Nagdadalawang-isip si Ashton na sumunod sa kanyang ina nang tawagan s'ya nitong dumiretso sa opisina nito sa Hope. Ilang beses niyang pabalik-balik na isinuot ang brown leather jacket na nakasabit sa kanyang likuran. Natatamad kasi s'ya dahil alam niyang babae na naman ang nais na ipakilala ng kanyang ina sa kanya. Suko na kasi siya sa mga blind dates na ipinapataw nito sa kanya. Lagi kasi siya nitong sinisermonan na marami pa raw babae riyan sa takot na hindi na s'ya mag-aasawa. Habang nakaupo at nakaharap sa kanyang computer ay hindi n'ya alam ang gagawin. Hanggang sa tumawag na nga ang mahal niyang ina. "Ma." "Saan kana anak? Papunta ka na?" Napakamot siya sa ulo dahil ayaw niyang magsinungaling dito. "Paalis palang po, Ma." pagtatapat n'ya rito. "Wala kang balak sumipot, ano? Huwag kang mag-alala hindi naman blind date ang ipapagawa ko sa iyo alam kong iyan ang dahilan kung bakit ka nagdadalawang-isip, son." paliwanag ng kanyang ina. Para siyang nabunutan ng tinik da
Mabilis na pinahiran ni Amber ang mga luha at napatakbo s'ya sa higaan ng kanyang anak. Umiiyak habang nakangiti na hinaplos n'ya ang pisngi nito. "Salamat sa Diyos at gising ka na mahal ko." sambit n'ya saka hinalikan ang noo nito na may benda. "Siya ba si papa ko mama? Hindi ba ako nananaginip?" paniniguradong tanong nito. Tumutulo ang luha na tumango siya. Magkaharap sila ni Ashton habang nakatunghay sa kanilang anak. "Ang pogi po pala ng papa ko mama. Pareho po kami ng mukha kaya pala love na love ko s'ya." patuloy pa nito na lalo niyang ikinaiyak. Napatingin s'ya sa gawi ni Ashton saktong nakatingin pala ito sa kanya kaya nagkatitigan sila. "Love na love ka rin ni daddy anak. I'm sorry, I'm really sorry." napaiyak na si Ashton habang hawak ang kamay ng kanilang anak. Ngumiti naman si Avegail. "Okay lang po 'yon, daddy at least nandito kana, magkakasama na tayo nina mama. Thank you Papa God complete na po ang family ko dumating na si daddy mula sa malayo." masayang sam
"Are you ins*Ne? Huh! Umpisa palang sumusuko ka na? Akala ko ba matapang ka! Mahina ka palang kalaban eh!" galit na hamon ni Ashton sa babaeng walang lakas at mugto ang mga mata habang nakaupo sa gilid ng hagdan. "Hindi ko iyon sinasadya, natapilok lang ako. Pasensya na." walang buhay na sagot nito at nakatingin lang sa pader. Napasuklay si Ashton sa kanyang buhok. Halos muntikan na rin siyang madali dahil sa pagsagip n'ya rito, iyon lang ang sasabihin nito? "Iyon lang? Akala mo hindi ko narinig ang mga binabalak mo? Gusto mong iwan ang anak natin ng ganun lang? Pinatunayan mo lang na selfish ka, Amber. Para matakasan ang lahat ng problema nanaisin mo nalang na iwan ang mga taong umaasa sa'yo!" bulalas ni Ashton. Hindi na s'ya nakapagpigil. Paano kung hindi sya dumating on time? Paano kung hindi n'ya binalikan ang babaeng ito dahil sa makulit na tumatawag sa cellphone nito? Mawawalan ng ina ang kanyang anak? Tinitigan s'ya nito. Magkaharap sila ngayon. Nakatayo s'ya sa mas
