NAPATAYO sa kanyang swivel chair si Jeffrey, “Anong nangyari kay Eiise?” “Nagmulat sya ng mga mata at binanggit nya ang pangalan nyo,” balita ng isa sa mga tauhan niya sa kanya. Nabuhayan siya ng pag-asa. Nagmamadali siyaang lumabas ng opisina at excited na pinuntahan ang kinaroroonan ng kasintahan. Gagawin niya ang lahat para lamang mabalik ito sa dati. God, miss na miss na niya ang kanyang si Elise. Halos paliparin na niya ang kanyang motorsiklo patungo sa kinaroroonang ospital ng kasintahan. Pagdating niya ay inabutan niya ang dalaga na gaya pa rin ng dati, wala pa ring pagbabago sa kalagayan nito kaya inutusan niya ang isa sa mga tauhan paa mabalikan ang record sa cctv. Mangiyak ngiyak siya habang pinapanuod ang pagmulat ng mga mata ni Elise at ang bahagyang paggalaw ng mga kamay nito. “God,” masayang usal niya saka muling nilapitan ang kasintahan sa hinihigaan nito at masuyo itong hinalikan sa nuo. Malaking bagay na sa kanyang makita
HINDI maintindihan ni Sabina kung bakit siya inaalok ng kasal ni Jeffrey. Lasing ba ito or nahihibang para alukin siya ng kasal, ni hindi nga niya ito lubusang nakikilala? "Ganito ba ako kaganda para bigla-bigla mo kong aaluking pakasal saiyo? Saka ano bang palagay mo sakin, cheap na basta na lamang papakasal sa ni hindi ko man lang nakikilala?" Nakataas ang isang kilay na sabi niya rito saka tiningnan ito mula ulo hanggang paa, "Hindi porket gwapo ka ay magpapaka=easy to get na ko 'no." "Hindi ko sinabing totohanin natin ang kasal. Magpapanggap ka lang na asawa ko so I can get rid of Christine," paliwanag nito sa kanya. "Ha? Parang ang labo naman ata," sabi niyang hindi pa rin maintindihan kung ano ang tumatakbo sa utak nito. "May bago na kong plano para hindi ako matrap sa babaeng iyon habang hinahanap ko pa rin ang usb. Magpakasal tayo. Don't worry, madali na lang naman tayong makapaghihiwalay. Kailangan ko lang patunayan sa father ni Christine na kasal na tayo para di na
“MARRY ME. . .” Muli niyang narinig na sabi ni Jeffrey nang makauwi na sila ng bahay. Parang dumagundong ang dibdib niya sa sinabing iyon ng kanyang boss Ano na naman bang kalokohan ang pumasok sa utak nito? Nakatakda itong magpakasal kay Christine and yet niyayaya siya nitong magpakasal? Talaga bang laro lang para dito ang sagradong sakramento na iyon. “Are you out of your mind, Sir? Hindi ba sabi ko bigyan nyo muna ako ng panahon para mapag-isipan ang bagay na iyan?” Hindi niya alam kung magagalit o maawa habang tinitingnan ang mukha nito. Ramdam niya ang kalungkutan sa mga mata nito. Ano ba talaga ang problema ng lalaking ito? Palagay naman niya ay narito na ang lahat pero bakit pasan nito ang buong mundo? Napahinga ito ng malalim, “I’m sorry,” anitong napailing, “I guess I am really out of my mind. Hindi ko alam kung paano ko tatakasan si Christine.” “Bakit ka ba naman kasi pumayag in the first place? Ano ba
NILINGON NIYA SI SABINA, “I said kalimutan mo na ang sinabi kong yun. Ayokong lumabas na parag utang na loob ko pa saiyo ang lahat,” sabi niya rito. Halata ang iritasyon sa tono ng pananalita ng dalaga ng muling magsalita, “Ang labo mo naman palang kausap eh. Atat na atat kang pakasal tayo para matakasan mo ang babalina kong step-sister, ngayong pumapayag na ko, ikaw naman ang umaayaw. Paano kita pagtitiwalaan na makikipagtulungan kang mapunta sa kangkungan ang pamilyang iyon kung ngayon pa lang, napaka-unreliable mo!” Sita nito sa kanya. “Hindi ako unreliable!” Inis na sagot niya dito, “Ayoko lang dumating ang araw na sisihin mo akong. . .” “Six months lang naman, hindi ba? Nangako kang six months lang ang problemang ito,” umiiyak nang sabi nito sa kanya. “Ako na ang nakikiusap saiyo ngayon na pakasalan mo ako para hindi na maguluhan pa ang utak mo tungkol sa shotgun wedding mo kay Christine. Basta mangako kang after six months, m
NAGULAT SI SABINA na ganuon lang kabilis natapos ang kanilang kasal. Pinirmahan lang niya ang limang magkakaparehong documents pagkatapos ay ini-announce ng judge na nagkasal sa kanila na mag-asawa na sila. Ni hindi man lamang siya naglakad sa aisle na gaya ng napapanuod niya. Ni wala siyang boquet. O wedding gown na pinapangarap niya. Simpleng palda at blusa na kulay asul pa ang suot niya, ni hindi man lamang kulay puti. Naalala niya ang mga magulang. Kung nabubuhay lamang ang mga ito ay tiyak na di ng mga ito gugustuhing makasal siya sa ganitong paraan. Sabagay, kung buhay ang mga ito ay di naman siya malalagay sa ganitong sitwasyon. May lungkot sa mga matang tiningnan niya si Jeffrey habang kausap nito ang judge. Tama nga ba ang naging desisyon niyang ito? Ngunit habang iniisip ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang ito ay naisip niyang tama lang ang naging desisyon niya. Hitting two birds with one stone. Kailangan niya ang tulong ni Jeffrey.
