If ever magustuhan ninyo ang book na ito, don't forget to vote, and rate my story. Thank you so much!!! Sana magustuhan nyo rin ang iba ko pang mga novels.
“ANONG KALOKOHAN ito, Jeffrey?” Nakita ni Sabina ang pagkuyom ng mga palad ni Christine habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Jeffrey, “How could you do this to me at bakit. . .” parang hindi nito mabigkas ang sasabihin. “This is just a prank, right?” “I’m sorry Christine, but me and Sabina are already married,” sabi ni Jeffrey dito, inilapag pa nito sa mesa ang kpya ng marriage certificate nila. “No!!! Hindi ninyo pwedeng gawin sakin ito,” sigaw ni Christine. Napatingin sa kanila ang ilang tao sa loob ng hotel. Namumula ang mukha niya lalo na nang tinawag siyang ahas ni Christine. “Paanong nangyari ito?” “Love at first sight ang. . .ang naramdaman namin sa isa’t-isa,” halos paanas lamang na sabi niya rito. Kagabi pa niya kinabisado ang linyang iyon na itinuro sa kanya ni Jeffrey. “Kaya lingid saiyo ay palihim na kaming nagtatagpo. Sasabihin ko na ng asana saiyo pero. . .pero gusto ni Jeffrey na,” sinadya niyang
“PSST, SINO IYONG gwapong lalaking kasama mo kahapon?” Nakangising tanong ni Rowena nang magkasabay na naman sila sa canteen, “Don’t tell me ke bago-bago mo lang dito may jowa ka na kaagad.” “Nandito ako para magtrabaho hindi para makipag-boyfriend,” napipikong sagot niya sa dalaga. “Owss, hindi nga?” Sabi nitong humila ng silya at naupo sa tapat niya. Napaismid siya. Nagugutom siya pero parang nawalan na siya ng ganang kumain, “Parang may something sa inyong dalawa eh.” “Something ka dyan! Boss ko sya, Rowena! And if you don’t mind, one hour lang ang break ko,” sabi niyang sinimulan nang kumain ngunit waring wala itong balak tantanan siya. “Boss? Bakit saang department ka ba? Hindi ba janitress ka lang naman dito?” Parang nang-iinis na sabi pa nito sa kanya, “Not unless puhunan mo yang katawan mo para makapasok dito?” Nang-iinis na sabi nito sa kanya. Naningkit ang mga mata niya, “Talaga bang ipinang
“SIGURADUHIN NYONG hindi makakapasok dito ang babaeng iyon,” utos ni Jeffrey sa security team nang ipa-ban nito si Christine sa buong building. Pagkababa ng telepono ay kumunot ang nuo nito sa kanya, “Sino nga pala si Rowena?” Tanong nito. Pagkatapos kasi ng meeting ay nilapitan siyang bigla ni Rowena at ipinahiya sa harap ng maraming tao. Sinabihan siya nito na nagbenta siya ng katawan para lang makapasok sa kompanyang ito. Sa galit ay nasampal niya ito ng malakas. Nang lingunin niya si Jeffrey ay parang wala naman itong balak na ipagtanggol siya. Nakikinig lang ito sa buong conversation nila ng pinsan niya. “Pinsan ko.” Tipid na sagot niya rito. “Maganda ka kasi kaya maraming naiinggit saiyo,” napapailing na sabi nito sa kanya, “Mabuti sinampulan mo.” Nakangisi pang sabi nito. Flattred siyang maganda rin naman pala siya sa paningin ng boss niya. Ewan pero para siyang biglang kinilig. But then, hindi niya iyon dapat ilagay sa
ANG balak lang sana ni Sabina ay kumuha ng tubig sa kusina ngunit napahinto siya sa may hagdan nang makita niya si Jeffrey na umiinom ng alak sa may salas. Umiiyak ba ito? Babalik na lamang sana siya sa may kuwarto ngunit narinig niyang nagsalita ito. “Ikuha mo ako ng yelo sa kusina,” Utos nito sa kanya. Napilitan tuloy siyang kumuha ng yelo sa kusina. Uminom na rin siya ng tubig. Tatalikod na sana siya nang hilahin nito ang kamay niya, “Saluhan mo akong uminom,” tila nag-uutos ang tonong sabi nito sa kanya. “I don’t drink, Sir.” Aniya rito. Napaismid ito, “Kahit ngayong gabi lang? Kung hindi ka umiinom, maupo ka lang dito. Samahan mo lang ako,” this time, hindi na nag-uutos ang tono nito kundi parang nakikiusap. Kitang-kita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. At hindi maitatagong kagagaling nga lang nito sa pag-iyak. Naupo siya sa katapat na couch nito, “May kinalaman ba kay Christine ang pag-
