Share

CHAPTER 34

Author: Michelle Vito
last update Last Updated: 2023-01-14 09:54:56

ANG balak lang sana ni Sabina ay kumuha ng tubig sa kusina ngunit napahinto siya sa may hagdan nang makita niya si Jeffrey na umiinom ng alak sa may salas. Umiiyak ba ito? Babalik na lamang sana siya sa may kuwarto ngunit narinig niyang nagsalita ito.

“Ikuha mo ako ng yelo sa kusina,” Utos nito sa kanya. Napilitan tuloy siyang kumuha ng yelo sa kusina. Uminom na rin siya ng tubig.

Tatalikod na sana siya nang hilahin nito ang kamay niya, “Saluhan mo akong uminom,” tila nag-uutos ang tonong sabi nito sa kanya.

“I don’t drink, Sir.” Aniya rito.

Napaismid ito, “Kahit ngayong gabi lang? Kung hindi ka umiinom, maupo ka lang dito. Samahan mo lang ako,” this time, hindi na nag-uutos ang tono nito kundi parang nakikiusap. Kitang-kita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. At hindi maitatagong kagagaling nga lang nito sa pag-iyak.

Naupo siya sa katapat na couch nito, “May kinalaman ba kay Christine ang pag-
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 35

    TANGHALI na nang lumabas ng bahay si Jeffrey. Pinasyalan muna niya si Elise sa ospital saka dumiretso sa opisina para pirmahan ang ilang documents. Dinatnan niya si Sabina na abala sa computer, ni hindi man lamang nag-angat ng mukha nang pumasok siya sa kwarto. Para pa ngang sinadya nitong iwasang magtama ang kanilang mga paningin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang panaginip niya kagabi. Or was it real? Nang nasa loob na siya nang kanyang private room ay manaka-nakang napapasulyap siya sa kinaroroonan nito. Curious siyang malaman kung panaginip nga bang talaga ang naganap kagabi. Nang hindi na siya makatiis ay pinindot niya ang intercom para papasukin sa loob ng salaaming kwarto ang dalaga. Hindi nakaligtas sa kanya ang panic sa mukha nito. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa, tiningnan niya ito nang matiim, “Did I kiss you last night?” Tanong niya rito. Nakita niya ang pamumula ng mukha nit

    Last Updated : 2023-01-14
  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 36

    “NABALITAAN KO iyong pangugulo ng step-sister mo sa labas ng building nuong isang araw. Ngayon ko lang nalaman na inahas mo pala sa kanya si Sir Jeffrey Mondragon?” Napakuyom ang mga kamay ni Sabina na may hawak na tinidor at kutssara, parang nagdidilim ang kanyang paningin nang mag-angat siya ng mukha at tingnan ang kanyang pinsan. “Wala ka na bang ibang gagawin kundi bantayan ang bawat nangyayari sa buhay ko?” paismid siyang napatawa, “Wow, hindi ko alam na isa ka pala sa mga tagahanga ko.” “Tagahanga? Kapal ng mukha mo! Nakakahiya ka. Usap-usapan na dito sa kompanya ang kaharutan mo. Alam ng lahat na ibinenta mo ang katawan mo para lang makapasok ka dito sa trabaho!” Nang-iinsultong sabi ni Rowena sa kanya. Napansin niyang sa kanila nakatingin ang lahat ng empleyadong kumakain sa canteen. Parang nagdilim na ang kanyang paningin. Tumayo siya at sinampal niya ng dalawang beses si Rowena. Lahat ng galit at sama ng loob niya sa b

    Last Updated : 2023-01-14
  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 37

