Home / Werewolf / The Alpha's Chase / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of The Alpha's Chase: Chapter 41 - Chapter 50

98 Chapters

Kabanata XLI

Third Person POV Hindi sa manor ng mga Amoux dumiretso si Fenrill at habang nasa biyahe, tanging hikbi at pag iyak lang ang maririnig sa loob ng sasakyan na nanggagaling sa dalawang bata habang hawak ang malamig na kamay ni Lucas. Patuloy ang kanilang pagluha kahit na sa pagbaba nila ng sasakyan. Si Fenrill ang nagbuhat sa katawan ni Lucas papasok sa manor ng mga Adalwolf, inilapag niya ang katawan ni Lucas sa sarili niyang higaan, sa kwarto ni Fenrill. Doon niya pinagmasdan ang maputla nitong mukha ngunit may mapulang labi. Hinawakan ni Fenrill ang mukha ni Lucas at agad niyang naramdamdam ang kalamigan nito sa kaniyang palad. Sunod niyang hinawakan ang kamay nito na may parehong temperatura, walang pulso at payat. Mahigpit niya itong hinawakan at dinala sa kaniyang mukha bago halikan. Ang mga luha niya ay sunod sunod na pumatak sa kamay ng binata. "I meant it when I said I like you, Lucas." Madiin siyang pumikit at saka paulit ulit na hinalikan a
Read more

Kabanata XLII

Third Person POV Nang matapos ang libing ni Lucas ay walang nagtangkang gumalaw, walang kahit na anong senyales ng pagkilos mula sa apat na binatang nakatingin sa lapida ni Lucas. Tahimik lang na dumadaan ang malamig na hangin sa paligid nila habang sumasabay naman dito ang bawat hikbi para kay Lucas. "Master, kailangan na po nating bumalik." Ani ni Fergus habang naka yuko. Kahit na siya ay nalulungkot dahil sa nangyari kay Lucas. Naging malapit din siya kay Lucas kahit paano. "Master, delikado kung mananatili pa kayo rito sa labas. Siguradong nakarating na sa kanila ang nangyari kanina." Nagsimulang lumakad si Fenrill habang sa likod naman niya ay nakasunod si Lucio at Rell na patuloy pa rin sa paghikbi. Ngunit tunay ngang delikado ang gabi ngayon at sa mga susunod pang gabi. Walang nagawa ang apat kung di ang umuwi muna at magpahinga. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya siguradong hindi magiging madali para sa kanila ang sitwasyon. S
Read more

Kabanata XLIII

Third Person POV Magulo ang bahay, madumi at puno ng bakas ng dugo. Bukod sa tatlong dinakip ng mga trespassers ay naiwan sa manor ng mga Adalwolf ang walang malay na si Lisencio at sugatang si Fergus. Hindi naman malala ngunit sapat na para hindi pa ito makalaban sa kanila. At kung lalaban pa siya, alam niyang mamamatay lang siya. Malakas si Fergus ngunit imposibleng matalo niya ang ganoong karaming kalaban lalo na at may mga kasama pa silang bampira. Hindi nila inaasahan ang maduming paglalaro ng mga Ferus. Pinilit tumayo ni Fergus upang tawagin ang lahat ng ranggong nasa misyon. Ngunit bago iyon ay inayos niya na si Lisencio sa isang lugar. Hindi naman malala ang lagay ngunit mukhang malakas ang pagkakahampas sa kaniya sa pader kanina. Kahit naman sino ay mahihilo kung sampung beses kang hinampas sa pader, maswerte pa nga si Lisencio na buhay pa siya. Kung hindi ay hindi rin siya karapatdapat na bahagi ng ranggo ng mga Adalwolf. Dumirets
Read more

