“Mama… laki…” Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa bahay—o mansion, sa harapan namin. Akala ko noon ay pinakamalaking bahay na ang natuluyan ko ngunit ngayon, parang naging kuwarto na lamang ang bahay na iyon dahil ang bahay na nasa aming harapan ay tila isang palasyo. Napangiwi ako. Palasyo na may nakatirang evil king at evil princess. “Mama, may princess ba sa loob?” Mahinang tanong sa akin ni Jarvis. Sobrang higpit ng hawak niya sa aking braso na animo’y takot na takot na baka mawala siya sa tabi ko. Bumuntong hininga ako at nagkibit balikat. “Evil princess daw sabi ni Manang Lerma, Jarvis,” pagtatama ko sa kaniya. Napatango naman si Jarvis bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Sakto namang nakapagbayad na si Manang Lerma sa tricycle na sinakyan namin kaya’t ibinalik ko na sa kaniya ang tingin ko. “Manang Lerma, sigurado ho ba kayo na hindi kami magbabayad ni Jarvis? Mahal ho yata ang pamasahe sa tricycle rito, e,” nag-aalangan kong tanong sa kaniya. Mahina naman siy
“Dito ang kuwarto niyong dalawa. May kasama ka kasing bata kaya hindi na tayo kasya sa maid’s quarter kaya sinuhestiyon ko kay Sir na rito na lamang kayo dahil wala namang tumutuloy sa kuwartong ‘to.” Marahan akong tumango bilang sagot kay Manang Lerma habang iniikot ang paningin ko sa silid kung saan kami matutulog ni Jarvis. Agad namang binitiwan ni Jarvis ang aking kamay at nagtatakbo patungo sa kama. Ibinagsak niya ang katawan doon kaya’t nanlaki ang aking mga mata sa gulat at pag-aalala na baka nasaktan siya ngunit laking pasasalamat ko nang magpakawala siya ng mahinang tawa habang nakahiga. “Mama… lambot…” tumatawang sambit niya. Hindi ko naman mapigilang mapangiti matapos marinig ang sinabi niya. Maliit kasi at medyo matigas ang kamang hinihigaan namin sa bahay noon kaya marahil ay excited na excited si Jarvis dahil sa wakas ay kahit papaano, maluwang at malambot na ang kamang hihigaan namin gabi-gabi. Sumulyap ako kay Manang Lerma na ngayon ay tipid na nakangiti habang pin
Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanila at hinila palayo sa Jarvis. Itinago ko siya sa likod ko bago ako humarap sa amo ko. “S-Sir, pasensiya na po. Kakapasok lang namin saka—“ “This is a family matter, Miss Dela Merced.” Tila natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang boses niya at ang paraan ng pagtawag niya sa akin. “And you should teach your son some manners, too. He shouldn’t interfere to other people’s conversation like that. “ Kinagat ko ang aking ibabang labi bago nahihiyang yumuko. “Pasensiya na po ulit, Sir. H-Hindi na po mauulit. Pangako po ‘yan.” “You may leave—“ “Mama, bakit ka nagsosorry?” Ipinikit ko ang aking mga mata upang kahit papaano ay pakalmahin ang aking sarili nang marinig ko ang tanong ni Jarvis. Alam kong pabulong iyon at mahina ngunit sapat pa rin para marinig nina Ma’am Chantal at Sir Preston. “Jarvis,” suway ko sa kaniya nang lumingon ako sa gawi niya. Inosente niya akong tiningnan. “E-Eh kasi Mama, ‘di ba dapat ‘yong nang-aaway ang nagsos
“’Nak, sa susunod, huwag mo nang uulitin ‘yon, ha? Dapat sabihin mo nalang sa akin para ako na ang gagawa. Hindi ’yong padalos-dalos ka palagi sa mga ginagawa mo. Ayan tuloy…” “Mama?” Ibinaling ko ang aking atensiyon kay Jarvis nang tawagin niya ako. Nag-angat siya ng tingin sa akin habang nakasimangot. “Wala ka na po bang work dahil sa akin?” Ilang beses akong napakurap dahil sa tanong niya ngunit kalaunan ay saka malakas na bumuntong hininga. Tipid akong ngumiti sa kaniya at dahan-dahang umiling. Tila nakahinga naman siya nang maluwag nang marinig ang sinabi ko at agad na umaliwalas ang mukha. “May trabaho pa rin si Mama, Jarvis. Pero kapag nagalit ulit sa atin si Sir Preston, baka mawalan na talaga ako ng trabaho. Kaya huwag makulit, ha? Dapat huwag makulit para hindi na siya magalit sa atin at hindi ako mawalan ng trabaho, okay?” Tumango si Jarvis at yumakap sa aking hita dahil hanggang doon lamang ang laki niya. “’Di na po ako kulit, Mama, promise. ‘Di na po ako makikisali sa