    HALOS kalahating oras rin bago nawala ang panginginig ng babae. Tinurukan ito ng kung anu-ano sa katawan, maya-maya ay naging stable na ang kondisyon nito. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ni Jeffrey habang walang magawang pinanunuod lamang ang nangyayari sa babae. Ramdam niya ang sakit ng kaloobang dinadala sa mga mata nito. Napatingin siya sa babae na ngayon ay kalmado nang natutulog. Hindi maipagkakaila ang kagandahan sa mukha nito kahit pa nga halos buto at balat na ito. Kahabag-habag ang itsura nito, at bilib siya kay Jeffrey na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumibitaw. Napag-alaman niyang ilang taon na itong nakaratay at nito lamang nagkamalay ngunit hindi pa rin matiyak ng doctor kung tuloy-tuloy ito sa paggaling dahil nasira ng husto ang ilan sa mga internal organs nito at nagkaroon na ng komplikasyon sa utak dahil kumalat na ang lason sa katawan. Naalala tuloy niya ang Mama niya nuong may sakit ito. Kagaya ni Jeffrey, kahit na ka

    Last Updated : 2023-01-14
  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 38

    KANINA PA SIYA PABALI-BALIKWAS sa kanyang kama ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Isang lingo nang naililibing si Elise. Isang lingo na ring walang ginawa si Jeffrey kundi ang lunurin ang sarili sa alak. Ni hindi na nga ito pumapasok sa opisina. At kung hindi man ito lasing, madalas naman itong tulala. Nag-aalala na siya rito lalo pa at nangako siya kay Elise na tutulungan niya itong makalimot. Tutulungan niya itong magmahal na muli. Tinakpan niya ang kanyang mga tenga dahil parang paulit-ulit niyang naririnig ang mga kahilingan ni Elise: Please make him happy. Make him fall in love with you. Hah, at siya na isang malaking hangal ay nangakong gagawin niya ang lahat para matupad ang kahilingan nito. Napabalikwas siya nang maalala ang hitsura nito habang nakikiusap sa kanya. Feeling tuloy niya ay naroroon ang kaluluwa ni Elise sa loob ng kuwarto niya. Masama raw hindi tumupad sa pangako lalo na kung nag-aa

    Last Updated : 2023-01-14
  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   chapter 39

    PASAKAY NA sana sa elevator si Sabina nang bigla siyang hatakin ni Rowena at dalhin sa isang sulok. “Ano ba talaga ang relasyon mo sa boss natin?” Inis na tanong nito sa kanya, “I’m sure di ka naman papatulan ni Sir kung wala kang ginagawang milagro?” “Rowena, ano na naman bang kalokohan ito?” Inis na tinulak niya si Rowena, “Pwede ba, marami akong trabaho. Kung anuman ang ugnayan namin ni Sir, I don’t think kailangan ko pang ipaliwanag saiyo. Basta ang matitiyak ko saiyo, wala akong ginagawang masama!” Hinila siya nito. Mukhang ayaw talaga siyang tigilan, “Talaga lang ha? Bakit di mo pa amining inaakit mo si Sir?” sabi nitong bahagyang napangisi, “As if akala mo naman seseryusuhin ka ng isang kagaya nya!” Napakuyom ang mga palad niya. Kung hindi lang siya nag-aalala na baka matanggal siya sa trabaho kapag pinatulan niya ang isang ito, baka naingudngod na niya ito sa pagkakintab-kintab na sahig na ito. Pero himalang nak

    Last Updated : 2023-01-14
  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 40

    ANG TOTOO ay gusto lang maglibang ni Jeffrey. Ang paglalaro kasi ng golf ang past time niya nuon kapag na-stress siya. Ngunit simula nang maratay si Elise ay napahinto siya sa paglalaro ng golf. Ngayon na lamang ulit siya nakapaglaro. “P.A? As in personal alalay?” nakita niya ang pagkadismaya sa mukha ni Sabina habang nakatingin sa kanya. “Why not? Since libre ang pagtira mo sa bahay ko, sasagarin ko na ang trabaho mo para masulit naman ang binabayad ko saiyo.” Sagot niya rito, “Don’t worry, six months lang naman. Pagkatapos ng kontrata natin, you go your own way, I’ll go mine. Pabor na rin ‘to saiyo para nababantayan kita.” “Babantayan mo ko, aalalayan kita?” Taas ang kilay na tanong ni Sabina sa kanya, saka napailing, “Hindi ba para tayong naglolokohan nito? Ano ba talaga ang totoong dahilan nito?” Matiim na sabi nito. Mukhang pursigido itong malaman kung ano talaga ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon.

