NAPAIYAK SI SABINA sa labis na kaligayahan nang marinig ang naging desisyon ng korte. Niyakap niya si Atty. Mendez, “Maraming-maraming salamat po, attorney,” aniya sa matanda, “Pakisabi rin po sa boss nyo, salamat.” Masayang tumango ang matanda, “Matutuwa syang malaman na natapos na rin ang kasong ito. Palagi ka nyang kinukumusta sakin,” sabi nito sa kanya. May pait sa mga labing ngumiti siya saka nilingon si Melda na humahagulhol at hysterical habang pinuposasan ng mga pulis pati na rin ang mga kasabwat nito. Sayang at wala na si Ramon Villadiego. Gusto sana niya ay sabay-sabay na mabulok sa bilangguan ang mga ito. Pero masaya na rin siyang nabigyang hustisya na ang pagkamatay ng Papa niya. “Hindi ako ang nagplano ng lahat ng ito. Bakit ako ang dinidiin dito? Pinilit lang ako ni Ramon na gawin ito!!!! Inosente ako. Hindi ako dapat makulong,” paulit-ulit na sigaw ng madrasta niya. Napapailing na lamang siya habang pinagmamasdan
Read more