Hello po. Sana happy na kayo sa bago kong update. Hayaan nyo at sisipagan ko na po ang pag-a-update ng kwento ng pag-ibig nina Sabina at Jeffrey. Paki-share naman po. Mag-comment rin po kayo kung nagustuhan nyo. Paki-boto na rin po para more gems. Malaking bagay po iyon para sa akin. Thank you po.
UMIIYAK SI SABINA habang ipinagtitirik ng kandila ang kanyang ama at ina, “Alam nyo po bang newly wed ako ngayon?” mapakla ang ngiti niya, “Yes, Pa, Ma, may asawa na iyong baby nyo. S-sayang nga at wala kayo. A-alam kong pangarap nyong makita akong naglalakad patungo sa altar” sabi niyang pinunasan ang pumapatak na mga luha sa kanyang mga mata, “Pero di ko naman na-experience iyon. Ni hindi nga ako nakapagsuot ng wedding gown. . .hindi naman kasi seryoso iyong wedding na naganap kahapon k-kaya madalian lang. Pero ‘pa, ma’ kapag nakita nyo iyong napangasawa ko, naku, pihadong hindi kayo makakapaniwala. Para akong tumama sa lotto. Tall, dark, handsome at may ari ng isang company. Akalain nyo iyon ‘ma, pa? Itong anak nyo, nakabingwit ng yayamanin?” Napangisi siya, “Pero joke lang ang lahat. . .parang isang panaginip lang dahil after six months, maghihiwalay rin naman kami.” Naupo siya sa malaking nakausling bato sa harapan ng puntod ng mga ito, “But don’t get me wrong ha? Hindi a
KITANG-KITA NIYA nang waring walang kahirap-hirap na tinalo ni Jeffrey ang apat na lalaki. Para tuloy siyang nanunuod ng palabas ni Coco Martin na kahit gaano karami ang kalaban ay sandal lamang nitong napapatumba. Wala pa sigurong limang minuto ay wala ng malay ang mga kalaban. Kinuha nito sa bulsa ang telepono at may kung sinong tinawagan saka nag-aalalang lumapit sa kanya. “Okay ka lang?” Napapaiyak na yumakap siya rito. Hindi niya alam kung paano itong pasasalamatan sa ginawa nitong pagliligtas sa kanya sa mga kamay ng apat na lalaking iyon. Muntik pa siyang ma-rape ng mga ito. “Kaya ayoko sanang payagang pumunta ka sa mga ganitong lugar na mag-isa,” sabi nito sa kanya. Hindi siya umiimik. Sumimangot ito, “May pasayaw-sayaw ka pang nalalaman,” nakaismid na sabi nito sa kanya. Pinamulahan siya ng mukha. Inabutan nga pala siya nitong kemekendeng sa harapan ng apat na lalaki kanina. Parang gusto niyang masuka ka
NABIGLA RIN SI JEFFREY SA ginawa. Alam niyang nasaktan niya si Sabina. Napalakas kasi ang pagkakasampal niya rito. Hindi kasi niya napigilan ang galit niya nang marealize na maarng mangyari dito ang nangyari kay Elise kung hindi ito mag-ingat. At no way na papayagan pa niyang mangyari iyon. Damn. Kumuha siya ng yelo sa fridge at inilagay iyon sa paper towel saka nagtungo sa kwarto nito, “Sabina, please open the door.” Hindi ito umiimik kaya napilitan siyang kunin ang susi ng kwarto para buksan iyon, Inabutan niyang nakadapa na parang bata sa kama si Sabina habang umiiyak. Na-guilty tuloy siyang bigla. “Wala kang karapatang pagbuhatan ako ng kamay,” dinig niyang sabi nito sa humihikbing boses, “At talaga bang ganyan ka? Basta ka na lang papasok dito kahit walang permiso ko?” Naupo ito at tumingin sa kanya, “Kahit na pamamahay mo ito, sana man lang bigyan mo ko ng privacy!” Parang walang naririnig na lumapit siya rit