    Last Updated : 2023-01-18
  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 41

    “ARE YOU SURE P.A. mo lang sya, Jeffrey?” Sita ng nakababatang kapatid ni Elise na si Jayden nang makipagkita ito sa kanya para iabot ang ilang mga personal na gamit ni Elise na nakuha nito sa kwarto nito. “Hindi mo naman siguro kaagad papalitan si Elise, hindi ba?” “Jayden, ano na naman bang pumasok sa isip mo?” Hindi alam ni Jeffrey kung matatawa o maiinis sa dalaga. Nasa Amerika si Jayden nang pumanaw si Elise dahil duon ito nag-aaral. Hindi na ito nakadalo sa libing ng kapatid since naging abala ito sa exams kaya ngayon lamang ito nakarating. Nagkibit ito ng balikat, “Not that you are not allowed to pero sana. . .sana kung kukuha ka ng kapalit ni Elise, iyon sanang ka-level man lang nya.” Sabi pa nitong bahagyang sinipat si Sabina na nasa kabilang mesa habang naghihintay sa kanilang pag-uusap, “Hindi sa isang alalay lang.” “Hey, Jayden!” Saway niya rito. “I’m sorry Jeffrey,” anitong napahinga ng malalim, “Ako siguro

    Last Updated : 2023-01-18
  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 42

    MABILIS na nagbaba ng tingin si Sabina nang marealize na nakikipagtitigan rin ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit biglang may naramdaman siyang takot. Para pa ngang may narinig siyang maliit na boses sa pinakasulok ng puso niya na waring gusto siyang pagtawanan. Parang sinasabing; Ay naku Sabina, humahanap ka ng sakit ng ulo. Komplikado na nga ang buhay mo, gagawin mo pang delikado! Umayos siya ng upo at nagkunwang hindi naapektuhan sa presence nito and yet hindi niya mapigilang kabahan. Feeling tuloy niya ay kumukuha sya ng pagsusulit sa klase sa tindi ng kabang nararamdaman niya lalo pa at ramdam niyang nakatingin pa rin ito sa kanya. Binilisan na lamang niya ang pagkain. Kaya kahit bitin pa ay hindi na siya sumandok muli. Nilagay niya sa sink ang kanyang pinagkainan, “Tawagin mo na lang ako kapag tapos na kayong kumain para sabay-sabay ko nang hugasan ang mga yan,” aniyang nagmamadali nang pumanhik papunta sa kanyang kuwarto.

    Last Updated : 2023-01-18

Latest chapter

  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 111

    GINULAT NILA ang lahat sa anunsyo nilang magpapakasal na sila ngayong daratng na buwan. Masayang-masaya sina Arlene at Vivian para sa kanila. Ganuon rin naman si Von na tinanggap na ang pagkatalo at umaasang magiging masaya ang pagsasama nila ni Jeffrey. Excited din sina Erica at David kaya naman kaagad na nagset ng dinner para sa kanilang apat. “Hindi ako makapaniwalang magkaibigan pa pala ang mga boylet natin,” natatawang sabi ni Erica sa kanya habang nakamasid kina David at Jeffrey na umiinom ng wine sa isang sulok para icelebrate ang naglalapit nilang kasal, “Sinong mag-aakala nito?” Napangiti siya. Masaya siyang nabalik muli sa dati ang friendship nilang dalawa ni Erica. “Gustong-gusto talaga kitang maging hipag kaya ang sama-sama ng loob ko ng binasted mo si Kuya Enzo,” pagtatapat pa ni Erica sa kanya, “Pero tama ka, di naman pwedeng turuan ang puso. Sadyang may mga nakalaan para sa tin na bigla na lang darating sa buhay nati

