KABANATA 8 :: BOREDOM
Nakailang balikwas na ako sa pagkakahiga pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Halos alas otso na ng gabi pero ang diwa ko ay gising na gising pa din.Asan na kaya si Kleindro?Tiningnan ko ang bagong cellphone na ibinigay niya sa akin kanina matapos kaming mag lunch at saka lamang naisipang kalikutin iyon.Ang default wallpaper ay pinalitan ko ng litrato ng aking paa. Nang makontento ay saka ako nagpunta sa contacts at dalawang numero lamang ang nandoon; pangalan ni Klein at ang kay Roy na may caps lock pang warning, kausapin lang daw kung emergency.Baliw talaga, nakabuntot nga si Roy hanggang sa hapagkainan mukha bang makikipag text mate ako?Ako:Anong oras ka uuwi?Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya kaya imbis na magpaka bad trip ay nagbihis na lamang ako ng two piece at pinatungan iyon nang makapal na bathrobe.Nagsitayuan ang dalawang bodyguard na nasa sofa at parehong nakatingin sa aking itsura, nagtataka."Dito na lang kayo sa loob, maliwanag naman sa may pool magsiswimming lang ako pampaantok."Nagsitanguhan sila, tila naintindihan na ayokong pinapanood habang naliligo.Parang gusto kong magtatakbo pabalik sa loob dahil sa unang pagtapak ko sa labas ay malamig na hangin ang sumalubong sa akin.Sino nga ulit ang nakaisip nito, Vanna?"S***a ng lamig..." sambit ko habang nangangatog papalapit sa infinity pool.Inilagay ko ang tuwalyang bitbit sa sun lounger at saka hinubad ang suot na robe.Pakiramdam ko literal ang kanta ni Elsa sa Frozen dahil kakahiwalay pa lamang ng bathrobe sa aking katawan ay napapasinghap na ako bawat hampas ng malamig na hangin.Walang pagdadalawang isip akong nagdive at nakontento sa maligamgam na tubig.Kung puwede lang na manatili sa ilalim ay ginawa ko na dahil muli na namang hinampas ng hangin ang aking mukha.Unti-unti, nasanay ako sa lamig hanggang sa nakalutang na lang ang katawan ko sa tubig.Napatitig ako sa mga bituin.Madalas sabihin sa akin ni Nana Maring noon na kung may gusto kang hilingin, tumingala ka sa mga bituin at magkakatotoo ang bagay na ibubulong mo sa kanila. Mali sya. Bingi ang mga tala dahil kung naririnig nila ang bulong bakit hindi nila tinutupad ang hiling ko? Wala akong ibang gusto kundi ang maramdaman na pamilya ako ng mga taong kinalakihan ko pero hanggang ngayon, hanggang mapunta ako sa sitwasyong ito... Wala pa din.Noon, akala ko normal sa mga nanay ang bulyawan at saktan ang mga anak nila. Sabi nila, kapag mas mahal ng magulang mas sinasaktan? Katangahan. Paano naging katumbas ng sakit ang pagmamahal? Kung mahal, aalagaan imbis na saktan.Umahon ako at muling nag dive ulit para alisin ang mga negatibong iniisip.Hindi pa rin ako nakakaramdam ng pagod dahil siguro sanay akong lumalangoy parati. Ang pamilyar na haplos ng tubig ay ang pwresang humihila sa akin pabalik sa mga patagong pag eensayo at laban ko. Bawal kase."Gabing-gabi na, baka sipunin ka."Mula sa masayang pagtatampisaw ay napapitlag ako sa biglaang pagsulpot ni Klein malapit sa akin.Nakasuot pa siya ng puting polo na nakatupi hanggang balikat at itim na slacks. Mukhang dito dumiretso."K-Kanina ka pa?"Umiling siya at naglakad palapit sa sun lounger na pinagbabaan ko ng mga gamit."Umahon ka na, bukas ka na lang ulit lumangoy."Dahan-dahan akong umahon at imbis na lamig ay init at pagkailang ang naramdaman ko nang hagurin niya ng tingin ang kabuuan ko.Simula pa noon ay hindi ako confident sa aking katawan. Model kase si Mocha at madalas na ikumpara. Hindi ako katangkaran pero