"You look like you're about to explode." Salubong na sabi sa akin ni Rios pagkauwi ko sa bahay. Napansin niya yata ang hindi maipinta kong mukha. Sino nga ba namang matutuwa kung makakaharap mo ang taong siyang dahilan kung bakit nasa hospital si Tatay. "Mommy, you're here!" Malakas na tawag mula sa bungad ng kusina ang nagpangiti sa akin. Patakbong lumapit sa akin si Renzo. Nang makalapit ay kaagad akong pinaliguan ng halik sa mukha at pagkatapos ay niyakap nang mahigpit. Wala na akong nagawa kundi ang buhatin siya papunta sa sofa. "We'll talk later..." bulong sa akin ni Rios bago naupo sa tabi ko. Pareho kaming nakatingin kay Renzo na abala sa pagkukuwento ng mga bagay na nangyari sa kaniya sa buong maghapon. "...and then, daddy bought me a huge toy car. It was driving automatically. I can drive on my own now, mommy." malaki ang ngiting kwento ni Renzo bago hinawakan ang buhok ko. Napapakunot ang noong lumingon ako kay Rios. Tinaasan lamang niya ako ng kilay bago ako inakbaya
Natigil ako sa akmang paglalagay ng tubig sa baso nang maramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso sa aking bewang. Kahit hindi ko tingnan ay alam ko na kaagad kung sino ang may gawa niyon. Simula nang tanggapin ko ang alok niya'y palagi na siyang ganiyan. Hindi ko tuloy matapos-tapos ang mga dapat kong gawin. "Rios..." pasita kong sabi ni ikinangiti niya lang. "Hindi ko mapigilan.""Oh c'mon, maghapon na tayong magkasama. Hindi ka ba nagsasawa?" kunot ang noong sabi ko bago ipinagpatuloy ang paglagay ng tubig sa baso. Kaagad siyang umiling at muli akong niyakap mula sa likod. "Hinding-hindi ako magsasawang yakapin ka." Mahina niyang sabi bago idinampi ang mga labi sa aking leeg. "Mom, Dad, what are you doing?" Bigla ang panlalaki ng mga mata ko nang marinig ang inosenteng tanong ni Renzo. Mahina kong siniko si Rios bago lumapit kay Renzo. "Do you want to go with me? Pupunta si Mommy sa Lolo mo." Nakangiti kong sabi na ikinangiti rin ni Renzo. "Really Mom?" tanong ni Renzo bago p
"Renzo, anak..." pagtawag ko kay Renzo nang makapasok kami sa loob ng bahay. Naiwan sa labas si Rios na inaayos ang pagkakapark ng sasakyan. "Yes mommy?"Marahan akong napabuntong-hininga bago ko siya inakay sa kusina. "Yung nangyari kanina..." panimula ko habang sinasalinan ng gatas ang isang baso. "...ayaw kong gawin mo ulit iyon.""But mommy, she bullied you." Nakasimangot na sagot sa akin ni Renzo. Iniabot ko muna ang gatas sa kaniya bago ko siya niyakap. "Pero hindi maganda ang ginawa mo. Kaya sa susunod, huwag mo na ulit iyon gawin. Si mommy na ang bahala sa mga ganoong bagay, maliwanag ba?"Napapatangong nakatitig sa akin Renzo. "I will, mom." Matamis akong ngumiti bago naghanda ng snacks para kay Renzo. Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng apple pie sa oven nang pumasok sa kusina si Rios. Mabilis niyang hinalikan sa noo si Renzo bago lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo?""Snacks ni Renz..." kaswal kong sagot. Kaagad kong nilinis ang mga kalat ko. Pagkatapos ay tahimik na