UMIIYAK SI SABINA habang ipinagtitirik ng kandila ang kanyang ama at ina, “Alam nyo po bang newly wed ako ngayon?” mapakla ang ngiti niya, “Yes, Pa, Ma, may asawa na iyong baby nyo. S-sayang nga at wala kayo. A-alam kong pangarap nyong makita akong naglalakad patungo sa altar” sabi niyang pinunasan ang pumapatak na mga luha sa kanyang mga mata, “Pero di ko naman na-experience iyon. Ni hindi nga ako nakapagsuot ng wedding gown. . .hindi naman kasi seryoso iyong wedding na naganap kahapon k-kaya madalian lang. Pero ‘pa, ma’ kapag nakita nyo iyong napangasawa ko, naku, pihadong hindi kayo makakapaniwala. Para akong tumama sa lotto. Tall, dark, handsome at may ari ng isang company. Akalain nyo iyon ‘ma, pa? Itong anak nyo, nakabingwit ng yayamanin?” Napangisi siya, “Pero joke lang ang lahat. . .parang isang panaginip lang dahil after six months, maghihiwalay rin naman kami.” Naupo siya sa malaking nakausling bato sa harapan ng puntod ng mga ito, “But don’t get me wrong ha? Hindi a
KITANG-KITA NIYA nang waring walang kahirap-hirap na tinalo ni Jeffrey ang apat na lalaki. Para tuloy siyang nanunuod ng palabas ni Coco Martin na kahit gaano karami ang kalaban ay sandal lamang nitong napapatumba. Wala pa sigurong limang minuto ay wala ng malay ang mga kalaban. Kinuha nito sa bulsa ang telepono at may kung sinong tinawagan saka nag-aalalang lumapit sa kanya. “Okay ka lang?” Napapaiyak na yumakap siya rito. Hindi niya alam kung paano itong pasasalamatan sa ginawa nitong pagliligtas sa kanya sa mga kamay ng apat na lalaking iyon. Muntik pa siyang ma-rape ng mga ito. “Kaya ayoko sanang payagang pumunta ka sa mga ganitong lugar na mag-isa,” sabi nito sa kanya. Hindi siya umiimik. Sumimangot ito, “May pasayaw-sayaw ka pang nalalaman,” nakaismid na sabi nito sa kanya. Pinamulahan siya ng mukha. Inabutan nga pala siya nitong kemekendeng sa harapan ng apat na lalaki kanina. Parang gusto niyang masuka ka
NABIGLA RIN SI JEFFREY SA ginawa. Alam niyang nasaktan niya si Sabina. Napalakas kasi ang pagkakasampal niya rito. Hindi kasi niya napigilan ang galit niya nang marealize na maarng mangyari dito ang nangyari kay Elise kung hindi ito mag-ingat. At no way na papayagan pa niyang mangyari iyon. Damn. Kumuha siya ng yelo sa fridge at inilagay iyon sa paper towel saka nagtungo sa kwarto nito, “Sabina, please open the door.” Hindi ito umiimik kaya napilitan siyang kunin ang susi ng kwarto para buksan iyon, Inabutan niyang nakadapa na parang bata sa kama si Sabina habang umiiyak. Na-guilty tuloy siyang bigla. “Wala kang karapatang pagbuhatan ako ng kamay,” dinig niyang sabi nito sa humihikbing boses, “At talaga bang ganyan ka? Basta ka na lang papasok dito kahit walang permiso ko?” Naupo ito at tumingin sa kanya, “Kahit na pamamahay mo ito, sana man lang bigyan mo ko ng privacy!” Parang walang naririnig na lumapit siya rit
GINULAT NILA ang lahat sa anunsyo nilang magpapakasal na sila ngayong daratng na buwan. Masayang-masaya sina Arlene at Vivian para sa kanila. Ganuon rin naman si Von na tinanggap na ang pagkatalo at umaasang magiging masaya ang pagsasama nila ni Jeffrey. Excited din sina Erica at David kaya naman kaagad na nagset ng dinner para sa kanilang apat. “Hindi ako makapaniwalang magkaibigan pa pala ang mga boylet natin,” natatawang sabi ni Erica sa kanya habang nakamasid kina David at Jeffrey na umiinom ng wine sa isang sulok para icelebrate ang naglalapit nilang kasal, “Sinong mag-aakala nito?” Napangiti siya. Masaya siyang nabalik muli sa dati ang friendship nilang dalawa ni Erica. “Gustong-gusto talaga kitang maging hipag kaya ang sama-sama ng loob ko ng binasted mo si Kuya Enzo,” pagtatapat pa ni Erica sa kanya, “Pero tama ka, di naman pwedeng turuan ang puso. Sadyang may mga nakalaan para sa tin na bigla na lang darating sa buhay nati
