Home / Romance / The Billionaire's Baby Maker / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng The Billionaire's Baby Maker: Kabanata 21 - Kabanata 30

60 Kabanata

Chapter Twenty One

“’Nak, bakit ka naman kasi pumayag na magpagupit kay Ma’am Chantal? Tingnan mo tuloy ang nangyari riyan sa buhok mo, oh.” Malakas akong bumuntong hininga at napasimangot habang inaayos ang hindi pantay-pantay at magulong buhok ni Jarvis. “Nasira tuloy ‘yang buhok mo.” Gusto ko mang magalit kay Ma’am Chantal dahil pinakialaman niya ang buhok ni Jarvis, hindi ko naman magawa dahil kitang-kita sa kaniyang repleksyon sa salamin malapad niyang ngiti na animo’y nagustuhan pa ang ginawa sa kaniya ng kalaro. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago siya iniharap sa akin. “’Nak, ‘di ba sabi mo kay Mama, huwag kong papaputulan ‘yang buhok mo kasi gusto mo ng mahaba? Hindi pa kita pinapagupitan mula nang ipanganak kita tapos…” Nangilid ang luha ko habang hinahaplos ang kaniyang buhok. Ang tagal-tagal ko siyang kinumbinsi para magpagupit pero sabi niya ay ayaw niya kaya hindi ko na siya pinilit tapos ngayon, ni hindi ko man lamang nakita ang paggupit ng
last updateHuling Na-update : 2022-07-21
Magbasa pa

Chapter Twenty Two

“Mama, pogi pa rin po ba ako?” paiyak nang tanong ni Jarvis habang ginugupitan siya ng barber. Sinubukan kong huwag tumawa ngunit nang makita ko ang paiyak na niyang mukha, hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Sinamaan niya ako ng tingin mula sa salamin ngunit nagkibit-balikat lamang ako sa kaniya at hindi na sumagot. Tumingin ako kay Ma’am Chantal na nakaupo sa tabi ko ngunit abala ang mga mata sa pagtingin-tingin sa paligid na animo’y ito ang unang beses niyang makalabas sa tunay na mundo. “Bagay naman kay Jarvis, ‘di ba, Ma’am Chantal?” tanong ko. Humarap siya sa akin nang marinig ang tanong ko. Sunod niya namang ibinaling ang kaniyang mga mata kay Jarvis at marahang tumango bilang sagot. “Hindi ka ba mad kasi I cut his hair?” “Ha?” takang tanong ko sa kaniya pabalik. Hindi siya sumagot at sa halip ay nakasimangot lamang akong tiningnan na animo’y hinihintay ang sagot ko sa tanong niya. Malakas akong bumuntong hininga a
last updateHuling Na-update : 2022-07-22
Magbasa pa

Chapter Twenty Three

“Nako, Lyana, pinapatawag ka na naman ni Sir Preston sa opisina niya. Ano na naman bang ginawa mo?” Agad na nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagsimangot nang marinig ang sinabi ni Manang Lerma. Ibinigay ko kay Ma’am Chantal ang manika niya bago ako tumayo mula sa aking kinauupuan. “Ngayon na raw po ba, Manang?” tanong ko pabalik. Tumango si Manang Lerma at mukhang nag-aalala akong tiningnan. Napalabi naman ako at nagkibit-balikat na lamang sa kaniya. Humarap ako kina Ma’am Chantal at kay Jarvis na abala sa paglalaro ng manika. “Pupunta lang ako sa opisina ni Sir. Babalik din ako kaagad tapos pagbalik ko, saka na ulit tayo maglaro. Magpahinga muna kayo, mukhang napagod din naman kayo sa paglalaro niyo sa playground.” “Yaya Lyana?” “Hmm?” Mahinahong tanong ko kay Ma’am Chantal habang itinatabi ang ilang manika na nakakalat sa daraanan. “My Daddy will scold you again, right?” Humarap ako sa kaniya at pilit na ngumiti. Gusto ko mang sabihin na oo, nagsinungaling pa rin ako at ma
last updateHuling Na-update : 2022-07-22
Magbasa pa

