Home / Romance / His Bandit Heart / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of His Bandit Heart : Chapter 11 - Chapter 20

35 Chapters

Kabanata 10

NAKALIPAS ang isang linggong hindi ko kailanman pinansin si Rios. Kahit na ilang beses niya akong kulitin ay hindi pa rin ako natitinag. Pinipilit kong huwag siyang pagtuunan ng pansin dahil alam kong pagmumulan na naman iyon ng pagbabangayan naming dalawa. May pagkakataong si Rios ang naghahatid sa akin sa shop, dahil wala pa rin si kuya Lito at lola Clara. Nagbago kasi ang isip ng matanda at pinilit na isama si kuya Lito. Na sa tingin ko nama'y sinadya niya. Sinadya niyang iwan kami rito ni Rios para kahit papaano'y mapagsolo kaming dalawa. Ang sana nga'y dalawang araw na pagbisita ni lola Clara sa pinsan nitong nasa Mindoro ay inabot ng isang linggo, at nahimigan ko pa nga sa telepono na mag-e-extend pa raw ito dahil napakaganda raw sa Little Tanawan. Halos napapaligiran raw sila ng samu't-saring punong-kahoy, halaman at malawak raw ang kalupaang sakop ng pinsan nito. Kaya kahit papaano'y nabawasan raw ang pagkasuyang nadarama noong nakikita pa raw nito ang malawak na dagat sa Ro
last updateLast Updated : 2022-08-03
Read more

Kabanata 11

"ANONG sabi mo?" salubong ang kilay na tanong ko kay Rios. Kung isa na naman ito sa mga pakulo niya, baka masapak ko siya nang wala sa oras."I don't want to repeat myself.""Okay." maiksi kong sagot bago muling nagsimula sa paglalakad. Kung ayaw niyang ulitin eh di wag. Madali naman akong kausap. Isa pa'y hindi naman ako katulad ng ibang babae na halos maihi na sa kilig kapag sinabihan ng ganoon. Hindi ba nila alam na may dalawang ibig sabihin ang binitiwang salita ni Rios. At sa parte ko'y hindi ko alam kung maganda ba o hindi ang kahulugan.Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay ilang beses kong narinig ang pagmumura ni Rios. Hindi ko na lamang iyon binigyang pansin. Nagpatuloy na lamang ako sa pagpasok sa kuwarto pagkatapos ay nagpahinga.Ilang minuto akong nakahiga sa kama nang magpasiya akong bumangon at muling lumabas ng kuwarto. Kailangan ko pa palang magluto dahil hindi pa kami nakakapaghapunan.Wala pa man ako sa kusina ay naamoy ko na kaagad ang adobong niluluto ng kung si
last updateLast Updated : 2022-08-04
Read more

Kabanata 12

"YOU know him?" salubong ang kilay na tanong ko. Nakita ko ang pagkalito sa mga mata ni Willa. "Huh? Ahmm, oo nga pala, hindi mo nga pala maalala." mahina niyang sabi na nakaabot pa rin sa pandinig ko. That's it. Rios was part of my past. Siguro'y kasama siya sa mga alaalang nawala sa akin nang maaksidente ako."Who are you?" maliit ang boses na tanong ni Renzo bago nagpakarga sa akin. "She's my sister, sweetie, she's Tita Willa-ugh you're so heavy." sabi ko bago inayos ang pagkakabuhat kay Renzo."Ohh, I have an auntie?! Yey!"Isang malaking ngiti ang pumunit sa mga labi ni Willa. "Yes, big boy, I am your auntie Willa."Mabilis kong iniwas ang aking nga mata. Pero mali pala ang ginawa kong iyon dahip kay Rios lang tumuon ang tingin ko. Vernon Rios Ledesma, marami kang dapat ipaliwanag sa akin. Kabilang na ang mga tinging ipinupukol mo sa akin ngayon.Isang tikhim ang ginawa ni Rios bago tumingin kay Renzo. "Let's eat." malamig niyang sabi bago walang lingon na bumalik sa kusina.
last updateLast Updated : 2022-08-05
Read more