papasa naman sa average height ng isang Filipina. Hindi rin ganoon kakinis dahil sa ilang lamat na naiwan ng masalimuot kong pagkabata."A-Akin na..."Napailag ako agad nang isuot niya sa akin ang bathrobe pero wala ring nagawa dahil hindi nya yun binitawan.Napaiwas ako ng tingin dahil imbis na itali ay hinaplos niya ang isang mahabang peklat sa may tiyan ko.Hindi ko na matandaan kung paano at saan ko nakuha ang latay na iyon dahil sa tagal ngunit hindi na iyon naalis kagit ng derma."Kung nakilala kita ng mas maaga..."Napasinghap ako ng haplusin niya ng marahan ang parteng iyon."H-Hindi mo ako makikilala nang mas maaga. Nasa Baguio ako, nasa Maynila ka..." sinubukan kong magbiro pero lalo lamang nagsalubong ang kilay niya."Vanilla Leticia, maganda ka."Napakurap-kurap ako at pilit ngumiti kahit nagwawala na ang mga bulate sa tiyan ko."Alam ko noh!"Kinabig niya ako palapit at hinalikan ang aking noo."Pasensya na, kailangan kong mag trabaho sa labas. Kamusta ang araw mo?"Nagkibit-balikat ako at hinayaan siyang ipulupot ang tuwalya sa katawan ko matapos ibuhol ang bathrobe."Ayun, boring pa din. Araw-araw bang ganito? Baka hindi ako umabot ng six months kung nakakamatay ang boredom!""Hindi ka nagpasaway kina Roy?""Hindi noh!" humalukipkip ako at sumabay lamang sa paglalakad niya.Hindi ako makalapit dahil mababasa kaming pareho."Bakit muntik ka na daw tumakas kanina pagkaalis ko after lunch?"Nanlaki ang mata ko.How could you, Roy! Lagit ka talaga sa akin!"Hindi ako tatakas! Maghahanap lang ako ng ice cream sa labas! A-At...""At?"Inunahan ko siya sa paglalakad at mabilis na umakyat sa hagdan.Hindi naman ako tatakas. Natakam lang ako sa ice cream kaya nang makita kong walang stock sa ref ay lalabas sana ako sa kitchen backdoor para maghanap sa labas. Nakita ako ng isang bodyguard at inakalang tatakasan ko sila. Hindi ba puwedeng hindi lang ako sanay magpaalam kapag lalabas? Saglit lang naman!"Ituloy mo!" tatawa-tawa niyang habol habang sumasabay sa akin."Wala!"Sa banyo ako dumiretso para makapaligo. Tuloy-tuloy lang ako hanggang sa shower.Agad akong tumapat doon nang mai-adjust sa temperaturang gusto ko.Nakapikit ako dahil sa sabong pumasok sa aking mata habang naghahagilap ng shampoo.Buwiset na body wash masakit pa rin sa mata.Patuloy ako sa pagkapa dahil kahit wala na ang sabon ay mahapdi pa rin kapag idinidilat ko."Eto ba?""K-Klein?"Kahit iniinda ang sakit ng mata ay mabilis pa sa alas kuwatro ang naging pagmulat ko."Mukhang nahihirapan ka, tulungan lang kita.""Lumabas ka nga!"Itinulak-tulak ko siya palabas pero hindi man lang natinag ang loko."Basa na ako.""Maghintay kang matapos ako! O di kaya sa guestroom ka maligo! My goodness!"Unang araw pa lang ito sa anim na buwan partida!Humalakhak siya at saka nagtaas ng dalawang kamay."Chill, lalabas na. Wag kang mapikon."Patawa-tawa siya hanggang sa muling pagsara ng banyo."Shit ka..."Hindi ko alam kung para ba iyon kay Kleindro o para sa puso kong wala namang kakonpetensya pero kanina pa takbo ng takbo.Mabilis kong tinapos ang paliligo at agad akong nagbihis."Kumakalam na ang sikmura ko," reklamo ko kay Klein kahit ang totoo'y halos hindi pa bumababa ang ice cream na kinain ko."Saglit lang," aniya at agad na pumasok sa walk in closet.Ilang sandali lamang ay nakalabas na siya at kahit tumutulo pa ang tubig sa buhok ay dumiretso na sa akin."Oh bat ka nagmadali?""Akala ko ba gutom ka na?" taas kilay niyang tanong sa akin."Izzaprank!"Humalakhak ako kahit siya ay nakasimangot na bumalik sa loob ng