Home / Romance / My Husband's Son / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of My Husband's Son: Chapter 1 - Chapter 10

12 Chapters

Prologue

Malakas na palakpakan ang naririnig ko hindi pa man ako iniluluwa ng pintuang ito.They're all waiting.Tumulo ang luha ko hindi dahil sa saya kung hindi dahil sa pagdadalamhati sa kinahantungan ng buhay ko.Bumukas ang pintuan at sinalubong ako ng malakas na palakpakan ng lahat pati na rin ng mga matang halata namang walang kasiyahang laman. Sino bang matutuwa na ikakasal ako? Bukod sa wala akong kakilala rito ay napakabata ko pa. I'm only 24 yet I married a 48-year-old man. He's almost double my age! Hindi lang iyon. Isa siyang makapangyarihang tao na kayang bilhin kahit ang kaluluwa mo kagaya ng ginawa niya sa akin. BINILI NIYA AKO.Pinilit kong ngumiti sa kanila kahit lantad na lantad ang mga luha kong bumabasa sa mukha ko. Marahil ay iniisip nilang masaya ako kaya ako umiiyak pero nagdadalamhati ako."Here comes the bride! Everyone, let's congratulate Mr. And Mrs. El Fuente on their wedding!" Masiglang sigaw ng emcee na naging dahilan ng malakas pang palakpakan ng lahat na pumuno
last updateLast Updated : 2022-06-01
Read more

Kabanata 1

Isang malalim na hininga ang hinugot ko bago bahagyang hinagod ang aking buhok, upang siguruhing hindi ito nagulo sa pagkakaayos. Abala ang lahat ng staff dahil sa ito na ang huling set ng mga designs na irarampa ng mga modelo, at sa ilan lamang sandali ay lalabas na ako rito kasama ang huling piraso ng designs ko."You got this, Emely," bulong ko sa sarili ko bago sinabayan ang huling modelo sa paglabas sa backstage.Nakasisilaw ang bawat flash ng camera ngunit pinanatili ko ang aking magandang ngiti bago nagsimulang maglakad sa runway."Ladies and gentlemen, Mrs. Emely El Fuente and her designs!"Hindi ito ang unang pagkakataon ngunit hindi ko maiwasang nerbiyosin sa tuwing maglalakad ako sa runway kasama ng mga modelong suot-suot ang mga designs ko. Ngunit kahit na ganon, walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko dahil muli ay matagumpay ang fashion show at mukhang nagustuhan ng mga bisita ang mga designs ko."Congratulations, Emely! All your designs are mind-blowing. Grabe, iba
last updateLast Updated : 2022-06-01
Read more

Kabanata 2

"Gigi!""Ate!"Ngumiti ako ng malapad at kumaway sa kapatid ko. Patakbo niya akong sinalubong at mahigpit na yumakap sa akin. "Akala ko hindi ka na darating," sambit niya saka bumitaw sa akin."Pwede ba 'yon?" sagot ko saka bumaling kina mama at papa para humalik at yumakap."Palagi ka na lang late. Hindi mo naabutan yung speech ko, nakaakinis ka!" atungal pa ni Gigi habang nakanguso.Today is her high school graduation, at late ako dahil sa meeting ko with Cheska. Gustohin ko mang ibakante ang araw na ito para sa selebrasyon ng graduation ni Gigi ay hindi ko magawa dahil ngayong araw lang bakante ang schedule ni Cheska. Isa siyang bigating artista, na gusto kong maging modelo ng panibagong designs ko."Sorry na nga!""Hay nako, magpasalamat ka na lang na umabot ang ate mo," saway ni mama kay Gigi na may kasamang hampas sa braso."Aray naman, ma!" reklamo ni Gigi.Sinagi ni papa ng mahina ang braso ni mama para sawayin ito. Kahit na nakatanggap na ng hampas si Gigi kay mama ay patuloy
last updateLast Updated : 2022-06-01
Read more