Limang araw ang lumipas. Sa mga araw na 'yan pakiramdam ni Amber para siyang nasa impy*rno. Minsan sinisisi n'ya ang sarili dahil madali lang sa kanya na magdesisyon na ibigay ang anak sa ama nito. Mali ba ang ginawa n'ya? Laging bumabalik na tanong sa kanyang isipan. Balita n'ya masaya naman ang kanyang anak sa piling ng pamilya ni Ashton. Hindi kasi katulad sa ibang bata si Avegail. Oo alam niyang mahal s'ya nito, pero dahil siguro sa hindi s'ya ang nag-alaga rito mula noong isilang n'ya kundi ang mga magulang ni Jessie ang kanyang kaibigan kaya masyadong malapit sa kanya ang anak. Sa katunayan mas malapit pa ito sa pamilya ni Jessie. Kakabalik lang n'ya mula sa center na pinapasukan ni Jaypee. Sa ngayon nakalutang pa ang kanyang mga plano sa kung ano ang gagawin n'ya sa buhay. Lahat ng pangarap n'ya noon ay parang nawawalan na s'ya ng ganang tuparin. Para saan pa? Para sa anak n'ya? Para sa sarili n'ya? Nawawalan na s'ya ng kompyansa sa sarili. Puno s'ya ng mga pangarap noon dahi
Napakunot ang noo ni Amber sa ginawa ni Ashton. Anong meron? Sigaw ng isipan n'ya. Nakakapanibago naman ata. Habang nakakulong s'ya sa mga bisig nito ay ramdam n'ya ang init na nagmula sa katawan nito. Maging ang amoy ng katawan ni Ashton na nakakalasing at nanunuot sa kanyang ilong ang bango nito. Hanggang ngayon ay hanap pa rin n'ya ang init na iyon. Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang kamay nitong dahan-dahang humahaplos sa kanyang likod. Bolta-boltaheng kuryente ang dulot niyon sa kanyang sistema. Kung hindi pa s'ya aalis sa bisig nito ay baka masunggaban pa n'ya ito ng halik. Bahagya niyang itinulak ang lalaki, ngunit mas lalo naman siya nitong hinapit palapit kaya dumikit lalo ang kanyang katawan dito. Ramdam n'ya ang matigas na dumikit sa kanyang puson. Dahan-dahan siyang tumingala upang tingnan ito sa mukha. Tinaasan lang s'ya nito ng kilay saka nagkibit-balikat. "A-anong ginagawa mo?" bulong n'ya rito saka lumingon sa likuran nito. Nag-alala s'ya dahil baka biglan
Nakalipas ang dalawang araw, gumaan-gaan na ang pakiramdam ni Amber. Nakakausap n'ya rin si Avegail kahit sa video calls lang bago matulog sa gabi dahil binigyan ito ni Ashton ng sariling cellphone para may gamitin daw ang kanilang anak pantawag sa kanya ano mang oras na gusto nito. Sapat na para kay Amber ang ganoon at least nakakausap n'ya ang anak bago s'ya matulog. Hapon ng biyernes nang makatanggap s'ya ng tawag mula kay Jessie. "Oi madam Enriquez, nakakalimutan mo na atang may kaibigan ka pa na laging nakakaalala sa'yo." pagtatampo nito sa kanya. Tumawa s'ya. "Inday huwag maging assuming huh! Kung maka-madam ka riyan akala mo eh, nanalo sa lotto." napaismid niyang tugon. Humalakhak naman ito sa kabilang linya. "Okay, saka ka nalang magkwento kapag magkita tayo mamaya. Gusto ko kasi yung harapan." pangungulit nito sa kanya. Napakunot s'ya ng noo. "Mamaya? Saan?" "Bes huwag kanang tumanggi, okay? Nasabi ko na sa kanya na darating tayo. Susunduin kita riyan, mga e
