Masigabong palakpakan ang namayani pagkatapos ng closing ceremony."Congrats, ate!"Malaki ang ngiti na niyakap ko ang kapatid ko."Salamat. Yung gift ko?""Nasa bahay ate. Hindi ko na dinala dahil baka masira pa," sagot ni Drei.Natatawa akong kumalas sa kanya at binalingan si mama na nasa aking tabi, naiiyak at tahimik na nanunuod sa amin ni Drei.Nginisihan ko siya. "Bakit naman kayo umiiyak, 'ma? Hindi ba dapat ay masaya ka?"Umiling si mama at niyakap ako ng mahigpit. "Pasensya na. Hindi ko lang mapigilan. Hindi lang ako makapaniwala na sa wakas ay graduate ka na. Congratulations, anak. Patawarin mo sana ako kung hindi kita nasoportahan noon. Proud na proud ako sa iyo," iyak niya sa aking balikat.Naiiyak na rin ako pero pinigilan ko lang. Nasa gitna kami ng malawak na gymnasium dito sa paaralan. Katatapos lang ng graduation ceremony at sobrang ingay ng paligid. Tulad namin ay may mga mag-anak na nagyayakapan, kumukuha ng mga larawan at iba pa.Pumikit ako at umusal ng pasasala
Hindi ko alam kung makailang beses ko nang tiningnan ang aking sarili sa harap ng salamin. Pang sampo na siguro kung hindi ako nagkakamali.Nakasuot ako ngayon ng pencil cut skirt, white top at isang itim na blazers. Two inch black heels naman sa paa ako. Ang huling araw na nagsuot ako ng ganitong damit ay noong thesis defense nila. Pero ngayon na nagtatrabaho na ako sa kompanya ay araw-araw na akong mag-susuot ng mga ganitong damit. Corporate attire.Lalo akong gumanda dahil sa suot kong damit ngayon. Dagdag pa doon na nakalantad ang mahahaba at mapuputi kong mga hita.Lumabas na ako sa condominium at naglakad na sa kahabaaan ng malawak at maingay na kalsada. Umaga pa lang ay medyo may kabigatan na ang trapiko.Sampong minuto lang ang lakaran mula sa aking condo patungo sa kompanya na aking papasukan kaya nilakad ko na lang. Para naman kasing tanga kung mgtatricycle pa ako. Sa labas pa lang ng building ay hindi ko na mapigilan ang hindi mamangha at mapanganga sa kabuuan nito. Sobran
Namalayan ko ang aking sarili sa loob ng comfort room. Mabilis ko itong inilock at wala na akong pakialam pa kung may gustong mag-cr.Nanginginig ang buo kong katawan. Ang mga kamay ko ay sobra sobra ang panginnginig na kailangan ko pang pagsiklupin ang mga ito ng mahigpit upang tumigil ito. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Maputla ang mukha ko. Kung wala lang pahid ng lipstick ang aking mga labi ay makikita na na kulay puti rin ito. Ang mga mata ko ay sobrang pula sa pagpipigil ng mga luha.Iiyak ba ako? Hindi ko alam. Sa dami at halo-halo na nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin doon!Si Dark... Bakit siya nandito? Siya si Alexander Miller? Ang may-ari ng kompanyang ito?? Paano iyon nangyari? Dark ang pangalan niya at hindi Alexander! Maaari bang magkamukha lang sila? Pero hindi, hindi ako pwedeng nagkamali! Alam ko ang mga tingin na iyon. At kung ibang tao siya ay hindi ko mararamdaman ang ganito kahit na sabihin na magkamukha lang ang mga ito. Nguni
Dumaan ang isang oras na nakaupo lang ako dito sa aking lamesa. Pinaglalaruan ko ang ballpen na hawak habang iniisip ang mga bagay at gamit na bibilhin na pwedeng ilagay dito sa bakanteng lamesa ko, yung mga cute stuff para pampaganda lang ng mood habang nagtatrabaho.Tumingin ako sa intercom na nasa gilid ko. Ayon sa nakalagay dito sa papel ay hindi raw ako pwedeng oumasok sa loob ng office ng boss hangga't wala itong sinasabi. Tungkol naman sa mga schedule at appointments niya na kailangan kong ipaalala ay sasabihin ko na raw mismo din sa intercom. Napapaisip tuloy ako kung ganito ba lahat ng mga naging sekretarya niya o sa akin lang. Hindi naman ganito ang communication ng boss at secretary sa pagkakaalam ko. Parang may mataas at makapal na pader sa gitna namin.At bakit ko pa ba iyon pinoproblema? Dapat nga ay masaya ako na ganito ang set up namin. Hindi ko na kailangan na makita ang pagmumukha niya palagi, hindi ko na kailangan na pakisamahan ang kanyang ugali.Muli kong naalal
