Home / Werewolf / The Alpha's Chase / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of The Alpha's Chase: Chapter 31 - Chapter 40

98 Chapters

Kabanata XXXI

Lucas' POV Napalunok ako dahil ang puso ko ay ayaw kumalma, napakabilis ng tibok at parang gustong kumawala sa dibdib ko. Ang kamay niya ay nakahawak pa rin sa braso ko at narito pa rin siya sa aking likuran. Anong gagawin ko? "I really missed you." Napapikit ako nang bigla niya akong yakapin. Ang kiliting matagal ko ring hindi naramdaman. Bumabalik sa akin ang lahat. Pero......hindi magawang maging masaya ng puso ko. Ayaw ko, ayaw kong magpadalang muli sa kaniya. Nangako akong hindi ko ibibigay sa kaniya ang puso ko. "Sino ka?" Alam kong nagulat siya pero mas nagulat ako nang sabihin ko iyon. Napapikit ako dahil sa kaba. Hindi ko sinasadyang sabihin ang mga salitang 'yon. Hindi ganitong simula ng usapan ang gusto kong mangyari! Lucas! Ano bang ginagawa mo? Alisin mo ang mga hindi naman importanteng pangyayari sa utak mo at umayos ka! " What do you mean?" Rinig ko ang pagkalito sa boses niya pero hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.
Read more

Kabanata XXXII

Lucas' POV Hindi ako nakatulog...hindi ako makatulog. Buong magdamag akong gising at mulat na mulat. Ayaw ng mata kong bumigay kahit na anong gawin ko. Nagbilang na ako ng tupa sa isip ko at umikot ikot sa kama para lang pagudin ang sarili pero wala pa ring epekto sa akin. Kasalanan ito ni Fenrill! Bakit pa kase siya pumunta dito? Nananahinik ako tapos biglang susulpot na parang kabute. May payakap yakap pa! Hindi ko tuloy maalis sa isip ko ang ginaw— ha! Walang nangyari kahapon! Umiling ako nang sunod-sunod at huminga nang malalim ng ilang beses. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Kailangan kong alisin sa sistema ko ang werewolf na iyon! Hindi siya maganda sa puso ko. Binuksan ko ang gripo at naghilamos ako tapos ay tumingin sa salamin. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakanganga. Bakit? Bakit ganiyan ang itsura ko?! Hindi naman mainit kaya bakit namumula ang mga pisngi ko? Pati ang tainga at leeg ko! Anong nangyayari?! Hindi, hindi ito pwede. Hin
Read more

Kabanata XXXIII

Lucas' POV Ilang galos na ang natamo ko mula kay Lucio at halos dalawang oras na kaming nagsasanay. Pero alam kong nag-iimprove ang lakas ko lalo na ang pisikal. Kung noon ay hindi ko magawang maitulak man lang o tumagal ng isang minuto habang pinipigilan ako ni Lucio sa pagtulak sa kaniya ngayon ay iba na. Nasasanay na ako sa lakas at bilis nila pero hindi ko itatangging hindi ako magiging sing bilis at lakas nila. Ngunit masaya ako dahil kahit papaano ay hindi na ako mahina. Hindi na nila ako maibababa sa ganoong senaryo ulit. "Let's take a rest, I'm tired." Umupo si Lucio sa tabi ni Rell habang ako na man ay umupo sa aking kinatatayuan. "Water?" Tumango ako at hinagis niya sa direksyon ko ang bote ng tubig. "Lucas." Tumingin ako kay Rell na ngayon ay nasa tabi ko na. "Hmm?" Nagpatuloy ako sa pag inom. Ngayon ko lang napansing tumangkad siya. "Pwede ba kitang dalawin araw-araw?" Natawa ko sa sinabi niya. "W-why are you laughing?"
Read more