Natulala at hindi makagalaw si Amber dahil sa pagkabigla. Akala kasi n'ya ay may ki-kidnap na sa kanya dahil sa isang malakas na bisig ang humila sa kanya sa may madilim na kwarto sabay takip sa kanyang bibig. Ngunit ng masilayan n'ya ang gwapong mukha ni Ashton ay bigla siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Matalas siya nitong tinitigan sabay baba ng tingin nito sa kanyang leeg hanggang dibdib. Pilit niyang tanggalin ang kamay nitong nakatakip sa kanyang bibig. Parang gusto niyang sipain ang lalaking 'to dahil sa ginawa nito. Para kasi siyang aatakihin sa puso dahil sa takot. Nasa loob sila ngayon ng kwarto pero hindi pa rin nito tinatanggal ang pagkakatakip ng kamay sa kanyang bibig. Iniwas niya ang kanyang mukha upang matanggal ang kamay nito dahil hindi n'ya magamit ang kanyang mga kamay dahil inipit nito iyon sa kanyang likuran. "Ano bang kailangan mo huh! Para akong aatakihin sa puso dahil sa ginawa mo!" singhal n'ya rito nang sa wakas ay nakawala na s'ya sa mga kamay nito. Lu
Tahimik na ang buong villa ng mga oras na iyon. Pasado alas dose nang gabi kaya ni isang katulong ay wala nang gising maliban sa dalawang tao na nanatiling nakatayo sa pintuan ng kwarto ni Avegail. Halos kapwa pigil ang mga hininga habang magkahinang ang mga mata. Ilang minuto rin silang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa… "Ibaba mo nga ako baka may makakita sa atin." gulat na utos ni Amber kay Ashton na bumubuhat sa kanya. Nagulat s'ya nang bigla nalang s'ya nitong binuhat at binabagtas nito ang pasilyo. Isang kwarto ang nadaanan nila bago nito binuksan ang pinto ng isang malaking kwarto. Naisip ni Amber, siguro ay ito yung tinutukoy nito na uukupahin n'ya ngayong gabi. "Ano ka ba! Ibaba mo na nga ako, please?" malambing ang boses niyang pakiusap sa lalaki na wala atang balak na ilapag s'ya. "Ulitin mo muna ang sinabi mo, darling. Sa ganoong tono." bulong ni Ashton sa kanyang tainga sa mapang-akit na tono. Napatitig s'ya bigla sa mga mata nito. Para bang may kung anong m
Napahinto sa paghakbang si Amber ng mabasa ang pangalan ni Ashton sa screen ng kanyang cellphone. Agad niya iyong tinakpan bago pa makahalata si Jane. “Ahmm, Jane mauna ka na lang sa hotel, susunod nalang ako sagutin ko lang ‘to.” Tinaas niya ang cellphone na patuloy pa rin sa pagtunog.Tumango si Jane sa kanya. “Okay, wag kang magtagal baka maabutan ka ng ulan.” malambing nitong sagot bago tumalikod.May nakita siyang cottage na walang tao doon siya nagtungo saka sinagot ang tawag ni Ashton. “Where the h*ll are you now?” Bungad na sigaw ni Ashton sa kabilang linya.Inilayo niya sa tainga ang kanyang cellphone dahil parang mababasag ang kanyang eardrum sa lakas ng boses nito. “Ano ka ba! Ba't ka ba sumisigaw ha! Pwede naman tayong mag-usap ng mahinahon ah!” Naiiritang sagot niya rito. “Bakit ka sumama sa kanya riyan? Hindi ka talaga nag-iingat, Amber. Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha!” Unti-unting huminahon ang boses ni Ashton sa kabilang linya.Nagtaka si Amber sa narinig.
