Home / Romance / SEDUCING THE MAFIA BOSS / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng SEDUCING THE MAFIA BOSS: Kabanata 11 - Kabanata 20

112 Kabanata

CHAPTER 10

WALA PANG TEN MINUTES na tumatakbo ang sasakyan ni Jefferey ay inihinto na niya iyon sa isang tabi saka bumaba at pumunta sa likuran ng sasakyan. Napailing siya nang makitang muli dun ang babae. Pero bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na ito, “Kailangan kong mahanap iyong phone ko,” nakikiusap ang tonong sabi nito sa kanya, “Tulungan mo kong mahanap iyon, tutulungan kitang mahanap iyong nawawala mong box.” Kondisyon nito sa kanya. Napaisip siya saka nagbuga ng hangin, “Okay. Basta siguraduhin mong maiibalik mo sakin ang box.” Ang totoo ay nakita na niya kanina ang phone nito. Ngunit titiyakin muna niyang mapapabalik sa kanya ang usb niya bago niya ibigay dito ang phone nito. Nang makarating sa bahay ay hinayaan niya itong hanapin ang nawawalang phone nito sa kusina. Actually, itinago na niya iyon sa isang safe na lugar. Hindi niya alam kung anong meron sa phone nito at masyado itong pursigido na makita iyon. Marahil ay mga nude photos? Pinamulaha
Magbasa pa

CHAPTER 11

“TOTOO BA, may trabaho na ko? Ganun-ganun lang iyon, walang kahirap-hirap?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang nakaupo sa kusina ng bahay ni Jeffrey. Maya-maya ay tumunog ang tiyan niya. Hindi naman siguro magagalit ang lalaking iyon kung mangingialam na siya sa kusina. Tsinek niya kung ano ang pwede niyang lutuin. Pwede siyang gumawal ng tinola since marami namang gulay sa ref. Naiiling na inilabas niya ang manok sa freezer at carrots, luya at sayote sa chiller. Bumibili ng gulay, hindi naman lulutuin, nailing na tinanggal niya ang mga gulay na malapit ng mabulok. Pwede pa niyang isahog ang ilan duon. Iyong iba ay hindi na talaga pwede kaya itinapon na lamang niya. Nagsaing na rin siya. 7:30 ng gabi ay tapos na siyang magluto. Kakain na sana siya nang maisipan niyang katukin sa kwarto nito si Jeffrey para makapaghapunan man lang ito bago ito matulog. “What?” Tila inis na tanong nito sa kanya. “Nagluto ako ng
Magbasa pa

CHAPTER 12

“SAIYO ITO?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sabina nang pasakayin siya nito sa isang magarang Rolls Royce, “Gano ka ba kayaman?” Manghang-manghang sabi niya habang tsinetsek ang loob ng sasakyan. Naupo si Jeffrey sa driver’s seat at sinimulang paandarin ang sasakyan. Bahagya siyang napaismid nang maalala si Christine. Bukod sa guwapo na, napakayaman pa kaya tiyak na hindi na talaga ito papakawalan pa ng babalung babae na iyo Tahimik lang si Jeffrey habang nagmamaneho. Naisip niyang magtratrabaho siya bilang sekretarya nito and yet hindi man lamang naiisipang itanong ang pangalan niya. Bahagya niya itong nilingon, napaka-seryoso ng mukha nito. Guwapo ngunit suplado. Very typical na ugali ng mga mayayamang napapanood niya sa mga tv programs. Maya-maya ay huminto ang sasakyan nito sa tapat ng isang mall, dinukot nito ang wallet nito at kumuha ng cash duon, “Bumili ka ng bagong phone, kakailanganin mo ‘yan bilang secretary ko.” sabi nitong iniabot ang lilibu
Magbasa pa

