SIMULAIpinikit ko ang aking mga mata at bumalik sa simula, sa paraisong kinalakihan, kung saan ako bumuo nang mga pangarap bago pa naging bangungot ang lahat. Sa panahong maligalig ngunit masaya ang umaga, tahimik at payapa naman ang gabi. Sa panahong tanging bituin ang saksi kung gaano kadami ang mga pangarap na aking binuo.Nakakainggit pero hindi ko maiwasang matuwa habang pinapanood ang mga batang masayang naghahabulan sa palaruang na katatayo lamang sa bahay ampunan. Ang iba ay nasa bakal na duyan at ang iba ay nagkukwentuhan sa kabilang banda.Bakas ang katuwaan sa kanilang mga mukha kasabay ng hagikgikan at masayang tawanan sa tuwing maabutan nila ang isa't-isa. Palatandaan ng purong kaisipan. Ang kainosentehang inagaw ng mundo sa mga gaya ko.Kung sana lang malaya ako noon, baka iba ang kinahinatnan ng lahat ngayon."Ate Vanna, anong iniisip mo?"Kumurap ako nang ilang ulit saka ipinaskil ang ngiti sa aking mga labi.Mapait man ang nakaraan, matamis naman ang kasalukuyan."Di
Last Updated : 2022-05-26 Read more