Nakatulala si Ashton habang nakatingin sa labas ng kanyang opisina. Sumasayaw ang mga puno sa labas dulot ng malakas na hangin at may kasamang malalaking patak ng ulan. Ayon sa balita may bagyo raw na parating kaya pinag-iingat ang lahat. Sa mga ganitong panahon sumasama ang kanyang pakiramdam, mas gustuhin pa niya ang mainitan sa labas kesa ganitong panahon. Nakailang salin na siya ng vodka sa kanyang baso ngunit pakiramdam niya ay walang epekto iyon sa kanya. Napatingin siya sa kanyang relo, limang minuto bago sumapit ang alas-sais ng gabi. Naghihintay pa rin siya ng call back mula kay Amber. Ilang araw na kasi mula noong dinala niya ito sa restaurant ni Julianna hindi pa rin ito nagparamdam sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit kay Jane pa ito nakipag tulungan sa imbestigasyon tungkol sa kaso ni Julianna at hindi sa kanya, wala ba itong tiwala sa kanya? Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng lahat na meron sila naglilihim pa rin ito sa kanya. Naalala niya kung paano nawala
Dumeritso si Ashton sa opisina ni Jane sa dulong bahagi ng restaurant. Hindi niya namalayan na ang babaeng kasama ay wala sa kanyang likuran. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng mapansin na mag-isa lamang siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinakasan ba siya ni Amber? Sigaw ng kanyang isipan. Muli siyang bumalik sa pinanggalingan upang hanapin ang babae, hindi pa naman siguro ito nakakalayo kung sakaling umalis man ito. Patingin-tingin siya sa paligid baka sakaling makita ito. Medyo abala pa naman ang restaurant ngayon at maraming customer na palabas at papasok. Sa dulong bahagi natanaw niya ang babaeng hinahanap, abala ito sa pagmamasid sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Napailing na nilapitan niya ang babaeng walang pakialam sa kanyang piligid. Napansin niya na mahilig din ang dalaga sa mga obra ng mag-inang Garcia. Ilang beses na kasi niya itong nahuling nakatingin sa painting ng mga ito. Nakatayo s'ya sa likuran at ipinatong sa balikat nito ang kanan niyang kamay, ngunit par
Kinabukasan, araw ng Lunes balik trabaho na ulit si Amber. Mabigat ang kanyang pakiramdam ng bumangon s'ya kinahapunan. Nasulyapan n'ya ang alarm clock sa tabi ng kanyang higaan, alas-tres ng hapon. Alas-sais ng gabi ang pasok n'ya kaya may oras pa s'ya para maghanda. Para siyang lalagnatin dahil hindi siya nakatulog ng maayos. Litong-lito at naiinis siya kay Ashton dahil sa inasta nito sa harapan ng kanilang anak kahapon. Paika-ika siyang lumakad patungo sa maliit niyang banyo upang maghilamos. Pakiramdam niya para siyang zombie na naglalakad na walang kaluluwa. Mayamaya walang lakas na binuksan niya ang ref upang maghanap ng makain para sa kanyang tanghalian. Dismayadong napapikit na lamang siya ng walang makita sa loob ng kanyang ref kundi tubig na nasa pitsel at isang piraso ng itlog. Napahaplos s'ya sa kanyang leeg. Hindi nga pala siya naka pamalengke halos dalawang linggo na. Gutom pa naman siya dahil hindi s'ya nakapag-agahan kanina. Humakbang s'ya patungo sa mesa upang tingn
Another tiresome day para kay Ashton. It's been a week since the last time na nagkita sila ni Amber. Ang pagkikita nila sa restaurant ay naging issue sa social media kinabukasan. Hindi niya akalain na marami palang nakakuha ng videos sa kanila dahil naroon si Soleen Marasigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin n'ya maintindihan kung bakit hindi pumayag si Amber sa hiling niya rito na kasal. Nais na niyang makatakas sa mga plano ng kanyang ina. Ano man ang tinatagong dahilan ng kanyang ina kung bakit ayaw nitong pakasalan niya si Amber ay wala na siyang pakialam. Hindi na siya bata kaya ganun kalakas ang kanyang determinasyon na mag-asawa upang mabigyan ng kumpletong pamilya ang kanyang anak.Nasa malalim na pag-iisip si Ashton ng may kumatok sa pinto ng kanyang opisina. “Come in.”Seryosong mukha ni Luis ang bumungad sa pintuan. “May dapat kang malaman.”Nakakunot ang kanyang noo. “May taong lihim na nagbukas ng imbestigasyon sa kaso ni Julianna.” balita ni Luis sa kanya. Bigla si
