KAUSAP BA NITO SI JAYDEN? Tanong ng isipan ni Sabina habang palihim na nakikinig kay Jeffrey habang kausap nito si Jayden sa phone.. Nang makita niyang tinapos na nito ang pakikipag-usap ay dali-dali siyang tumalikod pabalik sa lababo upang ipagpatuloy ang pagbi-bake.. May namamagitan ba sa dalawang yon? Base kasi sa pagkakarinig niya, parang naninita si Jayden dito kaya panay ang paliwanag ni Jeffrey. Kailan pa ba siya naging tsismosa? Napapailing na ipinagpatuloy na lamang niya ang ginagawa. Umaasa siyang makakapasa sa panlasa ni Jeffrey itong ginagawa niya. Di nga niya alam sa taong iyon kung bakit naisipan nitong magpagawa ng dessert sa kanya na ginoggle lamang naman nito online. Ewan kung magkakaige itong chocolate cake na ginagawa niya. First time niyang mag-bake ng cake. Bahala na si batman. “Sarapan mo yang cake, darating si Jayden mamaya,” narinig niyang sabi ni Jeffrey sa kanya pagkatapos ay tumalikod na. Napaawang ang mg
“DID SHE CONFRONT YOU?” Tanong ni Jeffrey kinagabihan na naghahanda siya ng dinner, “Sorry about that. Hindi ko naman kailangang magpaliwanag kay Jayden. As far as I know, wala akong ginagawang masama. Alam ni Elise ang lahat.” Tahimik lang si Sabina. Hindi niya sinabi ang kanyang palagay kung bakit ganuon ang mga kilos ni Jayden kanina. Malinaw naman. May gusto ito kay Jeffrey. Ipinatong niya sa mesa ang pinggan at kutsara nito saka ang mga niluto niyang pagkain. Tatalikod na siya nang marinig ulit itong nagsalita, “Hindi mo ba ako sasabayan?” “H-hindi pa ako nagugutom,” matamlay na sagot niya rito saka pumasok na sa kanyang kuwarto. Alam niyang hindi siya titigilan ni Jayden. Sumasakit na nga ang ulo niya sa dami ng mga problemang dapat niyang ayusin, dinagdagan pa ng babaeng iyon. Pinagsisihan niyang nilabanan pa niya ito kanina. Dapat pala ay nanahimik na lamang siya. Bakit ba lapitin siya ng gulo?TINANGKA
NALAMAN NI SABINA mula kay Jeffrey na ilang beses tinangka ni Christine pumasok sa loob ng establishment kaya binalaan siya nito na mag-ingat dahil may palagay itong nagmamasid-masid lang ang step-sister niya sa tabi-tabi. Dumaan lang ito sa opisina nito pagkatapos ay niyaya siya nitong mag-shopping. Nagulat siya nang ipamili siya nito ng magagarang damit. Pabiro pa nitong sinabi sa kanya na since naglevel up na raw from pagiging personal assistant sa pagiging may bahay ang papel niya ay kailangan na rin daw mag-level up ang look niya. Nuong una ay tumututol pa siya ngunit mapilit itong bumili siya ng mga magagandang damit. Ibagay raw niya ang pananamit niya sa bago niyang titulo. Hindi na lamang siya nakipagtalo pa tutal ay pera naman nito ang gagastusin nito. Pero pinaalalahanan niya ito na malapit ng matapos ang kasunduan nilang ito kaya’t bakit pa ito mag-aaksaya ng oras na ipamili siya. Matapos siya nitong ipamili ng mga magaga
NAIINIS SI JAYDEN dahil kaninang umaga pa niya tinatawagan si Jeffrey ngunit hindi naman nito sinasagot ang tawag niya. Pinuntahan niya ito sa opisina kanina ngunit ang sabi ng sekretarya nito ay sandali lang daw ito duon at umalis na rin. And as usual, kasama na naman nito ang peke nitong asawa. Gigil na gigil siya nagdrive patungo sa bahay ng lalaki. Alas-diyes na ng gabi. Siguro naman ay nasa bahay na ito kung sakali mang may pinuntahan ito kanina. Hindi niya gusto ang ganitong pakiramdam. Simula nang malaman niya ang tungkol sa babaeng iyon ay hindi na siya makatulog ng mabuti dahil pakiramdam niya ay nasirang lahat ng mga plano niya. Nabuhayan siyang muli ng pag-asa nang mawala ang kapatid niya. Not that she’s happy na namatay si Elise. But since di na rin naman niya ito maibabalik pa, masaya na rin siyang at least ay nasa payapa na itong kalagayan. At kung di man ito nagkatuluyan ni Jeffrey ay siya ang papalit dito. Kaya an
