KABANATA 1 :: DRUNK
Marahan akong lumakad papasok sa bulwagang napapalamutian ng huwad na kagandahan. Karangyaang pilit itinatago ang baho at mga kapintasan, nakakasuka."Vanna, iha! Ikaw na ba iyan? Naku ang laki mo na pala!"Mula sa taas noong paglalakad ay lumapit ako sa kanilang lamesa at inihanda ang ngiting ilang linggo kong pinagsanayan para sa okasyong ito."Aunt Kara," balak ko pa sanang dugtungan pero ngumiti na lamang din ako nang mapagtantong ang ngiti nya ay gaya nang sa akin— peke.Gusto ko mang irapan ang bawat kamag anak at kakilala na nasa bulwagan ay hindi ko ginawa. Nagkukunwari lamang silang may pakealam sa kasiyahan ngunit ang totoo ay narito sila upang humanap ng mga kasosyo sa negosyo, ibida ang kanilang mga ari-arian at ipagmayabang sa lahat ang natatangi nilang mga unico iho at iha.Kawang gawa? Sinong maniniwala sa pagtulong nilang ipinangangalandakan sa mundo? Kabaliwan!"Kumakain ka nyan?" sinulyapan niya ang beef echiladas na kinakain ko kanina na hanggang ngayon ay bitbit ko pa at muling ibinalik ang ngiti matapos ang ilang saglit na pagtaas ng kilay. "Masyadong malangis, Vanna. Di ka ba natatakot na tumaba?"Nakakasuka ang isiping mismong kamag-anak ang ganitong mag isip."Wag kang magbiro, Auntie. Tumaba? Kumakain ako limang beses isang araw pero kahit isang kilo walang nadagdag sa timbang ko. Wala yan sa pagkain, nasa may katawan yan."Napatanga siya ngunit hindi na ako nakapagbunyi dahil sumingit naman ang isa pang pinsan ni Mama."Vanna, nasaan ang fiance mo? Balita ko maganda ang resulta nung fashion summit nila ni Mocha.""Ano pa bang aasahan mo, simula pa naman noon lahat ng gawin ni Mocha ay hindi pumapalpak.""Gumraduate iyon ng Suma Cum Laude sa Amerika, hindi katulad nitong..."Napatiim bagang ako nang magsibalingan sa akin ang atensyon ng mga nasa lamesa.Halos hindi ko na nasundan kung sino ba ang mga nagsasalita dahil nabibingi ako sa kakabanggit nila sa panglan ng aking nakatatandang kapatid."Vanna, iha ano nga ulit ang tinapos mo?"Tumikhim ako at umayos nang pagkakatayo."Multimedia Arts po."Bahagyang ngumiwi si tita Valeria na siyang nagtanong samantalang ang iba naman ay halata ang disgustong bumalatay sa mga mukha."Bakit hindi ka nang business administration kagaya ni Mocha? Ayaw mo bang tumulong sa family business?""Tito, kaya na po iyon ni Mocha. Isa pa, hindi ako kasing galing nya. Excuse me po."Nagkunwari pa akong nakangisi bago tuloy-tuloy na naglakad patungo sa mesa ng mga alak kahit ang totoo ay gusto ko silang saksakin nang tinidor na nasa aking plato.Nakakabanas makipag-usap sa kanilang lahat.Nang may waiter na dumaan ay ibinigay ko ang platong hindi ko alam kung bakit ko dala-dala. Halos hindi pa ako nakakakain dahil hindi ko mahanap si Atticus maging ang mga magulang ko. Magta-tatlumpong minuto na yata akong naglilibot sa buong function hall.Dinampot ko agad ang isang kopita na may kulay gintong likido at diretsong ininom iyon. Sa unang paglapat ay parang napapaso ang aking lalamunan ngunit kalaunan ay nasanay ako sa init na hatid niyon kaya hindi ko ibinaba hanggang hindi nauubos ang laman.Kontento akong napangisi nang maibaba ang kopitang walang laman dahil ang init nang alak ay tama lamang para hindi ako manginig sa lamig ng air-conditioned na lugar.Kung hindi ipinasadya ni mama ang backless long gown na ito, hindi ko ito susuutin."Vanilla, nasaan ang mapapangasawa mo?""Hindi ko