TANGHALI na nang lumabas ng bahay si Jeffrey. Pinasyalan muna niya si Elise sa ospital saka dumiretso sa opisina para pirmahan ang ilang documents. Dinatnan niya si Sabina na abala sa computer, ni hindi man lamang nag-angat ng mukha nang pumasok siya sa kwarto. Para pa ngang sinadya nitong iwasang magtama ang kanilang mga paningin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang panaginip niya kagabi. Or was it real? Nang nasa loob na siya nang kanyang private room ay manaka-nakang napapasulyap siya sa kinaroroonan nito. Curious siyang malaman kung panaginip nga bang talaga ang naganap kagabi. Nang hindi na siya makatiis ay pinindot niya ang intercom para papasukin sa loob ng salaaming kwarto ang dalaga. Hindi nakaligtas sa kanya ang panic sa mukha nito. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa, tiningnan niya ito nang matiim, “Did I kiss you last night?” Tanong niya rito. Nakita niya ang pamumula ng mukha nit
“NABALITAAN KO iyong pangugulo ng step-sister mo sa labas ng building nuong isang araw. Ngayon ko lang nalaman na inahas mo pala sa kanya si Sir Jeffrey Mondragon?” Napakuyom ang mga kamay ni Sabina na may hawak na tinidor at kutssara, parang nagdidilim ang kanyang paningin nang mag-angat siya ng mukha at tingnan ang kanyang pinsan. “Wala ka na bang ibang gagawin kundi bantayan ang bawat nangyayari sa buhay ko?” paismid siyang napatawa, “Wow, hindi ko alam na isa ka pala sa mga tagahanga ko.” “Tagahanga? Kapal ng mukha mo! Nakakahiya ka. Usap-usapan na dito sa kompanya ang kaharutan mo. Alam ng lahat na ibinenta mo ang katawan mo para lang makapasok ka dito sa trabaho!” Nang-iinsultong sabi ni Rowena sa kanya. Napansin niyang sa kanila nakatingin ang lahat ng empleyadong kumakain sa canteen. Parang nagdilim na ang kanyang paningin. Tumayo siya at sinampal niya ng dalawang beses si Rowena. Lahat ng galit at sama ng loob niya sa b
HALOS kalahating oras rin bago nawala ang panginginig ng babae. Tinurukan ito ng kung anu-ano sa katawan, maya-maya ay naging stable na ang kondisyon nito. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ni Jeffrey habang walang magawang pinanunuod lamang ang nangyayari sa babae. Ramdam niya ang sakit ng kaloobang dinadala sa mga mata nito. Napatingin siya sa babae na ngayon ay kalmado nang natutulog. Hindi maipagkakaila ang kagandahan sa mukha nito kahit pa nga halos buto at balat na ito. Kahabag-habag ang itsura nito, at bilib siya kay Jeffrey na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumibitaw. Napag-alaman niyang ilang taon na itong nakaratay at nito lamang nagkamalay ngunit hindi pa rin matiyak ng doctor kung tuloy-tuloy ito sa paggaling dahil nasira ng husto ang ilan sa mga internal organs nito at nagkaroon na ng komplikasyon sa utak dahil kumalat na ang lason sa katawan. Naalala tuloy niya ang Mama niya nuong may sakit ito. Kagaya ni Jeffrey, kahit na ka
KANINA PA SIYA PABALI-BALIKWAS sa kanyang kama ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Isang lingo nang naililibing si Elise. Isang lingo na ring walang ginawa si Jeffrey kundi ang lunurin ang sarili sa alak. Ni hindi na nga ito pumapasok sa opisina. At kung hindi man ito lasing, madalas naman itong tulala. Nag-aalala na siya rito lalo pa at nangako siya kay Elise na tutulungan niya itong makalimot. Tutulungan niya itong magmahal na muli. Tinakpan niya ang kanyang mga tenga dahil parang paulit-ulit niyang naririnig ang mga kahilingan ni Elise: Please make him happy. Make him fall in love with you. Hah, at siya na isang malaking hangal ay nangakong gagawin niya ang lahat para matupad ang kahilingan nito. Napabalikwas siya nang maalala ang hitsura nito habang nakikiusap sa kanya. Feeling tuloy niya ay naroroon ang kaluluwa ni Elise sa loob ng kuwarto niya. Masama raw hindi tumupad sa pangako lalo na kung nag-aa