"Rhyna..." Pagsambit ni nanay Beth sa pangalan ko nang makita niya akong pumasok sa bahay.Bahagya lang akong tumango bago ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa kuwarto ni Willa. Ngayon ang araw na lalabas si Tatay sa hospital. Gusto kong maayos ang lahat ng bagay sa bahay para maging maayos ang pagpapahinga niya. "Ano ba naman Willa?! Simpleng paghuhugas ng plato di mo magawa nang maayos?!" Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses na iyon. Salubong ang kilay na naglakad ako papunta sa direksiyon ng kusina. Hindi pa man ako nakakalapit ay narinig ko ang pagkabasag ng kung ano. "Ano ba yan?! Tatanga-tanga ka na naman! Hindi porke't may relasyon kayo ni Sir Yohan ay magbubuhay prinsesa ka na! Tandaan mo, mas—.""Didn't I already fired you? What the hell are you still doing here?!" Malamig kong sabi habang matalim na nakatitig sa pagkakasabunot niya kay Willa. Hindi ko inaasahang makikita sa ganoong akto ang matabang katulong na iyon. She dared to hurt my sister? "Sa ting
"Good morning Mr. Ledesma. Welcome back." malaki ang ngiting pagbati sa akin ng ilang empleyadong nadatnan ko sa lobby. Tipid akong ngumiti bago tuluyang tinungo ang elevator. "Good morning Sir! Welcome back." malakas na bati sa akin ni Celine nang maabutan niya ako. Nagmamadaling inayos niya ang sarili na siyang naging dahilan nang pagkalaglag ng mga folders na dala niya. Napapabuntong-hiningang umupo ako saka ko siya tinulungan sa pagdampot sa mga dala niyang nahulog. "Sir Vernon naman, ako nang bahala dito. Nakakahiya, kadarating mo pa lang eh." kunot ang noong sabi sa akin ni Celine. "Wow ah, parang hindi ito palaging nangyayari. You're always clumsy, kahit na noong una kang magtrabaho sa akin." Sabi kong ikinangiwi na lang niya. "What is this, Celine?" Tanong ko bago pinulot ang isang gold envelope. "Uh, invitation po." sagot naman niya bago tumayo. "Para po iyan sa inyo, ipinabibigay po ni Mr. Guerrero.""Guerrero? Rhyna's father?" tanong kong ikinatango ni Celine. "Okay,
Hindi ko alam kung anong mararamdaman nang makita ko si Kuya Cesar. Sa tagal ng panahong hindi ko ito nakita tila naging ibang tao ito sa paningin ko. Humumpak ang dating matikas na katawan. Lubog ang mga mata na parang hindi nakakatulog sa gabi. "Lucinda!" malakas na sabi nito habang nakatingin nang masama kay Lucinda na naglalakad palapit rito. "Madam, pasensiya na po, kanina ko pa po siya pinipigilan pero ayaw niya po talagang paawat na pumasok." naiiyak na sabi ng isang batang katulong. Kaagad na tumaas ang kilay ko nang makita ang matalim na tingin ni Lucinda sa katulong. Akmang lalapit ako pero mabilis akong pinigilan ni Rios. "You'll missed the show kung eeksena ka kaagad. Maybe we can watch for a little more." nakangising sabi ni Rios bago pasimpleng sumenyas sa hangin. Kunot ang noong pinagmasdan ko lang ang ginawa niya. Kahit nagtataka ay nanatili kaming malayo sa puwesto ni Lucinda at ni Kuya Cesar. Maya-maya lang ay may kung anong inabot sa akin si Rios. It was an ea
Yakap pa rin ako ni Rios nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Pumasok si Lucinda na may seryosong ekspresiyon sa mukha. "Rios, pwede bang iwan mo muna kami ni Rhyna?" pakiusap ni Lucinda. Saglit akong tinitigan ni Rios bago hinalikan sa pisngi. "Hihintayin kita sa labas." nakangiti niyang bulong.Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago matamang tiningnan si Lucinda. Tahimik siyang umupo sa upuang iniwan ni Rios. "Rhyna hija..." marahan niyang sabi bago hinawakan ang aking kamay.Kaagad kong iniwas ang aking tingin. "I-I'm sorry..." halos walang boses kong sabi. Nahihiya kasi ako kay Lucinda. I was the one who insulted her. Napakalaki kong tanga para isiping siya ang dahilan kung bakit namatay si Nanay. Hindi ako nag-imbestiga. Hindi ko inalam ang totoong pangyayari. Nagpakain ako sa galit ko. Nabulag ako ng pag-aalala kay Tatay. Isang mahinang pagtawa ang ginawa ni Lucinda bago ako niyakap nang mahigpit. "I've been wanting to hug you, anak. Pero hindi ko inaasahang gal
