After six years… “Jarvis, anong sabi ko sa ‘yo? ‘Di ba sabi ko, huwag kang makipag-away sa school? Bakit pinapatawag na naman ako ng teacher mo? Ang bata-bata mo pa pero lagi ka nang napapaaway,” suway ko sa anak ko habang pinupunasan siya ng pawis sa likod. “Mama, kapag pinatawag ka sa school, masama na ako kaagad? Paano kapag very good ako, e ‘di pahiya ka na niyan?” Hindi ko mapigilang mapairap nang marinig ang sinabi niya. “Sino na naman bang nagturo sa ‘yo niyang mga salitang ‘yan, ha, Jarvis? ‘Di ba sabi ko sa ‘yo—“ “Gumamit po ako ng po at opo,” pagputol niya sa sasabihin ko bago mahinang tumawa. “Hindi ba pwedeng nakalimutan ko lang… po.” Malakas akong bumuntong hininga bago marahang napailing. “Sinasabi ko talaga sa ‘yo, Jarvis. Grade one ka palang pero palagi ka ng napapa-away at palagi akong naipapatawag ng teacher mo sa school. Hala ka. Gusto mo bang sabihin ng mga iyon na masama akong nanay dahil hindi kita tinnuturuan nang mabuting asal, ha?” sermon ko pa. “Eh kasi
Last Updated : 2022-07-14 Read more