GINULAT NILA ang lahat sa anunsyo nilang magpapakasal na sila ngayong daratng na buwan. Masayang-masaya sina Arlene at Vivian para sa kanila. Ganuon rin naman si Von na tinanggap na ang pagkatalo at umaasang magiging masaya ang pagsasama nila ni Jeffrey. Excited din sina Erica at David kaya naman kaagad na nagset ng dinner para sa kanilang apat. “Hindi ako makapaniwalang magkaibigan pa pala ang mga boylet natin,” natatawang sabi ni Erica sa kanya habang nakamasid kina David at Jeffrey na umiinom ng wine sa isang sulok para icelebrate ang naglalapit nilang kasal, “Sinong mag-aakala nito?” Napangiti siya. Masaya siyang nabalik muli sa dati ang friendship nilang dalawa ni Erica. “Gustong-gusto talaga kitang maging hipag kaya ang sama-sama ng loob ko ng binasted mo si Kuya Enzo,” pagtatapat pa ni Erica sa kanya, “Pero tama ka, di naman pwedeng turuan ang puso. Sadyang may mga nakalaan para sa tin na bigla na lang darating sa buhay nati
“IBANG KLASE RIN ANG BOSS MO,” napapailing na sabi ni Von sa driver ni Jeffrey na nakita niyang naninigarilyo sa may gate. “Pasensya na, nagmamahal lang si Boss,” sabi nito sa kanya. Napaismid siya. Matagal na siyang nagmamahal pero hindi siya naging ganito kaswerte na gaya ng Jeffrey na iyon. Ewan ba niya kay Sabina kung bakit kahit yata paulit-ulit itong magkamali ay palagi itong nakahandang magpatawad. “Come on, alam naman nating maraming babae ang boss mo,” patuyang sabi niya sa lalaki. “Diyan ka nagkakamali. Kilala ko si Boss, minsanan lang magmamahal iyon. Alam ko kung ano iyong mga pinagdaanan nya sa buhay kaya wala kang karapatang husgahan sya base lang sa kung ano ang nakikita mo,” matiim na sabi sa kanya ng lalaki na halatang anumang oras ay handang makipagpatayan para lamang sa amo nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Ang totoo ay nasasaktan lamang naman siya. Ang tagal niyang umasa at nag
“P-PERO NATAUHAN AKO,” halos paanas lamang na sabi niya. Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. “OMG, kaya naman pala inis na inis saiyo si Von,” napapailing na sabi ni Arlene sa kanya saka napangiti, “Masarap ba?” Siniko ni Vivian si Arlene, “Ayan ka na naman sa kalibugan mo, Tumigil ka nga!” nakairap na sabi nito sa babae saka muling bumaling sa kanya, “Sabina, sana naman this time matuto ka na. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng ibang tao. Hindi sa lahat ng babagay eh bigay ka lang ng bigay,” Payo nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Alam niyang nagmamalasakit lamang ang mga ito dahil nakita ng mga ito kung paano siya nahirapan nuon. “Mabuti pa magpahinga ka na muna, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, okay?” Sabi ni Arlene sa kanya. “Salamat,” aniya sa mga kaibigan, “Salamat dahil tinutulungan nyong maging magaan ang buhay ko.”NAKITA NI ROWENA si Jeffrey na um
AYAW NI JEFFREY SIRAIN ang espesyal na araw ni David kung kaya’t maaga na lamang siyang nagpaalam sa lalaki. Masama ang loob niya dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya si Sabina. Sabagay ay hindi naman niya ito masisisi dahil matindi naman talaga ang naging atraso niya rito. Pero hindi na ba talaga siya nito maaring bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi na niya alam kung ano gagawin niya. Bumalik na siya sa Maynila at pinili na lamang mapag-isa sa kayang suite. Siguro ay kailangan niya ang tulong ni Geraldine para ito mismo ang magpaliwanag kay Sabina tungkol sa kanila. At para na rin malaman nito na sa nakalipas na panahon ay wala namang ibang umukupa sa puso niya kundi ito lamang. At totoo sa loob niya nang sabihin niya rito na mahal niya ito. Malungkot siyang nahiga sa kama habang paulit-ulit na nanunuot sa kanya ang magandang mukha ni Sabina. Kulang na lang ay lumuhod siya rito kanina para lang magsumamo na patawarin
ARAW NG LINGGO. Madaling araw pa lamang ay gising na si Sabina bilang paghahanda sa kasal ng kaibigan niyang si Erica at ang multi-billionare na mapapagasawa nitong si David Wharton. Siya kasi ang maid of honor ng kaibigan kung kaya’t maaga siyang gumising para ihanda ang kanyang susuoting magenta pink gown. Mabuti na lamang at nagpresinta si Von na sunduin siya. Sa Tagaytay gaganapin ang wedding, one hour drive from Laguna kasama ng ang ilang minutong traffic lalo na kapag araw ng Linggo. Kaya sabi ni Von ay magprepare siya ng maaga para maaga siya nitong susunduin. Siya na rin lang ang magme-make up sa sarili niya tutal naman ay very light lang ang ilalagay niya sa mukha dahil summer naman ngayon. Saka di naman talaga siya mahilig maglagay ng kung anu-anong burluloy sa mukha. Si baby Bean ay iiwanan muna niya sa pangangalaga nina Arlene at Vivian. Sanay naman na ang bata sa mga ito. Gusto ng asana ni Von ay isama niya ang kanyang anak sa wedd