alam, mama."Tumaas ang kilay ng aking ina.Ang kanyang maputing kutis dulot ng pagiging purong Latina ay mas nadepina sa suot niyang kulay itim na evening dress. Napapalamutian iyon ng mga beads at kristal kaya sa unang tingin ay alam na hindi basta-basta ang presyo."Yung ipinapalakad ko sa iyo para sa surprise party ni Mocha, naayos mo ba?""Opo mama, ayos na po pati yung venue at pagkain."Tatlong buwan na lamang kase at kaarawan na ni Mocha kaya naman ako ang inuutusan nya para mag ayos.Hindi naman ako nahirapan dahil kilala ang apelidong dala namin, marami akong nalapitan. Ang five layered cake na gusto niyang magmula pa sa France lamang ang tanging pinagtalunan namin dahil ang chef na gusto niyang magbake at gumawa noon ay nasa anim na buwang bakasyon.Ilang araw niya ako sinesermonan dahil doon."Mabuti. At yung invitation, baka makalimutan mo ang mga kaibigan ng ate mo," pinandilatan niya ako ng mata at ilinumpas bigla ang kamay. "Maraming kaibigan si Mocha kaya siguraduhin mong wala kang makakalimutan.""Opo mama."Tatlong araw lamang ang pagitan ng kaarawan naming magkapatid kaya gusto ko rin sanang itanong kung may plano ba sila para doon. Kadalasan kase ay abala sila sa petsang iyon kaya binibigyan na lamang nila ako ng pera para bilhin ang kahit ano at pumunta kung saan ko man gusto."Hinihintay na ako ng papa mo, hanapin mo si Atticus para hindi ka mukhang kawawa diyan sa gilid."Kumalat ang pait sa sistema ko pero hindi ko yun ipinahalata. Ngumiti pa rin ako at tumango-tango."Sige po, hahanapin ko."Agad na tumalikod si mama at walang lingon likod na lumayo sa akin.Isang oras nang nagsisimula ang party at halos nalibot ko na ang venue kaya nagdesisyon akong magtanong na lang sa front desk.Nakailang text na ako kay Atticus pero hindi nya sinasagot pati ang aking tawag."Hi, Flora!" bati ko sa matangkad na babaeng nasa front desk."M-Ma'am Vanilla Leticia..."Napangiwi ako nang mabanggit ang pangalang ayoko marinig."Vanna na lang," ngumisi ako para ibsan ang tensyon niya. "Anyway, may napansin ka bang dumaan dito na matangkad, mestiso at hmm... Gwapo?""Si Atticus po ba, yung fiance nyo?""Ah yes sya nga! Nakita mo?""Kasama po ni Ma'am Mocha."Lumapad ang ngiti ko."Okay great! Alam mo ba ang room number na kinuha ni Mocha, baka alam nya kung nasaan si Atticus itatanong ko lang.""A-Ah ma'am magkasama po sila.""Sa room? I doubt it, Flora. Si Mocha kase mas gustong mag stay dito sa hotel habang nagmamanage kesa sa bahay. And Atticus is my fiance, hindi nila yun magagawa.""S-Sorry po ma'am..."Ngumisi ako at nagpaalam sa kanya.I don't mind it, really.Sa tatlong taon naming relasyon ni Atticus marami nang nagsabi na hindi kami tatagal dahil playboy sya at magsasawa din sa akin. Sa awa naman ng Diyos buo pa rin ang tiwala ko sa kanya.Umakyat ako sa tamang palapag. Ginagawa pa ang penthouse na ipinasadya nina mama para sa kapatid ko kaya dito sya mga kuwarto sa hotel nag i-stay. Medyo malayo kase ang biyahe dahil nasa Baguio ang mansyon namin.Naiwang nakabukas ang pinto kaya hindi ko na nagamit ang keycard na ibinigay sa akin. Perks of being related to the owners.Napatda ako sa kinatatayuan nang mapagtanto kung sino ang dalawang taong nasa kama.Ang mahihinang halinghing ng aking kapatid ay tila lasong kumakalat sa sistema ko."Ah... Shit Atticus ang sarap mo ugh..."Sila? Bakit? Paano?"Goodness... Yeah uhmmm..."Nakasandal ang ulo ni Atticus sa headboard ng