All Chapters of It Turns Out That He's A Billionaire : Chapter 31 - Chapter 40

53 Chapters

Chapter 31

Halos buong gabi akong hindi nakatulog sa kaiisip sa tawag ni Marcus kanina. Ang lakas lakas ng pakiramdam ko kinabukasan kahit na kinulang ako sa tulog. Ang mga notes na hindi pumasok sa isipan ko kahapon ay ang dali na lang na pumasok ngayon.Ayon kay Marcus ay umuwi raw pansamantala si Dark sa kanilang probinsya. Hindi na ako nagtanong ng iba pang detalye dahil okupado na ang isipan ko sa muli naming pagkikita.Sa Sabado. Iyon ang araw ng pagkikita namin para matapos muna ang exams ko. Hindi niya nasabi kung saan kami magkikita, tatawag na lang daw si Dark kapag may oras na siya.Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit si Marcus pa ang tumawag upang sabihin iyon. Pwede namang si Dark kung tutuusin. Hindi na lang ako magreklamo dahil mas lamang ang pananabik na nararamdaman ko."Ang saya natin ah. Glowing ka pa. Anong meron?" usyoso ni Merry habang naglalakad kami papuntang canteen para sa lunch. Katatapos lang ng exam namin sa Modern Literature at masasabi kong pasado na ako.
last updateLast Updated : 2023-03-14
Read more

Chapter 32

Tagaytay. Base sa daan at ruta na tinatahak namin ay papunta kami sa Tagaytay. Hindi ko na sinundan pa ang tanong ko kanina dahil may tiwala naman ako kay Dark. Ngunit hindi ko inakala na lalabas kami ng siyudad at pupunta dito.Sa totoo lang ay hindi pa ako nakakapunta ng Tagaytay. At ngayon ay nandito na ako! Hindi ko maalis- alis ang tingin ko sa taal volcano. Sa picture ko lang siya nakikita noon pero heto na siya ngayon at sobrang ganda niya sa personal!Mabuti na lang at nagdala ako ng sweatshirts. Magjo-joyride pala kami. Gusto kong patigilin muna si Dark upang kumuha sana ng larawan pero pinigilan ko ang aking sarili. Sa haba ng biyahe ay paniguradong pagod siya at gusto nang makarating sa kung saan man ang destinasyon namin.Pinagmasdan ko ang rest house kung saan kami tuluyang tumigil. Dalawang palapag ang bahay at mula dito sa ibaba ay alam kong may swimming pool sa labas ng second floor. May iilang lamesa at upuan sa paligid at meron pang maliit na kubo sa dulo ng stone pa
last updateLast Updated : 2023-03-15
Read more

Chapter 33

Buong hapon kami na namasyal ni Dark. Madalas daw siya rito noon kasama si Marcus kaya kabisado na niya ang buong lugar at alam ang mga magagandang spot na pasyalan.Ngunit kahit buong hapon na kaming namamasyal ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya kanina doon sa garahe. Paulit-ulit iyon na umalingawngaw sa isip ko at tuwing mapapabaling ako ng tingin sa kanya ay iyon agad ang naiiisip ko.Namumula lagi ang mukha ko kapag naaalala iyon. Ano ba ang gusto niyang iparating? Yung bike ang tinutukoy ko pero alam kong merong ibang kahulugan ang sinabi niya. At alam na alam ko kung ano iyon. Hindi naman ako inosente para hindi alam ang mga bagay na iyon.Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit niya iyon nasabi? Naninibago tuloy ako. Pansin ko rin na madalas niya akong hawakan ngayon.Tumikhim ako at ipinilig ang aking ulo nang magkatinginan kami. Lumapit sa akin si Dark at pinagmasdan ako."Hindi ka ba naglagay ng sunscreen? Namumula yang mukha mo," puna niya.Kung alam lang niya
last updateLast Updated : 2023-03-16
Read more

