Home / Romance / SEDUCING THE MAFIA BOSS / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of SEDUCING THE MAFIA BOSS: Chapter 21 - Chapter 30

112 Chapters

CHAPTER 20

NAPATAYO sa kanyang swivel chair si Jeffrey, “Anong nangyari kay Eiise?” “Nagmulat sya ng mga mata at binanggit nya ang pangalan nyo,” balita ng isa sa mga tauhan niya sa kanya. Nabuhayan siya ng pag-asa. Nagmamadali siyaang lumabas ng opisina at excited na pinuntahan ang kinaroroonan ng kasintahan. Gagawin niya ang lahat para lamang mabalik ito sa dati. God, miss na miss na niya ang kanyang si Elise. Halos paliparin na niya ang kanyang motorsiklo patungo sa kinaroroonang ospital ng kasintahan. Pagdating niya ay inabutan niya ang dalaga na gaya pa rin ng dati, wala pa ring pagbabago sa kalagayan nito kaya inutusan niya ang isa sa mga tauhan paa mabalikan ang record sa cctv. Mangiyak ngiyak siya habang pinapanuod ang pagmulat ng mga mata ni Elise at ang bahagyang paggalaw ng mga kamay nito. “God,” masayang usal niya saka muling nilapitan ang kasintahan sa hinihigaan nito at masuyo itong hinalikan sa nuo. Malaking bagay na sa kanyang makita
Read more

CHAPTER 21

HINDI maintindihan ni Sabina kung bakit siya inaalok ng kasal ni Jeffrey. Lasing ba ito or nahihibang para alukin siya ng kasal, ni hindi nga niya ito lubusang nakikilala? "Ganito ba ako kaganda para bigla-bigla mo kong aaluking pakasal saiyo? Saka ano bang palagay mo sakin, cheap na basta na lamang papakasal sa ni hindi ko man lang nakikilala?" Nakataas ang isang kilay na sabi niya rito saka tiningnan ito mula ulo hanggang paa, "Hindi porket gwapo ka ay magpapaka=easy to get na ko 'no." "Hindi ko sinabing totohanin natin ang kasal. Magpapanggap ka lang na asawa ko so I can get rid of Christine," paliwanag nito sa kanya. "Ha? Parang ang labo naman ata," sabi niyang hindi pa rin maintindihan kung ano ang tumatakbo sa utak nito. "May bago na kong plano para hindi ako matrap sa babaeng iyon habang hinahanap ko pa rin ang usb. Magpakasal tayo. Don't worry, madali na lang naman tayong makapaghihiwalay. Kailangan ko lang patunayan sa father ni Christine na kasal na tayo para di na
Read more

CHAPTER 22

“MARRY ME. . .” Muli niyang narinig na sabi ni Jeffrey nang makauwi na sila ng bahay. Parang dumagundong ang dibdib niya sa sinabing iyon ng kanyang boss Ano na naman bang kalokohan ang pumasok sa utak nito? Nakatakda itong magpakasal kay Christine and yet niyayaya siya nitong magpakasal? Talaga bang laro lang para dito ang sagradong sakramento na iyon. “Are you out of your mind, Sir? Hindi ba sabi ko bigyan nyo muna ako ng panahon para mapag-isipan ang bagay na iyan?” Hindi niya alam kung magagalit o maawa habang tinitingnan ang mukha nito. Ramdam niya ang kalungkutan sa mga mata nito. Ano ba talaga ang problema ng lalaking ito? Palagay naman niya ay narito na ang lahat pero bakit pasan nito ang buong mundo? Napahinga ito ng malalim, “I’m sorry,” anitong napailing, “I guess I am really out of my mind. Hindi ko alam kung paano ko tatakasan si Christine.” “Bakit ka ba naman kasi pumayag in the first place? Ano ba
Read more