kama habang si Mocha naman ay nakaupo sa kandungan niya. Marahil sa sarap ng pag-iisa, hindi nila napansin na nakatayo na ako sa tapat ng pintuan.Kitang-kita ko ang hubad na katawan nilang dalawa pati ang kamang nakikisabay sa kanilang ginagawa.Dapat ay umalis na ako. Dapat tumakbo na ako palayo pero nanatili akong tuod sa kinatatayuan nanuod lamang sa pinakamasakit na tanawing hindi ko inakalang masasaksihan ko."M-Mahal..."Tangina. Napapikit ako nang mariin dahil nabasag ang boses ko."Vanna?"Dumagundong sa buong silid ang tila kulog na boses ni Atticus pero halos hindi na iyon rumehistro sa pandinig ko dahil ang sistema ko ay abalang iproseso ang lahat ng nakita.Naramdaman ko ang marahas na paghila sa akin at halos matumba ako nang bigla akong bitawan ni Atticus at pabalang na isinara ang pinto.Napakislot ako sa lakas nang tunog na nilikha noon.Nang muli ko silang lingunin ay palakad-lakad na si Atticus sa di kalayuan sa akin suot ang roba at si Mocha naman ay tahimik sa kama, nakapulupot sa kanyang katawan ang kumot."Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa party ka?""A-Atticus—""Tangina naman Vanna, wag kang umiyak-iyak diyan!""So ngayong alam mo na, baka puwede mo nang palayain si Atticus." walang habas na singit ni Mocha.Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya."Fiance ko yan, Mocha! Tingin mo ba—""Tanga ka ba Vanilla o ano? Hindi ka nya mahal! Narinig mo? Hindi sya masaya sayo!""Hindi totoo yan!"Akmang susugod na ako para hablutin ang buhok ni Mocha ay mabilis na hinawakan ni Atticus ang dalawang kamay ko at kahit anong piglas ay hindi ako makawala. Kaya ginamit ko ang isang paa para sipain siya."Tangina mo Atticus! Pinagkatiwalaan kita! Tatlong taon!""Tumahimik ka Vanna! Sa tatlong taon na yan hindi ako sumaya sayo!""Hindi ako naniniwala sayo! Hindi yan totoo," binalingan ko si Mocha na nakangisi habang nanunuod sa amin.Wala man lang awa o bahid ng konsensya sa kanya. Ang naroon lamang ay ang demonyong nagsasabi na wala ang aking kapatid."Malandi ka, Mocha! Alam mong may relasyon kami pinatos mo—""Well... Hindi ko kasalanan na mas masarap ako kesa sayo!"Bumangon ang pagpupuyos sa aking dibdib kaya nagwala ulit ako pero dahil hawak ni Atticus ang kamay ko ay wala akong nagawa.Napahagulgol na lamang ako ng iyak habang unti-unting napapaupo sa sahig.Nang tuluyan na akong malugmok ay binitawan na ni Atticus ang kamay ko ngunit nantili pa rin siyang alerto.Ramdam na ramdam ko ang awa para sa sarili ko. Tatlong taon! Potanginang engagement yan! Bakit ako pa? Bakit kapatid ko pa?Tulala ako habang palabas ng kuwarto, hindi alam kung saan pupunta. Hindi ko matandaan kung ilang minuto pa akong nanatili sa sahig dahil namalayan ko na lamang ay ang pag alis ng dalawa.Kung babalik ako sa party ay baka nandoon sila at tiyak na magagalit sina Mama at Papa kung mag eeskandalo ako.Pinahid ko ang luha ngunit hindi na nag-abala pang tingnan ang itsura ko sa harap ng salamin. Dire-diretso akong nagmartsya palabas ng hotel at sumakay ng taxi.Nagpahatid ako sa isang bar di kalayuan sa hotel.Muntik pa akong hindi papasukin dahil sa suot kong gown pero nang mapansin ng bantay na handa na akong i*****k ang takong ng heels ko sa lalamunan niya ay hinayaan niya akong makapasok.Sa bar counter ako dumiretso. Halos walang tao doon dahil marami nang nagsasayaw sa dance floor sa saliw ng isang saxophone.Margarita ang inorder ko