KABANATA 26 :: MARKETDumating ang bodyguard dala ang isang maliit na first aid. Ointment ang inilagay ni Kleindro sa mga paso at nilinisan naman ng alcohol at cotton ang maliliit na cuts sa aking kamay."Palagi mo na lang ipinapahamak ang sarili mo," aniya ng matapos sa ginagawa.Napanguso na lamang ako.Gusto ko sanang ikatuwiran na wala kaming kakainin kung hindi ako magluluto pero alam kong hindi sya tatanggap ng ng kahit na anong rason."Charan!"Sabay kaming napaligon sa pinanggalingan ng matinis na tinig at ganon na lamang ang pamumutla ni Paul. Ibinalik niya ang 'boyish' na tindig at saka balewalang naglakad patungo sa amin."Nandito na po ang almusal." Inilapag niya ang niluto naming dalawa at halos mangamatis ang mukha ko ng maispatan ang ilang sunog na bacon doon, paniguradong ako ang may gawa.Nang maayos niyang mailapag ang nga iyon sa harapan ay umayos siya ng tayo at kinindatan ako. Umangat ang gilid ng aking labi dahil alam kong nagpapaalam lamang siya para pagnasahan
KABANATA 27 :: PUNISHMENTNatagalan kaming dalawa sa paghahanap ng mga kailangan. Tumulong pa ang isang sales lady doon dahil hindi talaga namin mahanap ang brand ng mayonaise na pinapabili ni Manang. Nasa pinakaitaas pala iyon kaya hindi namin napansin.Bagsak ako sa kama ng makauwi. Kumain pa kami ng late lunch sa isang eatery, doon din ako naghugas ng binti.Ginabi pa kami sa daan dahil may nasalubong kaming dalawang bata, ang isa sa kanila ay dumudugo ang ulo. Maliit na cut lang daw pala iyon sabi ng nag-iisang doktor sa ospital ng isla ngunit dahil nag panick na din ako ay sa emergency namin dinala. Hinintay pa namin ang mga magulang at isinettle ng bill bago umalis."Magdidinner pa…" paalala ni Kleindro.Kalalabas lamang niya ng banyo, nakapaligo na."Ise-set ko sa warm water ang tub, gusto mo?" tanong niya habang sinusuklay ang buhok."Yes please…"Nagbalik nga siya sa banyo at inihanda ang panligo ko. Muntik pa akong makatulog doon kung hindi lamang kumatok si Kleindro para sa
KABANATA 28 :: THOUGHTSSapo ko ang aking dibdib dahil sa pagkagulat.Parang napapasong napahiwalay sa akin si Paul. Magkasing putla na kaming dalawa ngayon, ako ay natural siguradong siya ay hindi."Oh akala ko madami kang paperworks at online meeting? Bakit ka nandito?" takang tanong ko.Hindi niya ako nilingon. Ang mga mata niyang naniningkit ay nakatuon lamang kay Paul na nasa malayong gilid ko."A-Ah sir sige po mauna na ako…" mahinang paalam ni Paul.Sumenyas sa kanya si Paul at mabilis pa sa alas kwartong tumalilis siya palabas ng kusina."Kukuha lamang ako ng tubig," ani Kleindro at parang walang nangyaring dumiretso sa ref.Kumunot ang noo ko dahil sa aking pagkakatanda ay mayroong mini ref at water dispenser sa kanyang opisina.Nakahalukipkip ako habang pinapanood ko siyang uminom ng tubig. Siya rin ang naghugas ng basong ginamit at ibinalik iyon sa lalagyan matapos tuyuin."May meeting ako sa mga Canadian investors. May gagawin ka?" Umiling ako agad. Siguro matutulog na l
