Umiiyak na umiling si Marie.
"Makakabuti sa iyo ang manirahan sa labas Marie. Nandito lang naman ako." Nakangiti na inalo niya ang kapatid.
"Huwag ka nang malungkot, hindi naman malayo ang tinitirhan ng aampon sa iyo. Kausapin natin sila na kung maari ay payagan kang dumalaw palagi dito sa iyong kapatid!" ani Theresa na nalulungkot din na mapawalay sa kanila ang isa nilang ampon.
Nang araw ding iyon ay isinama ng mag-asawa si Marie. Mababait ang mga ito kung kaya napanatag na rin ang loob ni Divine Joy. Tuwing linggo ay dumadalaw si Devine Marie sa kapatid at may pasalubong palaging dala. Kahit nagkahiwalay ay updated sila sa buhay ng bawat isa lalo na sa buhay ni Marie sa labas ng kumbento.
"ANO ang kinain mo at biglang bumalik sa dati ang pangangatawan mo?" pabirong tanong ni Yosef kay Blue nang magkita sila muli nang gabing iyon."Ano ang ibig mong sabihin?" Kunot ang noo na tanong ng dalaga.May pagtataka na tinitigan ni Yosef ang kaharap. Parang may mali dito na hindi niya matukoy. Ganoon pa rin naman ang mukha pero mukhang tumapang? Hindi pa ito tumawa sa kanyang birong totoo. Maging ang boses ay parang may mali rin."Kahapon lang tayo nagkita at alam mong napuna ko rin ang iyong pangangatawan." Hindi hinihiwalayan ng tingin ang dalaga. Iwan ba niya pero parang na magnet ang kanyang mata sa mukha nito ngayon. Tila lalong gumanda sa kanyang paningin at nagustuhan niya ang katarayang taglay ng aura nito ngayon."Payat ba talaga ako kahapon?" Nanlalim ang mga mata na tumitig sa kaharap. Naiinis si Marie dito pero kailangan niya itong kausapin para sa kapatid. Bigla din siyang nag-alala sa kaalamang nangayat ang kapatid nang hindi niya alam."Ano ba ang nangyari sa iyo
"PINAGTATAGUAN mo ba ako? galit na tanong ni Jinky sa nobyo. Sinadya niya ito sa bahay nito mismo. "Bakit ko naman gagawin iyon?" Kaila ng binata."Ilang araw ka nang hindi nagpaparamdam sa akin." Nagbabadya na papatak ang luha niya dahil sa sama ng loob sa binata."You were just over thinking, Babe, busy lang ako sa trabaho dahil may bago akong hawak na malaking proyekto ngayon." Nilambing nito ang nobya, mahal naman niya ito ngunit hindi iyon sapat upang tumino siya sa buhay pagkabinata. Construction firm ang isa sa hinahawakan niyang negosyo. Mga kilalang engineer ang kanyang tauhan kung kaya malakas ang negosyo at marami ang nagtitiwala sa kanyang kompanya."Totoo ba iyan?" parang ice na natunaw ang galit ni Jinky nang yakapin siya ng nobyo.Isa sa magaling na Senior Engineer ang ama ni Jinky sa kompanya ng binata kung kaya nagkalapit ng husto ang dalawa."Hindi pa ba sapat na patunay ito?" Simpatiko ang ngiti ng binata at idinikit ang ibabang parte sa katawan ng dalaga."Ano ka
WEARING a short-sleeved blouse with collar and skirt above the knee. Pinatungan niya ang suot ng kulay asul na denim jacket. Nilugay din ang lampas balikat na buhok na medyo curly."Marie, is that you?" kausap niya sa sarili sa harap ng salamin. Napangiti siya sa kanyang hitsura, ibang-iba sa Joy na laging maluwag ang suot at old fashion pa. Sinuot muli ang salamin ngunit hindi na ganoon makapal. Hindi na siya mapagkamalan na siya si Divine Joy kung makita siya ng mga kasama sa trabaho.Nagkaroon ng kaunting confident sa sarili si Joy matapos maayos ang sarili. Itinatak sa isipan na siya ngayon si Devine Marie na siyang haharap sa ibang tao.Wala siyang kilala sa mga naroon kung kaya tahimik lamang siya na tumayo sa isang tabi. Samantalang ang iba ay nagkakamustahan at pakilala sa bawat isa na naroon."Which company you are belong, Miss? tanong ng isang matangkad at guwapong lalaki kay Joy."Villamor Manufacture Company, Sir." Magalang na sagot ng dalaga dito."Are you his—""His secr