MAAGANG BUMANGON si Jeffrey kinabukasan. Nagpa-deliver siya ng bulaklak para sana ibigay kay Sabina bilang paghingi ng sorry sa naging reaction niya kagabi. Hindi naman niya intensyong saktan ito. Hindi lang niya nakontrol ang sarili dahil sa sinabi nito. Kaya halos hindi siya nakatulog kagabi, tuloy ay inutusan niya ang kanyang isa sa mga tauhan para um-order ng bulaklak at ideliver dito sa bahay niya ngayong umaga. Nakagayak na ito para pumasok ng lumabas ng kwarto. “Mas nauna pa kong bumangon saiyo,” sita niya rito. “Ganito naman talaga akong bumangon, sakto lang since di ka naman nag-aalmusal kapag weekdays.” Sagot nito. Palihim niyang sinipat ang pisngi nitong nasampal niya. Nagpapasalamat siyang hindi naman iyon nagmarka. Kinuha niya ang mga bulaklak sa pinagtataguan niya at iniabot dito. “Pasensya ka na nga pala kahapon,” sabi niya rito. “Wow, flowers? Sweet ka rin naman pala pero ganun –ganun na lang ba i
PINILIT BUMANGON NI SABINA kahit na parang hindi niya kaya. Nabasa kasi siya ng ulan kahapong papauwi siya. Naligo siya para mawala ang init ng kanyang katawan. Pagbaba niya ay nakita niya si Jeffrey na naghhintay sa kanya sa salas. “Sabay na tayo, tutal maaga rin naman akong papasok ngayon,” sabi nito sa kanya saka nangunot ang nuo, “Uminom ka na ba ng gamot?” Kaswal na tanong nito. Tumango lang siya. Akmang lalabas na siya ng bahay nang hawakan nito ang braso niya. Kunot-nuong napatingin siya rito. “M-Magbreakfast ka muna. Kaya ka nagkakasakit kasi hindi ka kumakain ng almusal.” Sita nito sa kanya. “Male-late na ko,” protesta niya, “Besides, may coffee naman sa office kaya. . .” “Gusto kong mag-breakfast!” giit nito, “Sabayan mo ako!” Napahinga siya ng malalim. Hindi siya nagluluto ng almusal dahil hindi naman kumakain ng breakfast si Jeffrey at siya naman ay pwedeng kape lang sa u
“HAVE YOU NOT READ ‘The Art of War’? Appear weak when you are strong and strong when you are weak. Right now, kailangan mong magmukhang matapang, Sabina. Or else, lalamunin ka ng mga kalaban mo.” Giit nito sa kanya. Nagbuga siya ng hangin saka napaisip. Tama naman si Jeffrey. Kailangan niyang magmukhang matapang or else sasamantalahin ng mag-ina ang kahinaan niya. At kailangan niyang lumaban alang-alang sa hustiyang hinahanap niya. “Magtulungan tayo, Sabina!” Nanunuot ang mga titig nito sa kanya, alam niyang pursigido ito sa gustong mangyari at kailangan niya ang apoy sa mga mata nito upang hindi siya manghina sa masalimuot na laban niya. Alam niyang hindi basta-basta ang kapit ng madrasta niya kung kaya’ t hindi pwedeng lalambot-lambot siya “Okay.” Sabi niyang tiningnan ito ng matiim, “Pero kung gusto mong makaharap ko sya, gusto kong maging presentable.” Sabi niya sa lalaki, “Iyong tipong kabog na kabog ko sya at hindi na nya
“ANONG KALOKOHAN ito, Jeffrey?” Nakita ni Sabina ang pagkuyom ng mga palad ni Christine habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Jeffrey, “How could you do this to me at bakit. . .” parang hindi nito mabigkas ang sasabihin. “This is just a prank, right?” “I’m sorry Christine, but me and Sabina are already married,” sabi ni Jeffrey dito, inilapag pa nito sa mesa ang kpya ng marriage certificate nila. “No!!! Hindi ninyo pwedeng gawin sakin ito,” sigaw ni Christine. Napatingin sa kanila ang ilang tao sa loob ng hotel. Namumula ang mukha niya lalo na nang tinawag siyang ahas ni Christine. “Paanong nangyari ito?” “Love at first sight ang. . .ang naramdaman namin sa isa’t-isa,” halos paanas lamang na sabi niya rito. Kagabi pa niya kinabisado ang linyang iyon na itinuro sa kanya ni Jeffrey. “Kaya lingid saiyo ay palihim na kaming nagtatagpo. Sasabihin ko na ng asana saiyo pero. . .pero gusto ni Jeffrey na,” sinadya niyang