KABANATA 29 :: VITALSIsang magarang sasakyan ang sumundo sa amin at inihatid kami sa isang tower na may malaking simbolong LVGN. Pag mamay-ari ng pamilya ni Kleindro."May ime-meet ka dito?" tanong ko habang inaalalayan niya ako pababa sa sasakyan.Inilingkis niya ang braso sa aking bewang at saka hinarap ang entrada ng gusali."This is our new home."Laglag ang panga ko habang pilit pinaparehistro sa utak ko ang sinabi niya."Pero diba may bahay ka sa…""It's more convenient here, mas malapit sa trabaho. Hindi na kita kailangang iwanan sa bahay palagi, I can work from here."Para akong nakalutang habang nilalagpasan ang mga empleyadong nadadaanan namin. Lahat sila ay panay ang pagbati sa amin.Halos malula ako sa engrandeng disenyo sa bawat sulok ng pasilyong nilalakaran namin. Napalunok ko ng makita ang repleksyon naming dalawa sa salamin ng elevator. Siya ay nakasuot ng button down gray long sleeves at kulay itim na pants habang ako ay nakasuot ng isang kulay pulang pant suit ter
KABANATA 30 :: REMOTE CONTROLParang lumilipad ang utak ko habang papasok sa sasakyan sa parking lot ng mall. Naunang bumaba si Kleindro at siya ang nagbukas ng pintuan para sa akin. Abot-abot ang kaba ko lalo pa at maya't-maya ay may lumilingon sa gawi naming dalawa, kalimitan ay napapatulala sa kanya o di kaya ay iniismiran ang kamay naming magkahawak.Dalawang oras lamang kami sa mall dahil nabored ako sa arcade at nagyaya na ring umuwi. Papasok pa lamang kami sa penthouse ay sumalubong na sa amin si Roy, nginitian ko siya. Tipid naman ang naging pagtango niya sa akin at dumirekta ang mata kay Kleindro."Sir, nandito po ang mga kaibigan mo. Pinadiretso ko po sa library gaya ng utos ninyo.""Sige, susunod ako."Gusto ko sanang magtanong kung bakit hindi na lang sa living room pero nakaalis na si Roy at iginiya na din ako ni Kleindro patungo sa kuwarto namin."Kakausapin ko lang muna sila," aniya.Inihatid ko siya ng tanaw hanggang makalabas ng kuwarto. Tumunog ang cellphone kong
KABANATA 31 :: PARTY"Umayos ka nga kase dyan," reklamo ko nang ilang minuto na akong naghahanap pero hindi ko makita dahil nakaupo pa rin siya habang naghahanap habang ako ay nakaluhod sa sofa.Nakagat ko ang labi nang mapasulyap sa harapan, pareho nang walang saplot ang dalawang bida. Patuloy namang nag e-echo sa utak ko ang mga tunog na mula doon.Mas binilisan ko pa ang paghahanap."Found it!"Sa wakas."Ah… No, Vanilla that's…"Napanguso ako."Tumayo ka, niloloko mo ko eh, naipit pala sa hita mo!""Shit bitawan mo ang—""Klein kase!"Nataranta ako lalo nang tumayo siya, muntik na akong mahulog sa sofa, mabuti na lang at naitukod ko ang isang paa sa carpet."Hoy san ka pupunta?"Parang walang naririnig, dire-diretso siyang naglakad palabas bitbit pa ang bowl ng fries na hindi pala niya binibitawan kanina pa."Anong problema nun?"Hmp! Whatever.Itutuloy ko na sana ang panunuod dahil komportable naman kung wala si Kleindro pero napasulyap ako sa isang sofa at doon nakita ang remote
KABANATA 32 :: FAMILYKinagat ko ang labi. Sa kabila ng tensyon, hindi ko maiwasang mapangiti lalo pa dahil awkward na tumawa si Auntie."Ah ganon ba? Congratulations then, dearest niece.""Cousin!" dumiretso sa akin si Karina.Ever since talagang hindi ko ka-close ang mga kamag-anak sa ano mang side ng pamilya. Lalo pa at sa Manila naman siya lumaki, hindi sa Baguio. Kung magkikita man kami ni Karina, hindi rin nakakapag-usap dahil kay Mocha naka focus ang lahat."Hi! Sorry hindi ako nakaattend sa engagement nyo ni Atticus, nasa Macau kase ako alam mo na bakasyon— Ma, ano ba?"Maarte niyang hinawi ang kamay ni Auntie na nasa braso niya.I chuckled. Gumaan na nang tuluyan ang pakiramdam ko."Ayos lang Karina, we called the engagement off," hinarap ko din si Uncle Milo. "Good evening, Uncle.""Vanilla, good evening iha."Nakipagkamayan siya sa akin at kay Kleindro habang ang mag-ina ay patuloy pa rin sa pagbubulungan.Autie Kara excused them. Wala namang nagawa sina Uncle at Karina kun
