“AKALA KO, SI VON na lang ang karibal ko. Nagbalik na naman pala ang lalaking iyon sa buhay mo,” sabi ni Enzo kay Sabina nang dalawin siya nito sa bahay Sabado ng umaga at maikwento niya rito ang pagkikita nila ni Jefffrey sa isang coffee shop. Itinuring na kasi niyang matalik na kaibigan si Enzo kapalit ng kapatid nitong si Erica kung kaya’t may mga bagay na maluwag na niyang naiikwento dito kagaya ng tungkol kay Jeffrey. “San ba kamo siya naglagi, bakit ang tagal niyang nawala pagkatapos kung kelan mukhang nakakamove on ka na, saka sya biglang susulpot?” “Hindi ko na iyon naitanong pa sa kanya. Actually, ang dami kong gustong itanong sa kanya ngunit wala ni isag lumabas sa bibig ko,” pagtatapat niya sa binata, “God, hindi ko alam na after three years, ganun pa rin ang epekto nya sakin.” May pait sa tonong sabi niya kay Enzo. “Ang swerte naman ng lalaking iyon saiyo. Imagine, ni hindi siya nagparamdam sa loob ng tatlo
“MAHAL kita nuon pa, Sabina. I pushed you away from me sa takot na baka mapahamak ka lang sa akin. Pakiramdam ko kasi lahat ng minamahal ko nawawala. And I can’t afford to lose you. Hindi ko na kakayaning may mapahamak nang dahil sa akin. . .kaya nagpakalayo-layo ako sa pag-asang makakalimutan rin kita. But damn, kahit anong gawin ko, hindi kita makalimutan!” hinawakan ni Jeffrey ang magkabila niyang balikat. “Jeffrey, please stop this nonsense. Katawan ko lang ang gusto mo, right? Nalilibugan ka lang kaya mo sinasabi iyan.” “Damn, sa tingin mo mag-aaksaya ako ng oras puntahan ka kung libog lang ang hanap ko saiyo? Ang dami namang ibang babae dyan kung yan lang ang gusto ko.” Hindi siya nakaimik. “I love you Sabina at ayoko ng mawala ka pa sa buhay ko,” sabi nito sa kanya. Napakurap-kurap siya. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata. Matagal niyang hinintay na dumating ang ganitong eksena sa b
NATUTULOG PA SI SABINA nang bumangon si Jeffrey. Hindi na niya ito ginising pa. Hinalikan lang niya ito sa nuo saka nagbihis na. Marami siyang kailangang ayusin. Plano niyang bumili ng bahay para duon na sila tumira ni Sabina. Gusto rin niya itong alukin ng kasal. Nakakatawa ngang isipin na pangalawang beses na niya itong aalukin ng kasal. But this time, panigurado nang panghabang buhay na ang pagsasama nilang ito. God, ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa buong buhay niya. Kumuha siya ng ballpen at papel at isinulat dito kung saang hotel siya naka-check in. Ibinigay rin niya ang kanyang phone number at sinabi dito na may ilang mga bagay lang siyang aasikasuhin at magdi-dinner sila mamayang gabi. Nang makabalik sa hotel ay kinontak niya ang kanyang abogado para sa ilang mga negosyong kailangan niyang asikasuhin. Bahala na kung saan sila maninirahan ni Sabina. Okay lang naman sa kanya kahit na saan ang mahalaga ay magkasa
MATAMLAY SI SABINA habang nakatitig sa mga pagkaing ipinadala sa kanya ni Jeffrey. Kagabi lang ay inamin nito sa kanya na mahal siya nito at inamin rin niya rito na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito. Hindi malinaw kung sila na nga ba ni Jeffrey. Pero kung sila na nga, unang araw pa lamang nila ay sinaktan na kaagad siya nito. Hah, talagang dala lang ng kalibugan nito kaya nasabi nito sa kanya ang mga bagay na gusto niyang marinig mula dito. Parang gusto na naman niyang maiyak. Ang saya-saya lang niya kagabi, parang kisap mata heto na naman at gigisingin siya ng katotohanan. Malungkot na ipinasok niya sa fridge ang mga pagkaing ipinadala nito. Wala siyang ganang kumain. Maaga siyang nahiga, pinilit ang sariling makatulog ngunit kung anu-anong pumapasok sa isipan niya. Ginagambala siya ng mga alalahanin. Napasulyap siya sa kanyang phone. Kanina pa niya hinihintay na tawagan man lamang siya ni Jeffrey ngunit simula kaninang umaga nang tawa
“I’M SORRY kung naging busy ako kahapon,” sabi ni Jeffrey nang dumating sa bahay niya kinagabihan, “Babawi na lang ako saiyo,” makahulugan nitong sabi, niyakap siya nito ng buong higpit at napawing bigla ang lahat ng nararamdaman niyang sama ng loob kagabi. Ni hindi na nga siya nakapalag nang siilin siya nito ng halik sa mga labi. Lahat ng mga alaalahanin at tanong sa isipan niya ay nabura ng lahat. Ang tanging nararamdaman niya ngayon ay ang kiliting inihahatid ng ginagawang ito sa kanya ni Jeffrey. Kahit pa nga marami sana siyang gustong linawin dito ngayon ay parang nakalimutan na niya. Tinugon niya ng buong init ang mga halik na iyon ng lalaki hanggang sa masumpungan na lamang niyang nasa kuwarto na sila at parehong nag-iinit, na para bang ayaw na nilang mag-aksaya pa ng oras. Pareho silang sabik na sabik sa isa’t-isa habang magkahinang ang kanilang mga labi at ang kanilang mga kamay ay abala sa paghuhubad ng kanilang mga kasuotan.