“PSST, SINO IYONG gwapong lalaking kasama mo kahapon?” Nakangising tanong ni Rowena nang magkasabay na naman sila sa canteen, “Don’t tell me ke bago-bago mo lang dito may jowa ka na kaagad.” “Nandito ako para magtrabaho hindi para makipag-boyfriend,” napipikong sagot niya sa dalaga. “Owss, hindi nga?” Sabi nitong humila ng silya at naupo sa tapat niya. Napaismid siya. Nagugutom siya pero parang nawalan na siya ng ganang kumain, “Parang may something sa inyong dalawa eh.” “Something ka dyan! Boss ko sya, Rowena! And if you don’t mind, one hour lang ang break ko,” sabi niyang sinimulan nang kumain ngunit waring wala itong balak tantanan siya. “Boss? Bakit saang department ka ba? Hindi ba janitress ka lang naman dito?” Parang nang-iinis na sabi pa nito sa kanya, “Not unless puhunan mo yang katawan mo para makapasok dito?” Nang-iinis na sabi nito sa kanya. Naningkit ang mga mata niya, “Talaga bang ipinang
GINULAT NILA ang lahat sa anunsyo nilang magpapakasal na sila ngayong daratng na buwan. Masayang-masaya sina Arlene at Vivian para sa kanila. Ganuon rin naman si Von na tinanggap na ang pagkatalo at umaasang magiging masaya ang pagsasama nila ni Jeffrey. Excited din sina Erica at David kaya naman kaagad na nagset ng dinner para sa kanilang apat. “Hindi ako makapaniwalang magkaibigan pa pala ang mga boylet natin,” natatawang sabi ni Erica sa kanya habang nakamasid kina David at Jeffrey na umiinom ng wine sa isang sulok para icelebrate ang naglalapit nilang kasal, “Sinong mag-aakala nito?” Napangiti siya. Masaya siyang nabalik muli sa dati ang friendship nilang dalawa ni Erica. “Gustong-gusto talaga kitang maging hipag kaya ang sama-sama ng loob ko ng binasted mo si Kuya Enzo,” pagtatapat pa ni Erica sa kanya, “Pero tama ka, di naman pwedeng turuan ang puso. Sadyang may mga nakalaan para sa tin na bigla na lang darating sa buhay nati
“IBANG KLASE RIN ANG BOSS MO,” napapailing na sabi ni Von sa driver ni Jeffrey na nakita niyang naninigarilyo sa may gate. “Pasensya na, nagmamahal lang si Boss,” sabi nito sa kanya. Napaismid siya. Matagal na siyang nagmamahal pero hindi siya naging ganito kaswerte na gaya ng Jeffrey na iyon. Ewan ba niya kay Sabina kung bakit kahit yata paulit-ulit itong magkamali ay palagi itong nakahandang magpatawad. “Come on, alam naman nating maraming babae ang boss mo,” patuyang sabi niya sa lalaki. “Diyan ka nagkakamali. Kilala ko si Boss, minsanan lang magmamahal iyon. Alam ko kung ano iyong mga pinagdaanan nya sa buhay kaya wala kang karapatang husgahan sya base lang sa kung ano ang nakikita mo,” matiim na sabi sa kanya ng lalaki na halatang anumang oras ay handang makipagpatayan para lamang sa amo nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Ang totoo ay nasasaktan lamang naman siya. Ang tagal niyang umasa at nag
