HINDI DALAWIN NG ANTOK SI SABINA. Narinig niya ang pag-alis ni Jeffrey. Narinig rin niya ang pagdating nito. At ngayon ay waring may nagtatampisaw sa swimming pool, hindi lang siya makatayo para silipin ito sa bintana ng kanyang kuwarto. Pero naiimagine pa lang niya si Jeffrey na lumalangoy habang naka-swimming trunk ay nag-iinit na naman ang mga pisngi niya. Hindi maalis sa kanya ang scent nito. Ang bango-bango, parang ang sarap matulog na nakayakap dito. At bakit habang iniisip niya iyon ay parang namamasa ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. Ang pervert-pervert naman niya. Virgin pa siya and yet ang pervert na niya. Patawarin sana siya ng mga magulang niya sa kung anu-anong naiisip niya ngayon. Make him fall in love with you, parang naririnig pa niyang sabi ni Elise sa kanya. Naitanong tuloy niya sa sarili kung sinasapian ba siya ng dalaga kaya siya biglang nagkakaganito? Elise, tantanan mo na ako. Napakaraming bagay ang da
ILANG ARAW nang inaabangan ni Rowena si Sabina sa opisina ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito napagkikita. Kahit sa canteen ay di rin niya ito nakikita tuwing lunch time. Matutuwa siya kung natanggal ito sa trabaho. Pero maging ang CEO ng company ay di rin niya napagkikita kaya mas lalong lumalakas ang kutob niyang may ugnayan talaga ang dalawang iyon. Kailangan niyang malaman kung ano iyon. Inalam na niya sa ama kung ano ang exact address kung saan nakita niya ito. Sinubukan niyang pumasok sa loob ng subdivision pero hindi siya nakapasok. Exclusive lang daw iyon sa mga nakatira duon. Napagkamalan pa nga siyang kasambahay at itinatanong kung sino ang amo niya. Inis na inis siya. Itong beauty niyang ito ay napagkamalan siyang katulong ng security guard duon? Naalala tuloy niya ang sinabi ng kapatid niya. Siguro raw kaya galit na galit siya kay Sabina ay dahil magmumukha lamang siya nitong alalay kapag pinagtabi sila. Actually, isa r
“KUMUSTA na ang pakiramdam mo?” Tanong ni Jeffrey kay Sabina nang silipin siya nito sa loob ng kwarto. Mahigit isang lingo na siyang nagpapagaling. May doctor na halos araw-araw tinitingnan ang kondisyon niya. Sprain lang naman iyon at inin-jectionan lang nito iyon para maayos ang napilipit niyang ugat ngunit sinabihan siya nito na ipahinga muna niya ang kanyang mga paa para hindi ito nabibigla. May therapist ding dumadalaw sa kanya every other day para ikondisyon ang paa niya. Tingin nga niya ay napa-OA si Jeffrey lalo pa at hindi siya sanay ng ganitong atensyon pero hindi man niya aminin ay nagugustuhan niya ang pag-aalagang ibinibigay nito. Nasanay na nga siyang araw-araw siyang dinadalhan nito ng breakfast, lunch and dinner. Baka hanap-hanapin niya ito kapag magaling na siya. Kung ganito ito sa kanya, paano pa kaya kay Elise na kasintahan nito? Kumusta na rin kaya ang pakiramdam nito? Hanggang ngayon kaya ay nagdadalamhati pa rin ito sa pagka
BAGO UMUWI ay dumaan sila sa columbary upang bisitahin ang urn ni Elise duon. Dinatnan nila si Jayden duon. Humalik ito sa pisngi ng binate saka parang pairap na tumingin sa kanya bago muling bumaling kay Jeffrey. “I was about to call you para magpasamang dalawin si Elise.” Halos paanas lamang na sabi ng dalaga dito. Nakita niyang isinandal pa ng dalaga sa balikat ni Jeffrey ang ulo nito habang sabay ang mga itong nakatingin sa larawan ni Elise, “I know how you feel, Jeffrey. I’ve witnessed how much you adore my sister. At alam kong hinding-hindi mo na sya makakalimutan,” narinig pa niyang sabi nito kay Jeffrey na waring nanadyang iparinig sa kanya iyon. Tahimik lang siya habang nakamasid sa mga ito. Hindi niya alam kung bakit may kirot siyang nararamdaman sa dibdib habang naiisip ang bawat sinasabi nito. Yeah, alam naman niyang hinding-hindi nito makakalimutan si Elise. Malamang, hinding-hindi na rin ito magmamahal
NAPAILING na lamang si Jeffrey nang pagkapasok niya sa kotse ay makitang nakatulog na si Sabina sa paghihintay sa kanya. Hindi na niya ito ginising sa halip ay sinuotan niya ito ng seat belt. Bahagya pa siyang natigilan nang mapatitig dito. May kung anong pumitik sa dibdib niya na biglang nakapagpataranta sa kanya. Nakita niyang lumapit sa bintana ng kotse si Jayden, masama ang tingin nito sa kanya na para bang nahulaan nito ang tumatakbo sa utak niya ng mga oras na iyon. Umayos siya ng upo. Di niya alam kung bakit parang na-guilty siya samantalang wala naman siyang ginagawang masama. And he does not owe Jayden an explanation. “Kailangan bang ikaw ang mag-intindi sa P.A. mo?” may sarcasm sa tonong tanong nito sa kanya saka sumulyap kay Sabina, “Why don’t you wake her up?” iritadong sabi nito. “It’s okay Jayden,” sabi niyang binuhay na ang makina ng sasakyan, “I have to go,” pinindot niya ang isang button para magsara na ang bintana.
