Nakalipas ang dalawang araw, gumaan-gaan na ang pakiramdam ni Amber. Nakakausap n'ya rin si Avegail kahit sa video calls lang bago matulog sa gabi dahil binigyan ito ni Ashton ng sariling cellphone para may gamitin daw ang kanilang anak pantawag sa kanya ano mang oras na gusto nito. Sapat na para kay Amber ang ganoon at least nakakausap n'ya ang anak bago s'ya matulog. Hapon ng biyernes nang makatanggap s'ya ng tawag mula kay Jessie. "Oi madam Enriquez, nakakalimutan mo na atang may kaibigan ka pa na laging nakakaalala sa'yo." pagtatampo nito sa kanya. Tumawa s'ya. "Inday huwag maging assuming huh! Kung maka-madam ka riyan akala mo eh, nanalo sa lotto." napaismid niyang tugon. Humalakhak naman ito sa kabilang linya. "Okay, saka ka nalang magkwento kapag magkita tayo mamaya. Gusto ko kasi yung harapan." pangungulit nito sa kanya. Napakunot s'ya ng noo. "Mamaya? Saan?" "Bes huwag kanang tumanggi, okay? Nasabi ko na sa kanya na darating tayo. Susunduin kita riyan, mga e
Huling Na-update : 2023-09-11 Magbasa pa