Kabanata 3

Abala ako sa aking opisina nang nabulahaw ako ng tatlong sunod-sunod na katok. Paglingon ko'y bumungad sa akin ang mukha ng sekretarya kong si Mikee at sa nakabusangot niyang mukha ay nahihinuha ko nang hindi maganda ang ipinarito niya."Ms. Em," tawag niya habang lumalapit sa desk ko. "May malaki tayong problema."Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, at wala akong nagawa kung hindi ang masapo ang noo ko nang makarating kami sa studio kung saan ginaganap ngayon ang photoshoot ni Cheska. Bumungad sa akin ang malaking problema na tinutukoy ni Mikee."Gosh! How do you expect me to work with that rookie e mukhang hindi yata alam yung ginagawa niya?!" Sigaw ni Cheska sa mga staff na naroroon pati na rin sa photographer."Ms. Cheska, please calm down," pag-aalo naman ng mga staff sa gigil na gigil na aktres."Calm down? Sinasayang niyo yung oras ko! Do you know how busy I am? Dahil sa kanya ang daming oras na nasasayang!"Binalingan ko ng tingin ang male model ng Em's na ipinagmamaktol ni C
last updateLast Updated : 2022-06-01
Read more

Kabanata 4

"Nice one, Cheska! Now lean closer to Mr. El Fuente-- that's it!" Blanko lang akong nakamasid kay Drake at Cheska habang nakahalukipkip sa likuran ng photographer. They're doing great, at mukhang masayang-masaya si Cheska."Ms. Em, magre-resign na ako bilang sekretarya mo," sambit ni Mikee na nakakuha ng atensyon ko. Kunot noo ko siyang nilingon at nakitang nakatitig siya ng seryoso kina Drake at Cheska."Why? Anong problema?" nag-aalala kong tanong.Nilingon ako ni Mikee saka ngumiti at kumapit sa braso ko. "Mag-aapply ako bilang daughter-in-law mo," sabay bungisngis.Naiiling akong natawa saka siya inirapan. "Puro ka kalokohan, Mikee,""Seryoso nga, Ms. Em! Pwede ba?" Pangungulit pa niya habang kinikilig na pinagmamasdan si Drake.Hindi ko siya masisisi dahil guwapo naman talaga si Drake at bukod sa hitsura ay matalino rin ito. Walang ka ayaw-ayaw sa kaniya, maliban na lang sa pagiging straightforward niyang tao."Ask him. Bakit ako ang tinatanong mo?""Baka naman," utas niya saka
last updateLast Updated : 2022-06-03
Read more

Kabanata 5

FOUR YEARS AGO It's already 6:30 in the morning, yet I still can't get a hold of Drake. May klase ako ngayong umaga, pero tinawagan ako ng kaklase niyang si Mark, itinatanong kung kasama ko raw ba ang hinay*pak. Tatlumpung minuto na lang ay magsisimula na ang final exam nila, kaya naman imbis na dumeretso sa klase ko ay dali-dali akong pumara ng jeep papunta sa condo niya. Sa pagbukas ng pintuan ay nakumpirma kong tama nga ang kutob kong tulog pa siya. Sandali akong napailing at napatitig sa kaniya habang nakasubsob sa kaniyang study table. Nagkalat ang mga libro at reviewers niya na animo'y binagyo. Lumapit ako sa kaniya at bahagya siyang niyugyog. "Drake, wake up!" Bumukas ang dalawang mata niya na magkasabay na halos magpatalon sa akin sa gulat. Tumuwid siya ng upo saka tumingin sa akin, "Love, what time is it?" Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "6:34," Napapikit si Drake at napasabunot sa buhok niya. "Shit!" Mangiyak-ngiyak niyang sambit. Drake is a graduating law s
last updateLast Updated : 2022-06-04
Read more

Kabanata 6

Nakagat ko ang ibabang labi ko kasabay ng paghagod patalikod sa buhok ko. Wala akong magawa kundi ang hilutin ng sintido ko habang nakikinig sa sinasabi ni Mikee sa kabilang linya. Wala namang problema, pero mukha kasing kakailanganin kong dumaan sa Em's mamaya bago umuwi. "Ms Em, gusto mo bang i-reschedule ang launch ng magazine?" tanong ni Mikee. "No," mabilis ko namang sagot. "We have to release the magazine the same day as the new designs. How about sending me the draft?" "That's an option, pero hindi ka ba mahihirapan, Ms Em?" "No. It's fine. I'll review the magazine layout and will send you the instructions tonight. You can forward them to the publishing team tomorrow morning," "Sige po," nag-aalangan niyang tugon. "Thanks. I'll be waiting for it, then." Agad kong pinatay ang tawag tapos ay bumalik na sa opisina ni Drake. Hindi naman ako ang abala kung hindi siya, dahil kanina pa siyang hindi umaawat sa pagkakatitig niya sa mga files. Hindi ko alam kung paano ako magpapa-
last updateLast Updated : 2022-06-06
Read more