PARA namang mas lalo siyang pinapaiyak ng mga awitin ni Moira kaya pinatay na niya iyon at pinilit na makatulog pero parang tuksong nanunuot sa isipan niya ang mga matatamis na halik ni Jeffrey at ang mainit nitong mga bisig. Naiinis siya sa kanyang sarili. Kanina pa niya pinipilit na makatulog ngunit di siya dalawin ng antok. Ginugulo ang utak niya ng mga images ni Jeffrey. Bumangon siya at lumabas ng kwarto. Sakto namang paglabas niya ng silid ay papalabas rin ng kwarto si Jeffrey at napalingon sa kanya. Pakiramdam niya ay tumigil saglit ang pag-ikot ng mundo lalo na nang magtama ang kanilang mga paningin. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. “K-kukuha lang sana ako ng tubig,” halos sabay pa nilang sabi. Nagkatinginan silang muli at sabay na nagkatawanan. Maya-maya ay nagulat siyang bigla na lamang siyang nilapitan ni Jeffrey, niyakap at saka siniil ng halik ang kanyang mga labi. At siya, heto na
NAPANSIN NI SABINA ang pamamaga ng isang kamao ni Jeffrey, “Anong nangyari?” Nag-aalalang tanong niya rito, akmang hahawakan niya iyon para suriin ngunit mabilis na inilagay ni Jeffrey ang namamagang kamay sa likod. “It’s nothing,” tila umiiwas na sabi nito sa kanya, this time ay napansin niyang matabang na matabang ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi kagaya kagabing nagtatalik sila na parang siya lamang ang sentro ng lahat para dito. Sabagay, ano pa nga bang aasahan niya, nakuha na nito ang gustong makuha sa kanya. Hindi siya nagpahalatang nasasaktan siya. Inilapag niya sa harapan nito ang tinimplang kape at nilutong pancake. “May kailangan ka pa ba?” Tanong nya rito. Umiling ito. Ni hindi ito nag-angat ng mukha para tingnan siya. Kagabi lang ay. . .gusto sana niya itong sumbatan ngunit anong karapatan niyang gawin iyon? Dapat napaghandaan na niya ang consequences ng nangyari kagabi. Afterall, hindi naman siya ni
WALANG NAGAWA SI SABINA KUNDI ANG ipaalam kay Enzo na marami siyang gagawin ngayong lingo kung kaya’t di siya makakalabas kasama nito. Nag-golf lang naman si Jeffrey at wala siyang ginawa maghapon kundi ang panuorin itong maglaro. Maya-maya ay may dumating na isang babae, namumukhaan niya ito hindi lang niya matandaan kung saan niya ito nakita. Lumapit ito kaagad kay Jeffrey, halatang close ang mga ito base sa mga kinikilos nito. Nakita pa niyang hinalikan ni Jeffrey ang pisngi nito. “Rosemarie, akala ko ay nasa Canada ka ngayon for a series of concert?” Dinig niyang sabi ni Jeffrey dito. Biglang umawang ang mga labi niya. Kaya pala pamilyar ang mukha sa kanya ng magandang babae. Ang singer pala na si Rosemarie ang dumating. Parang gusto tuloy niyang magpakuha ng larawan kasama ito. Pero ganun ba talaga ka-close ang dalawang iyon at parang halos magdikit na ang mga mukha habang nag-uusap? Pairap na iniiwas niya ang tingin sa mga i
“TALAGA bang magiliw ka sa lahat ng lalaking lalapit saiyo, ha?” Inis na tanong ni Jeffrey sa kanya nang nasa loob na sila ng sasakyan. Pansin niyang kanina pa mainit ang ulo nito at talagang gusto siyang pagdiskitahan. “Hindi ko alam kung anong gusto mong palabasin,” sabi niya rito. “Really? Ang luwang-luwang ng ngiti mo dun sa instik beho na kausap mo kanina. Alam mo ba kung anong dating nun sa kanya, ha? Ibig sabihin game ka anytime. . .parang convenient store na bukas twenty four hours!” Nasaktan siya sa sinabing iyon ni Jeffrey, “Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan. Mukha namang walang malisya si Mister Sy,” sabi niya rito, “Nakipagkaibigan lang sya dahil kamukha ko raw iyong anak nya.” “At naniwala ka naman!” singhal nito sa kanya, “Sabina, hindi ka na bata. Dapat alam mo kung sino lang iyong pakikitunguhan mo!” “Kagaya mo?” may sarcasm na tanong niya rito. Parang gusto na niyang mapaiyak ngunit