at diretsong nilaklak iyon kahit bago pa lamang iaabot ng kawawang bar tender ang lemon.Nakailang shot na ako nang mapansin ko ang paninitig ng isang lalaki sa aking gilid."Bakit?"Hindi na ako nahiyang ilabas ang taray na nakakulong sa balikinitang katawan. Umaalon na ng bahagya ang aking paningin kaya alam kong tumatama na ang alak."Masasama bang tumingin sa maganda?"Sumimangot ako nang ngumisi sya.Mga lalaki nga naman. Saksakan ng kaplastikan. Sasabihan ka ng magagandang salita. Papaniwalain ka na posible ang habang buhay sa piling nila. Tapos kapag hulog ka na, saka sila aalis para wasakin ka.KABANATA 2 :: ARROGANT"Sayang gwapo ka pa naman, ang luma lang ng banat mo."Nawala ang ngisi niya at napalitan iyon nang nag iigting na panga.May kung anong emosyon sa kanyang mata na hindi ko mabasa."Anong ginagawa mo dito sa bar?"Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko, partikular ang aking suot.Pinaalala lamang noon sa akin kung bakit nga ba ako naglalasing.Napapikit ako hindi dahil sa neon lights na tumama sa aking mata kundi sa pagragasa ng bawat ala-ala."Well... Hindi ko kasalanan na mas masarap ako sayo!""Tumahimik ka Vanna! Sa tatlong taon na yan hindi ako sumaya sayo!""Tanga ka ba Vanilla o ano? Hindi ka nya mahal! Narinig mo?""Tangina naman Vanna, wag kang umiyak-iyak diyan!"Walang pag dadalawang isip kong hinila ang collar ng lalaki at sinibasib ito ng halik. Ilang minuto siyang natulos sa kinatatayuan bago tuluyang tumugon."Mas magaling si Mocha, bakit si Vanna?""Wag na. Kaya yan ni Mocha mag-isa mabuti pa Vanna sa bahay ka na lang muna."Nanguyapit ako sa
KABANATA 3 :: SPLASH"Anak, aalis ka ba talaga?"Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo.Ang kulubot na balat ng matandang nagpalaki sa akin ay kababakasan ng lungkot. Kanina pa siya umiiyak at nakikiusap na manatili na lamang ako dahil huhupa din ang galit ni Mama pero palagay ko ay mali siya.Nang iwanan nila akong nakaligmok sa sala ay ipinakandado niya ang aking silid para siguraduhing wala talaga akong madadalang kahit na ano.Ang damit nga na suot ko ay isang maliit na bestidang bulaklakin ng asawa ni Berto. Pinahiram ako dahil gown at heels pa din ang aking suot."Ayos lang ako Nana, sa Maynila po muna ako habang galit pa ang Mama.""Bukas ang bahay namin para sayo, anak. Kumatok ka lamang."Nginitian ko ng tipid ang matanda ngunit ng kabigin ako para sa isang yakap ay hindi ko mapigilang humagulgol sa kanyang balikat.Mali ako nung inisip kong walang kapamilyang nagmamahal sa akin dahil simula pagkabata, si Nana ang kakampi ko. Palagi siyang naka
KABANATA 4 :: OFFERMasakit sa matang sinag nang araw ang bumungad sa akin pagkamulat na pangkamulat ko ng mata. Malayo sa kulay ginto at kayumangging victorian interior ng aking silid ang kulay puti at itim na kuwartong ito. Malaki ang espasyo dahil bukod sa minimal ng mga gamit ay halatang lalaki ang may ari. Kung hindi man, maiisip mo agad na ito ay ang taong ayaw sa lugar na masikip.Dahan-dahan akong bumangon sa kama at pilit inalala kung bakit ako napadpad sa lugar na ito. Ang huling tanda ko ay walang-wala akong pera dahil pinalayas ako sa amin at gusto ko nang mamatay.Natuptop ko ang bibig at inilinga-linga ang mga mata sa paligid. Puti. May liwanag. Ito na ba ang modernong bersyon ng langit?Bumaba ang paningin ko sa aking suot. Puting night dress ang dating bulaklaking bestida.Ang mga katanungan ko ay nasagot sa biglaang pagpasok ng lalaking nakasuot ng isang pormal na uniporme.Mukhang nagulat siya nang makitang nakaupo na ako sa malapad na kama ngunit sa isang kurap ay