CHAPTER 13

“SINO ba iyong babaeng sumampal saiyo kanina?” Bahagya lang siya nitong nilingon saka ibinalik muli ang atensyon sa pagmamaneho, “Mukhang galit na galit ah? Sino bang pinaasa mong lalaki?” Bahagya pa itong napangisi. Naasar na bumaling siya dito. Kahit mayayaman maritess rin eh. Napahawak siya sa seat belt na nakasuot sa bewang niya, “Wala akong pinaasang kahit na sino. Masyado lang silang nag-assume na. . .teka nga, bakit ba nakikitsismis ka pa?” iritadong sabi niya nang marealize na hindi niya kailangang magpaliwanag dito. Nagibit balikat ito, “I’m just curious. Ilang taon ka na nga ba?” “Twenty two. Actually birthday ko ‘nung unang araw ko sa coffee shop. ‘nung nagyari iyong gulo at pinatago mo iyong maliit na box na iyon. . .” sabi niya rito, “Ilang beses kasi akong nahinto sa pag-aaral ‘nung nagkasakit si Mommy kaya late na ko nakapag-college. At mukhang mas matatagalan pa bago ko maka-graduate,” bigla ay naikwento niya rito.
Magbasa pa

CHAPTER 14

HECK, napahilamos sa kanyang mukha si Jeffrey, ilang araw na lang ang nalalabi. Kailangan nang mabalik sa kanya ang usb or else mapipilitan siyang pakasalan si Christine. Waring shotgun wedding ang nangyayaring ito sa kanya. Sabagay, madali na lamang naman para sa kanya na makipag-annul dito matapos niyang makuha ang totoong pakay niya. But damn, iniisip pa lamang niyang ihaharap niya sa dambana ang babaeng ni minsan man ay hindi naman niya minahal, parang bumabaligtad na ang sikmura niya. But he has to do this to protect his people at maisakatuparan ang kanyang mga plano. “Were here. Bumaba ka na, pumunta ka sa 28th floor. Sa office kamo ni Mr. Jeffrey Mondragon. Alam na ng HR ang tungkol saiyo. Tutulungan ka na rin nilang gumawa ng resume mo. Considered as hired ka na dahil ako mismo nagrekomenda saiyo. Tawagan mo ko kapag tapos ka na sa resume mo para maihatid na ulit kita pabalik sa tinutuluyan mo.” “Hindi pa ako magtratrabaho?”
Magbasa pa

CHAPTER 15

MAY kung anong pumilantik sa dibdib ni Sabina nang pagdating ni Jeffrey. Pakiramdam niya ay mas lalo itong pagwapo ng pagwapo kada minute. Iyong totoo, ano ba talaga ang nakita nito kay Christine? Hindi naman sa panglalait pero mukha lang talaga itong alalay ng binata. O masyado lang siyang asar sa kanyang step-sister kaya ang pangit ng tingin niya rito? Sabagay, sabi nga beauty is in the eyes of the beholder. Baka naman sa paningin ni Jeffrey ay napakaganda nito. Saka love is blind nga raw, hindi ba? Well, hindi siya sure duon dahil di pa naman niya nararanasang mainlab. At sa nangyayaring ito sa buhay niya, mas mabuti na nga lang sigurong huwag na muna siyang mainlab. Maraming mas mahalagang bagay ang kailangan niyang ayusin sa ngayon. Ang priority niya ay ang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama. “Halika, ipapakita ko muna saiyo ang opisina ko para alam mo kung san ka pupunta bukas,” anito nang makalapit na sa kanya. Tumayo siya para s
Magbasa pa

CHAPTER 16

HININTAY lang siyang makababa ni Jeffrey pagkatapos ay mabilis nang sumibad ang sasakyan nito. Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng gate ay kaagad siyang sinalubong ni Vicky, nakangising-nakangisi. “Hindi ka na naman umuwi kagabi, pagkatapos me naghatid saiyong sakay ng Rolls Royce, ano bang pinagagawa mo?” Pakiramdam niya ay may masama siyang ginagawa sa klase ng tinging ipinukol nito sa kanya, “Naku, Sabina, ngayon pa lang, sinasabi ko na saiyong wala kang kinabukasan kung gagamitin mo ang kagandahan mo sa. . .” “Wala po akong ginagawang masama,” pagbibigay assurance niya rito. Mabuti na lamang at tinted ang sasakyan ni Jeffrey, hindi nito nakita kung sino ang naghatid sa kanya, “K-kaibigan ko po iyon,” pagsisinungaling niya, “Naawa sakin kaya binigyan niya ako ng trabaho.” Nangunot ang nuo nito, “Totoo ba ‘yang sinasabi mo?” Tumango siya, “Hindi po ako gagawa ng masama na ikasisira ng reputasyon ko, Tita Vicky. At maraming sala
Magbasa pa