“Nah, I want that dress pala. Hindi pala pretty ‘yong binigay mo. I don’t like it na.” Kinagat ko ang aking ibabang labi at pasimpleng humugot ng malalim na buntong hininga upang ikalma ang aking sarili. Tumalikod ako sa kaniya at kinuha ang damit na itinuro niya. Nang makuha iyon ay saka ako walang ganang humarap sa kaniya. Magdadalawang oras na yata kami rito sa kuwarto niya dahil papalit-palit siya ng desisyon. Mabuti na lamang talaga at hindi siya mahirap gisingin dahil kung hindi, baka natapos na ang klase ay narito pa rin siya sa bahay at namimili ng damit na isusuot. Bakit ba kasi walang uniform ang school nila? Ang dami pa nilang arte, ang hirap kayang pumili ng isusuot na damit. “Ma’am Chantal, mal-late ka na sa school mo. Idaraan pa kita bago ko idaan si Jarvis—“ “Nagrereklamo ka ba?” Ipinagkrus niya ang dalawang braso bago ako tinaasan ng kilay. Pilit akong ngumiti sa kaniya bago marahang umiling. “Hindi naman, Ma’am. Nag-aalala lang ako kasi baka ma-late ka,” kaswal
“Oh, Lyana? Hindi mo pa ba susunduin si Ma’am Chantal? Lalabas na ‘yon sa school niya mayamaya.” Napatigil ako sa pagtingin ng mga litratong nakahanay sa cabinet ng mga amo ko nang marinig ko ang boses ni Manang Lerma. Tumingin ako sa gawi niya at sakto namang naglalakad na pala siya palapit sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. “Mayamaya pa ho, Manang. Saka susunduin ko muna si Jarvis sa school niya bago ako dumaan sa school ni Ma’am Chantal. Sabi kasi sa akin ni Ma’am Chantal ay maglalaro pa sila ng mga kaibigan niya kaya medyo late ko siyang sunduin,” sagot ko. Marahang napailing si Manang Lerma kaya’t bahagyang kumunot ang aking noo. “Nako, Lyana. Kapag nalaman ni Sir Preston na hinahayaan mong maglaro si Ma’am Chantal, ikaw naman ang malalagot doon. Hindi ‘yon pwedeng maglaro sa labas,” naiiling na sambit niya. Agad namang nagsalubong aking aking mga kilay matapos marinig ang sinabi niya. Wala sa sarili akong nag-iwas ng tingin at napaisip. Bakit naman hindi niya papayagang maglaro
“Bakit hindi pa ikaw nakain, Chanty? Hindi ba ikaw gutom?” Ibinaling ko ang aking paningin kay Ma’am Chantal nang marinig ang tanong sa kaniya ni Jarvis. Naka-krus ang kaniyang dalawang braso habang nakasimangot na nakatingin sa pagkain. “’Di ba I told you that I don’t want to eat here?” Nag-angat siya ng tingin sa akin at masama akong tiningnan. “Then what is this? You should have just follow me so I won’t get mad.” Bahagyang umawang ang aking mga labi dahil sa kung gaano siya ka-fluent sa pagsasalita ng Ingles. Kahit yata ilang taon akong mag-aral, hindi ako makakapagsalita nang ganoon samantalang siya, para bang sa ibang bansa tumira. Nang tingnan ko si Jarvis ay tulad ko ay nakaawang din ang kaniyang mga labi na animo’y manghang-mangha sa narinig. Peke akong umubo bago pilit na ngumiti kay Ma’am Chantal. “Kasi Ma’am, may ulam naman po rito sa bahay saka nakakahiyang humingi sa Daddy mo—“ “Ayoko nga sabi rito!” Malakas na sigaw niya at nagpapadyak. Dahil malapit siya sa mesa a