walk in closet.Hindi natagalan at lumabas siya doon nang maayos na ang itsura."Pinahanda ko na ang mga kailangan mo. Bukas, para hindi ka mabored rito pwede kang mag shopping.""Kompleto naman ang mga gamit ko dito.""Maglibang ka, bumili ka nang magustuhan mo—""Payagan mo na kase akong mag bar...""Hindi pwede Vanilla Leticia, hindi mo ako kasama.""Eh di si Roy tsaka yung iba! Gabi naman yun. Promise magpapakabait ako—""Hindi.""Kahit ilang shot lang ng alak?""Hindi.""Sige na... Hindi ako sasayaw!""Hindi.""Bakit ba ayaw mo! Nakakainis ka na!"Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng boses ko."Seryosong galit ka nyan?""Wag mo kong kausapin! Gagu!"Inis akong umayos nang pagkakahiga. Hinablot ko ang comforter at tumalikod sa kanya.Narinig ko ang pag untong hininga nya."Ayoko naman talaga nang kinukulong ka dito... Baby, tumingin ka sa akin..." aniya sa mahinahong tinig.Hindi ako nagpatinag kahit pa bumuntong hininga sya ulit."Ngayong asawa na kita, una hindi na ligtas ang lumabas mag-isa dahil marami ang kaaway ko. Hindi na ligtas para sayo. Isa pa, natatandaan mo ba na sa bar tayo nagkakilala?"Natigilan ako."Vanilla..."Bumalikwas ako ng bangon at hinarap siya."Fine. Pero dahil abala ka sa trabaho anong gagawin ko dito? Hindi puwedeng araw-araw akong mag shopping, Klein!""Hmm..." tumigil siya na parang nag iisip pagkuwan ay muli akong hinarap. "Sumama ka kaya sakin?"Pabagsak akong nahiga ulit. Ipinikit ko na lang ulit ang mata dahil sa walang kwenta nyang sagot pagkuwan ay muling nagmulat st dinungaw siya."Paano kung gusto kong magtrabaho?"Hindi siya sumagot at base sa magkasalubong na kilay ay parang nakuha ko na ang sagot sa tanong ko."Klein... Ayokong maging pabigat sayo.""Paano ka magiging pabigat? Mas gusto ko ngang nandito ka lang sa kama maghapon, naghihintay sa pagdating ko—""Hindi ako patabaing baboy! Anong akala mo sakin? Napaka boring kaya dito!"Iniyakap niya ang kamay sa akin at nagsumiksik sa aking leeg.Mukhang tapos na kaming mag-usap.KABANATA 9 :: BEAUTIFUL"Nakaalis na si Kleindro?" tanong ko sa dalawang bodyguard na nakaposte sa ibaba ng hagdan."Maaga pong umalis. Pinapasabing may pupuntahan kayo mamayang hapon.""Sinabi ba kung saan?"Umiling siya kaya nagkibit-balikat na lamang ako.Oh well… Pang ilang araw ko na ba dito ulit? Parang kelan lang at nakatulala ako sa fireplace habang nakasuot ng makapal na damit. Bihira akong lumabas lalo na kapag bagsak ang temperatura at heto ako ngayon sa napakainit na syudad. Hindi ko maimagine ang buhay na walang aircon."Nakahanda na po ang almusal sa garden," si Roy ang sumalubong sa akin nang akmang papasok na ako sa dining room."Sinong nagpalagay doon?" kunot noong tanong ko."Utos po ni Mr. Lavaigne."Inikot ko ang mata at sumunod sa kanya palabas.May stone pathway mula sa kitchen backdoor patungo sa gazebo na nakatayo sa mismong gitna ng garden.Hindi ko pa pala nalilibot ang bahay. Nagpasalamat ako kay Roy na agad namang dumistansya para hayaan akong kumain ng ma
KABANATA 10 :: COMFORT ROOM"Hmm…. Kase?" Umilag ako pero walang silbi dahil madali nya akong nakulong sa mga bisig niya. Nakasandal ako sa lamesang punong-puno ng mga make up tools at halos hindi makagalaw.Malakas ang pintig ng puso ko dahil sa titig niyang tila kinakabisado ang bawat parte ng mukha ko."Tara na?" Nalaglag ang panga ko nang kusa siyang lumayo sa akin.Shit yakapin mo na lang kaya ako maghapon?Kahit labag sa kalooban ay tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. Unang pagdadaiti ay ramdam ko na agad ang gaspang noon. Hindi pa siya nakontento dahil pinagsalikop pa talaga niya ang aming mga kamay.Ngayon mukha na talaga kaming bagong kasal.Halos irapan ko ang sarili dahil sa pangangarap ng gising. Anim na buwan lang at matatapos na ang lahat ng ito.Inalalayan niya ako pasakay, gayon din pagbaba ng kotse at literal na nalaglag ang panga ko dahil sa bumungad na eroplano sa paningin ko."Private plane mo?" parang timang kong sagot kahit pa nakita ko na ang pagsaludo n