Bago paman bumagsak ang katawan ni Amber sa sahig ay may matipunong bisig na sumalo sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang tingin. Nang makilala ang lalaki ay bahagya siyang ngumiti. “B-bring me home, Lucas please.” aniya sa lalaking nakayakap sa kanyang katawan. Hindi niya nakita kung paano naningkit ang mga mata ni Ashton sa galit. “Okay.”Habang nasa biyahe pauwi, unti-unting bumalik ang kanyang lakas ngunit nanatili lang siyang tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Parang sasabog ang kanyang utak sa daming pumapasok sa kanyang isipan. Sinabayan din ito ng pagkirot ng kanyang dibdib. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mukha ni Ashton na kaharap ang magandang babae na iyon. “Okay kalang ba?” narinig niyang tanong ni Lucas.Tumango siya bilang tugon. “Mind if I ask?” untag nito sa abalang kaisipan niya.Nilingon niya ang lalaki saka ngumiti ng pilit. “What is it?” “Mahal mo ba ang pinsan ko?” diretsahang tanong ni Lucas sa kanya. Hindi na rin si
Parang bata na maliit si Ashton na nakatitig sa kanyang ina. Kasalukuyan siyang nasa opisina nito. Nasa kanyang harapan ang mga pictures niya kasama si Amber. Hindi n'ya talaga maintindihan kung bakit ganoon nalang ang pagtutol nito sa pakikipaglapit niya sa ina ng kanyang anak. “Ma! Please, pwede bang sabihin mo sa akin kung bakit against ka sa relasyon ko sa ina ng apo n'yo? Hindi ba't maging masaya ka sana para sa akin dahil mabibigyan ko ng buong pamilya si Ave? Pero sa ginagawa ninyo parang hindi ko na kayo kilala, e! Hindi mo ako pinalaki na maging mata-pobre.” mahaba niyang litanya. Naguguluhan na siya sa mga galaw at plano nito. Huminga ng malalim si Anastasia habang nakatitig sa anak. “Anak, para sa ikabubuti mo ang ginagawa ko dahil ayaw kitang masaktan pagdating ng araw.” seryoso niyang tugon sa anak. Biglang tumayo si Ashton. “Seryoso po kayo, Ma?” bahagyang tumaas ang kanyang boses. “Hindi ko nga maintindihan kung bakit n'yo ginagawa ito eh! Instead na tulungan
Parang mabaliw si Ariston sa kakaisip kung paano n'ya maresolba ang unti-unting paglubog ng Hotel De Paraiso. Kahit paman hindi siya ang inatasan na aayusin ang problema sa resort ngunit alam niyang siya pa rin naman ang mag-ayos nito. Taliwas sa pagkakakilala ng mga tao sa kanyang anak ang totoong ugali nito. Masyadong maluho ang kanyang anak na si Lucas. Noong nag-aaral palang ito sa America ay wala itong ginawa kundi magbarkada at mag-bar. Kaya ang nangyari ay napabayaan nito ang pag-aaral. Isa lang naman kasi ang rason kung bakit ito nagrebelde iyon ay dahil sa pagpilit n'ya rito sa kursong business administration. Pangarap nito na maging isang sikat na artista na labis niyang tinutulan kaya ito nagreb*lde sa kanya. Lumagok s'ya sa alak na kanyang hawak mula pa kanina. Kasalukuyan silang nasa hotel. Ganito ang sitwasyon nila tuwing luluwas sila rito sa lungsod. Ayaw kasi ng kanyang asawa na tumuloy sila sa mansion ng kanyang ina na pag-aari ni Victor Enriquez. “Hon? May proble
Napakunot ang noo ni Amber dahil sa reaksiyon ng babae sa kanyang harapan. Parang pamilyar ito sa kanya kaya napaisip s'ya. Para kasing nakita na n'ya ang babaeng ‘to hindi lang niya maalala kung saan. Ngunit mas nagulat siya sa reaksyon nito dahil para itong ipinako sa kinatatayuan habang titig na titig sa kanya. “Miss?” untag n'ya sa babaeng nakatitig sa kanya. Hula n'ya manager ito ng gallery. “Huh! Ah.. Hmm.. Sorry.” nauutal nitong sagot sa kanya.Ngumiti s'ya rito. “Nais ko lang kasi na malaman kung bakit kakaunti na lang ang mga naka-display na painting.” paliwanag n'ya. Napanganga naman ang babae sa tanong n'ya. “Ah, kasi pinapaubos na lang namin ang mga natirang ubra ni Madam Jho. Sayang din kasi malaking tulong na rin sa foundation n'ya ang perang malilikom namin d'yan. Lahat ng napagbintahan ng mga ubra n'ya ay napupunta sa kanyang foundation. Iyon kasi ang tagubilin n'ya.” tugon ng babae. “Napakabait naman po talaga ni Ms. Jocelyn. Saan po ba siya pwedeng mak