Habang nasa sasakyan ay tiningnan kong maigi si Rios. Huminga ako nang malalim bago inilipat ang tingin sa unahan ng kotse.Katatapos lang naming kumain sa isang restaurant. Ngayon ay pauwi na kami ni Rios. "So..." pagbasag ko sa katahimikan. "...ayos ba ang acting ko kanina?" Napapataas ang kilay na sabi ko kay Rios. Isang pilyong ngiti ang pinakawalan ni Rios saka kinuha ang kamay ko. Mahigpit niya iyong hinawakan bago dinala sa mga labi. "Sobra, kung wala akong alam sa nangyayari baka pati ako mahulog sa pag-arte mo.""Well, thanks to you. Kung hindi dahil sa sinabi mo, hindi ko magagawa iyon." seryoso kong sabi bago ngumiti. "Mali ng kinakalaban si Lucinda.""Right..."Muli akong napangiti bago inalala ang pangyayari bago kami dumating sa party. —"Darating si Cesar sa party mamaya." Pagbasag ni Rios sa katahimikang bumabalot sa amin. Inabot na kami ng isang oras sa daan. Dapat ilang minuto lang ay naroon na kami sa party. Pero may importante pa raw sasabihin si Rios na mas mab
Malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago taas ang noong tumungo sa malawak na garden ng mental hospital. Noong una'y hindi ako makapaniwalang dito dinala si Lucinda. Ang pagkakaalam ko'y sa kulungan. Ang sabi sa akin ni Rios ay nag-iba raw ang ugali ni Lucinda nang maikulong ito ng isang buwan. Kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang ilipat sa mental hospital si Lucinda. Kinasusuklaman ko siya sa mga ginawa niya sa pamilya ko. Pero tao pa rin ako't nakakaramdam ng awa. Lalo na ngayong pinagmamasdan ko si Lucinda habang nakaupo ito sa silyang may gulong. She was staring on an imaginary wall. Malayo ang takbo ng isip.Marahan akong napatikhim saka nilingon ang nurse na siyang kasama ko para ihatid ako kay Lucinda. "Pwede kitang samahan dito..." mahina nitong sabi. "Ayos lang ako, hindi na rin naman ako masasaktan ni Lucinda." Tipid ang ngiting sabi ko.Ilang sandali lamang ay nagpaalam na ang nurse. Kaya marahan akong naglakad palapit kay Lucinda. Kumunot ang aking noo nan
Isang marahas na paghinga ang aking pinakawalan habang nasa loob kami ng kotse ni Rios. I am very nervous. Hindi ko alam kung bakit? Pero parang hinahalukay ang aking tiyan. "Hey, don't be nervous. Si Renzo lang ang pupuntahan natin." May matamis na ngiti sa mga labing sabi sa akin ni Rios. "I can't help it. Pakiramdam ko ang laki ng nagawa kong kasalanan dahil wala ako sa tabi niya. Wala ako noong kailangan niya ng ina sa US." Naiiyak kong sabi. Napapasinghot na napangiti na lang ako kay Rios nang hawakan niya ang aking kamay. Marahan niya iyong pinisil para ipabatid na nariyan lang siya para sa akin. Mahigit isang oras ang ibiniyahe namin ni Rios. Sa loob ng mahabang oras na iyo'y hindi naalis ang kaba sa aking dibdib. Nasasabik ako kay Renzo. Gustong-gusto ko na siyang mayakap. Muli akong napabuga ng hangin para kalmahin ang aking sarili. Nasa tapat na kami ng malaking gate ng bahay ni Lola Clara. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuga ng hangin. Parang kakawala n