KABANATA 5 :: WEDDING"Mama... Kapag nawala ba si Vanna sasaya ka?"Isang malutong na halakhak ang pumuno sa silid aklatan na kinaroroonan namin."Kapag sinabi kong mamatay ka, gagawin mo ba?"Napatitig ako sa sapatos kong punong-puno nang putik. Kailangan ko kaseng suungin ang mataas na baha kahit umuulan pa dahil tiyak na magagalit si mama kapag inabot ako nang dilim sa paaralan. Si Mocha lamang ang sinundo niya at naiwan ako dahil sabi ni Titser hindi aalis kapag walang sundo. Nakiusap lamang ako sa kanya at sinabing abala sa trabaho ang mama ko.Basang-basa ako pati ang lahat ng mga gamit sa loob ng bag ko pero dito ako dumiretso para ihabol ang pagbati ko sa kaarawan ni Mama.Bukas pa iyon pero isasama nila si Mocha patungong Maynila para doon magcelebrate kaya maiiwan ako dito."Umalis ka na Vanna habang nakakapagtimpi pa ako sayo."Mula sa backpack na tumutulo pa sa pagkabasa ng tubig ulan ay kinuha ko ang regalo ko sa kanya. Kahit nangingig ang kamay dahil sa lamig at kaba ay
KABANATA 6 :: LIMOUSINEKumpletong kolerete sa mukha ang ibinigay sa akin ni Roy, ang isa sa sandamakmak na men in black na nagkalat sa bahay ni Kleindro. Pinaghahanda ako para sa kasal na dinaig pa yata ang bullet train sa sobrang bilis. Tinawanan ko lamang si Kleindro nang sabihin niyang magpapakasal kami ngayon dahil akala ko'y nagbibiro siya pero heto at totoo pala.Suot ang dirty white terno, inayos ko ang pagkakapony tail ng aking buhok. Natural na alon-alon iyon kaya pinlantsya ko para mas magmukhang pormal.Matapos masigurong maayos ang buhok ay sunod kong inayos ang aking mukha. Wala akong ibang inilagay kundi ang kulay maroon na lipstick at manipis na eyeliner para hindi naman ako mukhang zombie sa mata ko.Tipid ang naging pag ngiti ko sa harap ng salamin matapos makita ang kinalabasan.Sa wakas hindi ko na kailangang umaktong kagaya ng ibang tao."Are you done?"Napapitlag ako ng maramdaman ang labi ni Kleindro sa aking leeg.Sa sobrang okupado ng aking isip ay hindi ko n
KABANATA 7 :: PHONECALLUmingay ang VIP room na kinaroroonan ng mga kaibigan ni Klein sa aming pagdating. Lima silang nasa lamesa at ang iba ay pamilyar sa akin. At sa mesa ay nakahain ang sandamakmak na putahe at pagkain."Mabuti at naisipan mong mag-imbita sa celebration!""Naku nagmamadali yan! Sa ganda ng bride baka atrasan pa."Umugong ang tawanan nang pakitaan ni Klein ng middle finger ang dalawang lalaking nangantyaw sa kanya."Hindi ko na kayo inimbita dahil mga tarantado kayo baka masira nyo pa ang kasal ko."Nagtawanan ang mga lalaki at nagngisian naman ang mga babae. Balewala iyon kay Klein na ipinaghila pa ako ng upuan bago naupo sa tabi ko. Syempre hindi iyon nakaligtas sa kantyawan."Oh naging gentleman ka na? Sabi sayo si kupido ang kailangan mo."Tipid akong napangiti.Kupido? Sex kamo."Manahimik ka dyan Kendrick!" binalingan nya ang iba. "Eto si Vanna."Hinintay kong ipakilala niya ang mga kaibigan ngunit nagkusa na ang mga ito."Hi Mrs. Lavaigne, ako si Harry. At e
