“SABINA, MABUTI naman at napasyal ka,” tuwang-tuwang sabi ng dati niyang kapitbahay na si Vicky nang dalawin niya ang mga ito at dalhan ng kung anu-anong mga pasalubong. “Mukhang okay ang trabaho mo ngayon ah.” Tipid na ngiti lang ang itinugon niya saka bahagyang napalingon sa dating bahay nila, “Kumusta na po sila? Balita ko, bakante iyong bahay na yan? Kala ko nabenta na nila sa iba?” “Di ko alam pero matagal na silang umalis dyan,” anitong inilapit ang mukha sa kanya, “Alam mo ba ang tsismis?” “Ano po?” “Nawawala iyong pulis na kinakasama ng step-mother mo.” Mahinang sabi nito sa kanya, “Bago umalis ang mag-ina, naririnig ko pa iyong madrasta mo na umiiyak, may kausap sa phone at ipinagtatanong kung nasan si. . .Ramon Villadiego ba iyon?” Natahimik siya. “Eh maiba tayo ng usapan, ikaw kumusta ka na? Mukhang lalo kang gumaganda ah.” Sabi ni Vicky sa kanya. “Naku, salamat
Magbasa pa