KABANATA 11 :: TRIPLupaypay ang katawan ko at halos wala nang lakas para imulat ang mga mata nang muli akong binitawan ni Kleindro sa sink. Nag aagaw ang aking kamalayan habang nililinisan niya ako gamit ang binasang tissue.Nagtagal pa kami ng ilang saglit doon at nang medyo kaya ko nang maglakad ay inalalayan niya ako palabas. Sa pasilyo pa lamang pabalik sa aming upuan ay todo na ang pamumula ng aking mukha.Hindi malayo ang comfort room sa mga upuan paano kung…"Sound proof ang banyo, Vanilla," singit bigla ni Kleindro na biglang bumulong sa gilid ng tenga ko, nagtaasan tuloy ang aking mga balahibo."Nahihiya ako…" pabulong ko ding sagot.Tumawa siya ng mahina at pinisil ang nangangamatis kong pisngi.Sinamaan ko siya ng tingin.Anong nakaka amuse at para bang tuwang-tuwa pa siya?"Dito na lang tayo sa sofa hanggang mag land.." aniya at inalalayan ako patungo doon.Wala na akong nagawa nang isara nya ang kurtinang naghahati sa kinalalagyan namin at sa mga upuan.Mas mabuti nang d
KABANATA 12 :: FAVORITEDinaig pa naming dalawa ang nasa prayer meeting dahil nadala namin ang katahimikan hanggang sa makabalik kami sa hotel. Balak ko pa naman sanang mamasyal pero dahil may toyo ang utak ni Kleindro, magpapahinga na lang muna ako at mag-iipon ng lakas dahil bukas na bukas ay maglilibot ako.Hindi ko pa pala alam kung ilang araw kaming mananatili dito.Nilingon ko si Kleindro para sana magtanong pero napalunok ako nang makitang kinakalas na niyang leather belt.Umayos ako sa pagkakaupo sa kama at tinanggal na rin ang strap ng suot kong high heels.Nang makapaghubad ng pantalon at pang itaas ay naaninag ko sa aking peripheral vision ang paglapit niya sa kurtinang tumatabing sa dingding at binuksan iyon. Ngayon tanaw na namin ang mga ilaw ng syudad sa kaliwa at payapang dagat sa kanan.Hindi ko maiwasang isipin ang kanyang katawan na hindi ko matingnan. Nasa tamang posisyon ang mga muscle, isang tingin alam mong maayos na inalagaan.Tinanggal ko ang pagkakatali ng aki
KABANATA 13 :: RAIN"Ayos ka lang?" tanong niya habanag nakaalalay sa akin palabas ng restaurant.Habang hindi maalis ang ngisi niya ay nakayuko naman ako at panay ang iwas ng tingin sa mga tao dahil pakiramdam ko ay alam nila ang milagrong ginawa namin.Imbis na sumagot ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad habang kagat ang labi kong magdurugo na yata.Sinikap kong magsawalang kibo hanggang sa makarating kami sa kuwarto.Ngayon lamang ako tinamaan nang kahihiyan dahil hindi ko alam kung paano nangyaring bumigay ako sa ilang haplos lamang niya. Nagawa namin 'iyon' sa comfort room ng restaurant nakakahiya!"Ang tahimik mo, hindi ako sanay na ganyan ka." aniya habang nagtatanggal ng relos.Sa gilid ng aking mata ay nakita kong ipinatong niya iyon sa bedside table pero inilingan ko na lamang siya at nginisian.Nagpaalam akong magha-half bath lamang muna bago kami tumulak sa road trip na gusto niya.Panay ang talak niya sa suot kong shorts at sleeveless top habang nasa kotse kami.Nakaco
