All Chapters of Six Months Agreement with Mr. Arrogant : Chapter 21 - Chapter 30

66 Chapters

Kabanata 20

KABANATA 20 :: MOTHER-IN-LAWNagkunwari pa din akong tulog. Hindi ako dumilat hangga't hindi ko naririnig ang papalayong mga yabag. Nakarinig ako ng isang malalim na buntong hininga sa aking tabi kaya naman dahan-dahan akong nagmulat ng mata para tingnan kung sino iyon.Ang madilim na mata ni Kleindro ang sumalubong sa akin. Matigas ang kanyang anyo."H-Hi…" sambit ko.Nanunuyo na naman ang aking lalamunan.Madali siyang kumilos at walang sabi-sabing inabutan ako ng tubig na isinalin niya mula sa isang pitsel sa lamesa di kalayuan sa hospital bed."Uminom ka muna."Kinuha ko ang baso pero nakaalalay pa rin siya sa bawat galawa ko. Inubos ko ang isang basong tubig at saka iyon ibinalik sa kanya."S-Salamat…"Kinuha niya ang baso at tumayo para ibalik iyon sa mesa."Magpahinga ka muna, Vanilla."Napanguso ako agad."Pero matagal na akong nagpapahinga…"Ilang araw na ba ako dito at pakiramdam ko'y isang dekada na. Wala akong ginawa kundi matulog, sagutin ang doktor at kumain. Si Kleindr
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more

Kabanata 21

KABANATA 21 :: OCEANNakailang balikwas na ako sa kama pero mailap pa din ang antok kaya bumangon ako para silipin ang kalagayan ni Kleindro. Nakahiga siya sa sofa, bagaman at malapad iyon ay hindi sapat ang haba para sa kanya.I told him na puwede naman siyang matulog sa kama, sa tabi ko tutal kasya kami, pero tumanggi sya. Natatakot na baka magalaw na naman ng sugat ko.Ang sabi ng doctor maghihilom din naman daw in one to two weeks. Malalim ang sugat at dahil huli na nang madala sa ospital ay mas mabagal daw ang paggaling niyon.Tinitigan ko ang payapang mukha ni Kleindro habang natutulog. Ang matapang niyang itsura kapag gising ay kabaligtaran ngayong natutulog siya. Gusto kong lumapit at haplusin ang kanyang pisnging may kaunti nang stubbles pero pinigilan ko ang aking sarili at nakontento na lamang sa pagtanaw sa kanya.May kung anong mabigat ang biglang dumagan sa aking dibdib.Malapit sya pero parang ang layo-layo nya na. Yun ang laman ng aking isipan hanggang sa makatulog a
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more

Kabanata 22

KABANATA 22 :: SMILEHindi ko ipinahalata ang nararamdaman kong kaba. Sinikap kong sumabay kay Kleindro at nagkunwaring hindi ako kinakabahan kahit ang totoo unang pagtapak ko sa makinis na sahig nang yate ay gusto ko na ulit bumalik sa port.Nakaalalay pa rin si Kleindro sa akin kahit sinabi kong ayos lamang. Inihatid niya ako sa isang kwarto at lumabas din nang mag ring ang kanyang telepono.Ako naman ay inusisa ang malaking silid at agad na nag settle sa couch para abalahin ang sarili ko sa harap ng telebisyo bawat paggalaw kase ng yate ay patindi ng patindi ang kaba ko.Naghanap ako ng magandang pelikula pero puro horror ang nakita ko kaya yun ang pinanood ko. Nawala kaagad ang atensyon ko sa pag galaw ng yate ngunit nagsisi din nang maging intense ang eksena sa pinapanood.Malakas ang volume kay hinagilap ko ang remote para pahinaan iyon ngunit nakailang pindot na ako ay hindi pa rin iyon humihina. Hindi gumana kahit ipinatok ko na iyon sa aking kamay.Kinilabutan ako nang bigla
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more