KABANATA 33 :: MEETINGInayos ko muna ang sarili bago tuluyang lumabas. Naabutan ko si Kleindro sa di kalayuan."Anong ginagawa mo dito?""Kanina ka pa nandyan sa cr kaya…"Hinintay kong ituloy niya pero hindi niya ginawa, bagkus siya na mismo ang tumawid sa ilang hakbang na pagitan namin, agad na inilingkis ang kamay sa aking bewang at iginiya ako paalis."Hindi na ba tayo magpapaalam sa mama mo?"He shrugged."She's probably busy with her amigas by this time."Tumango-tango ako.I get it. His mom is a social butterfly. Imposible nga naman na walang pumasin dito. Kahit yata sa pinakasulok ito tumayo, hindi maaaring hindi ito makaagaw atensyon.With that regal beauty, powerful aura, and shiny diamonds only a fool wouldn't notice her.Maraming mata ang nasa amin kaya hindi ko pa rin maalis ang kaba. Sa mapanuring mga tingin alam kong maraming kilay ang tumataas tuwing dadako ang tingin sa amin."Uuwi na talaga tayo?" Sa pagsulyap ko sa dagat ng mga tao, nahuli ko ang tingin ni Mocha s
KABANATA 65 :: SHOCKED"Great!" Inna clapped in glee, "Tara sama ka sakin nandito sina Harry at Vince miss ka na nila!"Wala akong nagawa nang hilahin niya ako palabas ng banyo.I treated them like my real friends after all. Medyo nakakalungkot nga lang na nawala sa grupo nila ang kapatid ko.Baka dahil sa akin o sa marami pang bagay na hindi nila napagkakasunduan ni Kleindro. Kahit ano pa man iyon nakakapnghinayang din ang ilang taon na friendship.Hindi kase nagkekwento si Kuya Kendrick tungkol doon lalo pa at ingat na ingat kami kay Kendria. If she heard it from her uncle, for sure she'll go nuts and I don't want that.Laglag ang panga ng dalawang lalaki na nadatnan namin sa lamesa. Harry immediately asked if he was dreaming while Vince stared at me like a weirdo.Nalaman ko na nandito din si Gem kanina pero umuwi na kasama ang kambal nila ni Vince dahil inaantok na ang mga bata."Kalma guys ako lang to," pab
KABANATA 64 :: SLUTWalang katapusang pagbibilin ang ginawa ko bago iwanan si Kendria kay Erna. Hindi kase sanay ang anak ko na matulog mag-isa kaya pinakiusapan ko si Erna na tabihan muna sya o di kaya ay bantayan hanggang sa makatulog.Nagpaalam naman ako kay Kendi pero alam kong iba ang tantrums nya kapag nagising tapos hindi ako mahagilap.I still don't know what time will I go home exactly dahil halos hating-gabi ang simula ng party, alas nuwebe. Actually, late na ako dahil nine thirty na pero ang sabi naman ni Kuya Kendrick ang mahalaga lang ay magpakita ako doon, hindi ko naman kailangan na magtagal."Ako na po ang bahala Ma'am," ani Erna.Sinulyapan ko si Kendria na payapa nang natutulog sa kanyang kama at saka tinapik si Erna para magpaalam."I-lock mo na lang ang pinto paglabas ko ha? May duplicate key ako kaya ako na ang bahala pag-uwi ko mamaya. Yung gatas ni Ken nasa bed side table tsaka kung magkaproblema tawagan mo