CHAPTER 23

NILINGON NIYA SI SABINA, “I said kalimutan mo na ang sinabi kong yun. Ayokong lumabas na parag utang na loob ko pa saiyo ang lahat,” sabi niya rito. Halata ang iritasyon sa tono ng pananalita ng dalaga ng muling magsalita, “Ang labo mo naman palang kausap eh. Atat na atat kang pakasal tayo para matakasan mo ang babalina kong step-sister, ngayong pumapayag na ko, ikaw naman ang umaayaw. Paano kita pagtitiwalaan na makikipagtulungan kang mapunta sa kangkungan ang pamilyang iyon kung ngayon pa lang, napaka-unreliable mo!” Sita nito sa kanya. “Hindi ako unreliable!” Inis na sagot niya dito, “Ayoko lang dumating ang araw na sisihin mo akong. . .” “Six months lang naman, hindi ba? Nangako kang six months lang ang problemang ito,” umiiyak nang sabi nito sa kanya. “Ako na ang nakikiusap saiyo ngayon na pakasalan mo ako para hindi na maguluhan pa ang utak mo tungkol sa shotgun wedding mo kay Christine. Basta mangako kang after six months, m
Read more

CHAPTER 24

NAGULAT SI SABINA na ganuon lang kabilis natapos ang kanilang kasal. Pinirmahan lang niya ang limang magkakaparehong documents pagkatapos ay ini-announce ng judge na nagkasal sa kanila na mag-asawa na sila. Ni hindi man lamang siya naglakad sa aisle na gaya ng napapanuod niya. Ni wala siyang boquet. O wedding gown na pinapangarap niya. Simpleng palda at blusa na kulay asul pa ang suot niya, ni hindi man lamang kulay puti. Naalala niya ang mga magulang. Kung nabubuhay lamang ang mga ito ay tiyak na di ng mga ito gugustuhing makasal siya sa ganitong paraan. Sabagay, kung buhay ang mga ito ay di naman siya malalagay sa ganitong sitwasyon. May lungkot sa mga matang tiningnan niya si Jeffrey habang kausap nito ang judge. Tama nga ba ang naging desisyon niyang ito? Ngunit habang iniisip ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang ito ay naisip niyang tama lang ang naging desisyon niya. Hitting two birds with one stone. Kailangan niya ang tulong ni Jeffrey.
Read more

CHAPTER 25

UMIIYAK SI SABINA habang ipinagtitirik ng kandila ang kanyang ama at ina, “Alam nyo po bang newly wed ako ngayon?” mapakla ang ngiti niya, “Yes, Pa, Ma, may asawa na iyong baby nyo. S-sayang nga at wala kayo. A-alam kong pangarap nyong makita akong naglalakad patungo sa altar” sabi niyang pinunasan ang pumapatak na mga luha sa kanyang mga mata, “Pero di ko naman na-experience iyon. Ni hindi nga ako nakapagsuot ng wedding gown. . .hindi naman kasi seryoso iyong wedding na naganap kahapon k-kaya madalian lang. Pero ‘pa, ma’ kapag nakita nyo iyong napangasawa ko, naku, pihadong hindi kayo makakapaniwala. Para akong tumama sa lotto. Tall, dark, handsome at may ari ng isang company. Akalain nyo iyon ‘ma, pa? Itong anak nyo, nakabingwit ng yayamanin?” Napangisi siya, “Pero joke lang ang lahat. . .parang isang panaginip lang dahil after six months, maghihiwalay rin naman kami.” Naupo siya sa malaking nakausling bato sa harapan ng puntod ng mga ito, “But don’t get me wrong ha? Hindi a
Read more

CHAPTER 26

KITANG-KITA NIYA nang waring walang kahirap-hirap na tinalo ni Jeffrey ang apat na lalaki. Para tuloy siyang nanunuod ng palabas ni Coco Martin na kahit gaano karami ang kalaban ay sandal lamang nitong napapatumba. Wala pa sigurong limang minuto ay wala ng malay ang mga kalaban. Kinuha nito sa bulsa ang telepono at may kung sinong tinawagan saka nag-aalalang lumapit sa kanya. “Okay ka lang?” Napapaiyak na yumakap siya rito. Hindi niya alam kung paano itong pasasalamatan sa ginawa nitong pagliligtas sa kanya sa mga kamay ng apat na lalaking iyon. Muntik pa siyang ma-rape ng mga ito. “Kaya ayoko sanang payagang pumunta ka sa mga ganitong lugar na mag-isa,” sabi nito sa kanya. Hindi siya umiimik. Sumimangot ito, “May pasayaw-sayaw ka pang nalalaman,” nakaismid na sabi nito sa kanya. Pinamulahan siya ng mukha. Inabutan nga pala siya nitong kemekendeng sa harapan ng apat na lalaki kanina. Parang gusto niyang masuka ka
Read more