Chapter 34

Nakainom siya, halata iyon sa mga mata niya. Wala siyang pang itaas na damit. Tanging jeans lang ang suot niya, nabaklas na ang sinturon niya at bahagya ko nang nakikita ang kanyang boxers. Kitang-kita ko tuloy ang maganda niyang katawan, ang kanyang abs na ang sarap sigurong hawakan.Iniiwas ko ang tingin sa kanyang katawan. Hindi ko ata kaya na pagmasdan siya na ganito ang ayos ko at halos hubad na rin siya.Umihip nang mabini ang panggabing hangin. Nangangatal ang aking mga labi pero may parte sa loob ko ang unti-unting nag-iinit"Why aren't you answering?" aniya."H-Hindi pa naman kasi ako nagugutom kanina," sagot ko sa mababang boses. Naningkit ang kanyang mga mata. "Is that the real reason? Iniiwasan mo ba ako, Cassandra?"Napasinghap ako at binalingan siya. Mariin siyang nakatitig sa akin habang hawak pa rin ang aking mga damit at nakadungaw sa akin sa gitna ng pool. Bakit ang kapal naman ata ng mukha niya? Siya pa talaga ang may ganang magsabi nun eh siya itong hindi namaman
last updateLast Updated : 2023-03-16
Read more

Chapter 35

Dahil tanghali na ay sobrang ingay ng bulong palengke. Malaki at malawak ang market na ito. Madami ring mga klase ng paninda at kumpleto na talaga ang mga kailangan na bilihin ng mga mamimili dito.Kung may ganito lang talaga malapit sa apartment ko ay mas gugustuhin ko na sa mga lugar na ito ako mag-grocery kaysa sa mall. Bukod kasi sa hindi na fresh ang mga nandoon ay sobrang mamahal pa. Dito ay fresh na nga, makakatipid ka pa dahil pwede ang mga tingi-tingi.Katulad ng sinabi ni Manong ay tinanggal at iniwan ko ang singsing sa aking kwarto. May punto naman kasi siya lalo na at agaw pansin ito. Hindi man ito katulad ng mga kalye sa Manila pero mabuti pa rin iyong nag-iingat.Tiningnan ko ang mahabang listahan na ibinigay ni Manong Henry. Sobrang dami ng bibilhin. Nagtataka talaga ako kung bakit walang laman ang ref kanina eh kahapon lang ay puno pa ito. Pati ang tira kong ice cream ay nawala na. Sa haba ng listahan ay mukhang matatagalan ako dito sa palengke. Hindi na ako aabot sa
last updateLast Updated : 2023-03-18
Read more

Chapter 36

"May problema ka ba, anak?" tanong ni mama sa kalagitnaan ng panunuod namin. Nandito kami sa sala at gaya ng kinaugalian namin ay tinatapos namin ang gabi sa panunuod ng mga teledrama. Nilingon ko sila ni Drei na nakatingin na sa akin. Ibinalik ko ang atensyon sa TV. "Okay lang naman ako, 'ma. Bakit niyo naman iyan natanong?""Napapansin kasi namin nitong mga nakaraang linggo na tahimik ka. Kung minsan ay malayo ang mga tanaw mo at natulala ka. May hindi ba magandang nangyari sa inyong paaralan bago ang bakasyon niyo?" puno ng pag-iingat niyang tanong. Si Drei ay tahimik lang na nanunuod pero alam kong nakikinig siya sa usapan namin.Tatlong linggo na simula noong bakasyon, simula noong huli naming pagkikita ni Dark.Tanggap ko na ang mga nangyari. May nararamdaman man akong kaunting galit sa mga panloloko ni Dark pero matagal ko na iyong tinangggap.Ang mahirap ay ang makalimot. Na sa kabila ng lahat ay naiisip ko pa rin siya minu-minuto at oras-oras. Lagi kong naiisip ang mga mag
last updateLast Updated : 2023-03-18
Read more

Chapter 37

"Mag-iingat ka anak at lagi mo sanang pagbubutihan ang iyong pag-aaral," bilin ni mama.Kinuha ko na ang mga bag ko at ngumiti sa kanila."Lagi kang bumisita ate kapag may libre kang oras ha?" ani Drei at hinalikan ang aking pisngi.Niyakap ko silang dalawa bago ako tuluyang umalis ng bahay. "Aalis na ako. Lagi kayong mag-iingat dito. Tatawag ako kapag nakarating na ako sa apartment."Two weeks from now ay pasukan na. Dati rati ay hindi ako ganito kaagang bumabalik pero dahil sa scholarship offer na nakuha ko ay kailangan kong maagang bumalik para maayos ko ang lahat ng mga kakalanganin bago magpasukan.Nauna na ang mga gamit ko doon. Pinakiusapan ko na lang si Manang Fe na sabihan ang delivery service kung saan ang kwarto ko. Hassle naman kasi kung ako pa ang magbubuhat ng mga iyon sa itaas.Nakatulugan ko ang buong biyahe. Ilang gabi na rin kasi akong puyat dahil sa kakaisip ng mga walang katuturang mga bagay. Muntik pa nga akong makalgpas sa babaan, mabuti na lang at ginising ako
last updateLast Updated : 2023-03-20
Read more