KABANATA 8 :: BOREDOMNakailang balikwas na ako sa pagkakahiga pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Halos alas otso na ng gabi pero ang diwa ko ay gising na gising pa din. Asan na kaya si Kleindro?Tiningnan ko ang bagong cellphone na ibinigay niya sa akin kanina matapos kaming mag lunch at saka lamang naisipang kalikutin iyon.Ang default wallpaper ay pinalitan ko ng litrato ng aking paa. Nang makontento ay saka ako nagpunta sa contacts at dalawang numero lamang ang nandoon; pangalan ni Klein at ang kay Roy na may caps lock pang warning, kausapin lang daw kung emergency.Baliw talaga, nakabuntot nga si Roy hanggang sa hapagkainan mukha bang makikipag text mate ako?Ako:Anong oras ka uuwi?Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya kaya imbis na magpaka bad trip ay nagbihis na lamang ako ng two piece at pinatungan iyon nang makapal na bathrobe.Nagsitayuan ang dalawang bodyguard na nasa sofa at parehong nakatingin sa aking itsura, nagtataka."Dito na lang kayo sa loob, maliwa
KABANATA 9 :: BEAUTIFUL"Nakaalis na si Kleindro?" tanong ko sa dalawang bodyguard na nakaposte sa ibaba ng hagdan."Maaga pong umalis. Pinapasabing may pupuntahan kayo mamayang hapon.""Sinabi ba kung saan?"Umiling siya kaya nagkibit-balikat na lamang ako.Oh well… Pang ilang araw ko na ba dito ulit? Parang kelan lang at nakatulala ako sa fireplace habang nakasuot ng makapal na damit. Bihira akong lumabas lalo na kapag bagsak ang temperatura at heto ako ngayon sa napakainit na syudad. Hindi ko maimagine ang buhay na walang aircon."Nakahanda na po ang almusal sa garden," si Roy ang sumalubong sa akin nang akmang papasok na ako sa dining room."Sinong nagpalagay doon?" kunot noong tanong ko."Utos po ni Mr. Lavaigne."Inikot ko ang mata at sumunod sa kanya palabas.May stone pathway mula sa kitchen backdoor patungo sa gazebo na nakatayo sa mismong gitna ng garden.Hindi ko pa pala nalilibot ang bahay. Nagpasalamat ako kay Roy na agad namang dumistansya para hayaan akong kumain ng ma
KABANATA 65 :: SHOCKED"Great!" Inna clapped in glee, "Tara sama ka sakin nandito sina Harry at Vince miss ka na nila!"Wala akong nagawa nang hilahin niya ako palabas ng banyo.I treated them like my real friends after all. Medyo nakakalungkot nga lang na nawala sa grupo nila ang kapatid ko.Baka dahil sa akin o sa marami pang bagay na hindi nila napagkakasunduan ni Kleindro. Kahit ano pa man iyon nakakapnghinayang din ang ilang taon na friendship.Hindi kase nagkekwento si Kuya Kendrick tungkol doon lalo pa at ingat na ingat kami kay Kendria. If she heard it from her uncle, for sure she'll go nuts and I don't want that.Laglag ang panga ng dalawang lalaki na nadatnan namin sa lamesa. Harry immediately asked if he was dreaming while Vince stared at me like a weirdo.Nalaman ko na nandito din si Gem kanina pero umuwi na kasama ang kambal nila ni Vince dahil inaantok na ang mga bata."Kalma guys ako lang to," pab
KABANATA 64 :: SLUTWalang katapusang pagbibilin ang ginawa ko bago iwanan si Kendria kay Erna. Hindi kase sanay ang anak ko na matulog mag-isa kaya pinakiusapan ko si Erna na tabihan muna sya o di kaya ay bantayan hanggang sa makatulog.Nagpaalam naman ako kay Kendi pero alam kong iba ang tantrums nya kapag nagising tapos hindi ako mahagilap.I still don't know what time will I go home exactly dahil halos hating-gabi ang simula ng party, alas nuwebe. Actually, late na ako dahil nine thirty na pero ang sabi naman ni Kuya Kendrick ang mahalaga lang ay magpakita ako doon, hindi ko naman kailangan na magtagal."Ako na po ang bahala Ma'am," ani Erna.Sinulyapan ko si Kendria na payapa nang natutulog sa kanyang kama at saka tinapik si Erna para magpaalam."I-lock mo na lang ang pinto paglabas ko ha? May duplicate key ako kaya ako na ang bahala pag-uwi ko mamaya. Yung gatas ni Ken nasa bed side table tsaka kung magkaproblema tawagan mo