Kabanata 23

KABANATA 23 :: PREGNANTNang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay mas malala pa yata ang awkwardness sa hangin kesa sa panga ni Manang na kusang nag s-stretch."A-Ah… Maligo ka kaya muna? Ise-set up lang namin ang hapagkainan, susunod din ako para magbihis.""Alright."Hinintay ko ang sasabihin ni Manang ng makaalis si Kleindro ngunit wala siyang binanggit tungkol sa nakita. Binigyan lamang niya ako ng instructions sa mga dapat kong gawin gaya ng kung paano ilalagay ang ulam sa mangkok ng mabilis ngunit hindi ako napapaso."Ayos na ito." deklara ng matanda."Sige po, babalik muna ako sa kuwarto para magbihis at maglinis ng sugat."Kumunot ang noo niya ng mabanggit ko ang salitang sugat kaya naman agad akong nagpaalam bago pa siya makapagtanong.Lagaslas ng tubig mula sa banyo ang sumalubong sa pandinig ko nang makapasok sa kuwarto.Agad naman akong lumibot para tingnan ang cabinet. Hindi ko matandaan kung may mga gamit ba akong dala ng mga bodyguard. Wala naman kaming bitbit ni Kle
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more

Kabanata 24

KABANATA 24 :: SWIMDahil sa nangyari ay hindi halos ako nakakain sa natitirang oras ng almusal. Naging tipid ang bawat subo ko. Nang mailigpit naman ang pinagkainan namin ay sa hammock ako dumiretso.Nasa likod iyon ng bahay, sa ilalim ng dalawang malaking acasia.Doon ako nag settle bitbit ang aking cellphone na ilang araw kong hindi nahawakan.Pagka log in na pagka log in ko sa aking Facebook ay sinalubong ako ng napakaraming mensahe mula kay Dairene. Hindi ko na binasa lahat, nireplyan ko lamang ang huli niyang mensahe.Dairene San Juan:Vanna asan ka na? Ilang araw kang di nagpaparamdam ah. Galawin mo ang baso.Vanna Avzayde:Good morning!Hindi pa ako nagtatatlong kurap ay nalatanggap na ako ng reply.Dairene San Juan:Sa wakas nag reply din!Ano asan ka!Meet tayo naka uwi na ako!Vanna Avzayde:Out of town kami ni Kleindro…Sinamahan ko ng malungkot na emoji.Ang unang reply nya naman ay yung umiiyak na pusa.Dairene San Juan:Second honeymoon?Vanna Avzayde:Lol work relate
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more

Kabanata 25

KABANATA 25 :: WOUNDTinawanan ko lamang siya at nagtatakbo patungo sa mas malalim na parte ng dagat. Nang hanggang bewang ko na ang tubig ay lumangoy na ako hanggang sa hindi ko na abot ang buhangin."Wag kang lumayo masyado!" Hindi ko siya pinakinggan. Bagkus ay lumangoy ako patungo sa mas malalim na parte at sumisid doon.Nagtagal ako sa ilalim ng tubig dahil may hinabol akong isang grupo ng maliliit na isda.Kinakapos na ako sa paghinga nang magpasya akong magpalutang ngunit muntik ko nang malunok ang alon na tumama sa gilid ng mukha ko dahil sa buhanginan ay kita ko ang pagtatanggal ni Kleindro ng sinturon. Nang maalis niya iyon ay basta na lamang inihagis iyon at isinunod naman ang kanyang pantalon hanggang sa wala nang matira kundi boxer shorts.Umubo-ubo ako kahit ang totoo ay wala namang nainom na tubig, nagbabakasali na matauhan ngunit ang mata ko ay parang nakapagkit sa katawan ni Kleindro na kumikinang kasabay ng papalubog na araw.Para akong siraulong dahan-dahan sa pag
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more

Kabanata 26

KABANATA 26 :: MARKETDumating ang bodyguard dala ang isang maliit na first aid. Ointment ang inilagay ni Kleindro sa mga paso at nilinisan naman ng alcohol at cotton ang maliliit na cuts sa aking kamay."Palagi mo na lang ipinapahamak ang sarili mo," aniya ng matapos sa ginagawa.Napanguso na lamang ako.Gusto ko sanang ikatuwiran na wala kaming kakainin kung hindi ako magluluto pero alam kong hindi sya tatanggap ng ng kahit na anong rason."Charan!"Sabay kaming napaligon sa pinanggalingan ng matinis na tinig at ganon na lamang ang pamumutla ni Paul. Ibinalik niya ang 'boyish' na tindig at saka balewalang naglakad patungo sa amin."Nandito na po ang almusal." Inilapag niya ang niluto naming dalawa at halos mangamatis ang mukha ko ng maispatan ang ilang sunog na bacon doon, paniguradong ako ang may gawa.Nang maayos niyang mailapag ang nga iyon sa harapan ay umayos siya ng tayo at kinindatan ako. Umangat ang gilid ng aking labi dahil alam kong nagpapaalam lamang siya para pagnasahan
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more

