Napakunot ang noo ni Amber sa ginawa ni Ashton. Anong meron? Sigaw ng isipan n'ya. Nakakapanibago naman ata. Habang nakakulong s'ya sa mga bisig nito ay ramdam n'ya ang init na nagmula sa katawan nito. Maging ang amoy ng katawan ni Ashton na nakakalasing at nanunuot sa kanyang ilong ang bango nito. Hanggang ngayon ay hanap pa rin n'ya ang init na iyon. Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang kamay nitong dahan-dahang humahaplos sa kanyang likod. Bolta-boltaheng kuryente ang dulot niyon sa kanyang sistema. Kung hindi pa s'ya aalis sa bisig nito ay baka masunggaban pa n'ya ito ng halik. Bahagya niyang itinulak ang lalaki, ngunit mas lalo naman siya nitong hinapit palapit kaya dumikit lalo ang kanyang katawan dito. Ramdam n'ya ang matigas na dumikit sa kanyang puson. Dahan-dahan siyang tumingala upang tingnan ito sa mukha. Tinaasan lang s'ya nito ng kilay saka nagkibit-balikat. "A-anong ginagawa mo?" bulong n'ya rito saka lumingon sa likuran nito. Nag-alala s'ya dahil baka biglan
Nakalipas ang dalawang araw, gumaan-gaan na ang pakiramdam ni Amber. Nakakausap n'ya rin si Avegail kahit sa video calls lang bago matulog sa gabi dahil binigyan ito ni Ashton ng sariling cellphone para may gamitin daw ang kanilang anak pantawag sa kanya ano mang oras na gusto nito. Sapat na para kay Amber ang ganoon at least nakakausap n'ya ang anak bago s'ya matulog. Hapon ng biyernes nang makatanggap s'ya ng tawag mula kay Jessie. "Oi madam Enriquez, nakakalimutan mo na atang may kaibigan ka pa na laging nakakaalala sa'yo." pagtatampo nito sa kanya. Tumawa s'ya. "Inday huwag maging assuming huh! Kung maka-madam ka riyan akala mo eh, nanalo sa lotto." napaismid niyang tugon. Humalakhak naman ito sa kabilang linya. "Okay, saka ka nalang magkwento kapag magkita tayo mamaya. Gusto ko kasi yung harapan." pangungulit nito sa kanya. Napakunot s'ya ng noo. "Mamaya? Saan?" "Bes huwag kanang tumanggi, okay? Nasabi ko na sa kanya na darating tayo. Susunduin kita riyan, mga e
Natulala at hindi makagalaw si Amber dahil sa pagkabigla. Akala kasi n'ya ay may ki-kidnap na sa kanya dahil sa isang malakas na bisig ang humila sa kanya sa may madilim na kwarto sabay takip sa kanyang bibig. Ngunit ng masilayan n'ya ang gwapong mukha ni Ashton ay bigla siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Matalas siya nitong tinitigan sabay baba ng tingin nito sa kanyang leeg hanggang dibdib. Pilit niyang tanggalin ang kamay nitong nakatakip sa kanyang bibig. Parang gusto niyang sipain ang lalaking 'to dahil sa ginawa nito. Para kasi siyang aatakihin sa puso dahil sa takot. Nasa loob sila ngayon ng kwarto pero hindi pa rin nito tinatanggal ang pagkakatakip ng kamay sa kanyang bibig. Iniwas niya ang kanyang mukha upang matanggal ang kamay nito dahil hindi n'ya magamit ang kanyang mga kamay dahil inipit nito iyon sa kanyang likuran. "Ano bang kailangan mo huh! Para akong aatakihin sa puso dahil sa ginawa mo!" singhal n'ya rito nang sa wakas ay nakawala na s'ya sa mga kamay nito. Lu
Tahimik na ang buong villa ng mga oras na iyon. Pasado alas dose nang gabi kaya ni isang katulong ay wala nang gising maliban sa dalawang tao na nanatiling nakatayo sa pintuan ng kwarto ni Avegail. Halos kapwa pigil ang mga hininga habang magkahinang ang mga mata. Ilang minuto rin silang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa… "Ibaba mo nga ako baka may makakita sa atin." gulat na utos ni Amber kay Ashton na bumubuhat sa kanya. Nagulat s'ya nang bigla nalang s'ya nitong binuhat at binabagtas nito ang pasilyo. Isang kwarto ang nadaanan nila bago nito binuksan ang pinto ng isang malaking kwarto. Naisip ni Amber, siguro ay ito yung tinutukoy nito na uukupahin n'ya ngayong gabi. "Ano ka ba! Ibaba mo na nga ako, please?" malambing ang boses niyang pakiusap sa lalaki na wala atang balak na ilapag s'ya. "Ulitin mo muna ang sinabi mo, darling. Sa ganoong tono." bulong ni Ashton sa kanyang tainga sa mapang-akit na tono. Napatitig s'ya bigla sa mga mata nito. Para bang may kung anong m