CHAPTER 17

ALA-SINGKO pa lamang ay nakagayak na si Sabina patungo sa opisina. Unang araw niya sa trabaho kaya gusto niyang maging maayos ang lahat. Paulit ulit na rin niyang kinabisado ang timpla ng kape ng kanyang boss. Sabi sa kanya kahapon ni Mrs. Albufera nang magtraining siya, iyon raw ang unang hihingin nito sa kanya pagkarating na pagkarating nito sa opisina at dapat raw ay di siya pumalpak sa timpla ng kape nito. May pagka-OC rin daw ang lalaki kaya dapat ay hindi siya makalat sa kanyang mga gamit or else baka sa unang araw pa lamang niya ay pauwiin na siya nito kaagad. Kaya naman kabado siya nang pumasok sa opisina. Maliban sa mga security guard at janitress ng kompanya ay siya ang pinakamaagap na pumasok sa trabaho. Pinanusan muna niya ang kanyang mesa at niligpit ang kanyang mga gamit pagkatapos ay nagpunta siya sa pantry para magtimpla ng kanyang kape. Matapos makapagkape ay bumalik na siya sa kanyang mesa. Paglabas niya ng elevator ay saktong palabas r
Magbasa pa

CHAPTER 18

HINDI na makapaghintay pa si Jeffrey. Nang gabing iyon ay inutusan niya ang kanyang mga tauhan para pasukin ang bahay nina Christine at halughugin duon ang nawawala niyang usb. Kailangang mapasakamay niya iyon bago pa siya maunahan ng ibang tao. Damn. Iniisip pa lamang niyang pakakasalan niya si Christine kapalit ng pinakaiingatang lihim ay para ng sasabog ang batok niya. Hindi niya kayang makasal sa babaeng iyon kahit pa nga sa ilang buwan lang. Muli ay naalala niya ang kondsiyong ibinigay sa kanya ng ama ni Christine. “Pakakasalan mo ang anak ko ng sa gayon ay legal mong maiisalin sa kanya ang kalahati ng kayamanan mo. Gusto kong makatiyak. . .kilala kita, Mr. Mondragon. Masyado kang matalino. Pero kung matalino ka, mas tuso ako.” Nagtangis ang kanyang mga bagang habang nakikinikinita ang mukha ng ama ni Christine habang nakangisi, “Kung hindi mo pakakasalan ang anak ko, ilalantad ko sa publiko ang totoo mong pagkatao Jeffrey. Malalaman n
Magbasa pa

CHAPTER 19

HINDI MAKATULOG si Sabina habang iniisip ang mga sinabi ng boss niya. May katwiran ito. Hindi niya basta magagapi ang kampon ng step-mother niya kung malakas ang kapit ng mga ito kahit pa nasa tama siya. Dito pa ba eh mostly, pera ang gumagana sa bansang ito. Kailangan nilang magtulungan kung gusto niyang manalo. Pero ang magsama sila sa iisang bubong? Ngunit ilalagay naman niya sa kapahamakan ang kapitbahay niya kung mananatili siya sa mga ito. Isa pa, baka nga pinag-iisipan na rin siya ng di maganda ng wicked step-mother niya. Biglang nagtindigan ang mga balahibo niya nang maisip iyon. Kaagad siyang bumangon at iginiyaka ang mga gamit. Kaunti lang naman iyon kaya wala pang five minutes ay maayos na ang lahat niyang mga gamit sa isang malaking bag. Ini-alarm niya ang kanyang phone. Alas-singko ng umaga ay nakaligo na siya. Nagluto na rin siya ng almusal nila. Habang tulog pa ang mga bata ay ipinaliwanag niya kay Vicky ang kanyang plano,
Magbasa pa
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status