  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 110

    “IBANG KLASE RIN ANG BOSS MO,” napapailing na sabi ni Von sa driver ni Jeffrey na nakita niyang naninigarilyo sa may gate. “Pasensya na, nagmamahal lang si Boss,” sabi nito sa kanya. Napaismid siya. Matagal na siyang nagmamahal pero hindi siya naging ganito kaswerte na gaya ng Jeffrey na iyon. Ewan ba niya kay Sabina kung bakit kahit yata paulit-ulit itong magkamali ay palagi itong nakahandang magpatawad. “Come on, alam naman nating maraming babae ang boss mo,” patuyang sabi niya sa lalaki. “Diyan ka nagkakamali. Kilala ko si Boss, minsanan lang magmamahal iyon. Alam ko kung ano iyong mga pinagdaanan nya sa buhay kaya wala kang karapatang husgahan sya base lang sa kung ano ang nakikita mo,” matiim na sabi sa kanya ng lalaki na halatang anumang oras ay handang makipagpatayan para lamang sa amo nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Ang totoo ay nasasaktan lamang naman siya. Ang tagal niyang umasa at nag

  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 109

    “P-PERO NATAUHAN AKO,” halos paanas lamang na sabi niya. Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. “OMG, kaya naman pala inis na inis saiyo si Von,” napapailing na sabi ni Arlene sa kanya saka napangiti, “Masarap ba?” Siniko ni Vivian si Arlene, “Ayan ka na naman sa kalibugan mo, Tumigil ka nga!” nakairap na sabi nito sa babae saka muling bumaling sa kanya, “Sabina, sana naman this time matuto ka na. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng ibang tao. Hindi sa lahat ng babagay eh bigay ka lang ng bigay,” Payo nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Alam niyang nagmamalasakit lamang ang mga ito dahil nakita ng mga ito kung paano siya nahirapan nuon. “Mabuti pa magpahinga ka na muna, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, okay?” Sabi ni Arlene sa kanya. “Salamat,” aniya sa mga kaibigan, “Salamat dahil tinutulungan nyong maging magaan ang buhay ko.”NAKITA NI ROWENA si Jeffrey na um

  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 108

    AYAW NI JEFFREY SIRAIN ang espesyal na araw ni David kung kaya’t maaga na lamang siyang nagpaalam sa lalaki. Masama ang loob niya dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya si Sabina. Sabagay ay hindi naman niya ito masisisi dahil matindi naman talaga ang naging atraso niya rito. Pero hindi na ba talaga siya nito maaring bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi na niya alam kung ano gagawin niya. Bumalik na siya sa Maynila at pinili na lamang mapag-isa sa kayang suite. Siguro ay kailangan niya ang tulong ni Geraldine para ito mismo ang magpaliwanag kay Sabina tungkol sa kanila. At para na rin malaman nito na sa nakalipas na panahon ay wala namang ibang umukupa sa puso niya kundi ito lamang. At totoo sa loob niya nang sabihin niya rito na mahal niya ito. Malungkot siyang nahiga sa kama habang paulit-ulit na nanunuot sa kanya ang magandang mukha ni Sabina. Kulang na lang ay lumuhod siya rito kanina para lang magsumamo na patawarin

  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 107

    ARAW NG LINGGO. Madaling araw pa lamang ay gising na si Sabina bilang paghahanda sa kasal ng kaibigan niyang si Erica at ang multi-billionare na mapapagasawa nitong si David Wharton. Siya kasi ang maid of honor ng kaibigan kung kaya’t maaga siyang gumising para ihanda ang kanyang susuoting magenta pink gown. Mabuti na lamang at nagpresinta si Von na sunduin siya. Sa Tagaytay gaganapin ang wedding, one hour drive from Laguna kasama ng ang ilang minutong traffic lalo na kapag araw ng Linggo. Kaya sabi ni Von ay magprepare siya ng maaga para maaga siya nitong susunduin. Siya na rin lang ang magme-make up sa sarili niya tutal naman ay very light lang ang ilalagay niya sa mukha dahil summer naman ngayon. Saka di naman talaga siya mahilig maglagay ng kung anu-anong burluloy sa mukha. Si baby Bean ay iiwanan muna niya sa pangangalaga nina Arlene at Vivian. Sanay naman na ang bata sa mga ito. Gusto ng asana ni Von ay isama niya ang kanyang anak sa wedd