NAGMAMADALING sinundan ni Jeffrey si Sabina. Inis na inis siya sa kanyang sarili dahil hindi niya nagawang ipagtapat dito ang totoo kagabing pinuntahan niya ito sa bahay. Shit. Paano pa niya maipapaliwanag kay Sabina ang sitwasyon niya? “Sabina, open the door, please?” Halos kalampagin na niya ang pintuan nito, wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga kapitbahay ng babae. Ang mahalaga ay magka-usap sila ni Sabina. Nakahinga siya ng maluwag nang unti-unting bumukas ang pinto at nakita niya si Sabina, umiiyak ito habang nakatingin sa kanya. Niyakap niya ito ng sobrang higpit, “I’m sorry. . .” hindi niya alam kung papaano ipagtatapat ang nagawa niyang kasalanan. Pilit itong humulagpos sa pagkakayakap niya. “I’m sorry Sabina. . .” Hindi ito umiimik. Iyak lang ito ng iyak habang tila nunumbat ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Sinubukan niya itong halika
SIMULA nang makita siya ni Sabina kasama si Geraldine ay hindi na nito sinasagot ang mga tawag niya. Ni ayaw siya nitong pagbuksan ng pinto sa tuwing pinupuntahan niya sa bahay. Ilang beses niyang tinangka na puntahan ito sa opisina nito ngunit hindi rin siya nito hinaharap. Tuuyan na itong nagalit sa kanya. Hindi naman niya masisi si Geraldine dahil kasalanan naman niya talaga ang nangyari. Pero sana man lang ay bigyan siya ni Sabina ng chance na magpaliwanag. Hindi naman niya ginustong saktan ang damdamin nito. Mas lalong hindi naman niya inaasahan na magbubunga ang kapusukan nilang dalawa ni Geraldine ng gabing iyon. Lasing na lasing siya at wala talaga sa plano niya ang magkaroon ng anak dito. Bakit nga ba hindi sya nag-ingat? Palagi naman siyang may ready na proteksyon sa tuwing nakikipagtalik siya sa ibang babae. Kay Elise at Sabina lang naman siya hindi naglalagay ng condom. Ngunit sa lahat ng nakakatalik niya ay palagi siyang nag-iingat
PARANG LUTANG NA ANG ISIPAN NI SABINA. Ni hindi nga niya namalayan na nadala na siya ni Jeffrey sa isang hotel para daw duon sila mag-usap. Tahimik na tahimik lang siya habang pumapasok sila ng kuwarto. Bakit ba kahit na anong gawin niya, hindi niya makuhang magalit ng tuluyan sa lalaking ito? Bakit mas nanaig pa rin ang matinding pagmamahal niya rito? Hindi siya umiimik nang nasa loob na sila. Iginiya siya ni Jeffrey paupo sa kama. Tahimik lang siyang sumunod dito. “Listen Sabina, I love you. Iyong nangyari sa amin ni Geraldine, hindi ko sinasadya. Lasing ako at aaminin kong kasalanan ko dahil hindi ako nag-ingat,” paliwanag nito sa kanya ngunit parang wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito. Ang tanging alam lang niya, mahal niya ito at galit pa rin siya dahil niloloko lamang pala naman siya nito. Sinasayang lamang nito ang pagmamahal na ibinibigay niya rito. Sunod-sunod nang pumatak ang ka
GINULAT NILA ang lahat sa anunsyo nilang magpapakasal na sila ngayong daratng na buwan. Masayang-masaya sina Arlene at Vivian para sa kanila. Ganuon rin naman si Von na tinanggap na ang pagkatalo at umaasang magiging masaya ang pagsasama nila ni Jeffrey. Excited din sina Erica at David kaya naman kaagad na nagset ng dinner para sa kanilang apat. “Hindi ako makapaniwalang magkaibigan pa pala ang mga boylet natin,” natatawang sabi ni Erica sa kanya habang nakamasid kina David at Jeffrey na umiinom ng wine sa isang sulok para icelebrate ang naglalapit nilang kasal, “Sinong mag-aakala nito?” Napangiti siya. Masaya siyang nabalik muli sa dati ang friendship nilang dalawa ni Erica. “Gustong-gusto talaga kitang maging hipag kaya ang sama-sama ng loob ko ng binasted mo si Kuya Enzo,” pagtatapat pa ni Erica sa kanya, “Pero tama ka, di naman pwedeng turuan ang puso. Sadyang may mga nakalaan para sa tin na bigla na lang darating sa buhay nati