Kabanata XLIV

Third Person's POV Sa bahay ng mga Adalwolf kung saan ang lahat ay nagbalik sa dating ayos. Ang mga sirang kagamitan ay napalitan agad ng bago at nawala na rin ag mga mantsang nasa pader at sahig. Lahat ay nagbalik sa mga ginagawang paglilinis ng buong bahay habang si Fergus naman ay naka upo nang tahimik sa sala kasama si Lisencio, naghihintay sa pagdating ng mga ranggo. "Malapit na sila." Saad ni Lisencio na siya namang pag tayo ni Fergus mula sa pagkaka upo sa sofa. Lahat naman ng katulong ay luminya upang batiin ang pagdating ng mga rango. Hindi pa man lumilipad ang isang minuto ay bumukas ang pinto nang malakas at isang malakas na hampas ng hangin ang bumulaga sa kanila. Pumasok nang sunod-sunod ang mga ranggong may hindi kagandahang ekspresyon sa mukha. Kunot ang uno at umiigting ang mga panga, ang iba naman ay hindi maipinta ang mukha sa galit. Umalulong ang malakas na boses ni Norte sa loob ng bahay na siya namang nagpanginig sa mga katulong.
Read more

Kabanata XLV

Third Person POV Matapos ang kahihiyan kanina ay agad na pinabalik sa kanilang mga kwarto ang tatlo at ang mga Ferus naman na kasama ang mga miyembro ay kasalukuyang naghahanda para sa magaganap na pagdiriwang mamayang gabi. Ang mga katulong ay abala sa paglalagay ng mga mamahaling dekorasyong na siya namang nakakabulag sa kintab ng bawat gintong naka sabit sa mga pader. Mga babasaging baso at malalaking lamesa ay nakahanda na rin. Naglatag pa ng isang mahabang red carpet mula sa pinto hanggang sa dulo ng sala habang sa paligid namn nito ay ang mga lamesang may sapin na kulay puti at sa gilid ay mga linyang kulay ginto. Sa ikalawang palapag naman ay ang kwarto ng pinakamatandang Ferus, nagbibihis ng pinaka mahal na damit, sapatos at mga alahas na diyamante at ginto. Sa mukha naman nito ay ang hindi maburang ngiting parang sinadyang ipinta ng isang magaling na pintor. Samantala, sa manor ng mga Adalwolf makikita ang ilang tuwid na linya, sunod-sunod
Read more

Kabanata XLVI

Third Person POV "A pleasant evening to you ladies and gentlemen, tonight we are all gathered here to celebrate the master's birthday." Panimula ng isang miyembro. "Please welcome, master Pallo Ferus." Sabay sabay na nagbigay ng palakpak ang lahat ng bisita habang naglalakad naman papunta sa harap ng kaniyang mga bisita. Kinuha niya ang ang mikropono mula sa miyembro at tinapik ito bago magsalita. "I'm grateful and glad that you all are able to attend this old man's humble celebration." Ang mga salitang nanggagaling sa matanda ay wala naman talagang laman at alam iyon ng lahat. Kilala nila ang matanda kaya at hindi na rin ito bago sa kanila dahil kahit sila ay ginagawa ang bagay na ito. Walang puwang para kainisan ang matanda. Ang tanging kalituhan lang ay ang mga bampirang nagtatago sa gilid. "Later tonight, I shall present you all my good show. I'm sure thay you will all enjoy it but for now please, enjoy the party." Isang ngiting mapaglaro ang lumabas sa
Read more

Kabanata XLVII

Third Person POV Isang mahaba at puting buhok ang unang umagaw sa kanilang atensyon bago napunta sa magagaang yabag dahil siguro sa kapayatan ng binti. Maputlang mga paa ang unti unting pumasok sa loob ng bahay kung saan nagaganap ang isang pagdiriwang na tuluyan nang nasira. Suot naman ng bampirang pumasok ang isang maluwag na damit sa kaniya na napaka pamilyar kay Fenrill. Nanlalaki ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang bampirang nasa harapan sa 'di kalayuan. Hindi siya makapaniwala sa nakikita, ang mga pulang mata nito ay ibang iba sa mga nakasanayang itim lalo na ang mga buhok nitong hinangaan niya dahil sa ganda na kulay itim. Ang mga balat nitong malamig at maputlang sadya ngayon ay mas lalong maging maputla. Isang malakas na sampal naman ang narinig ng lahat at kitang kita nila kung paano nito itinaas ang kamay at sinampal nang malakas ang bampirang nakaluhod sa harapan. "Blood room." Malamig ngunit hindi malalim pero mabigat ang atmospera sa pal
Read more