Chapter 38

"Ano ang ginagawa mo dito?" ulit na tanong ni Zenon sa akin.Malamig ang mga tingin niya. May disapproval sa mga mata niya na nakatingin sa akin. Naayos na niya ang necktie na inaayos niya kanina. Ang laptop naman niya ay nasa ibabaw na ng mesa."Do you have a tongue or what? Bakit hindi ka makapagsalita?"Inagaw ko ang aking braso na hawak niya at tiningnan nang matalim. Ano ba talaga ang problema sa akin ng isang ito? Isa talagang malaking palaisipan sa akin. Wala naman akong matandaan na magawang masama sa kanya para magkaroon siya ng matinding disgusto sa akin ng ganito. Tandang-tanda ko pa ang unanaming pagkikita. Unang ingkwentro pa lang namin ay mainit na ang dugo niya sa akin. Magkaaway siguro kami sa nakaraang buhay namin."Hindi ba dapat na nandito ako? Mabuti naman ang intensyon ko sa pagpunta ko dito ah. Wala naman akong masamang balak kaya bakit galit ka riyan?" hindi ko na narendahan ang bibig ko. Iniinis niya kasi ako eh.Kita ko ang pagtiim bagang niya sa sinabi kon
last updateLast Updated : 2023-03-20
Read more

Chapter 39

Para akong lantang gulay nang makauwi ako sa aking apartment. Puno ako ng energy noong pumunta ako sa De Marco Group pero ngayon ay wala ng natira ni isa.Pabagsak akong humilata sa sofa at pumikit ng mariin. Inalala ko ang mga nagyari kanina. Ni isang detalye ng aking buhay ay walang pinalampas si Zenon. Kulang na lang ay tanungin niya kung ano ang kulay ng underwear ko.Ang sabi niya kanina ay thirty minutes lang ang interview ngunit umabot na ng isang oras ay sige pa rin hanggang sa hindi ko namamalayan na malapit na pala ang tanghalian.Hinalukay niya ang lahat lahat hanggang sa kadulu-duluhan ng akin ninuno. Para siyang imbestigador sa dami ng tanong niya. Para akong criminal na iniimbistigahan. Pakiramdam ko ay nahubaran niya ang buo kong pagkatao.Hindi ko naman magawang magsinungaling kaya ang lahat ng mga sinabi ko ay pawang katotohanan. Mas mahirap na pagtagpi tagpihin ang mga impormasyon kapag magsinungaling pa ako. Mas lalong hindi ako makakapasa kapag natunugan ng lalak
last updateLast Updated : 2023-03-22
Read more

Chapter 40

Masigabong palakpakan ang namayani pagkatapos ng closing ceremony."Congrats, ate!"Malaki ang ngiti na niyakap ko ang kapatid ko."Salamat. Yung gift ko?""Nasa bahay ate. Hindi ko na dinala dahil baka masira pa," sagot ni Drei.Natatawa akong kumalas sa kanya at binalingan si mama na nasa aking tabi, naiiyak at tahimik na nanunuod sa amin ni Drei.Nginisihan ko siya. "Bakit naman kayo umiiyak, 'ma? Hindi ba dapat ay masaya ka?"Umiling si mama at niyakap ako ng mahigpit. "Pasensya na. Hindi ko lang mapigilan. Hindi lang ako makapaniwala na sa wakas ay graduate ka na. Congratulations, anak. Patawarin mo sana ako kung hindi kita nasoportahan noon. Proud na proud ako sa iyo," iyak niya sa aking balikat.Naiiyak na rin ako pero pinigilan ko lang. Nasa gitna kami ng malawak na gymnasium dito sa paaralan. Katatapos lang ng graduation ceremony at sobrang ingay ng paligid. Tulad namin ay may mga mag-anak na nagyayakapan, kumukuha ng mga larawan at iba pa.Pumikit ako at umusal ng pasasala
last updateLast Updated : 2023-03-23
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status