Home / Romance / SEDUCING THE MAFIA BOSS / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of SEDUCING THE MAFIA BOSS: Chapter 61 - Chapter 70

112 Chapters

CHAPTER 60

PARA namang mas lalo siyang pinapaiyak ng mga awitin ni Moira kaya pinatay na niya iyon at pinilit na makatulog pero parang tuksong nanunuot sa isipan niya ang mga matatamis na halik ni Jeffrey at ang mainit nitong mga bisig. Naiinis siya sa kanyang sarili. Kanina pa niya pinipilit na makatulog ngunit di siya dalawin ng antok. Ginugulo ang utak niya ng mga images ni Jeffrey. Bumangon siya at lumabas ng kwarto. Sakto namang paglabas niya ng silid ay papalabas rin ng kwarto si Jeffrey at napalingon sa kanya. Pakiramdam niya ay tumigil saglit ang pag-ikot ng mundo lalo na nang magtama ang kanilang mga paningin. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. “K-kukuha lang sana ako ng tubig,” halos sabay pa nilang sabi. Nagkatinginan silang muli at sabay na nagkatawanan. Maya-maya ay nagulat siyang bigla na lamang siyang nilapitan ni Jeffrey, niyakap at saka siniil ng halik ang kanyang mga labi. At siya, heto na
Read more

CHAPTER 61

NAPANSIN NI SABINA ang pamamaga ng isang kamao ni Jeffrey, “Anong nangyari?” Nag-aalalang tanong niya rito, akmang hahawakan niya iyon para suriin ngunit mabilis na inilagay ni Jeffrey ang namamagang kamay sa likod. “It’s nothing,” tila umiiwas na sabi nito sa kanya, this time ay napansin niyang matabang na matabang ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi kagaya kagabing nagtatalik sila na parang siya lamang ang sentro ng lahat para dito. Sabagay, ano pa nga bang aasahan niya, nakuha na nito ang gustong makuha sa kanya. Hindi siya nagpahalatang nasasaktan siya. Inilapag niya sa harapan nito ang tinimplang kape at nilutong pancake. “May kailangan ka pa ba?” Tanong nya rito. Umiling ito. Ni hindi ito nag-angat ng mukha para tingnan siya. Kagabi lang ay. . .gusto sana niya itong sumbatan ngunit anong karapatan niyang gawin iyon? Dapat napaghandaan na niya ang consequences ng nangyari kagabi. Afterall, hindi naman siya ni
Read more

chapter 62

WALANG NAGAWA SI SABINA KUNDI ANG ipaalam kay Enzo na marami siyang gagawin ngayong lingo kung kaya’t di siya makakalabas kasama nito. Nag-golf lang naman si Jeffrey at wala siyang ginawa maghapon kundi ang panuorin itong maglaro. Maya-maya ay may dumating na isang babae, namumukhaan niya ito hindi lang niya matandaan kung saan niya ito nakita. Lumapit ito kaagad kay Jeffrey, halatang close ang mga ito base sa mga kinikilos nito. Nakita pa niyang hinalikan ni Jeffrey ang pisngi nito. “Rosemarie, akala ko ay nasa Canada ka ngayon for a series of concert?” Dinig niyang sabi ni Jeffrey dito. Biglang umawang ang mga labi niya. Kaya pala pamilyar ang mukha sa kanya ng magandang babae. Ang singer pala na si Rosemarie ang dumating. Parang gusto tuloy niyang magpakuha ng larawan kasama ito. Pero ganun ba talaga ka-close ang dalawang iyon at parang halos magdikit na ang mga mukha habang nag-uusap? Pairap na iniiwas niya ang tingin sa mga i
Read more