“IBANG KLASE RIN ANG BOSS MO,” napapailing na sabi ni Von sa driver ni Jeffrey na nakita niyang naninigarilyo sa may gate. “Pasensya na, nagmamahal lang si Boss,” sabi nito sa kanya. Napaismid siya. Matagal na siyang nagmamahal pero hindi siya naging ganito kaswerte na gaya ng Jeffrey na iyon. Ewan ba niya kay Sabina kung bakit kahit yata paulit-ulit itong magkamali ay palagi itong nakahandang magpatawad. “Come on, alam naman nating maraming babae ang boss mo,” patuyang sabi niya sa lalaki. “Diyan ka nagkakamali. Kilala ko si Boss, minsanan lang magmamahal iyon. Alam ko kung ano iyong mga pinagdaanan nya sa buhay kaya wala kang karapatang husgahan sya base lang sa kung ano ang nakikita mo,” matiim na sabi sa kanya ng lalaki na halatang anumang oras ay handang makipagpatayan para lamang sa amo nito. Hindi na siya nakipagtalo pa. Ang totoo ay nasasaktan lamang naman siya. Ang tagal niyang umasa at nag
“P-PERO NATAUHAN AKO,” halos paanas lamang na sabi niya. Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. “OMG, kaya naman pala inis na inis saiyo si Von,” napapailing na sabi ni Arlene sa kanya saka napangiti, “Masarap ba?” Siniko ni Vivian si Arlene, “Ayan ka na naman sa kalibugan mo, Tumigil ka nga!” nakairap na sabi nito sa babae saka muling bumaling sa kanya, “Sabina, sana naman this time matuto ka na. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka matutong magmahal ng ibang tao. Hindi sa lahat ng babagay eh bigay ka lang ng bigay,” Payo nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Alam niyang nagmamalasakit lamang ang mga ito dahil nakita ng mga ito kung paano siya nahirapan nuon. “Mabuti pa magpahinga ka na muna, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, okay?” Sabi ni Arlene sa kanya. “Salamat,” aniya sa mga kaibigan, “Salamat dahil tinutulungan nyong maging magaan ang buhay ko.”NAKITA NI ROWENA si Jeffrey na um
AYAW NI JEFFREY SIRAIN ang espesyal na araw ni David kung kaya’t maaga na lamang siyang nagpaalam sa lalaki. Masama ang loob niya dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya si Sabina. Sabagay ay hindi naman niya ito masisisi dahil matindi naman talaga ang naging atraso niya rito. Pero hindi na ba talaga siya nito maaring bigyan ng isa pang pagkakataon? Hindi na niya alam kung ano gagawin niya. Bumalik na siya sa Maynila at pinili na lamang mapag-isa sa kayang suite. Siguro ay kailangan niya ang tulong ni Geraldine para ito mismo ang magpaliwanag kay Sabina tungkol sa kanila. At para na rin malaman nito na sa nakalipas na panahon ay wala namang ibang umukupa sa puso niya kundi ito lamang. At totoo sa loob niya nang sabihin niya rito na mahal niya ito. Malungkot siyang nahiga sa kama habang paulit-ulit na nanunuot sa kanya ang magandang mukha ni Sabina. Kulang na lang ay lumuhod siya rito kanina para lang magsumamo na patawarin
ARAW NG LINGGO. Madaling araw pa lamang ay gising na si Sabina bilang paghahanda sa kasal ng kaibigan niyang si Erica at ang multi-billionare na mapapagasawa nitong si David Wharton. Siya kasi ang maid of honor ng kaibigan kung kaya’t maaga siyang gumising para ihanda ang kanyang susuoting magenta pink gown. Mabuti na lamang at nagpresinta si Von na sunduin siya. Sa Tagaytay gaganapin ang wedding, one hour drive from Laguna kasama ng ang ilang minutong traffic lalo na kapag araw ng Linggo. Kaya sabi ni Von ay magprepare siya ng maaga para maaga siya nitong susunduin. Siya na rin lang ang magme-make up sa sarili niya tutal naman ay very light lang ang ilalagay niya sa mukha dahil summer naman ngayon. Saka di naman talaga siya mahilig maglagay ng kung anu-anong burluloy sa mukha. Si baby Bean ay iiwanan muna niya sa pangangalaga nina Arlene at Vivian. Sanay naman na ang bata sa mga ito. Gusto ng asana ni Von ay isama niya ang kanyang anak sa wedd