"HEY!" Masayang bati ni Yosef kay Blue nang mamataan ito. Ilang gabi na rin siyang tumatambay doon at nagbabakasakali na makita muli ang babaing gumugulo sa kanyang isipan nitong mga nagdaang linggo."Miss me?" Nakangiti ngunit matamlay ang mukha ng dalaga."What's wrong?" May pag-aalalang tanong ni Yosef sa dalaga. Nakasuot ito ng makapal na Jacket at may saklob na nakasuot ngayon sa ulo nito."Mapagbigyan mo ba ako sa hihilingin ko kung sakali?" Malungkot na tanong ng dalaga za binata."Bakit ganyan ka kung magsalita? Para ka naman namamaalam." Biro ng binata pero nakaramdam siya ng kaba. Naiisip pa lang niya ay nalulungkot na siya."I'm dying!"Maiksi at mahinang salita pero parang bombang tumama sa pandinig ng binata."Huwag ka naman magbiro nang ganyan—""I'm serious!" putol nito sa iba pang sasabihin sana ng binata.Awang ang bibig at hindi makapaniwalang napatitig su Yosef sa mukha ng dalaga."Mahaba na ang limang buwan na taning ng doctor sa akin." Patuloy nito nang hindi na n
"Good morning, Mom!" Bati ni Yosef sa ina at humalik sa pisngi nito. "May bisita po pala kayo," anito na hindi agad nakilala ang Glginang na kausap ng ina sa balcon."Hindi mo na ba natatandaan ang Ninang Lydia mo, Hijo?" tanong ni Meldred sa anak."Ay sorry po, matagal na rin tayong hindi nagkita kung kaya hindi ko agad kayo nakilala." Hinging paumanhin ni Yosef sa ginang. Mahigit sampung taon na rin nang huli niya itong nakaharap."Ok lang Hijo, kumusta ka na? Ang laki na nang pinagbago mo at binatang-binata ka na." Natutuwang niyakap ni Lydia si Yosef."Hindi lang iyan binata Mare, matanda na rin siya pero ayaw pa mag-asawa." Naka ingos na kumento ng ina ni Yosef."Kung wala lang sana sakit ang aking anak eh pwede ko siyang ipakilala sa iyong binata, Mare." Malungkot na ngumiti ito sa mag-ina.Nakikinig lang si Yosef sa pag-uusap ng dalawang ginang habang umiinum ng kape. Ang alam niya ay nag-ampon ang kanyang ninang ng dalagita noon dahil walang kakayahan ang mga ito na magka anak
"MA'M Jinky, sandali po!" Pilit na hinaharangan ni Divine Joy ang pintuan ng opisina upang hindi makapasok ang babae sa loob."Kung sasabihin mo na wala siya sa loob o may ka meeting ay huwag ka nang humarang diyan kung ayaw mong ipatanggal kita sa trabaho mo ngayon din!" may kalakasan na bulyaw nito kay Joy. May nakapagsabi sa kanya na may bisita na namang babae ang nobyo kung kaya nagpunta siya roon."Ano ba ang ingay na iyan?" Dinig ni Divine ang baritonong boses ng amo kasabay nang pagbukas ng pintuan. Ang babaing ka meeting nito ay nasa likuran ng huli at nakataas ang kilay na nakatingin kay Jinky."Sino siya?" Turo ni Jinky sa babaing maganda pero mukhang kagalang-galang ang postura."Not now Jinky, please!" tiim bagang na bulong nito sa nobya, pure business ang pinag-uusapan nila ng kanyang bisita ngayon."Mukhang susugod sa gyera ang girlfriend mo, Mr. Villamor? Mauna na ako at ipaalam ko nalang sa iyo kung nakapag desisyon na ako kung ang company mo ang aking mapili." Hindi n