Kabanata XXXIV

Lucas' POV Pagkatapos nang pag-uusap namin kahapon ay pinatulog nila ulit ako dahil mukha daw talaga akong puyat, totoo naman kaya hindi na ako pumalag. Napakasarap din ng tulog dahil napakahaba, tangahali an rin ako nagising at bumangon sa higaan. Ang naabutan ko na lang ay ang nananghaliang Rell at Lucio. Nang tinanong ko sila kung bakit hindi nila ako ginising ay dahil hindi daw ako magising. Tulog na tulog at parang ayaw gumising kaya pinabayaan na lang nila ako matulog. Sumabay din ako sa kanila sa panananghalian at sabay sabay din kaming natapos at pumunta sa lugar ng aming pagsasanayan para sa araw na ito. Nung una ay tumanggi pa si Rell at kita ko naman ang pag aalala sa mukha ni Lucio pero ayos naman na ang pakiramdam ko, pakiramdam ko nga ay kaya ko na ulit tumanggap ng sipa mula kay Rell. Napilit ko silang dalawa sa pamamagitan ng mga salitang 'Magsasanay ako kasama si Lisencio.' Kaya agad naman akong hinatak ni Rell at Lucio papunta sa aming
Read more

Kabanata XXXV (Warning 18+)

Warning 18+Lucas' POV Mainit pero hindi ako pinagpapawisan, malamig ang gabi at bukas pa ang aking bintana kaya malayang nakakapasok ang malamig na simoy ng hangin sa kwarto ko. Kakagising ko lang dahil sa isang amoy, pamilyar ngunit hindi ako sigurado kung kanino o kung totoo ba. Kakaiba rin ang bilis ng tibok ng puso ko, parang may hinahanap at gustong makita ngayong gabi. Ah, bumibigat na naman ang mga talukap ng mata ko. Inaantok na naman ako na para bang wala na naman akong tulog sa maghapon at magdamag kahit na kanina pa ako natutulog. Nagpapahinga ang katawan ko pero parang pagod ngunit may gustong gawin. Muling inagaw ng dilim ang kapaligiran ko kasabay ng patuloy na pag init ng katawan ko. Third Person POV Isang segundo ang lumipas at biglang nagbukas ang mga mata ni Lucas, walang kurap na tumayo at bumangon sa kama. Ni hindi nagtaka sa ikinikilos habang naglalakad patungo sa pinto sa gitna ng gabi pero ang nasa isip ay iisang bagay lamang, ang mak
Read more

Kabanata XXXVI

Lucas' POV Masarap at magaan na ang pakiramdam ko pero wala akong matandaan na may matigas akong unan sa kama ko. Kinapa ko ito nang maayos bago ko mapagtantong tao ang katabi ko at hindi unan. Agad akong mapamulat at napabangon dahil sa gulat pero bigla naman akong bumagsak, nanginginig ang mga binti. A-anong nangyayari? "Ah, you're finally awake?" Huh? Bakit siya nandito?.........Hindi, bakit ako nandito? Binuhat niya ba ako? Paano ako napunta dito? Sa pagkakatanda ko ay nasa kwarto ko ako at nagpapahinga dahil masama ang pakiramdam ko kaya anong ginagawa ko dito?! Tumingin ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin pero napansin ko ang mainit na sikat ng araw sa labas ng bintana....tangahali na. Malamang ay nag aalala na ang dalawa at hinahanap ako, nagtataka kung bakit wala ako sa sariling kwarto. Yung mga damit ko? Ipinalibot ko ang paningin ko upang hanapin ang mga ito na nagkalat sa sahig, sinubukan kong tumayo kaya lang ay hindi ko talaga mag
Read more

Kabanata XXXVII

Lucas' POV Kinagabihan ay lumabas din ako ng kwarto at iniwan si Fenrill doon mag isa. Bumalik ako sa sarili kong kwarto at doon nag patuloy sa pagtulog. Maaga din akong gigising dahil sa pagsasanay, hindi pwedeng lumiban na naman ako. Kailangan kong mag sanay muli para lumakas. Kaya lang ay pag gising ko, uupo pa lang ako sa upuan ko ay pinangunahan na agad ni Lucio na hindi na kami mag sasanay dahil baka raw hindi na kaya ng katawan ko ang sobra. Mas lalo lang daw lalala ang katawan ko kung itutuloy namin ang pagsasanay. Tumanggi ako nang sobra at naging makulit pero kahit na ang katawan ko ay hindi ko kakampi, bigla na lang nag dugo ang ilong ko habang nag uusap kami kanina kaya heto ako ngayon muling nakahiga sa kama ko. Sabi ko naman sa kanila na ayos lang ako at hindi naman ito malala, noon nga ay dinudugo din ang ilong ko sa sobrang lamig ng sahig, sanay naman ang katawan ko sa mga sakit. Kaya lang ay wala akong magawa sa mga tingin nila sa
Read more