“’Nak, bakit ka naman kasi pumayag na magpagupit kay Ma’am Chantal? Tingnan mo tuloy ang nangyari riyan sa buhok mo, oh.” Malakas akong bumuntong hininga at napasimangot habang inaayos ang hindi pantay-pantay at magulong buhok ni Jarvis. “Nasira tuloy ‘yang buhok mo.” Gusto ko mang magalit kay Ma’am Chantal dahil pinakialaman niya ang buhok ni Jarvis, hindi ko naman magawa dahil kitang-kita sa kaniyang repleksyon sa salamin malapad niyang ngiti na animo’y nagustuhan pa ang ginawa sa kaniya ng kalaro. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago siya iniharap sa akin. “’Nak, ‘di ba sabi mo kay Mama, huwag kong papaputulan ‘yang buhok mo kasi gusto mo ng mahaba? Hindi pa kita pinapagupitan mula nang ipanganak kita tapos…” Nangilid ang luha ko habang hinahaplos ang kaniyang buhok. Ang tagal-tagal ko siyang kinumbinsi para magpagupit pero sabi niya ay ayaw niya kaya hindi ko na siya pinilit tapos ngayon, ni hindi ko man lamang nakita ang paggupit ng
“You know my Dad, Lyana? How come?”Gulat akong lumingon sa gawi ni Preston at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Umawang ang labi ko at muling ibinalik ang tingin sa gawi ng ama niya upang siguruhin na hindi lamang ako namamalikmata. Ilang beses akong kumurap habang nakatingin sa kaniya ngunit wala akong ibang nakita kung hindi ang paglalaro ng ngisi sa kaniyang mga labi.Nakangisi siya na para bang sinasabi na…“Magandang araw, Ma’am.”Mas lalong umawang ang labi ko at wala sa sariling hinampas si Preston sa kaniyang balikat. “Siya nga!” Malakas na sigaw ko at hindi ulit makapaniwalang tumingin sa kaniyang ama.“Dad, paano mo nakilala si Lyana? Why did you call her… Ma’am?” takang tanong din ni Preston sa ama ngunit nagkibit-balikat lamang ito. “Let’s just talk about that later, son. Why don’t you introduce that lady to us first?” Hindi tulad kanina nang una niya akong binati at tinawag na Ma’am ay iba na
“What…”Marahas akong lumingon sa gawi ni Preston at pinanlakihan siya ng mga mata. Agad naman siyang umiling at iwinasiwas ang mga kamay na parang dinedepensahan ang sarili. “No. I didn’t tell them to come here. Hindi ko nga alam na pupunta pala sila rito…”Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya’t muli siyang umiling. “Trust me, babe. Wala akong alam… promise. I swear,” dagdag niya pa.Gusto ko pa sana siyang suwayin dahil tinawag na naman niya akong ‘babe’ kahit na hindi ko pa rin siya tuluyang pinapatawad pero hindi ko na lamang pinansin ang pagtawag niya sa akin ng ganoon dahil abala ako sa pag-iisip ng mga maaaring mangyari kapag nalaman ng mga magulang niya ang tungkol sa akin… o baka naman alam na nila kaya sila pumunta rito?Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling sinapo ang aking bibig dahil sa kaba. Ano na lamang ang iisipin nila sa akin? Sigurado akong magagalit sila sa akin tulad ni Preston kaya…Wala sa sarili akong napahaw
“I already told you to just stay at your room, right?” Inagaw sa akin ni Preston ang hawak kong walis at nakataas ang kilay na tumingin sa akin. “Bakit ba ayaw mong makinig?”Umirap ako nang marinig ang sinabi niya at ipinagkrus ang aking dalawang braso. Hindi ako nagdalawang isip na makipagsukatan ng tingin sa kaniya. “Huwag mo akong utusan, hindi kita boss,” ganti ko. “Of course, I am not your boss. I already fired you, remember?”Mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin kaya’t sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga at mapailing. Inismiran ko muna siya bago inagaw ang kinuha niya sa aking walis tambo. “You don’t have to clean Chantal’s room, Lyana. Malinis naman. You should just go to your room and rest—““Paanong rest eh hindi nga ako pagod?” Inis na tanong ko pabalik at tinaasan siyang muli ng kilay. “At saka buntis lang ako, may paa at kamay pa rin ako kaya hayaan mo akong kumilos.”