NAPASAPO sa dibdib si Divine Joy nang maibaba ang telepono. Tulala na napatingin kay Yosef na nasa kanyang harapan ngayon."Are you ok?" tanong muli ni Yosef sa kanyang secretary. Agad siyang lumabas upang kamustahin ito nang malaman na tinawagan ito ng kanyang Ninang Lydia at pinaalam na nasa Hospital si Marie."Hey!" Niyugyog na nito ang balikat ng dalaga dahil parang natuod na ito sa kinatatayuan."A-ang kapatid ko!" Nauutal na wika nito at nag-unahan sa pagpatak ang mga luha sa mata."Huminga ka muna ng malalim," agad na inabotan ito ng binata ng tubig. Parang tinusok ng karayom ang kanyang dibdib nang makitang umiiyak si Joy."Kailangan kong puntahan ang kapatid ko, baka napaano na siya!" Nanginginig ang kamay na inabot ang bag at hindi pinansin ang inaabot ng binata. "Samahan na kita," maagap na inalalayan ito ni Yosef dahil parang mabuwag sa pagkatayo.Patuloy lang na lumuluha si Joy habang nasa daan. Mabilis ang pagpatakbo ni Yosef ng sasakyan kung kaya thirty minutes lamang
PINADALA ni Yosef si Marie sa ibang bansa upang doon magpagamot. Naniniwala sila na may milagro pang mangyayari upang madugtongan ang buhay ng dalaga. Makabagong teknolohiya sa larangan ng medicine ang bansang Amerika at may nakausap ng doctor si Yosef upang magsagawa sa masilang operasyon ng dalaga."Maraming salamat, hindi ko alam kung paano kita mabayaran sa kabutihang ginawa mo para sa aking kapatid!" ani JOY sa binata nang mapagsolo sila sa opisina nito. Hindi siya nakasama sa pagpunta sa ibang bansa kahit pwede naman dahil wala siyang passport. Maantala lamang ang pagpagamot ng kapatid kung hintayin pa na ma-release ang kanyang passport."Huwag mo na isipin iyan, sapat na sa akin na manatili ka dito hangga't gusto ko." Makahulogang sagot ng binata."Pero kapag bumalik na si Marie, pwede na akong bumalik sa Kumbento hindi ba?" wala man kasiguradohan na mabuhay ang kapatid ay naniniwala siya sa awa ng Diyos."No!" matigas na tugon ni Yosef dito."Why?" nagugulohang tanong ni Joy
TUMIGIL si Gerlie sa pag-iyak nang mapansin ang driver ng sinasakyang taxi na panay ang sulyap sa kanya at nakatitig pa sa kanyang cleavage. Ngayon lang niya natitigan ang mukha ng lalaki na tila naglalaway sa pasimpleng sulyap sa kanyang dibdib. Tumikhim siya at inayos ang sarili lalo na ang neckline ng kanyang suot. Kahit hindi pamilyar sa lugar, pumara na siya sa takot na baka maisipan ng driver na dalhin siya sa kung saan. "Five hundred and fifty pesos, miss," ani ng driver habang nakangiti sa kanya. "Bakit ang laki?" Nakamulagat ang mga mata na tanong niya sa driver. Wala pa namang kalahating oras ang kanilang itinakbo ngunit sinisingil na siya ng malaki. "Ganoon talaga, miss, kung hindi mo naman kaya magbayad ay tumatanggap ako ng isang halik lang." Parang gustong masuka ni Gerlie habang nakatitig sa mukha ng lalaki. Iniisip pa lang niya na may ibang lalaki ang hahalik sa kanya maliban kay Khalid ay hindi niya matanggap. Amoy sigarilyo pa ang lalaking driver at mukhang tigan
"I have surprise for you!" Malapad ang ngiti na kumapit sa braso ni Khalid si Joy."Joy, wait!" Mahina ngunit mariin na awat niya sa dalaga nang pahila siya nitong inilalayo kay Gerlie. Ayaw niyang makaagaw ng atensyon ng mga taong nasa paligid kung kaya nagpatianod siya sa panghihila nito."C'mon, Honey, they're waiting!" masaya pa rin na wika ni Joy, hindi pinansin ang babaeng katabi nito kanina. Alam niya na kung sino ito at gumagawa siya ng paraan upang mailayo ang binata sa babae.Hindi pa man sila nakakalayo, nakita na niya kung sino ang tinutukoy ni Joy na sorpresa umano para sa kanya."Mom, Dad? What are you doing here?" gulat na tanong niya sa mga magulang."We're not invited?" Mataray na sagot ng kanyang ina. "Salamat kay Joy at nakapunta kami dito ng ama mo para um-attend sa kasal ng kaibigan mo. Siya ang nag-asikaso sa papers namin at gumastos." Tonong nanunumbat na ani ng kaniyang ina gamit ang kanilang salita."We have money, Mom!" iritadong sagot niya sa ina. Mukhang g