“IBANG KLASE RIN ANG BOSS MO,” napapailing na sabi ni Von sa driver ni Jeffrey na nakita niyang naninigarilyo sa may gate. “Pasensya na, nagmamahal lang si Boss,” sabi nito sa kanya. Napaismid siya. Matagal na siyang nagmamahal pero hindi siya naging ganito kaswerte na gaya ng Jeffrey na iyon. Ewan ba niya kay Sabina kung bakit kahit yata paulit-ulit itong magkamali ay palagi itong nakahandang magpatawad. “Come on, alam naman nating maraming babae ang boss mo,” patuyang sabi niya sa lalaki. “Diyan ka nagkakamali. Kilala ko si Boss, minsanan lang magmamahal iyon. Alam ko kung ano iyong mga pinagdaanan nya sa buhay kaya wala kang karapatang husgahan sya base lang sa kung ano ang nakikita mo,” matiim na sabi sa kanya ng lalaki na halatang anumang oras ay handang makipagpatayan para lamang sa amo nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Ang totoo ay nasasaktan lamang naman siya. Ang tagal niyang umasa at nag
“P-PERO NATAUHAN AKO,” halos paanas lamang na sabi niya. Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. “OMG, kaya naman pala inis na inis saiyo si Von,” napapailing na sabi ni Arlene sa kanya saka napangiti, “Masarap ba?” Siniko ni Vivian si Arlene, “Ayan ka na naman sa kalibugan mo, Tumigil ka nga!” nakairap na sabi nito sa babae saka muling bumaling sa kanya, “Sabina, sana naman this time matuto ka na. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng ibang tao. Hindi sa lahat ng babagay eh bigay ka lang ng bigay,” Payo nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Alam niyang nagmamalasakit lamang ang mga ito dahil nakita ng mga ito kung paano siya nahirapan nuon. “Mabuti pa magpahinga ka na muna, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, okay?” Sabi ni Arlene sa kanya. “Salamat,” aniya sa mga kaibigan, “Salamat dahil tinutulungan nyong maging magaan ang buhay ko.”NAKITA NI ROWENA si Jeffrey na um
AYAW NI JEFFREY SIRAIN ang espesyal na araw ni David kung kaya’t maaga na lamang siyang nagpaalam sa lalaki. Masama ang loob niya dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya si Sabina. Sabagay ay hindi naman niya ito masisisi dahil matindi naman talaga ang naging atraso niya rito. Pero hindi na ba talaga siya nito maaring bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi na niya alam kung ano gagawin niya. Bumalik na siya sa Maynila at pinili na lamang mapag-isa sa kayang suite. Siguro ay kailangan niya ang tulong ni Geraldine para ito mismo ang magpaliwanag kay Sabina tungkol sa kanila. At para na rin malaman nito na sa nakalipas na panahon ay wala namang ibang umukupa sa puso niya kundi ito lamang. At totoo sa loob niya nang sabihin niya rito na mahal niya ito. Malungkot siyang nahiga sa kama habang paulit-ulit na nanunuot sa kanya ang magandang mukha ni Sabina. Kulang na lang ay lumuhod siya rito kanina para lang magsumamo na patawarin
ARAW NG LINGGO. Madaling araw pa lamang ay gising na si Sabina bilang paghahanda sa kasal ng kaibigan niyang si Erica at ang multi-billionare na mapapagasawa nitong si David Wharton. Siya kasi ang maid of honor ng kaibigan kung kaya’t maaga siyang gumising para ihanda ang kanyang susuoting magenta pink gown. Mabuti na lamang at nagpresinta si Von na sunduin siya. Sa Tagaytay gaganapin ang wedding, one hour drive from Laguna kasama ng ang ilang minutong traffic lalo na kapag araw ng Linggo. Kaya sabi ni Von ay magprepare siya ng maaga para maaga siya nitong susunduin. Siya na rin lang ang magme-make up sa sarili niya tutal naman ay very light lang ang ilalagay niya sa mukha dahil summer naman ngayon. Saka di naman talaga siya mahilig maglagay ng kung anu-anong burluloy sa mukha. Si baby Bean ay iiwanan muna niya sa pangangalaga nina Arlene at Vivian. Sanay naman na ang bata sa mga ito. Gusto ng asana ni Von ay isama niya ang kanyang anak sa wedd