“Sinong buntis? Ako?” Itinuro ko ang sarili ko at mabilis na umiling. “H-Hindi, ah! B-Baka iba! Baka ‘yong iba mong… g-girlfriend! Oo, baka ‘yong iba mong—““I don’t have any other girlfriend, Lyana.” Malakas siyang bumuntong hininga at walang emosyon akong tiningnan. “And don’t even bother lying to me. I already know the truth.”“Hindi nga sabi ako buntis. Sino bang nagsabi sa ‘yo, ha? Sinabi ba ni Dalia?” “Pati ba naman ‘yang panibago nating anak, gusto mo pa ring itago at ipagkait sa akin?”Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya kaya’t wala sa sarili akong nagbaba ng tingin. Sinabi na sa akin noon pa man ni Dalia na ganito ang magiging reaksiyon ni Preston kapag nalaman niya ang balak kong pagtatago sa anak namin mula sa kaniya pero hindi ko pa rin siya pinakinggan. Nagpkawala ako ng malakas na buntong hininga at nangingilid na nag-angat muli ng tingin sa kaniya. “Bakit ba parang concern na concern ko kung sakali m
“Wala ka na ba talagang kahit kaunting tiwala na natitira para sa akin, ha?”Hindi makapaniwalang tanong ko at lumingon sa kaniya. Malakas siyang bumuntong hininga. “It’s not about trust, Lyana. That guy clearly told me to send his greetings to your son. Sino pa bang ibang anak mo maliban kina Jarvis at Chantal, ha?” Mariing tanong niya.Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Gusto kong sabihin sa kaniya na ibang anak ang tinutukoy ni Gab at hindi si Jarvis ngunit alam kong kapag sinabi ko ang totoo, baka mas lalo niya lang akong kamuhian—namatay sa pangangalaga ko ang sarili kong anak. Sino ba namang hindi magagalit sa akin? Sinong hindi ako sisihin?“Problema na naming dalawa ‘yon ni Gab at hindi ka na kasali. Ang concern mo lang dito ay ang mga bata kaya huwag ka nang makisali pa sa problema ko,” malamig na sambit ko habang hindi nakatingin sa kaniya.“I am asking if Jarvis is my son—““Oo nga sabi!” Hindi ko na
“A-Anong ginagawa mo rito?”Mas lalo siyang napangisi nang marinig ang tanong ko kaya’t mas lalo lamang akong sinalakay ng kaba. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita dahil nakulong siya noon at nang makalaya naman siya ay hindi na nagtagpo ang landas namin kaya’t akala ko ay hindi na kami muling magkikita pa.Kung alam ko lang sana na magtatagpo pa ang landas naming dalawa, sana naihanda ko ang sarili ko dahil sa pagkakataong ito, para akong binabangungot habang tinitingnan niya ako. “I just got here with my girlfriend. Hindi ko naman alam na dito pa pala kita makikita and oh…” Dumako ang mga mata niya sa mga pagkaing nakahain sa lamesa kaya’t muli akong napalunok dahil sa kaba. “Mukhang nakahanap ka na naman ng mayamang lalaking peperahan, ha? Who is he? Ipakilala mo naman ako.”Kinagat ko ang aking ibabang labi at hindi nakasagot sa tanong niya. Luminga-linga siya sa paligid at nang makumpirmang kakaunti ang tao ay saka siya umupo sa upuang inuupuan ni Dalia kanina. Nahigit k