Tahimik ang buong kabahayan pagpasok ni Anastasia sa villa ng anak. Napatingin s'ya sa relong nasa bisig. Five minutes bago mag-alas sais ng umaga. Maaga pa pala, sa isip n'ya. Masama kasi ang panaginip n'ya kagabi kaya maaga siyang napasugod sa bahay ng anak. Tinatawagan n'ya kasi ito kagabi ngunit hindi sumagot kahit ibalik man lang ang tawag n'ya. Aakyat na sana s'ya sa hagdan upang puntahan ito sa kwarto nang sumulpot mula sa kusina si Anita ang katiwala ng kanyang anak dito sa bahay. "Anastasia, ba't ang aga mo atang bumisita." nakangiting bungad nito sa kanya. Mas matanda si Anita sa kanya ng apat na taon kaya kung ituring n'ya ito ay parang nakakatandang kapatid na babae. "Gusto ko kasing bisitahin ang mag-ama. Tinatawagan ko kagabi si Tonton ngunit walang sumasagot. May problema ba s'ya Aning? Ang apo ko kumusta?" nag-aalala niyang tanong kay Anita. Tumuwid ito ng tayo saka dahan-dahang lumapit sa kanya na nakangiti. "Anastasia, mukhang madadagdagan na ang apo mo." ma
Tatlong araw ang nakalipas. Hindi na muna naisip pa si Ashton na puntahan si Amber sa bahay nito. Dalawang araw din kasi niya itong tinatawagan ngunit hindi nito sinasagot ang tawag n'ya. Ngayon ay kasalukuyan siyang nasa Singapore para sa business trip. Ipinagtaka kasi n'ya dahil noong gabi na may nangyari ulit sa kanila sa villa ay nakatulog s'ya ng maayos. Sa loob kasi ng ilang taon ay nagkaroon s'ya ng problema sa pagtulog kaya halos sa bar mo s'ya makikita gabi-gabi. Kaya nagulat s'ya na nagising s'ya nang ganoong oras. Habang nakatayo s'ya sa terrace ng kanyang kwarto at may hawak na baso ng alak tumunog ng kanyang cellphone. "Ma." "Son, bukas na ba ang balik mo?" tanong ng kanyang ina mula sa kabilang linya. Kumunot ang kanyang noo. "Yes, Ma! Why?" nagtatakang tanong n'ya sa ina. Pangalawang araw palang kasi n'ya rito. Kung tutuusin isang linggo sana sila rito ngunit nag-insist s'ya na tapusin kaagad ang meeting n'ya sa isang investor nila rito. Sinadya n'ya kasi tal
Napakunot ang noo ni Amber dahil sa reaksiyon ng babae sa kanyang harapan. Parang pamilyar ito sa kanya kaya napaisip s'ya. Para kasing nakita na n'ya ang babaeng ‘to hindi lang niya maalala kung saan. Ngunit mas nagulat siya sa reaksyon nito dahil para itong ipinako sa kinatatayuan habang titig na titig sa kanya. “Miss?” untag n'ya sa babaeng nakatitig sa kanya. Hula n'ya manager ito ng gallery. “Huh! Ah.. Hmm.. Sorry.” nauutal nitong sagot sa kanya.Ngumiti s'ya rito. “Nais ko lang kasi na malaman kung bakit kakaunti na lang ang mga naka-display na painting.” paliwanag n'ya. Napanganga naman ang babae sa tanong n'ya. “Ah, kasi pinapaubos na lang namin ang mga natirang ubra ni Madam Jho. Sayang din kasi malaking tulong na rin sa foundation n'ya ang perang malilikom namin d'yan. Lahat ng napagbintahan ng mga ubra n'ya ay napupunta sa kanyang foundation. Iyon kasi ang tagubilin n'ya.” tugon ng babae. “Napakabait naman po talaga ni Ms. Jocelyn. Saan po ba siya pwedeng mak
Parang mabaliw si Ariston sa kakaisip kung paano n'ya maresolba ang unti-unting paglubog ng Hotel De Paraiso. Kahit paman hindi siya ang inatasan na aayusin ang problema sa resort ngunit alam niyang siya pa rin naman ang mag-ayos nito. Taliwas sa pagkakakilala ng mga tao sa kanyang anak ang totoong ugali nito. Masyadong maluho ang kanyang anak na si Lucas. Noong nag-aaral palang ito sa America ay wala itong ginawa kundi magbarkada at mag-bar. Kaya ang nangyari ay napabayaan nito ang pag-aaral. Isa lang naman kasi ang rason kung bakit ito nagrebelde iyon ay dahil sa pagpilit n'ya rito sa kursong business administration. Pangarap nito na maging isang sikat na artista na labis niyang tinutulan kaya ito nagreb*lde sa kanya. Lumagok s'ya sa alak na kanyang hawak mula pa kanina. Kasalukuyan silang nasa hotel. Ganito ang sitwasyon nila tuwing luluwas sila rito sa lungsod. Ayaw kasi ng kanyang asawa na tumuloy sila sa mansion ng kanyang ina na pag-aari ni Victor Enriquez. “Hon? May proble