“P-PERO NATAUHAN AKO,” halos paanas lamang na sabi niya. Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. “OMG, kaya naman pala inis na inis saiyo si Von,” napapailing na sabi ni Arlene sa kanya saka napangiti, “Masarap ba?” Siniko ni Vivian si Arlene, “Ayan ka na naman sa kalibugan mo, Tumigil ka nga!” nakairap na sabi nito sa babae saka muling bumaling sa kanya, “Sabina, sana naman this time matuto ka na. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng ibang tao. Hindi sa lahat ng babagay eh bigay ka lang ng bigay,” Payo nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Alam niyang nagmamalasakit lamang ang mga ito dahil nakita ng mga ito kung paano siya nahirapan nuon. “Mabuti pa magpahinga ka na muna, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, okay?” Sabi ni Arlene sa kanya. “Salamat,” aniya sa mga kaibigan, “Salamat dahil tinutulungan nyong maging magaan ang buhay ko.”NAKITA NI ROWENA si Jeffrey na um
AYAW NI JEFFREY SIRAIN ang espesyal na araw ni David kung kaya’t maaga na lamang siyang nagpaalam sa lalaki. Masama ang loob niya dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya si Sabina. Sabagay ay hindi naman niya ito masisisi dahil matindi naman talaga ang naging atraso niya rito. Pero hindi na ba talaga siya nito maaring bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi na niya alam kung ano gagawin niya. Bumalik na siya sa Maynila at pinili na lamang mapag-isa sa kayang suite. Siguro ay kailangan niya ang tulong ni Geraldine para ito mismo ang magpaliwanag kay Sabina tungkol sa kanila. At para na rin malaman nito na sa nakalipas na panahon ay wala namang ibang umukupa sa puso niya kundi ito lamang. At totoo sa loob niya nang sabihin niya rito na mahal niya ito. Malungkot siyang nahiga sa kama habang paulit-ulit na nanunuot sa kanya ang magandang mukha ni Sabina. Kulang na lang ay lumuhod siya rito kanina para lang magsumamo na patawarin
ARAW NG LINGGO. Madaling araw pa lamang ay gising na si Sabina bilang paghahanda sa kasal ng kaibigan niyang si Erica at ang multi-billionare na mapapagasawa nitong si David Wharton. Siya kasi ang maid of honor ng kaibigan kung kaya’t maaga siyang gumising para ihanda ang kanyang susuoting magenta pink gown. Mabuti na lamang at nagpresinta si Von na sunduin siya. Sa Tagaytay gaganapin ang wedding, one hour drive from Laguna kasama ng ang ilang minutong traffic lalo na kapag araw ng Linggo. Kaya sabi ni Von ay magprepare siya ng maaga para maaga siya nitong susunduin. Siya na rin lang ang magme-make up sa sarili niya tutal naman ay very light lang ang ilalagay niya sa mukha dahil summer naman ngayon. Saka di naman talaga siya mahilig maglagay ng kung anu-anong burluloy sa mukha. Si baby Bean ay iiwanan muna niya sa pangangalaga nina Arlene at Vivian. Sanay naman na ang bata sa mga ito. Gusto ng asana ni Von ay isama niya ang kanyang anak sa wedd
“PASENSYA ka na Sabina kung may pagkamarites ako. Gusto ko lang naman kasing maging masaya ka kaya ipinaalam ko saiyo ang tungkol kay Jeffrey. Kung gusto mo syang makita, dito lang sya naka-check in sa hotel namin.” “Salamat, Rowena pero wag na wag mo na sanang mababanggit pa sa kanya ang tungkol sa amin ng bata,” aniya sa kanyang pinsan. “Pero hindi ba karapatan niyang malaman ang tungkol sa bata?” Tanong ni Rowena sa kanya. “Please Rowena. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko ng magkaron pa ng kaugnayan sa kanya,” pigil ang inis na sabi niya sa babae. “Pasensya na, akala ko kasi matutuwa ka sa ibabalita ko,” sabi nito sa kanya, “Pramis, hinding-hindi kita babanggitin sa kanya.” “Salamat.” Pagkatapos ng pakikipag-usap sa pinsan ay hinarap niya sina Arlene at Vivian na halatang curious na curious sa ibabalita niya. “What?” Taas ang kilay na tanong niya sa mga ito.
