Home / Romance / SEDUCING THE MAFIA BOSS / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of SEDUCING THE MAFIA BOSS: Chapter 91 - Chapter 100

112 Chapters

CHAPTER 90

MAPAKLA ANG NGITING pinakawalan sa mga labi ni Jeffrey habang pinapanuod ang paglilitis ng senado sa mag-amang Villamor. Naka-wheel chair pa at naka-neck brace ang matandang Villamor habang ang batang Villamor ay tumataas raw ang bp sabi ng doctor nito. Napapailing na lamang siya dahil alam naman niyang kagabi lang ay napuyat pa ito sa pagmamahjong kasama ng mga kumpadre nito. Marahil ay hindi pa alam ng mag-ama na nalimas na niyang lahat ang bank account ng mga ito sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ngayon pa lang ay parang nakikinikinita na niya ang pagwawala ng mga ito sa oras na malamang wala na ang lahat ng mga ninakaw nito. Hindi magtatagal at ibabalik rin niya iyon sa taong bayan. Alam naman niya ang pupuntahan ng imbestigasyon. Nasasayang lang ang perang ginagastos dahil wala ring mangyayari sa kaso ng mga ito. Kaya siya na ang tatapos sa kaso. Tinawagan niya ang kanyang mga tauhan. Masyadong mahigpit ang security para sa mag-amang Villamor
Read more

CHAPTER 91

TATLONG TAON ang matuling lumipas. Naka-garduate na ng pag-aaral si Sabina at ngayon ay nagtratrabaho siya sa isang industrial company bilang researcher. Naging kaibigan na niya si Von or Bonifacio at naging isa sa mga masugid niyang manliligaw. Si Enzo ay hindi pa rin naman tumitigil sa pakikipagkaibigan sa kanya. At si Erica, ganun pa rin. Simula nang magkalamat ang kanilang friendship ay hindi na sila nabalik sa dati. Nagkaroon rin naman siya ng ibang kaibigan na kagaya ni Arlene at Vivian ngunit hindi gaya ng dati, hindi na siya basta-basta nagtitiwala kahit na kanino. Sa tatlong taong nagdaan, naging okay naman ang buhay niya ngunit masasabi niyang hindi pa rin siya ganap na masaya. At ayaw man niyang aminin sa kanyang sarili, hanggang ngayon ay si Jeffrey pa rin ang nilalaman ng kanyang puso. Simula nang maghiwalay sila, hindi na sila nagkita pang muli. Ngunit wala yatang araw na hindi siya naghihintay at umaasang isang araw
Read more

CHAPTER 92

HINDI SIYA nagtagumpay na kalimutan ito. Sa loob ng tatlong taon niyang pagsisikap na mabura ito sa puso at isipan niya, kailanman ay hindi niya ito nagawang iwaglit man lang sa damdamin niya. Sumisigaw ang katotohanan, pilitin man niyang takasan. Mahal niya itong talaga. Hindi pala niya kayang panindigan na hindi na siya magmamahal na muli pagkatapos ni Elise. In denial lamang siya nuon dahil punong-puno ng takot ang dibdib niya. Na-traumatize na siya sa lahat ng mga masasakit na pinagdaanan niya. Hindi na niya kakaynin kapag namatay pa si Sabina nang dahil sa kanya. Kaya lumayo siya at pinilit itong kalimutan. But damn, hindi na niya kayang tikisin pa ang tunay na nararamdaman niya para dito. Ngunit mukhhang huli na ang lahat. Mukhang masaya na ito sa lalaking kasama nito ngayon. Napakuyom ang kanyang mga palad habang mula sa malayo ay nakamasid siya rito. Nakikita niya ang ngiti sa mukha ni Sabina habang kausa
Read more