Kabanata XLVIII

Lucas' POV Madilim at mainit ang paligid, napakasikip rin. Hindi ako nahihirapang huminga pero ayoko sa lugar na ito. Mukhang inilibing nila ako pagkatapos ko mamatay. "Blood bombs." Itinipat ko ang dulo ng daliri ko sa taas ng kabaong na ito. "Explode." Mahina kong saad at saKa yumanig ang kabuuang lupa sa aking paligid. Bago pa man ako malagyan ng lupa ay agad na akong bumangon sa aking kinahihigaan at inapak ang mga paa sa lupa, tumingin ako sa paligid. Nasa sementeryo nga ako. "But,.....looks like I made a mess." Nakangiti kong saad. Ang bawat puntod ay natabunan ng lupa habang ang mga uwak naman ay tinatakpan ang liwanag ng buwan. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsimulang maglakad. "Walang sumalubong sa akin, nakakalungkot." Ngunit mukhang abala sila para hindi mapansing ngayong gabi ang aking muling pagkabuhay. I wonder what they are all doing? Hmm, let's find out. Kailangan ko lang hanapin si Boral, madali lang naman a
Read more

Kabanata XLIX (Warning 18+)

Warning 18+ Lucas' POV Pagdating namin sa aking bahay ay agad binuksan ni Boral ang higanteng pinto at lumantad sa amin ag isang mahabang pulang carpet papunta sa aking upuan. Isang ngiti ang nabuo sa aking labi habang tinitignan ang aking upuan na kay tagal kong hindi nakita. Lumakad ako palapit doon kasabay nila Rell at Lucio sa aking tabi. Hinimas ko ito bago ako naupo. Pinagkrus ko ang aking mga binti habang nakatingin nang diretso kay Boral. "Get them here." Nakayuko siya at nakaluhod. "Yes, My Lord." Mabilis siyang nawala sa aking paningin at ako naman ay naghanda ng dalawang upuan para kina Rell at Lucio. Namiss ko ang amoy ng lugar na ito, ang tanawin sa malaking binatana sa aking gilid at ang amoy na nanggagaling sa aking hardin mula sa mga bulaklak na ako mismo ang nagtanim. "Lucas?" Tumingin ako kay Lucio, may pag aalala ang ekspresyon sa mukha. "Sasagutin ko lahat ng katanungan niyo pero hindi sa oras na ito. Mamaya pagkatapos
Read more

Kabanata L

Lucas' POV "Ah..... Ang sakit ng ulo ko." Hindi ako nakatulog buong gabi kahit na ang sabi ko ay pagod ako at gusto kong magpahinga. Mabigat ang katawan ko at ayaw kong bumangon ngunit...... kailangan kong pumunta sa lugar na iyon upang makuha sa taong 'yon ang napakaimportanteng bagay na iyon. "Lord, it is time for your bath." Akmang sisigaw ako nang maalala ko na ang lahat ng mga kailangang gawing paglilinis ng katawan kahit na ang pagbibihis ay trabaho nila. Nasanay ata ako masyado sa buhay na 'yon. "Lord?" Bumaling ako sa kaniya at tumango, sensyales na maaari na siyang lumapit sa akin. Inalalayan niya ako kahit na hindi naman talaga kailangan, siya rin ang naghubad ng aking damit at habang inilalagay ang mga maruruming-hindi naman talaga marumi ako naman ay umupo sa loob ng bathtub. Kung ako pa rin ang Lucas noon malamang ay ilang araw....buwan kong suot ang mga damit na 'yon. Butas butas man, gula-gulanit o amoy patay na daga ay wala akong pakialam b
Read more
PREV
1
...
34567
...
10
DMCA.com Protection Status