KABANATA 14 :: LOSTHindi ko na halos matandaan kung anong nangyari matapos ang eksena naming dalawa sa kotse dahil kusa nang nagsasara ang talukap ng mga mata ko sa labis na pagod.Nagawa ko pang maligo at kumain kasabay si Kleindro bago makatulog kaya hindi kataka-taka na kahit kinabukasan ay medyo mabigat ang pakiramdam ko.Magkakasipon pa yata ako dahil sa ulan kahapon.Si Kleindro gaya ng madalas ay hinintay lamang akong magising. Nagpa deliver siya ng almusal kaya hindi na namin kailangang bumaba."Ayos ka lang?" tanong niya habang naglalakad kami.Nirequest ko kase na libutin namin ang hotel pati ang paibot nito kaya sya ang tour guide ko.Ngumisi ako kahit kumikirot ang ulo at ipinakita ang thumbs up sa kanya.Inakbayan niya ako at pinagpatuloy ang pagpapakita ng ibang parte ng hotel. Paminsan-minsan ay nagbibigay siya ng maikling history at background, gaya na lamang ng mga painting sa pasilyong nadaanan namin. Iyon daw ay mga antigo at replika lamang dahil ang orihinal ay it
KABANATA 15 :: WHISKEYMas bumuti na ang pakiramdam ko matapos ang ilang oras kaya lang mas ginusto ni Kleindro na manatili na lamang kami sa hotel. Bago mananghalian ay nagbabad kami sa jacuzzi at kung hindi pa ako nagutom baka paulit-ulit pa niya akong angkinin doon.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na naming ginawa 'iyon' dahil bumibigay ako agad sa bawat haplos niya."Ngumiti ka dito!" hiyaw ko kay Kleindro.Sinundan ko pa iyon ng pagtawa para engganyuhin siyang tumawa din pero nanatili sa akin ang malalim niyang tingin.Binitawan ko ang camera matapos ang ilang shot sa kanya ay kinuhanan ko naman kaming dalawa."Akin na ang kamay mo."Naglahad ako ng kamay at hinintay sa sa kanya.Nasa pool side kami at dahil ayaw niyang humiwalay sa akin ay magkatabi kami sa sun lounger. Panay ang ngisi ko sa bitbit polaroid camera habang siya naman ay seryoso sa lahat ng kuha ko.Ipinatong niya ang malaking kamay sa akin.Itinaas ko ang magkahawak naming kamay at kinuhanan iyon kasama a
KABANATA 16 :: CDNapamulat ako nang mapagtanto ang ginagawa. Nahihilo pa rin pero nagawa kong agad na bumalikwas para makalayo sa kanya.Gigil kong ginulo ang aking buhok at nagmartsya patungo sa banyo nang cycling shorts lamang ang suot.Ini-lock ko ang pinto at sa hindi malamang kadahilanan ay tumulo ang luha ko.Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Dahil walang make up, mas litaw ang putla ng aking mukha. Nagmukha tuloy akong naglalakad na bampira.Pinalis ko ang aking mga luha at naghilamos."Bakit ka ba umiiyak, Vanna?" mahinang tanong ko sa aking sarili.Bakit? Hindi ko rin alam."Vanilla anong nangyayari sayo?" narinig ko ang pagkatok ni Klein sa pintuan.Nanatili akong tahimik.Anong nangyayari sakin? Aba malay ko. Baka yung whiskey? O baka dahil gutom na ako?Sa walk in closet ako dumiretso dahil may pinto namang nagkokonekta doon at sa banyo.Pumili ako ng isang flowy dress na sleeveless. Ang haba noon ay umabot sa taas ng aking tuhod. Hinayaan ko na lamang muna ang
KABANATA 65 :: SHOCKED"Great!" Inna clapped in glee, "Tara sama ka sakin nandito sina Harry at Vince miss ka na nila!"Wala akong nagawa nang hilahin niya ako palabas ng banyo.I treated them like my real friends after all. Medyo nakakalungkot nga lang na nawala sa grupo nila ang kapatid ko.Baka dahil sa akin o sa marami pang bagay na hindi nila napagkakasunduan ni Kleindro. Kahit ano pa man iyon nakakapnghinayang din ang ilang taon na friendship.Hindi kase nagkekwento si Kuya Kendrick tungkol doon lalo pa at ingat na ingat kami kay Kendria. If she heard it from her uncle, for sure she'll go nuts and I don't want that.Laglag ang panga ng dalawang lalaki na nadatnan namin sa lamesa. Harry immediately asked if he was dreaming while Vince stared at me like a weirdo.Nalaman ko na nandito din si Gem kanina pero umuwi na kasama ang kambal nila ni Vince dahil inaantok na ang mga bata."Kalma guys ako lang to," pab