“ANG CUTE-CUTE naman ni baby Bean,” tuwang-tuwang sabi ni Arlene, kinuha nito sa kanya ang bata, “Di ako makapaniwalang mag-iisang taon na sya. Parang kelan lang,” sabi pa nito sa kanya. Ngumiti siya. Isang taon na ang matuling lumipas at sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Arlene, Von at Vivian ay nakapag-set up sila ng isang coffee shop sa Laguna kung saan ay dito na rin niya piniling manirahan habang ang bahay naman niya sa Cubao ay naisipan niyang parentahan na lamang. Balak nga sana niya nuong una ay ipagbili iyon ngunit napagtanto niyang di pala niya kayang pakawalan ang mga magagandang alaalang kalakip ng bahay na iyon bagama’t marami ring masasakit na memories ang bahay na iyon sa kanya. Mas matimbang pa rin ang mga magagandang alaalang nabuo sa tahanang iyon habang siya ay lumalaki. So far ay successful naman ang kanilang coffee shop dito sa Laguna at nagplaplano na silang magput up ng isa pang shop nila sa karatig bayan.
HINDI MAKAPANIWALA SI VON nang pasyalan siya nito sa bahay at ipagtapat niya ang totoong kalagayan niya rito. Disappointed itong malaman na nagdadalang tao siya at the same time ay nag-aalala ito lalo na nang ipagtapat niya ang tungkol sa kanila ni Jeffrey. “Sabi ko na nga ba may something sa inyo ng lalaking iyon. Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya, hindi ko na kaagad siya gusto,” nailing na sabi nito sa kanya saka tiningnan siya ng matiim, “Talaga bang wala kang balak ipaalam sa kanya ang lagay mo?” Umiling siya. “Para ano pa?” “Bakit hindi mo sya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag? I know, medyo confusing ang statement ko considering di ko gusto ang lalaking iyon. Pero syempre, iyong kapakanan mo pa rin at kaligayahan mo ang iniisip ko. Kahit masakit para sakin, kung sa kanya ka magiging maligaya, okay lang. Kaya kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong bigyan mo sya ng chance na magpaliwanag.” “Magpali
“I AM ONE MONTH PREGNANT?” Waring hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang tinitingnan ang result ng naging eksamenasyon sa kanya ng doctor. “Mabuti na lang safe ang baby mo. Kaya iwasan mo na sana ang stress at magfocus ka sa nandyan sa matris mo,” sabi ni Enzo na bakas ang matinding pag-aalala sa kanya, “Ano nga palang plano mo? Ipapaalam mo ba sa kanya?” Umiling siya. Simula sa araw na ito ay tinatapos na niya ang anumang ugnayan niya kay Jeffrey. Tama na ang kahibangan. Napaisip siya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa bagong kaganapan na ito sa buhay niya. May pait sa mga labing napangiti siya. Sa isang iglap ay nakabuo kaagad ng dalawang bata si Jeffrey. O baka nga hindi lang sila dalawang binuntis nito. Hindi na siya magtataka kung may mababalitaan siyang isa pang naghahabol dito. “Sabagay, kayang-kaya mo namang buhayin