NAPATITIG SI JEFFREY sa pintuan ng kwarto ni Sabina. Ilang sandali yata siyang nakatayo lamang sa may pintuan nito kaya bahagya pa siyang nagulat nang bumukas iyon. “I was about to knock para sabihin sayong liigpitin mo na iyong pinagkainan sa baba,” pormal na sabi niya rito saka nagmamadali nang pumasok sa kanyang kuwarto. Gustp niyang pagalitan ang kanyang sarili dahil bakit kailangan niyang mataranta? Padarag na nahiga siya sa kama. Muli niyang naalala ang maiinit nitong mga labi saka parang nagi-guilty na napatingin siya sa larawan ni Elise na nakapatong sa lamesa sa tabi ng kanyang kama. Nagkakaganito lamang marahil siya dahil sa labis na pangungulila niya sa yumaong kasintahan. “Elise,” mahinang sambit niya sa pangalan nito habang nakatitig dito. Bumangon siya at lumabas ng kwarto. Kumuha siya ng beer sa fridge. Inabutan niyang naghuhugas na ng pinggan si Sabina. Nagtungo siya sa may pool bitbit ang tatlong beer in can. Nagbukas siya ng
ALAM NI SABINA na handang-handa na niyang ibigay ang lahat kay Jeffrey ngayong gabing ito. Wala ni katiting na pag-aalinlangan siyang nararamdaman sa puso niya. Buong puso, buong kaluluwa niyang ibinibigay ang sarili sa lalaking ito. “Jeffrey. . .” sabi niyang napaungol nang maramdaman ang mga labi nitong bumaba sa pagitan ng kanyang mga hita. Kinagat nito ang panty niya at hinubad iyon gamit ang mga labi nito. Para siyang kinukuryente habang pinagmamasdan ito sa ginagawa. Napahiyaw siya nang maramdaman ang dila nito na banayad na dumampi sa pisngi ng kanyang hiyas, nagpaikot-ikot iyon duon, tinitikman ang basang-basa niyang bukana. Waring tinatantiya kung handa na ng aba siyang talaga. At nang matiyak na handang-handa na ang kanyang hiyas ay ipinasok nito ang dila sa loob niyon. Napakagat labi siya sa di maipaliwanag na sensasyong nararamdaman. Kung kanina ay nasasarapan na siya sa ginagawa nitong pagromansa sa kanyang boobs, di
HINDI ALAM NI SABINA kung paano haharapin si Jeffrey kinabukasan ng umaga. Kagabi ay napuyat siya sa kaiisip kung virgin pa nga ba siyang matatawag sa mga nangyari sa kanila. Technically ay hindi naman nito naipasok ang pagkalalaki nito sa kanya. Pero naipasok na nito ang dila nito. Shit, nag-iinit na naman siya habang naiisip ang mga nangyari sa kanila kagabi. Hindi nga siya nakatulog sa kaiisip kung anong pakiramdam sakaling itinuloy ni Jeffrey ang pagtatalik nila. Naging marupok siya. Kagabi ay wala siyang pinagsisihan. Handa niyang ibigay ang lahat-lahat dito ng walang pag-aalinlangan. Ngunit kaninang magising siya ay parang gusto niyang murahin ang kanyang sarili dahil nawalan siya ng self-control. Hindi porke’t mahal niya ito ay bibigay na siya sa kung anong gawin nito sa kanya. Ano na lang ang iisipin nito sa kanya? Na kaladkarin siya? Nanlamig ang kanyang mga talampakan nang marinig ang pagbaba ni Jeffrey. Nagmamadali
GINULAT NILA ang lahat sa anunsyo nilang magpapakasal na sila ngayong daratng na buwan. Masayang-masaya sina Arlene at Vivian para sa kanila. Ganuon rin naman si Von na tinanggap na ang pagkatalo at umaasang magiging masaya ang pagsasama nila ni Jeffrey. Excited din sina Erica at David kaya naman kaagad na nagset ng dinner para sa kanilang apat. “Hindi ako makapaniwalang magkaibigan pa pala ang mga boylet natin,” natatawang sabi ni Erica sa kanya habang nakamasid kina David at Jeffrey na umiinom ng wine sa isang sulok para icelebrate ang naglalapit nilang kasal, “Sinong mag-aakala nito?” Napangiti siya. Masaya siyang nabalik muli sa dati ang friendship nilang dalawa ni Erica. “Gustong-gusto talaga kitang maging hipag kaya ang sama-sama ng loob ko ng binasted mo si Kuya Enzo,” pagtatapat pa ni Erica sa kanya, “Pero tama ka, di naman pwedeng turuan ang puso. Sadyang may mga nakalaan para sa tin na bigla na lang darating sa buhay nati