KABANATA 64 :: SLUTWalang katapusang pagbibilin ang ginawa ko bago iwanan si Kendria kay Erna. Hindi kase sanay ang anak ko na matulog mag-isa kaya pinakiusapan ko si Erna na tabihan muna sya o di kaya ay bantayan hanggang sa makatulog.Nagpaalam naman ako kay Kendi pero alam kong iba ang tantrums nya kapag nagising tapos hindi ako mahagilap.I still don't know what time will I go home exactly dahil halos hating-gabi ang simula ng party, alas nuwebe. Actually, late na ako dahil nine thirty na pero ang sabi naman ni Kuya Kendrick ang mahalaga lang ay magpakita ako doon, hindi ko naman kailangan na magtagal."Ako na po ang bahala Ma'am," ani Erna.Sinulyapan ko si Kendria na payapa nang natutulog sa kanyang kama at saka tinapik si Erna para magpaalam."I-lock mo na lang ang pinto paglabas ko ha? May duplicate key ako kaya ako na ang bahala pag-uwi ko mamaya. Yung gatas ni Ken nasa bed side table tsaka kung magkaproblema tawagan mo
KABANATA 63 :: FAMILIAR"Usap tayo mamaya ha anak?" I kissed he cheeks and stood up. "Erna sa loob muna kayo pupunta lang ako sa home owners ek-ek, wag mong palabasin ng bahay baka mamaya makapatay na yan."Mang makapasok ang dalawa sa bahay ay saka ako tumulak paalis. Walking distance lang ang layo ng bahay namin sa opisinang sinasabi ni Erna kaya naglakad na lamang ako. Wala rin naman akong choice dahil wala akong kotse.The fat woman near the door greeted me politely, kabaligtaran nang nadatnan ko sa loob.Ang mga ulo ay halos sabay-sabay na bumaling sa akin kaya taas noo akong pumasok sa loob. Limang tao ang nasa silid. Ang babaeng nakaupo sa swivel chair, ang isang babaeng sopistikada at isang lalaki sa tabi niya. Ang dalawa pang babae ay nakatayo sa gilid ng nasa swivel chair."Good afternoon po, sorry I'm late kagagaling ko lang kase sa trabaho…" I said softly and sat to the chair across the couple."No wonder na
KABANATA 62 :: PUNCHKalalabas ko lamang sa kusina. I helped the kitchen staff dahil nagpaalam na si Thana na magreresign. She didn't told me why exactly but she promised to explain when things get better.Naninibago ang kitchen staffs syempre kahit naman minsan wala si Thana alam namin na babalik sya. Nag post na kami ng hiring kanina, marami-rami nang nag apply.Si Joryl ang nag s-screen niyon habang ako naman ang mag iinterview. I want someone trustworthy and as good as Thana kaya mas mabuting hands on ako sa pagpili."Hi Vanna!" a cheerful voice greeted me.Namukhaan ko siya though, I can't remember his name. Kasama nya yung mga kaibagan nyang highschooler yata kahapon."Hi again, I told you to call me Ate," I said softly.Tinawanan nya lang iyon at ipinagkibit balikat.Ang peircing niya ay kumikinang kagaya ng suot niyang silver watch. Still wearing his school uniform na may logo ng school at pangalang nakaburda sa baba, Kirk Franklin Diosdado."Mukhang busy kayo ah?" tanong niya