“Ano? Ayos ka lang ba? Kanina ka pa sa banyo kaya papasukin na sana kita.”Pinunasan ko ang labi ko gamit ang aking palad at nag-angat ng tingin kay Dalia—at oo, Dalia ang totoong pangalan ni Doctora Vallero. Habang narito ako sa bahay niya, nagrequest siya sa akin na pangalan niya na ang itawag ko sa kaniya dahil hindi na siya kumportable na Doctora Vallero ang itawag ko sa kaniya.Marahan akong tumango. “Nagsuka lang. Ayos na naman ako,” kaswal na sagot ko at nagtungo na sa drawer ko para kumuha ng pamalit na damit.Ipinadala ni Preston ang mga gamit ko rito kinabukasan noong nag-away kami kaya’t alam kong desidido na talaga siyang huwag akong pabalikin sa bahay niya. Hindi ko mapigilang bumuntong hininga nang maalala iyon. Wala namang mangyayari kung iiyakan ko lang siya.“Lyana, ano kaya kung… ano uhmm.. tawagan na natin si Kuya Preston? Para alam mo ‘yon, masamahan ka niya.”Humarap ako kay Dalia at pinanliitan siya ng mata. “Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama?” “Hindi naman sa g
“Jarvis! Chantal!” Muntik na akong mahulog sa kama nang biglaan akong bumangon dahil sa bangungot. Pilit akong naghabol ng hininga habang sapo ang aking dibdib upang ikalma ang aking sarili. Nang makakalma ay saka ko naisipang ilibot ang paningin ko sa paligid.Hindi pamilyar. Hindi ito isa sa kuwarto ng bahay ni Preston o ang kuwarto sa bahay ni Tiyang… nasaan ako? Anong nangyari? Bakit ako narito?Akmang aalis na sana ako sa kama nang bumukas ang pinto at iniluwa si Doctora Vallero. Naka-suot na siya ng pajama at animo’y titingnan lamang kung tulog pa rin ako nang pumunta siya rito. Wala sa sarili akong napalunok nang magtama ang aming mga mata.“N-Nasaan ako?” Kinakabahang tanong ko sa kaniya.Malakas siyang bumuntong hininga. “Nasa bahay ko. Hindi ko kasi alam ang bahay niyo dahil sabi sa akin ni Manang Lerma ay wala na raw kayong ibang matutuluyan ni Jarvis. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ang bahay ng Tita mo kaya dito kita dinala.”Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag
“P-Preston, hayaan mo akong magpaliwanag—““Huling-huli ka na, Lyana,” malamig na sambit niya kaya’t wala sa sarili akong napalunok dahil sa kaba nang marinig ang boses niya. Parang hindi siya si Preston sa lamig ng pagkakasabi niya sa akin ng katagang iyon. Kinagat ko ang aking ibabang labi at lumapit sa kaniya. “P-Preston, k-kung ano man ang iniisip mo, magpapaliwanag ako, huh? P-Please, pakinggan mo lang ako. Please, huh, Preston?” Sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit hindi ko pa man iyon tuluyang nahahawakan ay iwinaksi na niya ang kamay ko palayo. Sa sobrang lakas ng pagkakatabig niya sa kamay ko ay muntik na akong matumba kaya’t wala sa sarili akong napasigaw. “Don’t you ever touch me again, woman.”Agad akong humarap sa kaniya at umiling. “Preston naman. H-Hindi mo man lang ba ako papakinggan? K-Kaya nga ako nagpunta rito sa opisina mo para magpaliwanag—“:“No,” mabilis na pagtutol niya sa dapat ay sasabihin ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ngunit ang malamig na