Pinatay ko ang nag-iingay na alarm clock sa aking tabi. Pupungas pungas akong bumangon at nag-inat. Hindi ako nag-aalarm dati dahil hindi ko naman iyon kailangan noon. Pero nitong mga nakaraang araw ay kailangan ko na upang magising ako sa takdang oras. Halos araw-araw ay nag-oovertime ako sa opisina. Sa dami ng mga trabaho na ibinibigay at ipinapagawa sa akin ng boss ko ay kailangan ko talagang mag overtime lalo na at ayaw na ayaw niya na hindi natatapos ang mga trabaho sa loob ng isang araw. Kailangan ko raw itong matapos para hindi magiging sagabal sa mga nag-aabang na trabaho ko para bukas.At dahil lagi akong nag oovertime ay lagi rin akong gabi na umuuwi. Minsan ay sobrang late na na hindi na ako nakakapagtanghalian sa sobrang pagod at gusto ko na lang na humilata at matulog sa sobrang pagod.Sa sobrang pagod nga ay hindi ko na namalayan ang oras, dire-diretso ang tulog ko kaya na late ako sa aking trabaho. Grabeng sermon ang inabot ko sa aking boss dahil doon.At dahil sa
Pagkauwi ko ay naglaba ako at naglinis ng buong condo upang hindi ko maisip ang mga bagay na hindi ko dapat na isipin. Maaga pa. Mga alas nwebe pa lang kaya inabala ko ang aking sarili sa kung anu-anong mga bagay. Inaasahan ko na may tatawag sa akin at pagsasabihan o pagagalitan dahil sa pag-alis ko sa trabaho pero wala. Wala ring mensahe galing kay Ma'am Beth. Hindi naman siguro kasi ako ganun kaimportante para gawin nila iyon.Pagpatak ng gabi ay gumawa na ako ng resignation na ipapadala ko. Buo na ang desisyon ko at hindi na magbabago pa ito.Malakas na humalakhak si Margie doon sa kabilang linya. "Walang hiya. Sana ay sinapak mo ang kanyang mukha!"Sinabi ko sa kanya ang mga naging kaganapan sa opisina, lahat-lahat pati na kung paano ako tratuhin ng aking boss. Hindi naman kilala ni Margie si Dark kaya okay lang na sabihin ko.Sumimangot ako kahit na hindi niya ako nakikita. "Hindi naman Pwede yang iniisip mo Marj. Baka lalong mapasama ang record ko kapag sinapak ko siya.""Weeh
Nagkatinginan kami ni Clark at bigla na lang kaming natawa sa isa't-isa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero hindi ko alam kung bakit kami tumatawang dalawa."But you know that I did those things wholeheartedly. You don't have to apologize for anything. So.. are we still friends? Or.. you know if you want then I will court you again," aniya sabay kindat pa sa akin.Tumawa ako at pabirong hinampas ang kanyang balikat. "Nah. I think we're better off being friends."Kung siya pa rin ang dating Clark na kilala ko ay baka kanina pa ako tumakbo palayo dahil sa sinabi niya. Pero dahil alam ko na iba na siya, na hindi na siya katulad ng dati ay hindi ko na iyon ininda pa. Higit sa lahat, alam ko naman na nagbibiro lang siya. Katulad ko ay natuto na siya sa nangyari sa amin noong nakaraan.Sumimangot si Clark kaya lalo lang akong natawa. "Bakit? May boyfriend ka na ba? Kayo pa rin ba ni Dark?" taas kilay niyang tanong.Agad na nabura ang aking ngiti dahil sa pangalan na binanggit niya. A