KABANATA 63 :: FAMILIAR"Usap tayo mamaya ha anak?" I kissed he cheeks and stood up. "Erna sa loob muna kayo pupunta lang ako sa home owners ek-ek, wag mong palabasin ng bahay baka mamaya makapatay na yan."Mang makapasok ang dalawa sa bahay ay saka ako tumulak paalis. Walking distance lang ang layo ng bahay namin sa opisinang sinasabi ni Erna kaya naglakad na lamang ako. Wala rin naman akong choice dahil wala akong kotse.The fat woman near the door greeted me politely, kabaligtaran nang nadatnan ko sa loob.Ang mga ulo ay halos sabay-sabay na bumaling sa akin kaya taas noo akong pumasok sa loob. Limang tao ang nasa silid. Ang babaeng nakaupo sa swivel chair, ang isang babaeng sopistikada at isang lalaki sa tabi niya. Ang dalawa pang babae ay nakatayo sa gilid ng nasa swivel chair."Good afternoon po, sorry I'm late kagagaling ko lang kase sa trabaho…" I said softly and sat to the chair across the couple."No wonder na
KABANATA 62 :: PUNCHKalalabas ko lamang sa kusina. I helped the kitchen staff dahil nagpaalam na si Thana na magreresign. She didn't told me why exactly but she promised to explain when things get better.Naninibago ang kitchen staffs syempre kahit naman minsan wala si Thana alam namin na babalik sya. Nag post na kami ng hiring kanina, marami-rami nang nag apply.Si Joryl ang nag s-screen niyon habang ako naman ang mag iinterview. I want someone trustworthy and as good as Thana kaya mas mabuting hands on ako sa pagpili."Hi Vanna!" a cheerful voice greeted me.Namukhaan ko siya though, I can't remember his name. Kasama nya yung mga kaibagan nyang highschooler yata kahapon."Hi again, I told you to call me Ate," I said softly.Tinawanan nya lang iyon at ipinagkibit balikat.Ang peircing niya ay kumikinang kagaya ng suot niyang silver watch. Still wearing his school uniform na may logo ng school at pangalang nakaburda sa baba, Kirk Franklin Diosdado."Mukhang busy kayo ah?" tanong niya
KABANATA 61 :: DADDY"You can close your mouth lady, I can almost see your throat from where I was standing," he said in a usual arrogant tone.Napakurap-kurap ako at agad na isinara ang bibig. Tinakpan ko pa iyon bago siya tiningnan ng masama.Pakiramdam ko ay sasabog na lamang bigla ang pisngi ko dahil sa labis na pag-iinit noon."What? I was just trying to be nice," he said opposite to his grim face.Nice? Sa pagkakaalam ko wala ang salitang nice sa bokabularyo nya. Take note that being nice is included after an arrogant remark. Wow Lavaigne, just wow!Pinangunutan ko siya ng noo matapos humalukipkip sa harapan niya."I don't need nice people here," inis kong pakli sa kanya.Sinulyapan ko pa ulit ang gulong ng kotse ko at binalingan siya.I caught him intently looking at me as if I am a specimen under his microscope and my damn heart is beating faster and louder than it should be."Why are you even here? Aren't you supposed to be working?" And why are you acting this casual when in