“PASENSYA ka na Sabina kung may pagkamarites ako. Gusto ko lang naman kasing maging masaya ka kaya ipinaalam ko saiyo ang tungkol kay Jeffrey. Kung gusto mo syang makita, dito lang sya naka-check in sa hotel namin.” “Salamat, Rowena pero wag na wag mo na sanang mababanggit pa sa kanya ang tungkol sa amin ng bata,” aniya sa kanyang pinsan. “Pero hindi ba karapatan niyang malaman ang tungkol sa bata?” Tanong ni Rowena sa kanya. “Please Rowena. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko ng magkaron pa ng kaugnayan sa kanya,” pigil ang inis na sabi niya sa babae. “Pasensya na, akala ko kasi matutuwa ka sa ibabalita ko,” sabi nito sa kanya, “Pramis, hinding-hindi kita babanggitin sa kanya.” “Salamat.” Pagkatapos ng pakikipag-usap sa pinsan ay hinarap niya sina Arlene at Vivian na halatang curious na curious sa ibabalita niya. “What?” Taas ang kilay na tanong niya sa mga ito.
“ANG CUTE-CUTE naman ni baby Bean,” tuwang-tuwang sabi ni Arlene, kinuha nito sa kanya ang bata, “Di ako makapaniwalang mag-iisang taon na sya. Parang kelan lang,” sabi pa nito sa kanya. Ngumiti siya. Isang taon na ang matuling lumipas at sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Arlene, Von at Vivian ay nakapag-set up sila ng isang coffee shop sa Laguna kung saan ay dito na rin niya piniling manirahan habang ang bahay naman niya sa Cubao ay naisipan niyang parentahan na lamang. Balak nga sana niya nuong una ay ipagbili iyon ngunit napagtanto niyang di pala niya kayang pakawalan ang mga magagandang alaalang kalakip ng bahay na iyon bagama’t marami ring masasakit na memories ang bahay na iyon sa kanya. Mas matimbang pa rin ang mga magagandang alaalang nabuo sa tahanang iyon habang siya ay lumalaki. So far ay successful naman ang kanilang coffee shop dito sa Laguna at nagplaplano na silang magput up ng isa pang shop nila sa karatig bayan.
HINDI MAKAPANIWALA SI VON nang pasyalan siya nito sa bahay at ipagtapat niya ang totoong kalagayan niya rito. Disappointed itong malaman na nagdadalang tao siya at the same time ay nag-aalala ito lalo na nang ipagtapat niya ang tungkol sa kanila ni Jeffrey. “Sabi ko na nga ba may something sa inyo ng lalaking iyon. Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya, hindi ko na kaagad siya gusto,” nailing na sabi nito sa kanya saka tiningnan siya ng matiim, “Talaga bang wala kang balak ipaalam sa kanya ang lagay mo?” Umiling siya. “Para ano pa?” “Bakit hindi mo sya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag? I know, medyo confusing ang statement ko considering di ko gusto ang lalaking iyon. Pero syempre, iyong kapakanan mo pa rin at kaligayahan mo ang iniisip ko. Kahit masakit para sakin, kung sa kanya ka magiging maligaya, okay lang. Kaya kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong bigyan mo sya ng chance na magpaliwanag.” “Magpali
“I AM ONE MONTH PREGNANT?” Waring hindi makapaniwalang tanong ni Sabina sa sarili habang tinitingnan ang result ng naging eksamenasyon sa kanya ng doctor. “Mabuti na lang safe ang baby mo. Kaya iwasan mo na sana ang stress at magfocus ka sa nandyan sa matris mo,” sabi ni Enzo na bakas ang matinding pag-aalala sa kanya, “Ano nga palang plano mo? Ipapaalam mo ba sa kanya?” Umiling siya. Simula sa araw na ito ay tinatapos na niya ang anumang ugnayan niya kay Jeffrey. Tama na ang kahibangan. Napaisip siya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa bagong kaganapan na ito sa buhay niya. May pait sa mga labing napangiti siya. Sa isang iglap ay nakabuo kaagad ng dalawang bata si Jeffrey. O baka nga hindi lang sila dalawang binuntis nito. Hindi na siya magtataka kung may mababalitaan siyang isa pang naghahabol dito. “Sabagay, kayang-kaya mo namang buhayin