CHAPTER 63

“TALAGA bang magiliw ka sa lahat ng lalaking lalapit saiyo, ha?” Inis na tanong ni Jeffrey sa kanya nang nasa loob na sila ng sasakyan. Pansin niyang kanina pa mainit ang ulo nito at talagang gusto siyang pagdiskitahan. “Hindi ko alam kung anong gusto mong palabasin,” sabi niya rito. “Really? Ang luwang-luwang ng ngiti mo dun sa instik beho na kausap mo kanina. Alam mo ba kung anong dating nun sa kanya, ha? Ibig sabihin game ka anytime. . .parang convenient store na bukas twenty four hours!” Nasaktan siya sa sinabing iyon ni Jeffrey, “Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan. Mukha namang walang malisya si Mister Sy,” sabi niya rito, “Nakipagkaibigan lang sya dahil kamukha ko raw iyong anak nya.” “At naniwala ka naman!” singhal nito sa kanya, “Sabina, hindi ka na bata. Dapat alam mo kung sino lang iyong pakikitunguhan mo!” “Kagaya mo?” may sarcasm na tanong niya rito. Parang gusto na niyang mapaiyak ngunit
Read more

CHAPTER 64

“WALA KA BA TALAGANG BALAK maghanap ng trabaho?” iritadong tanong ni Melda kay Christine nang humingi na naman ito sa kanya ng pera, “Alam mo namang limitado lang ang pera natin ngayon, pagkatapos wala ka ng ginawa kundi humingi!” “Kaya nga hinahabol ko si Jeffrey para maging maayos ang buhay natin, di ba nga?” inis na sagot ni Christine. “Ewan ko. Kung ako saiyo maghahanap na lang ako ng trabaho kesa umasa sa lalaking iyon!” sabi niyang inihilamos ang mga kamay sa mukha, “Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ilang araw na kong nagpapabalik-balik sa opisina ng walang hiya mong ama. . .di ko alam kung san nagpunta ang lintek na lalaking iyon.” Napasimangot si Christine, “Di na kayo natuto. Baka ginamit lang kayo nun para makuha ang pera tas ayun, nagtago kasama ng chicks nya. Di ba dati pa namang gawain nya iyon? Nagpauto na naman kasi kayo!” Inis na dinampot niya ang ash tray at ibinato sa anak. Ngunit mabilis itong
Read more

CHAPTER 65

“HELLO, ENZO?” Halos pabaulong ang boses ni Sabina nang sagutin ang tawag ng binata, bahagya pa niyang nilingon si Jeffrey na abala sa pagmamaneho ngunit huling-huli niyang nagngalit ang mga bagang nito nang marinig ang pangalan ni Enzo, “N-napatawag ka?” “Siguro naman pwede na tayong lumabas bukas?” anang binata, “Last Sunday, nagback out ka, baka naman bukas pwede na?” “Hindi ko pa sure. Medyo marami kasi akong trabaho kaya di ako makapag-decide. Hayaan mo at tatawagan kita bukas kapag pwede ako, okay?” sabi niya rito, “Bukas na lang tayo mag-usap. Bye.” Nagmamadali na niyang ibinalik sa loob ng bag ang kanyang cellphone. Ayaw rin naman niyang paasahin si Enzo ng kahit na ano. Mahirap nang maakusahan na naman siya ni Erica ng kung anu-ano. “Alam ba nya na may asawa ka na?” Narinig niyang tanong ni Jeffrey sa kanya. “Hindi na nya kailangan pang malaman iyon afterall, good for six months lang naman iyon
Read more

chapter 66

“H-HINDI ko alam. Siguro iyong kagaya ni Elise. Maganda, mataas ang pinag-aralan, nanggaling sa maayos na pamilya,” aniyang nagkibit ng balikat at pilit na ngumiti. Habang iniisip niya ang mga katangian ni Elise ay mas lalo lamang niyang napapagtanto na ang layo niya sa dalaga. “P-parang si Jayden rin, di ba?” Hindi nagsalita si Jeffrey sa halip ay muling itinuon ang pansin sa pagmamaneho. Umayos siya ng upo. Maya-maya ay narinig niya itong muling nagsalita. “You can see Enzo tomorrow if you want to. Basta mag-iingat ka lang dahil hindi pa natin tiyak ang mga galaw ni Christine. Kung maari, huwag kang lalayo sa area na malapit sa bahay para anytime na nagkaproblema, pwede mo akong tawagan.” Tumango lang siya. Ang totoo ay wala sana siyang balak kitain si Enzo bukas. Kaso’y napasubo na siya kaya malamang ay makipagkita na nga lamang siya dito bukas para naman masabi ni Jeffrey na hindi imaginary friend lang si Enzo. At least ay
Read more