GINULAT NILA ang lahat sa anunsyo nilang magpapakasal na sila ngayong daratng na buwan. Masayang-masaya sina Arlene at Vivian para sa kanila. Ganuon rin naman si Von na tinanggap na ang pagkatalo at umaasang magiging masaya ang pagsasama nila ni Jeffrey. Excited din sina Erica at David kaya naman kaagad na nagset ng dinner para sa kanilang apat. “Hindi ako makapaniwalang magkaibigan pa pala ang mga boylet natin,” natatawang sabi ni Erica sa kanya habang nakamasid kina David at Jeffrey na umiinom ng wine sa isang sulok para icelebrate ang naglalapit nilang kasal, “Sinong mag-aakala nito?” Napangiti siya. Masaya siyang nabalik muli sa dati ang friendship nilang dalawa ni Erica. “Gustong-gusto talaga kitang maging hipag kaya ang sama-sama ng loob ko ng binasted mo si Kuya Enzo,” pagtatapat pa ni Erica sa kanya, “Pero tama ka, di naman pwedeng turuan ang puso. Sadyang may mga nakalaan para sa tin na bigla na lang darating sa buhay nati
“IBANG KLASE RIN ANG BOSS MO,” napapailing na sabi ni Von sa driver ni Jeffrey na nakita niyang naninigarilyo sa may gate. “Pasensya na, nagmamahal lang si Boss,” sabi nito sa kanya. Napaismid siya. Matagal na siyang nagmamahal pero hindi siya naging ganito kaswerte na gaya ng Jeffrey na iyon. Ewan ba niya kay Sabina kung bakit kahit yata paulit-ulit itong magkamali ay palagi itong nakahandang magpatawad. “Come on, alam naman nating maraming babae ang boss mo,” patuyang sabi niya sa lalaki. “Diyan ka nagkakamali. Kilala ko si Boss, minsanan lang magmamahal iyon. Alam ko kung ano iyong mga pinagdaanan nya sa buhay kaya wala kang karapatang husgahan sya base lang sa kung ano ang nakikita mo,” matiim na sabi sa kanya ng lalaki na halatang anumang oras ay handang makipagpatayan para lamang sa amo nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Ang totoo ay nasasaktan lamang naman siya. Ang tagal niyang umasa at nag
“P-PERO NATAUHAN AKO,” halos paanas lamang na sabi niya. Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. “OMG, kaya naman pala inis na inis saiyo si Von,” napapailing na sabi ni Arlene sa kanya saka napangiti, “Masarap ba?” Siniko ni Vivian si Arlene, “Ayan ka na naman sa kalibugan mo, Tumigil ka nga!” nakairap na sabi nito sa babae saka muling bumaling sa kanya, “Sabina, sana naman this time matuto ka na. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng ibang tao. Hindi sa lahat ng babagay eh bigay ka lang ng bigay,” Payo nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Alam niyang nagmamalasakit lamang ang mga ito dahil nakita ng mga ito kung paano siya nahirapan nuon. “Mabuti pa magpahinga ka na muna, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, okay?” Sabi ni Arlene sa kanya. “Salamat,” aniya sa mga kaibigan, “Salamat dahil tinutulungan nyong maging magaan ang buhay ko.”NAKITA NI ROWENA si Jeffrey na um
AYAW NI JEFFREY SIRAIN ang espesyal na araw ni David kung kaya’t maaga na lamang siyang nagpaalam sa lalaki. Masama ang loob niya dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya si Sabina. Sabagay ay hindi naman niya ito masisisi dahil matindi naman talaga ang naging atraso niya rito. Pero hindi na ba talaga siya nito maaring bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi na niya alam kung ano gagawin niya. Bumalik na siya sa Maynila at pinili na lamang mapag-isa sa kayang suite. Siguro ay kailangan niya ang tulong ni Geraldine para ito mismo ang magpaliwanag kay Sabina tungkol sa kanila. At para na rin malaman nito na sa nakalipas na panahon ay wala namang ibang umukupa sa puso niya kundi ito lamang. At totoo sa loob niya nang sabihin niya rito na mahal niya ito. Malungkot siyang nahiga sa kama habang paulit-ulit na nanunuot sa kanya ang magandang mukha ni Sabina. Kulang na lang ay lumuhod siya rito kanina para lang magsumamo na patawarin
ARAW NG LINGGO. Madaling araw pa lamang ay gising na si Sabina bilang paghahanda sa kasal ng kaibigan niyang si Erica at ang multi-billionare na mapapagasawa nitong si David Wharton. Siya kasi ang maid of honor ng kaibigan kung kaya’t maaga siyang gumising para ihanda ang kanyang susuoting magenta pink gown. Mabuti na lamang at nagpresinta si Von na sunduin siya. Sa Tagaytay gaganapin ang wedding, one hour drive from Laguna kasama ng ang ilang minutong traffic lalo na kapag araw ng Linggo. Kaya sabi ni Von ay magprepare siya ng maaga para maaga siya nitong susunduin. Siya na rin lang ang magme-make up sa sarili niya tutal naman ay very light lang ang ilalagay niya sa mukha dahil summer naman ngayon. Saka di naman talaga siya mahilig maglagay ng kung anu-anong burluloy sa mukha. Si baby Bean ay iiwanan muna niya sa pangangalaga nina Arlene at Vivian. Sanay naman na ang bata sa mga ito. Gusto ng asana ni Von ay isama niya ang kanyang anak sa wedd