Kabanata 27

KABANATA 27 :: PUNISHMENTNatagalan kaming dalawa sa paghahanap ng mga kailangan. Tumulong pa ang isang sales lady doon dahil hindi talaga namin mahanap ang brand ng mayonaise na pinapabili ni Manang. Nasa pinakaitaas pala iyon kaya hindi namin napansin.Bagsak ako sa kama ng makauwi. Kumain pa kami ng late lunch sa isang eatery, doon din ako naghugas ng binti.Ginabi pa kami sa daan dahil may nasalubong kaming dalawang bata, ang isa sa kanila ay dumudugo ang ulo. Maliit na cut lang daw pala iyon sabi ng nag-iisang doktor sa ospital ng isla ngunit dahil nag panick na din ako ay sa emergency namin dinala. Hinintay pa namin ang mga magulang at isinettle ng bill bago umalis."Magdidinner pa…" paalala ni Kleindro.Kalalabas lamang niya ng banyo, nakapaligo na."Ise-set ko sa warm water ang tub, gusto mo?" tanong niya habang sinusuklay ang buhok."Yes please…"Nagbalik nga siya sa banyo at inihanda ang panligo ko. Muntik pa akong makatulog doon kung hindi lamang kumatok si Kleindro para sa
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more

Kabanata 28

KABANATA 28 :: THOUGHTSSapo ko ang aking dibdib dahil sa pagkagulat.Parang napapasong napahiwalay sa akin si Paul. Magkasing putla na kaming dalawa ngayon, ako ay natural siguradong siya ay hindi."Oh akala ko madami kang paperworks at online meeting? Bakit ka nandito?" takang tanong ko.Hindi niya ako nilingon. Ang mga mata niyang naniningkit ay nakatuon lamang kay Paul na nasa malayong gilid ko."A-Ah sir sige po mauna na ako…" mahinang paalam ni Paul.Sumenyas sa kanya si Paul at mabilis pa sa alas kwartong tumalilis siya palabas ng kusina."Kukuha lamang ako ng tubig," ani Kleindro at parang walang nangyaring dumiretso sa ref.Kumunot ang noo ko dahil sa aking pagkakatanda ay mayroong mini ref at water dispenser sa kanyang opisina.Nakahalukipkip ako habang pinapanood ko siyang uminom ng tubig. Siya rin ang naghugas ng basong ginamit at ibinalik iyon sa lalagyan matapos tuyuin."May meeting ako sa mga Canadian investors. May gagawin ka?" Umiling ako agad. Siguro matutulog na l
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more

Kabanata 29

KABANATA 29 :: VITALSIsang magarang sasakyan ang sumundo sa amin at inihatid kami sa isang tower na may malaking simbolong LVGN. Pag mamay-ari ng pamilya ni Kleindro."May ime-meet ka dito?" tanong ko habang inaalalayan niya ako pababa sa sasakyan.Inilingkis niya ang braso sa aking bewang at saka hinarap ang entrada ng gusali."This is our new home."Laglag ang panga ko habang pilit pinaparehistro sa utak ko ang sinabi niya."Pero diba may bahay ka sa…""It's more convenient here, mas malapit sa trabaho. Hindi na kita kailangang iwanan sa bahay palagi, I can work from here."Para akong nakalutang habang nilalagpasan ang mga empleyadong nadadaanan namin. Lahat sila ay panay ang pagbati sa amin.Halos malula ako sa engrandeng disenyo sa bawat sulok ng pasilyong nilalakaran namin. Napalunok ko ng makita ang repleksyon naming dalawa sa salamin ng elevator. Siya ay nakasuot ng button down gray long sleeves at kulay itim na pants habang ako ay nakasuot ng isang kulay pulang pant suit ter
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status