CHAPTER 93

PARANG HINDI DALAWIN ng antok si Jeffrey sa five star hotel na tinutuluyan niya. Namimiss niya ang dati niyang backelor’s pad na ibinenta niya bago siya lumipad patungong France. Marami kasing mga alaala ang bahay niyang iyon kaya nagpasya siyang ipagbili na lamang iyon. Hindi pa niya alam kung ano ang kanyang magiging pasya. Ngayon lang nangyaring parang wala siyang plano. Ni hindi niya alam kung dapat nga ba niyang puntahan si Sabina at kausapin. Ngunit natatakot siya sa maari niyang marinig na isasagot nito. Baka kasi this time, baligtad na ang sitwasyon. Baka siya na lamang ang nagmamahal dito at matagal na itong naka-move on. Baka pagtawanan na lamang siya nito ngayon. Natatakot siya sa rejection. Bumangon siya at tumawag ng grab taxi para ihatid siya sa bahay ni Sabina. Nakabukas pa ang ilaw sa kwarto nito. “Sir?” Takang tanong ng driver nang nanatili pa rin siyang nakaupo sa loob ng sasakya
Read more

CHAPTER 94

“JEFFREY? Oh my God, long time no see. Matagal kitang hindi nakita.” Bulalas ni Rosemarie nang magkasabay sila sa isang coffee shop malapit sa hotel kung saan siya naka-check in. Parehas niya ay nagbe-breakfast din ito, luminga ito, “Are you with someone?” Tanong nito sa kanya. Mapakla ang naging sagot niya, “Unfortunately, I’m alone. Kumusta ka na?” “Heto, katatapos lang ng isang matinding break-up,” sabi nitong nagkibit balikat saka kumunot ang nuo, “Eh ikaw, mukhang hanggang ngayon single ka pa rin?” Tipid na ngiti lang ang tinugon niya. “Baka we’re meant to be,” sabi nitong biglang napangisi, “Hindi kaya?” Pabirong tanong nito sa kanya, “Biruin mo, ang tagal rin nating di nagkita. The last time we saw each other was when I had an event in France, right? That was two years ago na yata.” “Yeah. . .it’s good to see you again,” sabi niya sa babae. “Kung wala kang gagawin mamaya, baka gu
Read more

CHAPTER 95

“AKALA KO, SI VON na lang ang karibal ko. Nagbalik na naman pala ang lalaking iyon sa buhay mo,” sabi ni Enzo kay Sabina nang dalawin siya nito sa bahay Sabado ng umaga at maikwento niya rito ang pagkikita nila ni Jefffrey sa isang coffee shop. Itinuring na kasi niyang matalik na kaibigan si Enzo kapalit ng kapatid nitong si Erica kung kaya’t may mga bagay na maluwag na niyang naiikwento dito kagaya ng tungkol kay Jeffrey. “San ba kamo siya naglagi, bakit ang tagal niyang nawala pagkatapos kung kelan mukhang nakakamove on ka na, saka sya biglang susulpot?” “Hindi ko na iyon naitanong pa sa kanya. Actually, ang dami kong gustong itanong sa kanya ngunit wala ni isag lumabas sa bibig ko,” pagtatapat niya sa binata, “God, hindi ko alam na after three years, ganun pa rin ang epekto nya sakin.” May pait sa tonong sabi niya kay Enzo. “Ang swerte naman ng lalaking iyon saiyo. Imagine, ni hindi siya nagparamdam sa loob ng tatlo
Read more

CHAPTER 96

“MAHAL kita nuon pa, Sabina. I pushed you away from me sa takot na baka mapahamak ka lang sa akin. Pakiramdam ko kasi lahat ng minamahal ko nawawala. And I can’t afford to lose you. Hindi ko na kakayaning may mapahamak nang dahil sa akin. . .kaya nagpakalayo-layo ako sa pag-asang makakalimutan rin kita. But damn, kahit anong gawin ko, hindi kita makalimutan!” hinawakan ni Jeffrey ang magkabila niyang balikat. “Jeffrey, please stop this nonsense. Katawan ko lang ang gusto mo, right? Nalilibugan ka lang kaya mo sinasabi iyan.” “Damn, sa tingin mo mag-aaksaya ako ng oras puntahan ka kung libog lang ang hanap ko saiyo? Ang dami namang ibang babae dyan kung yan lang ang gusto ko.” Hindi siya nakaimik. “I love you Sabina at ayoko ng mawala ka pa sa buhay ko,” sabi nito sa kanya. Napakurap-kurap siya. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata. Matagal niyang hinintay na dumating ang ganitong eksena sa b
Read more