Kabanata 13

Sinag ng araw na tumatama sa mukha ko ang nagpagising sa akin. Marahan kong inilibot ang tingin sa kuwartong kinaroroonan ko. Noong una'y bahagya pa akong nagtaka sa pagbabago ng aking kuwarto. Pero nang maalalang sa kuwarto pala kami ni Rios natulog ay nawala ang kaba at pagtataka ko.Ibinaling ko ang katawan patagilid, pero nanlalaki ang matang natigilan ako. "What...." hindi ko naituloy ang pagsasalita nang biglang may lumundag sa aking likuran."Good morning Mommy! Good morning Daddy!" malakas na sabi ni Renzo habang tumatalon sa kama.Marahang inilayo ko ang katawan kay Rios na hanggang ngayon ay nakapikit pa rin. "Beast." mahina kong sabi na nagpaangat ng kaniyang labi."That's how you greet your husband in the morning?" kunot ang noong tanong sa akin ni Rios. Nakakulong pa rin ako sa kaniyang mga bisig, at parang sinadyang higpitan ang pagkakayakap sa akin para hindi ako tuluyang makalayo."Husband your face." masungit kong sabi. But damn! Sa kaloob-looban ko'y nanghihina na a
last updateLast Updated : 2022-08-06
Read more

Kabanata 14

"'Nay!" malakas kong sigaw nang magising akong tanging puting kisame ang nasa harapan. "'Nay! Tatay!" umiiyak kong sigaw.Bigla ang pagbukas ng pinto, mula roon ay nakita ko ang pagpasok ng isang babaeng nakaputi. Kasunod nito ang lalaking may suot na salamin; nakasabit ang stethoscope sa leeg."Nasaan ang nanay ko? Si Tatay? Sino kayo?!" humahagulgol kong tanong. Inilibot ko ang tingin pero liban sa aming tatlo'y isang batang babae lamang ang nasa silid. "W-Willa, nasaan si nanay?""Ate..." umiiyak nitong tawag sa akin habang yakap ang maliit na teddy bear. "...'wag mo rin akong iiwan ah, gagaling ka di ba?" sabi pa nito habang umiiyak na lumapit sa akin."Nacheck ko na kanina ang lagay niya, Doc. So far, wala namang indikasyon na nasa peligro pa ang buhay niya. She's—.""Nasaan sila nanay?" mariin kong tanong sa nurse at doctor na tumitingin sa akin. Pero hindi nila ako pinapansin. Para ngang sinasadya nilang huwag akong pansinin. "I said, where are my parents?!" malakas kong sigaw
last updateLast Updated : 2022-08-07
Read more

Kabanata 15

"Mommy, hindi ba talaga kami pwedeng sumama?" Tanong sa akin ni Renzo habang nag-aagahan kami.Pinilit kong ngumiti bago ginulo ang kaniyang buhok. "Sandali lang naman ako, bibisitahin ko lang ang Daddy.""Renzo, we can play outside if you want. Para hindi ka mabagot habang wala si Mommy Rhyna."Bigla ang ginawa kong paglunok nang magtama ang mga mata namin ni Rios. Alanganing iniwas ko ang tingin. Pinilit ko na lang na ibaling ang pansin sa pagkaing nasa harapan."Ayos ka lang ba?" pagbulong sa akin ni Rios. Inisang lagok ko ang isang basong tubig na nasa aking harapan. Pagkatapos niyo'y simple akong ngumiti kay Rios. "Ayos lang ako.""Namumula ka kasi, baka nilalagnat ka na riyan nang hindi ko nalalaman." Pansin ko ang pag-aalala sa boses ni Rios. Ganoon pa man, pinili kong iiwas na lamang ang usapan. Baka kasi kung ano pang kaabnormalan ang maramdaman at masabi ko."Sa susunod isasama na kita para naman makilala mo ang Daddy ko, Renzo."Isang malutong na palakpak ang isinagot sa a
last updateLast Updated : 2022-08-08
Read more