“PASENSYA ka na Sabina kung may pagkamarites ako. Gusto ko lang naman kasing maging masaya ka kaya ipinaalam ko saiyo ang tungkol kay Jeffrey. Kung gusto mo syang makita, dito lang sya naka-check in sa hotel namin.” “Salamat, Rowena pero wag na wag mo na sanang mababanggit pa sa kanya ang tungkol sa amin ng bata,” aniya sa kanyang pinsan. “Pero hindi ba karapatan niyang malaman ang tungkol sa bata?” Tanong ni Rowena sa kanya. “Please Rowena. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko ng magkaron pa ng kaugnayan sa kanya,” pigil ang inis na sabi niya sa babae. “Pasensya na, akala ko kasi matutuwa ka sa ibabalita ko,” sabi nito sa kanya, “Pramis, hinding-hindi kita babanggitin sa kanya.” “Salamat.” Pagkatapos ng pakikipag-usap sa pinsan ay hinarap niya sina Arlene at Vivian na halatang curious na curious sa ibabalita niya. “What?” Taas ang kilay na tanong niya sa mga ito.
“ANG CUTE-CUTE naman ni baby Bean,” tuwang-tuwang sabi ni Arlene, kinuha nito sa kanya ang bata, “Di ako makapaniwalang mag-iisang taon na sya. Parang kelan lang,” sabi pa nito sa kanya. Ngumiti siya. Isang taon na ang matuling lumipas at sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Arlene, Von at Vivian ay nakapag-set up sila ng isang coffee shop sa Laguna kung saan ay dito na rin niya piniling manirahan habang ang bahay naman niya sa Cubao ay naisipan niyang parentahan na lamang. Balak nga sana niya nuong una ay ipagbili iyon ngunit napagtanto niyang di pala niya kayang pakawalan ang mga magagandang alaalang kalakip ng bahay na iyon bagama’t marami ring masasakit na memories ang bahay na iyon sa kanya. Mas matimbang pa rin ang mga magagandang alaalang nabuo sa tahanang iyon habang siya ay lumalaki. So far ay successful naman ang kanilang coffee shop dito sa Laguna at nagplaplano na silang magput up ng isa pang shop nila sa karatig bayan.
HINDI MAKAPANIWALA SI VON nang pasyalan siya nito sa bahay at ipagtapat niya ang totoong kalagayan niya rito. Disappointed itong malaman na nagdadalang tao siya at the same time ay nag-aalala ito lalo na nang ipagtapat niya ang tungkol sa kanila ni Jeffrey. “Sabi ko na nga ba may something sa inyo ng lalaking iyon. Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya, hindi ko na kaagad siya gusto,” nailing na sabi nito sa kanya saka tiningnan siya ng matiim, “Talaga bang wala kang balak ipaalam sa kanya ang lagay mo?” Umiling siya. “Para ano pa?” “Bakit hindi mo sya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag? I know, medyo confusing ang statement ko considering di ko gusto ang lalaking iyon. Pero syempre, iyong kapakanan mo pa rin at kaligayahan mo ang iniisip ko. Kahit masakit para sakin, kung sa kanya ka magiging maligaya, okay lang. Kaya kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong bigyan mo sya ng chance na magpaliwanag.” “Magpali
“I AM ONE MONTH PREGNANT?” Waring hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang tinitingnan ang result ng naging eksamenasyon sa kanya ng doctor. “Mabuti na lang safe ang baby mo. Kaya iwasan mo na sana ang stress at magfocus ka sa nandyan sa matris mo,” sabi ni Enzo na bakas ang matinding pag-aalala sa kanya, “Ano nga palang plano mo? Ipapaalam mo ba sa kanya?” Umiling siya. Simula sa araw na ito ay tinatapos na niya ang anumang ugnayan niya kay Jeffrey. Tama na ang kahibangan. Napaisip siya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa bagong kaganapan na ito sa buhay niya. May pait sa mga labing napangiti siya. Sa isang iglap ay nakabuo kaagad ng dalawang bata si Jeffrey. O baka nga hindi lang sila dalawang binuntis nito. Hindi na siya magtataka kung may mababalitaan siyang isa pang naghahabol dito. “Sabagay, kayang-kaya mo namang buhayin