“PASENSYA ka na Sabina kung may pagkamarites ako. Gusto ko lang naman kasing maging masaya ka kaya ipinaalam ko saiyo ang tungkol kay Jeffrey. Kung gusto mo syang makita, dito lang sya naka-check in sa hotel namin.” “Salamat, Rowena pero wag na wag mo na sanang mababanggit pa sa kanya ang tungkol sa amin ng bata,” aniya sa kanyang pinsan. “Pero hindi ba karapatan niyang malaman ang tungkol sa bata?” Tanong ni Rowena sa kanya. “Please Rowena. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko ng magkaron pa ng kaugnayan sa kanya,” pigil ang inis na sabi niya sa babae. “Pasensya na, akala ko kasi matutuwa ka sa ibabalita ko,” sabi nito sa kanya, “Pramis, hinding-hindi kita babanggitin sa kanya.” “Salamat.” Pagkatapos ng pakikipag-usap sa pinsan ay hinarap niya sina Arlene at Vivian na halatang curious na curious sa ibabalita niya. “What?” Taas ang kilay na tanong niya sa mga ito.
“ANG CUTE-CUTE naman ni baby Bean,” tuwang-tuwang sabi ni Arlene, kinuha nito sa kanya ang bata, “Di ako makapaniwalang mag-iisang taon na sya. Parang kelan lang,” sabi pa nito sa kanya. Ngumiti siya. Isang taon na ang matuling lumipas at sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Arlene, Von at Vivian ay nakapag-set up sila ng isang coffee shop sa Laguna kung saan ay dito na rin niya piniling manirahan habang ang bahay naman niya sa Cubao ay naisipan niyang parentahan na lamang. Balak nga sana niya nuong una ay ipagbili iyon ngunit napagtanto niyang di pala niya kayang pakawalan ang mga magagandang alaalang kalakip ng bahay na iyon bagama’t marami ring masasakit na memories ang bahay na iyon sa kanya. Mas matimbang pa rin ang mga magagandang alaalang nabuo sa tahanang iyon habang siya ay lumalaki. So far ay successful naman ang kanilang coffee shop dito sa Laguna at nagplaplano na silang magput up ng isa pang shop nila sa karatig bayan.
HINDI MAKAPANIWALA SI VON nang pasyalan siya nito sa bahay at ipagtapat niya ang totoong kalagayan niya rito. Disappointed itong malaman na nagdadalang tao siya at the same time ay nag-aalala ito lalo na nang ipagtapat niya ang tungkol sa kanila ni Jeffrey. “Sabi ko na nga ba may something sa inyo ng lalaking iyon. Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya, hindi ko na kaagad siya gusto,” nailing na sabi nito sa kanya saka tiningnan siya ng matiim, “Talaga bang wala kang balak ipaalam sa kanya ang lagay mo?” Umiling siya. “Para ano pa?” “Bakit hindi mo sya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag? I know, medyo confusing ang statement ko considering di ko gusto ang lalaking iyon. Pero syempre, iyong kapakanan mo pa rin at kaligayahan mo ang iniisip ko. Kahit masakit para sakin, kung sa kanya ka magiging maligaya, okay lang. Kaya kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong bigyan mo sya ng chance na magpaliwanag.” “Magpali
“I AM ONE MONTH PREGNANT?” Waring hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang tinitingnan ang result ng naging eksamenasyon sa kanya ng doctor. “Mabuti na lang safe ang baby mo. Kaya iwasan mo na sana ang stress at magfocus ka sa nandyan sa matris mo,” sabi ni Enzo na bakas ang matinding pag-aalala sa kanya, “Ano nga palang plano mo? Ipapaalam mo ba sa kanya?” Umiling siya. Simula sa araw na ito ay tinatapos na niya ang anumang ugnayan niya kay Jeffrey. Tama na ang kahibangan. Napaisip siya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa bagong kaganapan na ito sa buhay niya. May pait sa mga labing napangiti siya. Sa isang iglap ay nakabuo kaagad ng dalawang bata si Jeffrey. O baka nga hindi lang sila dalawang binuntis nito. Hindi na siya magtataka kung may mababalitaan siyang isa pang naghahabol dito. “Sabagay, kayang-kaya mo namang buhayin