  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 106

    “PASENSYA ka na Sabina kung may pagkamarites ako. Gusto ko lang naman kasing maging masaya ka kaya ipinaalam ko saiyo ang tungkol kay Jeffrey. Kung gusto mo syang makita, dito lang sya naka-check in sa hotel namin.” “Salamat, Rowena pero wag na wag mo na sanang mababanggit pa sa kanya ang tungkol sa amin ng bata,” aniya sa kanyang pinsan. “Pero hindi ba karapatan niyang malaman ang tungkol sa bata?” Tanong ni Rowena sa kanya. “Please Rowena. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko ng magkaron pa ng kaugnayan sa kanya,” pigil ang inis na sabi niya sa babae. “Pasensya na, akala ko kasi matutuwa ka sa ibabalita ko,” sabi nito sa kanya, “Pramis, hinding-hindi kita babanggitin sa kanya.” “Salamat.” Pagkatapos ng pakikipag-usap sa pinsan ay hinarap niya sina Arlene at Vivian na halatang curious na curious sa ibabalita niya. “What?” Taas ang kilay na tanong niya sa mga ito.

  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 105

    “ANG CUTE-CUTE naman ni baby Bean,” tuwang-tuwang sabi ni Arlene, kinuha nito sa kanya ang bata, “Di ako makapaniwalang mag-iisang taon na sya. Parang kelan lang,” sabi pa nito sa kanya. Ngumiti siya. Isang taon na ang matuling lumipas at sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Arlene, Von at Vivian ay nakapag-set up sila ng isang coffee shop sa Laguna kung saan ay dito na rin niya piniling manirahan habang ang bahay naman niya sa Cubao ay naisipan niyang parentahan na lamang. Balak nga sana niya nuong una ay ipagbili iyon ngunit napagtanto niyang di pala niya kayang pakawalan ang mga magagandang alaalang kalakip ng bahay na iyon bagama’t marami ring masasakit na memories ang bahay na iyon sa kanya. Mas matimbang pa rin ang mga magagandang alaalang nabuo sa tahanang iyon habang siya ay lumalaki. So far ay successful naman ang kanilang coffee shop dito sa Laguna at nagplaplano na silang magput up ng isa pang shop nila sa karatig bayan.

  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 104

    HINDI MAKAPANIWALA SI VON nang pasyalan siya nito sa bahay at ipagtapat niya ang totoong kalagayan niya rito. Disappointed itong malaman na nagdadalang tao siya at the same time ay nag-aalala ito lalo na nang ipagtapat niya ang tungkol sa kanila ni Jeffrey. “Sabi ko na nga ba may something sa inyo ng lalaking iyon. Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya, hindi ko na kaagad siya gusto,” nailing na sabi nito sa kanya saka tiningnan siya ng matiim, “Talaga bang wala kang balak ipaalam sa kanya ang lagay mo?” Umiling siya. “Para ano pa?” “Bakit hindi mo sya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag? I know, medyo confusing ang statement ko considering di ko gusto ang lalaking iyon. Pero syempre, iyong kapakanan mo pa rin at kaligayahan mo ang iniisip ko. Kahit masakit para sakin, kung sa kanya ka magiging maligaya, okay lang. Kaya kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong bigyan mo sya ng chance na magpaliwanag.” “Magpali

  • SEDUCING THE MAFIA BOSS   CHAPTER 103

    “I AM ONE MONTH PREGNANT?” Waring hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang tinitingnan ang result ng naging eksamenasyon sa kanya ng doctor. “Mabuti na lang safe ang baby mo. Kaya iwasan mo na sana ang stress at magfocus ka sa nandyan sa matris mo,” sabi ni Enzo na bakas ang matinding pag-aalala sa kanya, “Ano nga palang plano mo? Ipapaalam mo ba sa kanya?” Umiling siya. Simula sa araw na ito ay tinatapos na niya ang anumang ugnayan niya kay Jeffrey. Tama na ang kahibangan. Napaisip siya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa bagong kaganapan na ito sa buhay niya. May pait sa mga labing napangiti siya. Sa isang iglap ay nakabuo kaagad ng dalawang bata si Jeffrey. O baka nga hindi lang sila dalawang binuntis nito. Hindi na siya magtataka kung may mababalitaan siyang isa pang naghahabol dito. “Sabagay, kayang-kaya mo namang buhayin

DMCA.com Protection Status