Chapter Twenty Four

“Sinasabi ko na nga ba!” Agad akong ngumiwi matapos marinig ang malakas na boses ni Manang Lerma. Sinenyasan ko siyang tumahimik dahil baka magising pa ang ibang mga tao sa bahay. Pasado ala-una na ng madaling araw kaya naman kanina ko pa napatulog sina Jarvis at si Ma’am Chantal. Tutulog na rin sana ako para naman makapagpahinga ako ngunit tila ayaw namang magpahinga ng utak ko. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at sumimangot. “Manang Lerma, hindi naman kasi ganoon iyon. Iba naman ‘yong sinasabi niyo sa tinutukoy ko,” reklamo ko. “Anong magkaiba? Aba, sabi mo kaya sa akin ay niyayaya kang makipag-date! Naku! Sa panahon namin, kapag may nag-aaya sa aming mag-date, ay aba’y ipinagpapaalam pa kami sa tatay namin kahit na kami’y matatanda na. Oh ‘di ba? Buti nga ngayon ay hindi na iyon ginagawa dahil nako, pahirapan pa namang papayagin ang mga magulang lalo pa’t babae ang anak.” Umiling ako bilang tanda ng hindi pagsang-ayon sa sinabi niya. “Manang, hindi naman ho kasi date n
last updateHuling Na-update : 2022-07-22
Magbasa pa

Chapter Twenty Five

Naging normal ang mga sumunod na araw matapos naming mag-usap ni Sir Preston tungkol sa ‘asawa’ niya. Hindi na niya ako kinulit pa tungkol doon at parang normal lamang ang lahat dahil sinesermonan niya pa rin ako. Iyon naman ang normal sa akin—ang panenermon niya. “Ang galing naman, Ma’am Chantal! Saulo mo na lahat?” Pumalakpak ako habang nakatingin kay Ma’am Chantal matapos niyang kumpletong bigkasin ang speech na ipinapasaulo ng ama. Tumango si Ma’am Chantal at tipid na ngumiti sa akin. “Easy lang naman… po,” mahinang sagot niya. Tumaas ang gilid ng labi ko matapos marinig ang sinabi niya. Nakahinga ako nang maluwag dahil kahit papaano ay naiimpluwensiyahan din anman pala ni Jarvis si Ma’am Chantal. Parang kailan lang nang punahin ni Jarvis ang hindi paggamit ng po ni Ma’am Chantal sa matatanda tapos ngayon, heto at unti-unti na siyang nasasanay. Lumingon ako kay Jarvis na ngayon ay abala sa pangangalikot ng school bag ni Ma’am Chantal. “Jarvis ‘nak, gayahin mo nga ‘yong speech
last updateHuling Na-update : 2022-07-22
Magbasa pa

Chapter Twenty Six

Pagdating ng Linggo, maingay na ang mansion ng mga Tejada lalo na noong sumapit na ang gabi. Mula sa balkonahe ng kuwarto namin ni Jarvis ay tanaw na tanaw na ang mag nagpapasukang bisita sa loob ng mansion kaya naman hindi ko mapigilang mas lalong kabahan. “Mama, paayos po.” Bumalik lamang ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Jarvis. Hindi na ako tumingin pa sa labas at sa halip ay ibinaling na lamang ang aking atensiyon kay Jarvis na ngayon ay nagsusuot na ng neck tie. Pinadala iyon ni Sir Preston kagabi sa kuwarto namin dahil iyon daw ang isusuot ni Jarvis ngayon. Nakakagulat nga dahil tamang-tama ang sukat ng damit kay Jarvis. Inayos ko ang suot na neck tie ni Jarvis. “Kinakabahan ka, ‘nak?” tanong ko sa kaniya. “Bakit po, Mama? Dapat po ba kabahan ako?” tanong niya pabalik sa akin. “’Di ba po ‘di anman po ako magsspeech tulad ni Chanty?” Mahina akong tumawa at marahang tumango. Sabagay. Hindi nga pala takot si Jarvis sa pakikisalamuha sa ibang tao. Ang ikinakatakot niy
last updateHuling Na-update : 2022-07-22
Magbasa pa

Chapter Twenty Seven

“Why are you wearing such thing?” Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ang tanong ni Sir Preston. Nauna na sina Jarvis at Ma’am Chantal sa paglabas ng silid dahil tinawag sila ni Manang Lerma. Kakain daw muna kasi ang dalawa dahil baka maging abala kami ni Sir Preston ngayong gabi sa rami ng bisita. Lumingon ako sa gawi ni Sir Preston at taka siyang tiningnan. “May mali ba sa suot ko, Sir? Hindi ba bagay?” Kunot-noo kong tanong at tumingin sa suot kong damit. “That’s not what I mean.” Muli akong nag-angat ng tingin at takang tumingin sa gawi ni Sir Preston. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin kaya’t hindi ko na napigilan ang aking sarili na magtaas ng kilay. “Kung walang mali sa suot ko… eh bakit mukha ho kayong galit? May problema ba?” tanong ko pa. Humugot siya ng malalim na buntong hininga at sa wakas ay nag-angat na muli ng tingin sa akin. Agad naman akong napalunok nang pasadahan niya ng tingin ang katawan ko bago muling napailing. “Where did you even got that dr
last updateHuling Na-update : 2022-07-22
Magbasa pa