Nagkatitigan kami ni Dark ng matagal. Ayaw ko sanang magpatalo pero sa huli ay ako rin naman ang sumuko. Naiinis ako dahil hindi ko kayang magtagal sa ilalim ng mga titig niya.Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok sa aking kwarto. "Umalis ka na. Gabi na at gusto ko nang magpahinga," malamig ang boses kong sinabi.Ngunit isang mapakla na tawa ang narinig ko. "Gabi na? Alam mo naman pala na gabi na pero ngayon ka lang umuwi? Ano? Masyado ka bang nasarapan na kasama ang lalaking iyon? Nagbalik na pala siya. Huwag mong sabihin na siya ang rason kaya hindi ka na pumapasok?" malamig din ang kanyang boses ng sinabi iyon.Napamaang ako at natigilan sa paglalakad. Lalaking iyon? Si Clark ba ang tinutukoy niya? At paano niya nalaman na kakauwi ko lang?Liningon ko ulit siya at nanliit ang aking mga mata. Kung nakita niya kami kanina ay malamang na nandoon din siya sa bar kanina. Wala namang ibang dahilan hindi ba? O baka nakita niya kami kanina naglalakad?"Sinusundan mo ba ako?" "Don't
Kumalas ako mula sa pagkakahawak ni Dark. Sasampalin ko na sana siya pero mabilis niyang napigilan ang aking kamay."You're really going to slap me, Cassandra?" nanliliit ang kanyang mga mata at inilapit pa ang kanyang mukha sa akin habang hawak pa rin ang kamay ko.Nagtagis ang bagang ko at hinila ang kamay ko pero hindi niya iyon binitawan."At bakit hindi? Eh basta ka na lang na pumapasok sa kwarto nang may kwarto! May balak kang masama 'no?" bintang ko sa kanya kahit na alam ko naman na hindi niya iyon gagawin.Lalong naningkit ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "At ano ang gagawin mo kung meron nga?" Lumapit pa lalo si Dark sa akin kaya wala akong ibang magawa kundi ang umatras palayo sa kanya. "May magagawa ka ba? Tayong dalawa lang ang nandito sa kwarto Cassandra. Tayo lang na dalawa ang nandito sa loob ng hotel. Sa tingin mo ba ay makakatakas kabsa akin kung may gagawin man ako sa inyo?" bulong niya nang marahan pero may diin.Unti-unting lumalapit si Dark kaya napapaatras di
Hinila ko palayo si Dark sa kainan. Mabuti na lang talaga at busy ang lahat sa pagkain kaya walang nakakapansin sa amin.Binitawan ko na siya nang makalayo na kami at hinarap."Ano ba ang problema mo ha? Wala namang ginagawa na masama iyong tao ah? Kung hindi kita pinigilan ay susuntukin mo yung kalaki 'no? Nababaliw ka na ba?" galit kong wika kay Dark.Sa lahat ng mga nangyari at sa mga ginawa ni Pay ay wala naman akong nakikita na mali doon. Oo at masyado siyang malapit sa akin, na hinawakan pa ang gilid ng aking labi pero alam ko naman na walang ibang kahulugan iyon. Natural lang siguro sa kanya iyon at walang malisya! Itong Dark na ito ang malaswa ang isipan! Ewan ko ba sa kanya!"Walang ginawa? Eh hinawak hawakan ka. Ang lapit ng mukha niya sa iyo na kulang na lang ay halikan ka niya! At narinig mo ba ang sinabi niya kanina? Na papakasalan ka raw niya! Ano? Gusto mo yun?" ganti rin niya.Natawa ako. Ano ba ang problema ng tukmol na ito at galit na galit? At tsaka ano ba ang ginag