“IBANG KLASE RIN ANG BOSS MO,” napapailing na sabi ni Von sa driver ni Jeffrey na nakita niyang naninigarilyo sa may gate. “Pasensya na, nagmamahal lang si Boss,” sabi nito sa kanya. Napaismid siya. Matagal na siyang nagmamahal pero hindi siya naging ganito kaswerte na gaya ng Jeffrey na iyon. Ewan ba niya kay Sabina kung bakit kahit yata paulit-ulit itong magkamali ay palagi itong nakahandang magpatawad. “Come on, alam naman nating maraming babae ang boss mo,” patuyang sabi niya sa lalaki. “Diyan ka nagkakamali. Kilala ko si Boss, minsanan lang magmamahal iyon. Alam ko kung ano iyong mga pinagdaanan nya sa buhay kaya wala kang karapatang husgahan sya base lang sa kung ano ang nakikita mo,” matiim na sabi sa kanya ng lalaki na halatang anumang oras ay handang makipagpatayan para lamang sa amo nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Ang totoo ay nasasaktan lamang naman siya. Ang tagal niyang umasa at nag
“P-PERO NATAUHAN AKO,” halos paanas lamang na sabi niya. Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. “OMG, kaya naman pala inis na inis saiyo si Von,” napapailing na sabi ni Arlene sa kanya saka napangiti, “Masarap ba?” Siniko ni Vivian si Arlene, “Ayan ka na naman sa kalibugan mo, Tumigil ka nga!” nakairap na sabi nito sa babae saka muling bumaling sa kanya, “Sabina, sana naman this time matuto ka na. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng ibang tao. Hindi sa lahat ng babagay eh bigay ka lang ng bigay,” Payo nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Alam niyang nagmamalasakit lamang ang mga ito dahil nakita ng mga ito kung paano siya nahirapan nuon. “Mabuti pa magpahinga ka na muna, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, okay?” Sabi ni Arlene sa kanya. “Salamat,” aniya sa mga kaibigan, “Salamat dahil tinutulungan nyong maging magaan ang buhay ko.”NAKITA NI ROWENA si Jeffrey na um
AYAW NI JEFFREY SIRAIN ang espesyal na araw ni David kung kaya’t maaga na lamang siyang nagpaalam sa lalaki. Masama ang loob niya dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya si Sabina. Sabagay ay hindi naman niya ito masisisi dahil matindi naman talaga ang naging atraso niya rito. Pero hindi na ba talaga siya nito maaring bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi na niya alam kung ano gagawin niya. Bumalik na siya sa Maynila at pinili na lamang mapag-isa sa kayang suite. Siguro ay kailangan niya ang tulong ni Geraldine para ito mismo ang magpaliwanag kay Sabina tungkol sa kanila. At para na rin malaman nito na sa nakalipas na panahon ay wala namang ibang umukupa sa puso niya kundi ito lamang. At totoo sa loob niya nang sabihin niya rito na mahal niya ito. Malungkot siyang nahiga sa kama habang paulit-ulit na nanunuot sa kanya ang magandang mukha ni Sabina. Kulang na lang ay lumuhod siya rito kanina para lang magsumamo na patawarin
ARAW NG LINGGO. Madaling araw pa lamang ay gising na si Sabina bilang paghahanda sa kasal ng kaibigan niyang si Erica at ang multi-billionare na mapapagasawa nitong si David Wharton. Siya kasi ang maid of honor ng kaibigan kung kaya’t maaga siyang gumising para ihanda ang kanyang susuoting magenta pink gown. Mabuti na lamang at nagpresinta si Von na sunduin siya. Sa Tagaytay gaganapin ang wedding, one hour drive from Laguna kasama ng ang ilang minutong traffic lalo na kapag araw ng Linggo. Kaya sabi ni Von ay magprepare siya ng maaga para maaga siya nitong susunduin. Siya na rin lang ang magme-make up sa sarili niya tutal naman ay very light lang ang ilalagay niya sa mukha dahil summer naman ngayon. Saka di naman talaga siya mahilig maglagay ng kung anu-anong burluloy sa mukha. Si baby Bean ay iiwanan muna niya sa pangangalaga nina Arlene at Vivian. Sanay naman na ang bata sa mga ito. Gusto ng asana ni Von ay isama niya ang kanyang anak sa wedd