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak sa harap ni Rios. Pakiramdam ko napakasama kong tao. Wala akong kwenta. Hindi ko naprotektahan si Renzo tapos ang lakas pa ng loob kong akusahan si Rios. "Where is he?" Umiiyak kong tanong kay Rios. Malalim lang siyang napabuntong-hininga bago ako nilapitan. Marahan niya akong itinayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Umiiyak na tinitigan ko ang mukha ni Rios. "Please tell me, where's Renzo?" Tanong kong pilit na hinahawakan ang mukha ni Rios. "He's fine..." Marahang sagot ni Rios bago ako tinitigan sa mga mata. Maya-maya lang ay naupo siya sa kama. Hinila niya ako't inupo sa kaniyang kandungan. Titig na titig sa mga mata ko si Rios. Pagkatapos niyo'y pinunasan niya ang mga luha ko. "...please babe, don't cry."Sa sinabing iyon ni Rios mas lalo akong naiyak. Walang pasabing niyakap ko siya nang mahigpit. "Dalhin mo ako sa kaniya, please. Gustong-gusto ko nang makita si Renzo." "I will babe, pagkatapos mong kumalma. I don't want to
"Akio, send me the details. Pagdating namin sa isla pwede mo nang umpisahan ang plano." Seryosong sabi ko kay Akio na nasa kabilang linya. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga nakalap nilang ebidensiya ni Jayson, laban kay Lucinda. Pagkatapos naming umalis ay magsisimula na ang plano. Kung maaari'y ako na lang ang magsasampa ng kaso. Ayaw kong madamay pa ulit si Rhyna. Napapabuntong-hiningang napapikit ako ng mariin. God, hindi ko kayang makita ulit ang takot sa mga mata ni Rhyna. Hindi ko alam ang gagawin, noon ko lang siya nakitang natakot ng sobra para kay Renzo. To think na hindi naman talaga ito galing sa kaniya. May nagawa ba akong mabuti kaya pinagkaloob sa akin ng Dios si Rhyna? "Sure, I'll send it right away." Narinig kong sabi ni Akio. Napapangiting bumaba ako ng sasakyan. Hindi ko na ipinasok sa loob ang kotse, may nakaharang kasing itim na sasakyan sa gate. "Thank—." natigil ko sa pagsasalita nang makarinig ng putok. "Putok ba yun ng baril?" Gulat na tanong ni Ak
"Happy new year!" Masayang bati ni Willa sa akin nang kumalat ang fireworks sa malawak na langit. "Happy new year Rhyna! Happy new year babe!" Malaki ang ngiting sabi ni Yohan bago hinalikan sa pisngi si Willa. Tipid akong ngumiti bago tiningnan ang langit. Renzo loves fireworks. Kung nandito lang sana siya sabay sana naming tinatanaw ang iba't ibang kulay sa langit. "Ano ba yan, kakasapit lang ng bagong taon may nakasimangot na kaagad!" Bigla akong natawa sa sinabi ni Willa. "Sira, may naalala lang ako.""Naku..." "Maiwan ko nga muna kayo, nagmumukha akong chaperone ninyong dalawa." Pang-aasar ko kay Willa. Saglit kong kinindatan ang kapatid ko bago pumasok sa loob. Sa kusina ako tumuloy para saglit na kumain. Kaunti lang ang inihanda ko dahil iilan lang naman kami. "Ay Ma'am Rhy, tikman mo itong cake na ginawa ko. Masarap iyan, baka pwede na akong magtrabaho sa kusina. Nakakasawa na kasing puro barya at papel ang hinahawakan ko." Sabi ni Apple na siyang kahera ko sa shop. N
Tunog ng makina at sinag mula sa malaking bintana ang nagpagising sa akin. Marahas akong napahigit ng paghinga bago nagmulat. Purong puti ang nasa paligid ko. Hospital o langit? Marahang bumukas ang pinto. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Pakiramdam ko'y napakabigat niyon. Hindi ko tuloy malingon ang kung sinong pumasok. "Ate..." halos walang boses na sabi ni Willa bago lumapit. Hilam sa luha ang kaniyang mga mata. Nakasuot rin siya ng kulay itim na bestida. "W-Willa...""Oh my god, tatawag lang ako ng doctor." Nanlalaki ang mga matang sabi ni Willa bago tumakbo paalis. Napansin kong wala na siyang pasa. Pero may sugat pa rin sa gilid ng labi niya. Renzo! Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Pinilit kong bumangon. Kailangan kong makita si Renzo. Kailangan kong makita ang anak ko! "Ms. Guerrero, hindi ka pa pwedeng bumangon. Mahina pa ang katawan mo." Maagap akong hinawakan ng doctor para maibalik sa pagkakahiga. "No...I want to see my son." mahina kong sabi. Kahit nanghihina