Chapter Twenty Eight

Agad kong nahigit ang aking hininga nang makita kung gaanong karaming tao ang nasa bulwagan ng mansion ng mga Tejada. Sanay naman akong magtrabaho sa lugar kung saan maraming tao pero ngayon lang yata ako nakaramdam ng labis na kaba dahil lang napapalibutan ako ng napakaraming tao na hindi ko naman kilala. Isa pa, hindi lang naman sila puro ordinaryong tao. Kung ikukumpara ako sa kanila, halata naman na magkaibang-magkaiba ang estado ng buhay nila sa estado ng buhay ko. Hindi dapat ako narito sa lugar na ito dahil hindi naman ako nababagay dito. “Smile, Lyana. They’re greeting us,” mahina at pasimpleng bulong ni Sir Preston habang naglalakad kaming dalawa. Sinalubong kami ng ilang grupo ng mga kapwa naka-bestida at tuxedo na tao ngunit hindi ako ngumiti sa kanila. Pakiramdam ko ay aatakihin yata ako sa puso dahil sa kaba habang naka-pokus ang mga mata nila sa amin. Ewan ko ba ngunit pakiramdam ko ay hinuhusgahan nila ako sa bawat sulyap nila sa akin. Hindi ko tuloy maisip kung gaa
last updateHuling Na-update : 2022-07-22
Magbasa pa

Chapter Twenty Nine

Hindi ako kaagad nakapag-react sa sinabi ni Sir Preston dahil naka-focus ako sa ekspresyon niya sa mukha. Alam ko na naman noon pa na hindi talaga siya ‘mabait’ at minsan ay nakakatakot lalo pa kapag wala siya sa mood o kaya naman ay kapag may problema siya. Pero ngayon, masasabi kong mas matindi ang galit niya dahil sa panlilisik ng mga mata niyang nakatingin sa estrangherong lalaki na hindi ko na natandaan pa ang pangalan dahil hindi naman ako nag-abala pang tandaan. Mahinang tumawa ang lalaki at itinaas ang kaniyang dalawang kamay na animo’y sumusuko kay Sir Preston ngunit hindi pa rin naaalis ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi. “Chill. Ano ka ba naman, masyadong mainit ang ulo mo,” tila nang-aasar pang sabi niya kay Sir Preston. “Talagang iinit ang ulo ko kapag nakikita ko ‘yang pagmumukha mo.” Natahimik ako at hindi na nagtangka pang awatin sila dahil mukha namang kaya na ni Sir Preston ang sarili niya. Hindi rin naman ako tanga para hindi mapansin na ginagamit lamang ako
last updateHuling Na-update : 2022-07-22
Magbasa pa

Chapter Thirty

Lumingon akong muli sa babaeng nakausap ko kanina at seryoso siyang tiningnan. “Sigurado ka bang hindi mo nakita si Chantal?” tanong kong muli sa kaniya,. Agad naman siyang t umango kaya’t hindi ko na napigilan pa ang pagtatagis ng bagang ko. Malakas akong bumuntong hininga at inis na nilampasan siya bago naglakad papunta sa bodega kung saan ko narinig ang ingay. Nang i-check ko iyon noon ay doon nakalagay ang mga ginagamit sa paglilinis ng hardin at pagtatanim ng mga halaman kaya’t alam kong madilim at masikip doon. Kapag tama ang hinala ko, pasensiyahan na lang talaga at mukhang may makakatikim na muli ng sampal na mula sa akin. Sinubukan akong tawagin ng babae ngunit hindi ko siya pinansin at sa halip ay dire-diretsong naglakad papunta sa medyo masukal na bahagi ng hardin kung saan naroon ang madilim at masikip na bodega. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata nang muling marinig ang hagulhol mula sa loob niyon. Naka-lock mula sa labas ang pintuan kaya’t kahit na anong pilit n
last updateHuling Na-update : 2022-07-22
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status