KABA ang nararamdaman ni Gerlie ngayon sa halip na pananabik sa pagtuntong muli sa bansang Pilipinas. Nagkausap na sila ni Troy at alam na nito ang relasyon nila ni Khalid. Si Xander naman ay hindi niya maarok kung ano ang saloobin ukol sa nakikitang pagbakod sa kanya ni Khalid. Hindi ito nagtatanong at hindi rin nagbago ng pakikitungo sa kanya. Sa huling isang linggo niyang pananatili sa Hong Kong ay naririnig niya ang chismis kapag sinasama siya ng binata. Naghihinala ang mga ito kung ano talaga ang relasyon nila ng binata dahil palagi siyang hinahanap nito kapag nawala lang saglit. Hindi pa rin naniniwala si Daisy na isa siyang tunay na babae."You were not happy to see your sister again?" tanong ni Khalid nang mapansin na tila hindi masaya ang dalaga."I do, just don't mind me." Pilit na ngumiti siya sa binata. Hindi niya masabi dito na alangan siyang sumama dito sa ganaping kasal nila Zoe and Jhaina. Nahihiya siya makipaghalubilo sa sirkulasyon ng mayayamang kamag-anak at kaibiga
"LOOK at what you did!" Namumula ang pisngi na turo niya sa mantsa na nasa kubre kama. Maraming dugo ang lumabas sa kanya. Maliban sa dugo na galing sa pagkapunit ng kanyang pagka birhen, dinugo rin siya ulit dahil sa na puwersa sa ginawa nilang pagniniig ng binata.Masayang tumawa ang binata habang buhat ang dalaga upang dalhin sa bathtub nito mismo. Hindi niya pinansin ang reklamo nito at basta na niya ito binalot ng puting kumot upang hindi lamigin. Gusto niyang siya ang magpaligo dito at hugasan ang mantsa ng dugo na dumaloy sa makinis nitong hita."Don't worry, love, I will give it to the laundry.""No, I don't want other people see my blood." May kasama pang iling habang nakanguso na turan niya sa binata."Ok, ok!" Sumusuko na anito habang marahan na inilapag ang dalaga sa kanyang bathtub. "I will wash it, then."Lihim na napangiti ang dalaga sa sagot ng binata. Sobrang mahal nga siya talaga nito at ramdam niya ang pag-iingat nito sa kanyang katawan. Para siyang babasaging cryst
FEELING ni Gerlie ay sobrang ganda niya ngayon habang tinititigan ang sariling mukha sa salamin. Nakaalis na ang binata upang pumasok sa opisina pero ang halik nito sa kanya kanina ay ramdam pa rin niya hanggang ngayon. Hinubad niya ang damit habang nakaharap pa rin sa malaking salamin. Agad na tumambad sa kanyang paningin ang namumula niyang dibdib. Halos puno iyon mg marka dulot mg halik ng manyak niyang amo. Kahit walang linaw ang relasyon nila, masaya na siya at kuntento sa kaalamang mahal siya nito.Mabagal ang ginawa niyang pagkilos habang naliligo. Wala naman siyang gagawin, may isang oras nang nakaalis ang binata at bilin nito na magpahinga lang umano siya. Kahit wala naman silang ginawa kagabi at kaninang umaga ay feeling nito napagod siya sa likot ng kamay nito at kaadikan sa halik.Napatitig siya sa kanyang munting kayaman na namaga yata sa kakalamas ng binata. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Lyca nang tawagan niya ito kanina."Lalake rin iyan kapag nagka asawa ka na."