Kabanata XXXVIII

Lucas' POV Nakailang buntong hininga na ba ako sa araw na ito? Pangatlong araw na ito ngayon pero hindi pa rin niya ako nilulubayan. Araw-araw ay nakabuntot siya sa akin na para bang isa siyang aso- never mind. Ang masama pa rito ay pati sina Rell at Lucio naka buntot rin sa akin. Para tuloy akong may alagang mga aso. Hindi naman ganoon kasama pero wala ba silang trabaho? Lalo na si Fenrill, akala ko ba ay may problema sa trabaho niya? Bakit siya narito ngayon at nag aaksaya ng oras imbes na magtrabaho? Tanggap ko nang hindi niya ako titigilan at seryoso siya sa panliligaw kuno niya pero sa banyo lang ako may kalayaan. Nagtitiis siyang matulog sa sofa sa kwarto ko kahit hindi naman siya kasya, ang laki-laki ng katawan niya kaya malamang ay hindi siya kakasya doon. Napaka tigas ng ulo, sinabi ko na sa kaniyang pwede naman siyang matulog sa kwarto niya rito sa manor ng mga Amoux at bumalik na lamang kinaumagahan pag gising niya. Magkikita rin naman
Read more

Kabanata XXXIX

Lucas' POV Nagmadali akong bumaba pagkatapos akong maayusan ni Nuri at sandali naming pag uusap. Nadatnan ko silang tatlo na nakabihis sa sala, magaganda ang damit at talagang sumisigaw na mayaman sila, makakapal ang bulsa at makapangyarihan. Sinong nilalang naman kaya ang hindi makakapansin sa kanila? Siguradong pag baba pa lang nila ng sasakyan nila ay pagtitinginan na agad sila habang ang mga mata naman nila ay hindi ako mapapansin pero parang imposible din ang bagay na 'yon dahil siguradong hindi naman nila ako ilalagay sa likod nila. Pwede ko bang sabihin sa kanila na magpalit sila? "Are you ready? Let's go." Inilahad ni Fenrill ang mga kamay sa akin na agad ko namang tinaggap. Ngayong gabi, ngayong gabi lang ako magpapakabait sa kaniya, bukas ay balik na sa normal. "Tara." Nakangiti kong saad. Lumakad kami palabas ng bahay at tumungo papunta sa sasakyan.......mahabang sasakyan. Mukhang hindi pa man sila bumababa ay agaw pansin na sila agad.
Read more

Kabanata XL

Third Person POV Buhat ng dalawang misteryosong lalaki ang walang malay na si Lucas sa balikat ng isa habang ang isa naman ay nasa unahan para tignan kung may paparating bang kasama ni Lucas. Tumigil saglit ang dalawa sa paglabas sa banyo dahil may dalawang bata sa labas ng pinto. Hindi man nakatingin sa kanila ay kailangan pa ring mag ingat. Ang nasa isip nila ay, natural na mabilis ang mga bampira kaya naman hindi sila nag atubiling tumakbo sa pinakamabilis nilang kilos subalit pagka apak pa lang nila sa labasang gate ay naroon na si Fenrill at may galit na tingin sa mga mata. Sa likod naman ng dalawang bampira ay ang dalawang bata pero mukhang handa rin ang bampira dahil may sumulpot pang tatlo. Ang isa ay ang pinsan ni Daciana, malapit sa babae at halos kapatid ang turing. Walang sabing umatake ang tatlo sa mga werewolf, may ngiting mapaglaro nang makita ang dalawang bata. "I can take them down by myself." Mayabang na saad ni Theo and pinsan ni
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status