CHAPTER 27

NABIGLA RIN SI JEFFREY SA ginawa. Alam niyang nasaktan niya si Sabina. Napalakas kasi ang pagkakasampal niya rito. Hindi kasi niya napigilan ang galit niya nang marealize na maarng mangyari dito ang nangyari kay Elise kung hindi ito mag-ingat. At no way na papayagan pa niyang mangyari iyon. Damn. Kumuha siya ng yelo sa fridge at inilagay iyon sa paper towel saka nagtungo sa kwarto nito, “Sabina, please open the door.” Hindi ito umiimik kaya napilitan siyang kunin ang susi ng kwarto para buksan iyon, Inabutan niyang nakadapa na parang bata sa kama si Sabina habang umiiyak. Na-guilty tuloy siyang bigla. “Wala kang karapatang pagbuhatan ako ng kamay,” dinig niyang sabi nito sa humihikbing boses, “At talaga bang ganyan ka? Basta ka na lang papasok dito kahit walang permiso ko?” Naupo ito at tumingin sa kanya, “Kahit na pamamahay mo ito, sana man lang bigyan mo ko ng privacy!” Parang walang naririnig na lumapit siya rit
Read more

CHAPTER 28

MAAGANG BUMANGON si Jeffrey kinabukasan. Nagpa-deliver siya ng bulaklak para sana ibigay kay Sabina bilang paghingi ng sorry sa naging reaction niya kagabi. Hindi naman niya intensyong saktan ito. Hindi lang niya nakontrol ang sarili dahil sa sinabi nito. Kaya halos hindi siya nakatulog kagabi, tuloy ay inutusan niya ang kanyang isa sa mga tauhan para um-order ng bulaklak at ideliver dito sa bahay niya ngayong umaga. Nakagayak na ito para pumasok ng lumabas ng kwarto. “Mas nauna pa kong bumangon saiyo,” sita niya rito. “Ganito naman talaga akong bumangon, sakto lang since di ka naman nag-aalmusal kapag weekdays.” Sagot nito. Palihim niyang sinipat ang pisngi nitong nasampal niya. Nagpapasalamat siyang hindi naman iyon nagmarka. Kinuha niya ang mga bulaklak sa pinagtataguan niya at iniabot dito. “Pasensya ka na nga pala kahapon,” sabi niya rito. “Wow, flowers? Sweet ka rin naman pala pero ganun –ganun na lang ba i
Read more

CHAPTER 29

PINILIT BUMANGON NI SABINA kahit na parang hindi niya kaya. Nabasa kasi siya ng ulan kahapong papauwi siya. Naligo siya para mawala ang init ng kanyang katawan. Pagbaba niya ay nakita niya si Jeffrey na naghhintay sa kanya sa salas. “Sabay na tayo, tutal maaga rin naman akong papasok ngayon,” sabi nito sa kanya saka nangunot ang nuo, “Uminom ka na ba ng gamot?” Kaswal na tanong nito. Tumango lang siya. Akmang lalabas na siya ng bahay nang hawakan nito ang braso niya. Kunot-nuong napatingin siya rito. “M-Magbreakfast ka muna. Kaya ka nagkakasakit kasi hindi ka kumakain ng almusal.” Sita nito sa kanya. “Male-late na ko,” protesta niya, “Besides, may coffee naman sa office kaya. . .” “Gusto kong mag-breakfast!” giit nito, “Sabayan mo ako!” Napahinga siya ng malalim. Hindi siya nagluluto ng almusal dahil hindi naman kumakain ng breakfast si Jeffrey at siya naman ay pwedeng kape lang sa u
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status