"Is everything okay?" Taas ang kilay na tanong sa akin ni Rios. Katatapos ko lang mag-impake ng damit ni Rios. Nakapagdesisyon na kaming bukas nang umaga umalis. He already talked to Rafael. Pumayag naman ang kuya niyang sa private island nito kami tumuloy pansamantala. Mabuti nga raw na kinausap namin siya. Makakapagprovide pa raw siya ng mga magbabantay. "Yes, babe." Nakangiti kong sabi bago inilagay ang huling damit ni Renzo sa maleta. "Where's Willa?"Nakausap ko na rin si Willa. Pumayag naman siya dahil nag-aalala rin daw siya para kay Renzo. Ngayon ay si tatay naman ang kakausapin ko. Pipilitin ko siyang sumama sa amin. Wala na akong pakialam kung magpakasasa pa si Lucinda sa perang maiiwan ni tatay. Basta ligtas ang pamilya ko, ayos na sa akin iyon. "May bibilhin raw sandali sa mall." Maiksing sagot ni Rios bago ako niyakap mula sa likod. "Sinama niya si Renzo."Bigla akong natigilan. "What? Pumayag ka?""Hey, it's fine, may bantay sila. Nagpumilit si Renzo. Pumayag na lang
"That's it?!" Salubong ang kilay na tanong sa akin ni Rios nang matapos kong ikuwento sa kaniya ang bumalik kong mga alaala. Mukhang may iba pang inaasahang marinig si Rios. Marahan akong tumawa bago umayos nang pagkakaupo sa sofa. Hindi ko nga pala ikinuwento sa kaniya ang tungkol doon sa swimming pool. Kung saan nagtapat siya sa akin at nangakong pakakasalan ako. Eh bakit ba? Gusto ko muna siyang pagtripan. Nakakatuwa kasing asarin si Rios. Alam mo yun, madaling mapikon. "Tell me everything or I'll punish you." Matalim ang tinging sabi niya sa akin. Mabilis akong tumayo para umalis. Anong akala niya sa akin uto-uto? Tapos anong punishment? He'll kiss me? Nah, lumang style. "Rhynarie!"Humahalakhak na iniwan ko si Rios sa sala. Kaagad kong tinungo ang garden kung saan naroon si Renzo at Willa. Naglalaro sila nang maabutan ko. "Mommy!" Nakangiting tawag sa akin ni Renzo bago patakbong lumapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap bago pinupog ng halik sa mukha. "Mom I love you."
Habang nasa sasakyan ay tiningnan kong maigi si Rios. Huminga ako nang malalim bago inilipat ang tingin sa unahan ng kotse.Katatapos lang naming kumain sa isang restaurant. Ngayon ay pauwi na kami ni Rios. "So..." pagbasag ko sa katahimikan. "...ayos ba ang acting ko kanina?" Napapataas ang kilay na sabi ko kay Rios. Isang pilyong ngiti ang pinakawalan ni Rios saka kinuha ang kamay ko. Mahigpit niya iyong hinawakan bago dinala sa mga labi. "Sobra, kung wala akong alam sa nangyayari baka pati ako mahulog sa pag-arte mo.""Well, thanks to you. Kung hindi dahil sa sinabi mo, hindi ko magagawa iyon." seryoso kong sabi bago ngumiti. "Mali ng kinakalaban si Lucinda.""Right..."Muli akong napangiti bago inalala ang pangyayari bago kami dumating sa party. —"Darating si Cesar sa party mamaya." Pagbasag ni Rios sa katahimikang bumabalot sa amin. Inabot na kami ng isang oras sa daan. Dapat ilang minuto lang ay naroon na kami sa party. Pero may importante pa raw sasabihin si Rios na mas mab