NAUDLOT ang tangkang paghawak sana ni Gerlie sa kamay ni Khalid upang alisin iyon sa loob ng kanyang damit nang mag-umpisa itong humagod roon. Napasinghap siya nang tila na kuryente siya hatid ng init ng palad nito at muling nag-init ang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung paano nito naalis ang tabing ng kanyang munting kayamanan kanina nang hindi nahuhubad ang kanyang blusa.Parang bampirang uhaw sa dugo ang binata na humahalik sa kaniyang leeg ng dalaga habang naglalaro ang isang kamay sa malambot na bundok nito. May kasamang kagat ang halik dahil sa gigil at dinadaanan ng dila ang mabango nitong leeg. Para siyang adik na hindi makuntinto sa paghalik lamang sa leeg ng dalaga. Gusto niyang mag-iwan ng love-mark sa balat nito pero sa tagong parte lamang. Tumigil siya sa paghalik dito at pinakatitigan muna ang mukha ng dalaga. Lalong naghurimintado ang kaniyang libido nang masalubong ang namumungay nitong ang mga mata. Napangiti siya at mabilis kinintalan ng halik ang nakaawang ni
"NAKU po! Galit na naman ang dragon!" Kagat ang ibabang labi na bulong ni Gerlie sa kanyang sarili nang humarap sa kanya ang binata. May nakaharang na sofa sa pagitan nila kung kaya napauklo siya ng tayo dahil pahaklit ang hawak nito sa mga kamay niya. Banaag sa mukha ng lalaki ang galit habang pinakatitigan siya."What do you have that makes my heart melt everytime you were around? Why can't I get rid of your face in my mind?"Napaawang ang labi ni Gerlie sa narinig at sa nakikitang pagkalito sa mukha ngayon ng binata. Biglang umamo ang mukha nito at mukhang nawawala. Tanging paglunok lamang ng sariling laway ang nagawa niya dahil biglang tinambol ang kanyang dibdib sa kabang naramdaman. Na excite siya na kinakabahan sa kung ano pa ang sunod na sasabihin ng binata sa kanya."I hate myself now!"Nanlaki ang mga mata ng dalaga at nabawasan ang excitement na nararamdaman. Mukhang masama ang epikto ng kaniyang kabaklaan sa binata."You know why?"Umiling lang siya bilang sagot sa tanong
PAGGISING ni Gerlie ay wala na ang binata. Nag-iwan lang ito ng note sa lamesa na manatili siya sa bahay at huwag lumabas hangga't hindi ito dumarating. Wala siyang magawa kindit ang sundin ang utos nito. Hindi naman siya naiinip dahil kagi niyang kausap ang kapatid ang kaibigan sa chat. Pero nagugulohan pa rin siya dahil wala pa ring linaw kung ano ang dahilan at nakipag suntokan ito kay Troy nang gabing iyon. Hindi rin niya nakikita sina Troy dahil nga kulong lang siya sa pad nito.Isang linggo rin ang lumipas na ganoon ang buhay niya. Tila ba sinasadyang ikulong lang siya doon ng binata at ayaw nito na may ibang makakita sa kanya."Ano ba talaga ang trabaho ko rito?" Reklamo niya habang naglilinis dahil walang magawa. Nililinis niya ang sala at silid niya, tanging silid ng lalaki lang ang hindi niya pinapasok upang linisin dahil takot siyang pumasok doon na walang pahintulot ng binata.Dumating ang gabi na mag-isa na naman siyang kumain at wala pa ang amo. Ramdam niyang umiiwas din
NAIHILAMOS ni Khalid ang sariling palad sa mukha nang makaalis na si Joy. Kinakain ng frustration ang sariling isip ngayon dahil sa gumugulo sa kanyang isipan. "Damn! What the hell is happening to you, man?" numura niya ang sarili sa harap ng salamin. Napatitig si Khalid sa kanyang repliksyon, guwapo pa rin naman siya kahit mukhang tagtuyot mula nang magkaroon siya ng tutor. Gusto niyang suntokin ang sariling mukhang nakikita sa salamin nang makipagtitigan siya sa kaniyang repleksyon. Tila nakakalokong ngumiti ito kahit seryoso naman ang mukha niya. Kung may sariling isip lamang iyon ay baka masabi nito sa kanya na, 'karma mo na iyan sa pagiging manyak. Lalaki lang pala ang katapat mo?'"Fuck you!" ang naisigaw niya kasabay ng pagsipa sa maliit na lamesa. Lumikha iyon ng ingay kung kaya natauhan siya. Napabuntonghininga siya bago inayos ang sarili at nagpasyang lumabas ng silid upang uminum ng tubig.Pagkalabas ay napatigil siya sa harap ng pinto ng bakla. Naikuyom niya ang kamao at