CHAPTER 67

PAGKAHUBAD NA PAGKAHUBAD ng mga suot nilang helmet ay biglang naglingkis ang kanilang mga katawan at naghinang ang kanilang mga labi. Ni hindi na nga sila nag-usap pa, waring pareho na nilang naiintindihan ang kanilang mga damdamin ng mga sandaling iyon. Habang papasok sa salas ay isa-isa nang hinuhubad ni Jeffrey ang kanyang kasuotan habang ang kanyang mga kamay naman ay abala sa pagkakalas sa mga butunes ng suot nitong polo. Pareho silang mapusok, nag-aalab at waring nagmamadaling mailabas ang init na nararamdaman. Alam ni Sabina na pagkatapos nitong mairaos ang nararamdaman, balik na naman sa dati ang takbo ng utak nito. Pero kahit pa alam niyang sex lang naman ang gusto nito sa kanya, wala pa rin siyang lakas na pigilan ang kanyang damdamin. Nahihibang na nga yata siyang talaga. Parang may sariling isip ang kanyang ouso, di niya ito magawang sawayin. Talagang mahirap pigilan ang damdamin. Nang mahubad niya ang po
Read more

CHAPTER 68

PASIMPLENG iniabot ni Rowena ang id na nakuha na siya sa isa sa mga empleyado sa loob ng canteen kay Christine. Naka-disguise na ang dalaga. Ang usapan lang naman nila ay siya ang gagawa ng paraan para makapasok ito sa loob ng Mondragon Corporation. Labas na siya sa kung anuman ang gagawin nito, basta huwag na huwag siya nitong ipapahamak. Nangako naman ito sa kanya. Excited siya kung ano ang gagawin nito kay Sabina. Gusto niyang mapahiya ito sa harap ng mga empleyado ng Mondragon Corp. Para naman kahit na paano ay makabawi siya sa ginawa nitong pagpapahiya sa kanya. May tiwala naman siya kay Christine. Alam niyang hindi siya nito ipapahamak. Kinakabahang pumasok na siya sa kanyang cubicle habang manaka-nakang nakikibalita kay Christine. Sabi nito sa kanya, nasa loob raw ito ng canteen. Sana lang talaga ay magtagpo ang landas nito ni Sabina. Nabalitaan kasi niyang may meeting ang boss nila sa finance department. Palagi namang
Read more

chapter 69

“SABINA, NAKIKIUSAP ako saiyo. Maawa ka sa pinsan mo.” Nagsusumamong sabi ng Tiyo Gustavio niya nang magkita sila nito sa presinto. Napag-alaman kasi na nakipagsabwatan si Rowena kay Christine. Ito rin ang nagnakaw ng id na ginamit ni Christine para makapasok sa loob ng building ng Mondragon Corporation kaya kasama rin ito sa ipinakulong ni Jeffrey. Bukod duon ay tinanggal na rin ito sa trabaho. Hindi siya umiimik. Napatingin siya kay Jeffrey na madilim ang mukha habang nakatingin sa kanyang Tiyo Gustavio. Naawa siya sa matanda dahil kahit paano ay kapatid pa rin naman ito ng Mama niya ngunit this time ay hindi na magiging malambot pa ang kanyang puso. Kailangan rin namang pagdusahan ng pinasan niya ang consequences ng ginawa nito para ito matuto sa mga pagkakamali nito. Kung hindi niya ito bibigyan ng leksyon ay paulit-ulit lang siya nitong pagsasamantalahan. Hindi ba at ilang beses na itong gumawa ng mga ganito para lang mapahama
Read more
PREV
1
...
56789
...
12
DMCA.com Protection Status