“PASENSYA ka na Sabina kung may pagkamarites ako. Gusto ko lang naman kasing maging masaya ka kaya ipinaalam ko saiyo ang tungkol kay Jeffrey. Kung gusto mo syang makita, dito lang sya naka-check in sa hotel namin.” “Salamat, Rowena pero wag na wag mo na sanang mababanggit pa sa kanya ang tungkol sa amin ng bata,” aniya sa kanyang pinsan. “Pero hindi ba karapatan niyang malaman ang tungkol sa bata?” Tanong ni Rowena sa kanya. “Please Rowena. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko ng magkaron pa ng kaugnayan sa kanya,” pigil ang inis na sabi niya sa babae. “Pasensya na, akala ko kasi matutuwa ka sa ibabalita ko,” sabi nito sa kanya, “Pramis, hinding-hindi kita babanggitin sa kanya.” “Salamat.” Pagkatapos ng pakikipag-usap sa pinsan ay hinarap niya sina Arlene at Vivian na halatang curious na curious sa ibabalita niya. “What?” Taas ang kilay na tanong niya sa mga ito.
“ANG CUTE-CUTE naman ni baby Bean,” tuwang-tuwang sabi ni Arlene, kinuha nito sa kanya ang bata, “Di ako makapaniwalang mag-iisang taon na sya. Parang kelan lang,” sabi pa nito sa kanya. Ngumiti siya. Isang taon na ang matuling lumipas at sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Arlene, Von at Vivian ay nakapag-set up sila ng isang coffee shop sa Laguna kung saan ay dito na rin niya piniling manirahan habang ang bahay naman niya sa Cubao ay naisipan niyang parentahan na lamang. Balak nga sana niya nuong una ay ipagbili iyon ngunit napagtanto niyang di pala niya kayang pakawalan ang mga magagandang alaalang kalakip ng bahay na iyon bagama’t marami ring masasakit na memories ang bahay na iyon sa kanya. Mas matimbang pa rin ang mga magagandang alaalang nabuo sa tahanang iyon habang siya ay lumalaki. So far ay successful naman ang kanilang coffee shop dito sa Laguna at nagplaplano na silang magput up ng isa pang shop nila sa karatig bayan.
HINDI MAKAPANIWALA SI VON nang pasyalan siya nito sa bahay at ipagtapat niya ang totoong kalagayan niya rito. Disappointed itong malaman na nagdadalang tao siya at the same time ay nag-aalala ito lalo na nang ipagtapat niya ang tungkol sa kanila ni Jeffrey. “Sabi ko na nga ba may something sa inyo ng lalaking iyon. Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya, hindi ko na kaagad siya gusto,” nailing na sabi nito sa kanya saka tiningnan siya ng matiim, “Talaga bang wala kang balak ipaalam sa kanya ang lagay mo?” Umiling siya. “Para ano pa?” “Bakit hindi mo sya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag? I know, medyo confusing ang statement ko considering di ko gusto ang lalaking iyon. Pero syempre, iyong kapakanan mo pa rin at kaligayahan mo ang iniisip ko. Kahit masakit para sakin, kung sa kanya ka magiging maligaya, okay lang. Kaya kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong bigyan mo sya ng chance na magpaliwanag.” “Magpali
“I AM ONE MONTH PREGNANT?” Waring hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang tinitingnan ang result ng naging eksamenasyon sa kanya ng doctor. “Mabuti na lang safe ang baby mo. Kaya iwasan mo na sana ang stress at magfocus ka sa nandyan sa matris mo,” sabi ni Enzo na bakas ang matinding pag-aalala sa kanya, “Ano nga palang plano mo? Ipapaalam mo ba sa kanya?” Umiling siya. Simula sa araw na ito ay tinatapos na niya ang anumang ugnayan niya kay Jeffrey. Tama na ang kahibangan. Napaisip siya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa bagong kaganapan na ito sa buhay niya. May pait sa mga labing napangiti siya. Sa isang iglap ay nakabuo kaagad ng dalawang bata si Jeffrey. O baka nga hindi lang sila dalawang binuntis nito. Hindi na siya magtataka kung may mababalitaan siyang isa pang naghahabol dito. “Sabagay, kayang-kaya mo namang buhayin