“PASENSYA ka na Sabina kung may pagkamarites ako. Gusto ko lang naman kasing maging masaya ka kaya ipinaalam ko saiyo ang tungkol kay Jeffrey. Kung gusto mo syang makita, dito lang sya naka-check in sa hotel namin.” “Salamat, Rowena pero wag na wag mo na sanang mababanggit pa sa kanya ang tungkol sa amin ng bata,” aniya sa kanyang pinsan. “Pero hindi ba karapatan niyang malaman ang tungkol sa bata?” Tanong ni Rowena sa kanya. “Please Rowena. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko ng magkaron pa ng kaugnayan sa kanya,” pigil ang inis na sabi niya sa babae. “Pasensya na, akala ko kasi matutuwa ka sa ibabalita ko,” sabi nito sa kanya, “Pramis, hinding-hindi kita babanggitin sa kanya.” “Salamat.” Pagkatapos ng pakikipag-usap sa pinsan ay hinarap niya sina Arlene at Vivian na halatang curious na curious sa ibabalita niya. “What?” Taas ang kilay na tanong niya sa mga ito.
“ANG CUTE-CUTE naman ni baby Bean,” tuwang-tuwang sabi ni Arlene, kinuha nito sa kanya ang bata, “Di ako makapaniwalang mag-iisang taon na sya. Parang kelan lang,” sabi pa nito sa kanya. Ngumiti siya. Isang taon na ang matuling lumipas at sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Arlene, Von at Vivian ay nakapag-set up sila ng isang coffee shop sa Laguna kung saan ay dito na rin niya piniling manirahan habang ang bahay naman niya sa Cubao ay naisipan niyang parentahan na lamang. Balak nga sana niya nuong una ay ipagbili iyon ngunit napagtanto niyang di pala niya kayang pakawalan ang mga magagandang alaalang kalakip ng bahay na iyon bagama’t marami ring masasakit na memories ang bahay na iyon sa kanya. Mas matimbang pa rin ang mga magagandang alaalang nabuo sa tahanang iyon habang siya ay lumalaki. So far ay successful naman ang kanilang coffee shop dito sa Laguna at nagplaplano na silang magput up ng isa pang shop nila sa karatig bayan.
HINDI MAKAPANIWALA SI VON nang pasyalan siya nito sa bahay at ipagtapat niya ang totoong kalagayan niya rito. Disappointed itong malaman na nagdadalang tao siya at the same time ay nag-aalala ito lalo na nang ipagtapat niya ang tungkol sa kanila ni Jeffrey. “Sabi ko na nga ba may something sa inyo ng lalaking iyon. Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya, hindi ko na kaagad siya gusto,” nailing na sabi nito sa kanya saka tiningnan siya ng matiim, “Talaga bang wala kang balak ipaalam sa kanya ang lagay mo?” Umiling siya. “Para ano pa?” “Bakit hindi mo sya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag? I know, medyo confusing ang statement ko considering di ko gusto ang lalaking iyon. Pero syempre, iyong kapakanan mo pa rin at kaligayahan mo ang iniisip ko. Kahit masakit para sakin, kung sa kanya ka magiging maligaya, okay lang. Kaya kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong bigyan mo sya ng chance na magpaliwanag.” “Magpali
“I AM ONE MONTH PREGNANT?” Waring hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang tinitingnan ang result ng naging eksamenasyon sa kanya ng doctor. “Mabuti na lang safe ang baby mo. Kaya iwasan mo na sana ang stress at magfocus ka sa nandyan sa matris mo,” sabi ni Enzo na bakas ang matinding pag-aalala sa kanya, “Ano nga palang plano mo? Ipapaalam mo ba sa kanya?” Umiling siya. Simula sa araw na ito ay tinatapos na niya ang anumang ugnayan niya kay Jeffrey. Tama na ang kahibangan. Napaisip siya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa bagong kaganapan na ito sa buhay niya. May pait sa mga labing napangiti siya. Sa isang iglap ay nakabuo kaagad ng dalawang bata si Jeffrey. O baka nga hindi lang sila dalawang binuntis nito. Hindi na siya magtataka kung may mababalitaan siyang isa pang naghahabol dito. “Sabagay, kayang-kaya mo namang buhayin