Hindi lang ako ang natigilan pansamantala upang tumitig sa banda kung nasaan sina Dark at ang babaeng kasama nito. Nakasuot lang ng board shorts si Dark at puti na polo na bukas ang lahat ng mga butones kaya kitang kita ang malapad niyang dibdib at hulmadong abs.Nasa lilim ang mga ito ng coconut tree. Nakasandal doon si Dark na nakangisi habang pinapakinggan ang sinasabi ng babae."Iba talaga si Sir Alex! Pang model ang katawan! Kailan ko kaya yan matitikman?" hagikgik ni Gelo."Ssshh. Tumigil ka nga. Baka may makarinig sa iyo at magsumbong. Kapag nakarating sa kanya ang mga kahalayan mo sa kanya ay baka ipatanggal ka niya sa trabaho," mahina naman na suway ni Meldasa kaibigan."Pero sino iyong babae na kasama niya?" tukoy ni Jaime. "Ngayon ko lang siya makita. Kilala mo Cassandra? Baka nakita mo na siya kapag sinasamahan mo si Sir Alex sa kanyang mga meeting?" dagdag pa niya sabay baling sa akin.Umiling ako. Hindi ko kilala ang naturang babae. May mga nakikilala akong mga bagong t
"Ang ganda dito sa condo mo!" wika nina Jaime at Nicole habang nililibot ang buong unit ko. Sabado na ngayon. Alas nuwebe ang oras ng sinabi nila na pagpunta namin. Sa Boracay magaganap ang team building at sobrang saya ng lahat. Hindi naman ganung kaaga ang call time pero maaga na dumating ang dalawa at dito agad sa condo ko ang ni-rade nila. Nag-aagahan ako nang bigla na lang silang tumawag at sinabing papunta na raw sila dito sa tinutuluyan ko. May dalang tig isang maleta ang mga ito at handang handa na talaga na bumiyahe paalis. Ako naman ay noong nakaraang araw pa nakahanda ang mga gamit na dadalhin ko para sa team building. Mabuti na iyong mag-impake ng maaga para hindi na aligaga pa kapag paalis na. Maraming mga gamit ang nakakalimutan na dalhin kapag nagkataon."Grabe. Iba talaga ang alagang Alexander Miller," ani Nicole habang masusi na binubusisi ang kusina ko. Si Jaime naman ay pinagdiskitahan ang mga laman ng ref ko.Sinimangutan ko si Nicole dahil sa sinabi niya. "Hind
Sa una ay nag-atubili pa ako na tanggalin ang aking mga damit pero kung magtatagal pa ako dito sa banyo ay baka ma-late na ako para sa meeting mamaya ni Dark.Binuksan ko ang shower ay nang masigurong hindi na ito gaanong kalamig ay tumapat na ako doon. Habang nasa ilalim ako ng tubig ay hindi ko maiwasan na isipin ang mga pagbabago sa relasyon namin ni Dark bilang aking boss at kanyang secretary. Hindi na siya ganung kahigpit tulad ng dati. Hindi na niya ako pinagsasalitaan ng masama at higit pa doon ay maayos na ang kanyang pakikitungo sa akin, hindi na rin siya nagsasabi ng mga salita na maaaring ikapahiya ko kung sakali.Wala akong ideya kung bakit bigla na lang siyang nagbago ng ganon pero ipinagpapasalamat ko iyon. Kahit papaano ay gumaan na ang buhay ko dito. Kung sana ay ganito na siya simula pa lang ay hindi na sana kami magkakaproblema. Ngunit kahit ganoon ay nanatili pa rin na marami akong mga trabaho. Hindi sa sinasadya niyang pahirapan ako katulad ng iniisip ko noon per
Nasa kasagsagan ako ng pagta-type nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong sinagot at ni-loud speaker upang hindi maabala ang aking trabaho."Oh?" sagot ko nang makitang si Jaime ang tumatawag."Anong oh? Alas dose na uy. Hindi ka pa ba bababa para kumain? Huwag mong ipunta sa trabaho ang lunch break mo," aniya sa kabilang linya.Tiningnan ko ang orasan sa ibabang bahagi ng computer. Alas dose na nga."Sorry. Hindi ko agad nakita ang oras," hingi ko ng tawad. Sa dami ng trabaho ko at sa sobrang focus ko ay hindi ko na namamalayan ang pagdaan ng oras."Okay lang. Kadarating lang naman namin ni Nicole dito sa ibaba. Hintayin ka na lang namin dito sa lobby," aniya."Sige," sagot ko at mabilis na tinapos ang huling pahina ng ginagawa ko. Naglagay ako ng powder sa mukha at inayos ng kaunti ang bahagyang nagulo kong buhok. Panghuli kong kinuha ay ang aking wallet.Bago ako umalis ay sinulyapan ko ang office ni Dark. Hindi ba iyon manananghalian? Hindi pa siya lumalabas sa kanyang opisi