Kabanata 7

Pinilit kong hindi makinig at ipagsawalang-bahala ang mga pangyayari, ngunit sa bawat hikbi ng plaintiff ay tila ba sinasakal ako. "Sinamantala niya ang kahinaan ko. Naging kumportable ako sa kaniya dahil akala ko'y hindi siya masamang tao, pero..." muling humagulgol ang defendant, kaya't sandaling naantala ang kaniyang pagsasalaysay sa mga pangyayari. "...ginahasa niya ako. Pinagsamantalahan niya ako dahil alam niyang wala akong laban at walang kakayahan ang pamilya kong tapatan ang impluwensya niya!"Dinig na dinig ko ang samu't-saring mga reaksyon mula sa mga naririto sa loob ng hukuman. Umiiyak ang ama ng plaintiff na ngayo'y nakaupo sa witness stand. Napasulyap ako rito, at nakita ang labis niyang paghihinagpis sa sinapit ng anak niya. May katandaan na ito, at sa wari ko'y kaedaran ito ni Papa. Sandali akong napaisip habang pilit ibinabaon sa likod ng puso't isip ko ang mga bagay na yumayakap sa akin mula sa likod ng mataas kong bakod. This is Drake's case. I am not supposed to
last updateLast Updated : 2022-06-19
Read more

Kabanata 8

EMELYHindi ko alam kung dapat ko bang punahin nang mapansin kong walang kahit anong ipinagbago ang Condo ni Drake. Malinaw na malinaw pa sa ala-ala ko kung anong hitsura nito noong huli akong maparito, at aaminin ko, kakaiba ang pakiramdam na nararamdaman kong naririto ako ulit. Hindi bilang girlfriend ni Drake, kundi step-mom. "Go change first, ikukuha kita ng inumin,"Napatingin ako sa gawi ni Drake nang marinig ko siyang magsalita. Sandali pa akong natulala bago ako nakasagot na, "Wala akong pamalit," "You're a fashion designer. I bet you can style yourself and make an outfit out of all the men's clothing I have inside. Just go and hunt for something decent, or spend the rest of the day looking like that. You choose," sambit naman niya kaya napatingin ako sa sarili ko at napaisip. Tama siya. Siguro hindi naman masamang humiram ng isang piraso sa mga shirt o polo niya? Napatango na lang ako bago nag-aalangang naglakad papasok sa kwarto niya. Isinara ko ang pintuan sa likuran k
last updateLast Updated : 2022-06-20
Read more

Kabanata 9

"Leave, Em," mahinang sambit ni Drake matapos ang ilang sandali. Nakatalikod siya sa akin at wari'y hindi gusto ang lingunin manlang ako. Wala pa ring patid sa pag-agos ang mga luha ko nang dali-dali akong bumuhat sa pagkakaupo sa kama. Nanginginig pa rin ang mga tuhod at kamay ko kaya't walang imik akong tumakbo palabas ng silid. Lumabas ako sa condo ni Drake at diretsong sumakay ng elevator. Napa-upo ako sa sahig ng elevator dahil sa walang tigil na pagbuhos ng mga luha ko na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hindi maalis sa isip ko ang mukha ni Rico na nakita ko kay Drake kanina, at hindi ko magawang kumalma sa tuwing bumabalik sa akin ang masasalimuot na gabing iyon. Bumukas ang elevator, kaya agad akong bumuhat at lumabas. Nadaanan ko pa ang kotse ni Drake sa may parking lot pero nilagpasan ko na iyon at dali-daling pumara ng taxi para umuwi. Nakita ko pa ang pagsulyap sa akin ng driver sa rearview mirror nang marinig ang mga hikbi ko. Pinili ko na lang na hindi pansinin
last updateLast Updated : 2022-06-25
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status