KABANATA 63 :: FAMILIAR"Usap tayo mamaya ha anak?" I kissed he cheeks and stood up. "Erna sa loob muna kayo pupunta lang ako sa home owners ek-ek, wag mong palabasin ng bahay baka mamaya makapatay na yan."Mang makapasok ang dalawa sa bahay ay saka ako tumulak paalis. Walking distance lang ang layo ng bahay namin sa opisinang sinasabi ni Erna kaya naglakad na lamang ako. Wala rin naman akong choice dahil wala akong kotse.The fat woman near the door greeted me politely, kabaligtaran nang nadatnan ko sa loob.Ang mga ulo ay halos sabay-sabay na bumaling sa akin kaya taas noo akong pumasok sa loob. Limang tao ang nasa silid. Ang babaeng nakaupo sa swivel chair, ang isang babaeng sopistikada at isang lalaki sa tabi niya. Ang dalawa pang babae ay nakatayo sa gilid ng nasa swivel chair."Good afternoon po, sorry I'm late kagagaling ko lang kase sa trabaho…" I said softly and sat to the chair across the couple."No wonder na
KABANATA 62 :: PUNCHKalalabas ko lamang sa kusina. I helped the kitchen staff dahil nagpaalam na si Thana na magreresign. She didn't told me why exactly but she promised to explain when things get better.Naninibago ang kitchen staffs syempre kahit naman minsan wala si Thana alam namin na babalik sya. Nag post na kami ng hiring kanina, marami-rami nang nag apply.Si Joryl ang nag s-screen niyon habang ako naman ang mag iinterview. I want someone trustworthy and as good as Thana kaya mas mabuting hands on ako sa pagpili."Hi Vanna!" a cheerful voice greeted me.Namukhaan ko siya though, I can't remember his name. Kasama nya yung mga kaibagan nyang highschooler yata kahapon."Hi again, I told you to call me Ate," I said softly.Tinawanan nya lang iyon at ipinagkibit balikat.Ang peircing niya ay kumikinang kagaya ng suot niyang silver watch. Still wearing his school uniform na may logo ng school at pangalang nakaburda sa baba, Kirk Franklin Diosdado."Mukhang busy kayo ah?" tanong niya
KABANATA 61 :: DADDY"You can close your mouth lady, I can almost see your throat from where I was standing," he said in a usual arrogant tone.Napakurap-kurap ako at agad na isinara ang bibig. Tinakpan ko pa iyon bago siya tiningnan ng masama.Pakiramdam ko ay sasabog na lamang bigla ang pisngi ko dahil sa labis na pag-iinit noon."What? I was just trying to be nice," he said opposite to his grim face.Nice? Sa pagkakaalam ko wala ang salitang nice sa bokabularyo nya. Take note that being nice is included after an arrogant remark. Wow Lavaigne, just wow!Pinangunutan ko siya ng noo matapos humalukipkip sa harapan niya."I don't need nice people here," inis kong pakli sa kanya.Sinulyapan ko pa ulit ang gulong ng kotse ko at binalingan siya.I caught him intently looking at me as if I am a specimen under his microscope and my damn heart is beating faster and louder than it should be."Why are you even here? Aren't you supposed to be working?" And why are you acting this casual when in