CHAPTER 97

NATUTULOG PA SI SABINA nang bumangon si Jeffrey. Hindi na niya ito ginising pa. Hinalikan lang niya ito sa nuo saka nagbihis na. Marami siyang kailangang ayusin. Plano niyang bumili ng bahay para duon na sila tumira ni Sabina. Gusto rin niya itong alukin ng kasal. Nakakatawa ngang isipin na pangalawang beses na niya itong aalukin ng kasal. But this time, panigurado nang panghabang buhay na ang pagsasama nilang ito. God, ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa buong buhay niya. Kumuha siya ng ballpen at papel at isinulat dito kung saang hotel siya naka-check in. Ibinigay rin niya ang kanyang phone number at sinabi dito na may ilang mga bagay lang siyang aasikasuhin at magdi-dinner sila mamayang gabi. Nang makabalik sa hotel ay kinontak niya ang kanyang abogado para sa ilang mga negosyong kailangan niyang asikasuhin. Bahala na kung saan sila maninirahan ni Sabina. Okay lang naman sa kanya kahit na saan ang mahalaga ay magkasa
Read more

CHAPTER 98

MATAMLAY SI SABINA habang nakatitig sa mga pagkaing ipinadala sa kanya ni Jeffrey. Kagabi lang ay inamin nito sa kanya na mahal siya nito at inamin rin niya rito na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito. Hindi malinaw kung sila na nga ba ni Jeffrey. Pero kung sila na nga, unang araw pa lamang nila ay sinaktan na kaagad siya nito. Hah, talagang dala lang ng kalibugan nito kaya nasabi nito sa kanya ang mga bagay na gusto niyang marinig mula dito. Parang gusto na naman niyang maiyak. Ang saya-saya lang niya kagabi, parang kisap mata heto na naman at gigisingin siya ng katotohanan. Malungkot na ipinasok niya sa fridge ang mga pagkaing ipinadala nito. Wala siyang ganang kumain. Maaga siyang nahiga, pinilit ang sariling makatulog ngunit kung anu-anong pumapasok sa isipan niya. Ginagambala siya ng mga alalahanin. Napasulyap siya sa kanyang phone. Kanina pa niya hinihintay na tawagan man lamang siya ni Jeffrey ngunit simula kaninang umaga nang tawa
Read more

CHAPTER 99

“I’M SORRY kung naging busy ako kahapon,” sabi ni Jeffrey nang dumating sa bahay niya kinagabihan, “Babawi na lang ako saiyo,” makahulugan nitong sabi, niyakap siya nito ng buong higpit at napawing bigla ang lahat ng nararamdaman niyang sama ng loob kagabi. Ni hindi na nga siya nakapalag nang siilin siya nito ng halik sa mga labi. Lahat ng mga alaalahanin at tanong sa isipan niya ay nabura ng lahat. Ang tanging nararamdaman niya ngayon ay ang kiliting inihahatid ng ginagawang ito sa kanya ni Jeffrey. Kahit pa nga marami sana siyang gustong linawin dito ngayon ay parang nakalimutan na niya. Tinugon niya ng buong init ang mga halik na iyon ng lalaki hanggang sa masumpungan na lamang niyang nasa kuwarto na sila at parehong nag-iinit, na para bang ayaw na nilang mag-aksaya pa ng oras. Pareho silang sabik na sabik sa isa’t-isa habang magkahinang ang kanilang mga labi at ang kanilang mga kamay ay abala sa paghuhubad ng kanilang mga kasuotan.
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status