Kabanata 16

Marahan kong ipininid ang pinto ng dati kong kuwarto. Mariin akong napapikit bago huminga ng malalim. Nang bumukas ang aking mga mata'y tumambad sa akin ang hindi pamilyar na kuwarto. Ang dating kulay puting pintura'y naging kulay abo. Halos lahat rin ng kagamitan ay bago na rin. Lahat ay pawang panlalaki. Ang kama kong malaki ay napalitan ng mas malaki. Kulay abo ang mga kumot at punda ng unan, pati na rin ang bedsheet. "What on earth..." Hindi ko na naisatinig ang anumang gustong sabihin nang bumukas ang pinto sa kaliwa. Lumabas roon ang isang lalaking nakatapis lamang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan. Matalim ko siyang tinitigan. "Yohan..." mariin kong banggit sa pangalan ng anak ni Lucinda. Mas matanda ito kumpara sa akin pero ni minsan ay hindi ko ito tinawag na kuya. "Woah! Who are—fuck! Rhyna?""What are you doing in my room?" Mariing tanong ko sa kaniya. "Can you wait for a second? Magbibihis lang ako." malumanay ang boses na sabi niya sa akin. Napapairap na lum
last updateLast Updated : 2022-08-09
Read more

Kabanata 17

"Hija...." Hindi makapaniwalang sabi ni Tita Myrna nang marinig ang sinabi ko. I know she still care about my Dad. She never hated him kahit na mas pinili ni Tatay si Nanay. "I know you still love my Tatay. Kaya ayos lang sa akin kung kayo ang magpapakasal. At least I know na hindi mo siya ipapahamak. Unlike that witch who were just after my dad's wealth."Isang matamis na ngiti ang pumunit sa mga labi ni Tita Myrna. Pagkatapos ay muli niya akong niyakap nang mahigpit. "Oh my gosh, I never knew you were this kind of a person. I thought you ha—.""Matagal nang nangyari ang mga iyon Tita. You were right, may kasalanan rin ako sa nangyari kay Nanay. But..." saglit akong tumigil. "...aren't we missing something here?""What is it, honey?" nagtatakang tanong sa akin ni Tita Myrna habang naglalakad siya palapit sa sofa habang ako'y palapit naman kay Tatay. "Si Nanay, she didn't died beacause of the accident. I mean, oo nadisgrasya kami, at nadala sa hospital. Pero bakit si Nanay lang ang
last updateLast Updated : 2022-08-10
Read more

Kabanata 18

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. Kulang na lang ay baklasin ko iyon at ipaghahampas sa mukha ni Lucinda. Punong-puno ng galit ang puso ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Tatay. Diyata't napakabuting tao ni Lucinda para rito. Bakit hindi niya na lang sabihin sa akin na baliw na siya sa babaeng iyon. Right! Marahil ay epekto ng kung anong ipinapainom ng babaeng iyon kay tatay kaya ganoon na lang ang lumalabas sa bibig nito. She makes sure na mababaliw ang tatay ko sa kaniya para kahit anong sabihin ng ibang tao'y siya pa rin ang papanigan nito. "Damn you Lucinda!" Mariin kong sabi. Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay ni Rios. Dang! Wala ako sa sarili ko buong biyahe? Nang makapagpark ay isang hingang malalim ang ginawa ko bago lumabas ng kotse. Bagsak ang balikat na naglakad ako palapit sa pinto. Pakiramdam ko'y hinang-hina ako. Parang pagod na pagod ang katawan ko. Dala siguro ng stress dahil sa mga narinig ko kay tatay. Pagbukas ko ng pinto'y tumam
last updateLast Updated : 2022-08-11
Read more

Kabanata 19

"You look like you're about to explode." Salubong na sabi sa akin ni Rios pagkauwi ko sa bahay. Napansin niya yata ang hindi maipinta kong mukha. Sino nga ba namang matutuwa kung makakaharap mo ang taong siyang dahilan kung bakit nasa hospital si Tatay. "Mommy, you're here!" Malakas na tawag mula sa bungad ng kusina ang nagpangiti sa akin. Patakbong lumapit sa akin si Renzo. Nang makalapit ay kaagad akong pinaliguan ng halik sa mukha at pagkatapos ay niyakap nang mahigpit. Wala na akong nagawa kundi ang buhatin siya papunta sa sofa. "We'll talk later..." bulong sa akin ni Rios bago naupo sa tabi ko. Pareho kaming nakatingin kay Renzo na abala sa pagkukuwento ng mga bagay na nangyari sa kaniya sa buong maghapon. "...and then, daddy bought me a huge toy car. It was driving automatically. I can drive on my own now, mommy." malaki ang ngiting kwento ni Renzo bago hinawakan ang buhok ko. Napapakunot ang noong lumingon ako kay Rios. Tinaasan lamang niya ako ng kilay bago ako inakbaya
last updateLast Updated : 2022-08-12
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status