KABANATA 60 :: EFFORTLESSAlways be polite with costumer, I remember saying that as the cafe's number one rule and now I might take it back."Hindi ka mukhang waitress kase mukha kang future ko," banat ulit ng isa.I cringed silently when he looked at my clothes but my mind is a bit preoccupied with something.Strike three! Kung baseball lang ito kanina pa sila nasipa palabas.Mint green candage crop top at high waist denim shorts kase ang suot ko. Natatakpan naman iyon ng apron at may cardigan akong baon in case na malamig. Some says na hindi ako mukhang nanay kung manamit and I just want to ask them sana kung may dress code ba ang mga nanay.My heart is slamming hard against my chest. This traitor organ!His eyes were dark and hooded with an emotion I couldn't read. Napaiwas ako agad nang tingin sa kanya nang magtama ang mga mata namin. He looked kinda pissed, I don't know if I got it right coz his face is ne
KABANATA 59 :: STAREKendi enjoyed eating the Black Forest. Laking pasasalamat ko na lang na hindi sya mapagtanim ng tampo dahil kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko."Oh kamusta si Kendi?" tanong ni Kuya Kendrick sa kabilang linya.Kung hindi pa siya tumawag ay hindi ko pa nalaman na biglaan siyang nagpunta sa Palawan.This guy and his mood swings. Minsan he's normal, madalas abnormal.Sinulyapan ko si Kendria sa kama bago naglakad palabas ng kanyang kwarto. I tucked her to bed and read a story book kaya madali siyang nakatulog."She's fine. Nakalimutan na ang tampo. How about you? Are still fine brother?"That was supposed to be a light question but I heard him sigh heavily."Hindi ko na alam..." he sounds so tired.Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pinagdaraanan nya. Hindi man nya sabihin lahat, paminsan-minsan ay nadudulas siya o kusang nagsasabi ng ilang detalye."Kuya, kung maha
KABANATA 58 :: CAKESaglit pa akong napatanga sa kinatatayuan bago tuluyang makabawi.Kumurap-kurap ako at naglihis ng mata. Panay ang kalabog ng lintik kong puso.Kendi, baby asan ka na ba?Halo-halo ang nararamdaman ko habang patuloy na naghahanap ay napasulyap ako sa buffet table partikular sa isang bultong nakatayo malapit doon.Halos apat taon... Napakaraming nagbago at siguradong isa na doon ang pangangatawan niyang kung noon ay sexy na, ngayon kahit yata may button down long sleeve, ulam na."Ate, nahanap na po ni Kuya Kendrick si Kendi, nasa kusina po kasama si Sir Rod," agad na saad ni Erna nang sumulpot sa tabi ko.Isang sulyap pa at saka ako tumalikod para pumunta sa kusina.Tiwala akong hindi nagkita ang mag-ama dahil kung nagkataon tiyak na kokomprontahin ako ni Kleindro. Pero wala siyang ginawa kundi bigyan ako ng blangko ngunit mariing titig.Halos hapo pa ako nang makarating kay Kendria
KABANATA 57 :: DARKNatagalan pa kami bago makarating sa dapat puntahan dahil dumating na din ang ibang empleyado. Medyo nagkwentuhan pa kami dahil tuwang-tuwa sila sa presensya ng anak ko.Bitbit ang isang malaking duffel bag na naglalaman ng mga pangangailangan ni Kendria gaya ng gatas, pamalit na damit at ilang mga laruan ay nagpunta kami sa opisina. Dumating kase si Hailey na akala namin ay male-late."Mimi, work. Me, play. Go Mimi go!"Hindi ko maiwasang halikan ang pisngi ni Kendi habang pareho kaming nakaupo sa couch sa loob ng opisina.Itinuro na niya ang lamesa ko kung sana nakapatong ang mga reports mula sa tatlo pa naming branch. Once a month ay binibisita ko ang mga iyon, mas tutok lang ako sa Manila branch dahil mas malapit sa amin, hindi ko na kailangang iwanan si Kendria."Ang bait-bait naman ng anak ko! Dahil dyan... Anong gusto mong lunch?"Nagliwanang pa lalo ang kanyang mukha at kung wala siya sa kandu