KABANATA 60 :: EFFORTLESSAlways be polite with costumer, I remember saying that as the cafe's number one rule and now I might take it back."Hindi ka mukhang waitress kase mukha kang future ko," banat ulit ng isa.I cringed silently when he looked at my clothes but my mind is a bit preoccupied with something.Strike three! Kung baseball lang ito kanina pa sila nasipa palabas.Mint green candage crop top at high waist denim shorts kase ang suot ko. Natatakpan naman iyon ng apron at may cardigan akong baon in case na malamig. Some says na hindi ako mukhang nanay kung manamit and I just want to ask them sana kung may dress code ba ang mga nanay.My heart is slamming hard against my chest. This traitor organ!His eyes were dark and hooded with an emotion I couldn't read. Napaiwas ako agad nang tingin sa kanya nang magtama ang mga mata namin. He looked kinda pissed, I don't know if I got it right coz his face is ne
KABANATA 59 :: STAREKendi enjoyed eating the Black Forest. Laking pasasalamat ko na lang na hindi sya mapagtanim ng tampo dahil kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko."Oh kamusta si Kendi?" tanong ni Kuya Kendrick sa kabilang linya.Kung hindi pa siya tumawag ay hindi ko pa nalaman na biglaan siyang nagpunta sa Palawan.This guy and his mood swings. Minsan he's normal, madalas abnormal.Sinulyapan ko si Kendria sa kama bago naglakad palabas ng kanyang kwarto. I tucked her to bed and read a story book kaya madali siyang nakatulog."She's fine. Nakalimutan na ang tampo. How about you? Are still fine brother?"That was supposed to be a light question but I heard him sigh heavily."Hindi ko na alam..." he sounds so tired.Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pinagdaraanan nya. Hindi man nya sabihin lahat, paminsan-minsan ay nadudulas siya o kusang nagsasabi ng ilang detalye."Kuya, kung maha
KABANATA 58 :: CAKESaglit pa akong napatanga sa kinatatayuan bago tuluyang makabawi.Kumurap-kurap ako at naglihis ng mata. Panay ang kalabog ng lintik kong puso.Kendi, baby asan ka na ba?Halo-halo ang nararamdaman ko habang patuloy na naghahanap ay napasulyap ako sa buffet table partikular sa isang bultong nakatayo malapit doon.Halos apat taon... Napakaraming nagbago at siguradong isa na doon ang pangangatawan niyang kung noon ay sexy na, ngayon kahit yata may button down long sleeve, ulam na."Ate, nahanap na po ni Kuya Kendrick si Kendi, nasa kusina po kasama si Sir Rod," agad na saad ni Erna nang sumulpot sa tabi ko.Isang sulyap pa at saka ako tumalikod para pumunta sa kusina.Tiwala akong hindi nagkita ang mag-ama dahil kung nagkataon tiyak na kokomprontahin ako ni Kleindro. Pero wala siyang ginawa kundi bigyan ako ng blangko ngunit mariing titig.Halos hapo pa ako nang makarating kay Kendria
KABANATA 57 :: DARKNatagalan pa kami bago makarating sa dapat puntahan dahil dumating na din ang ibang empleyado. Medyo nagkwentuhan pa kami dahil tuwang-tuwa sila sa presensya ng anak ko.Bitbit ang isang malaking duffel bag na naglalaman ng mga pangangailangan ni Kendria gaya ng gatas, pamalit na damit at ilang mga laruan ay nagpunta kami sa opisina. Dumating kase si Hailey na akala namin ay male-late."Mimi, work. Me, play. Go Mimi go!"Hindi ko maiwasang halikan ang pisngi ni Kendi habang pareho kaming nakaupo sa couch sa loob ng opisina.Itinuro na niya ang lamesa ko kung sana nakapatong ang mga reports mula sa tatlo pa naming branch. Once a month ay binibisita ko ang mga iyon, mas tutok lang ako sa Manila branch dahil mas malapit sa amin, hindi ko na kailangang iwanan si Kendria."Ang bait-bait naman ng anak ko! Dahil dyan... Anong gusto mong lunch?"Nagliwanang pa lalo ang kanyang mukha at kung wala siya sa kandu