KABANATA 61 :: DADDY"You can close your mouth lady, I can almost see your throat from where I was standing," he said in a usual arrogant tone.Napakurap-kurap ako at agad na isinara ang bibig. Tinakpan ko pa iyon bago siya tiningnan ng masama.Pakiramdam ko ay sasabog na lamang bigla ang pisngi ko dahil sa labis na pag-iinit noon."What? I was just trying to be nice," he said opposite to his grim face.Nice? Sa pagkakaalam ko wala ang salitang nice sa bokabularyo nya. Take note that being nice is included after an arrogant remark. Wow Lavaigne, just wow!Pinangunutan ko siya ng noo matapos humalukipkip sa harapan niya."I don't need nice people here," inis kong pakli sa kanya.Sinulyapan ko pa ulit ang gulong ng kotse ko at binalingan siya.I caught him intently looking at me as if I am a specimen under his microscope and my damn heart is beating faster and louder than it should be."Why are you even here? Aren't you supposed to be working?" And why are you acting this casual when in
KABANATA 60 :: EFFORTLESSAlways be polite with costumer, I remember saying that as the cafe's number one rule and now I might take it back."Hindi ka mukhang waitress kase mukha kang future ko," banat ulit ng isa.I cringed silently when he looked at my clothes but my mind is a bit preoccupied with something.Strike three! Kung baseball lang ito kanina pa sila nasipa palabas.Mint green candage crop top at high waist denim shorts kase ang suot ko. Natatakpan naman iyon ng apron at may cardigan akong baon in case na malamig. Some says na hindi ako mukhang nanay kung manamit and I just want to ask them sana kung may dress code ba ang mga nanay.My heart is slamming hard against my chest. This traitor organ!His eyes were dark and hooded with an emotion I couldn't read. Napaiwas ako agad nang tingin sa kanya nang magtama ang mga mata namin. He looked kinda pissed, I don't know if I got it right coz his face is ne
KABANATA 59 :: STAREKendi enjoyed eating the Black Forest. Laking pasasalamat ko na lang na hindi sya mapagtanim ng tampo dahil kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko."Oh kamusta si Kendi?" tanong ni Kuya Kendrick sa kabilang linya.Kung hindi pa siya tumawag ay hindi ko pa nalaman na biglaan siyang nagpunta sa Palawan.This guy and his mood swings. Minsan he's normal, madalas abnormal.Sinulyapan ko si Kendria sa kama bago naglakad palabas ng kanyang kwarto. I tucked her to bed and read a story book kaya madali siyang nakatulog."She's fine. Nakalimutan na ang tampo. How about you? Are still fine brother?"That was supposed to be a light question but I heard him sigh heavily."Hindi ko na alam..." he sounds so tired.Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pinagdaraanan nya. Hindi man nya sabihin lahat, paminsan-minsan ay nadudulas siya o kusang nagsasabi ng ilang detalye."Kuya, kung maha
KABANATA 58 :: CAKESaglit pa akong napatanga sa kinatatayuan bago tuluyang makabawi.Kumurap-kurap ako at naglihis ng mata. Panay ang kalabog ng lintik kong puso.Kendi, baby asan ka na ba?Halo-halo ang nararamdaman ko habang patuloy na naghahanap ay napasulyap ako sa buffet table partikular sa isang bultong nakatayo malapit doon.Halos apat taon... Napakaraming nagbago at siguradong isa na doon ang pangangatawan niyang kung noon ay sexy na, ngayon kahit yata may button down long sleeve, ulam na."Ate, nahanap na po ni Kuya Kendrick si Kendi, nasa kusina po kasama si Sir Rod," agad na saad ni Erna nang sumulpot sa tabi ko.Isang sulyap pa at saka ako tumalikod para pumunta sa kusina.Tiwala akong hindi nagkita ang mag-ama dahil kung nagkataon tiyak na kokomprontahin ako ni Kleindro. Pero wala siyang ginawa kundi bigyan ako ng blangko ngunit mariing titig.Halos hapo pa ako nang makarating kay Kendria
KABANATA 57 :: DARKNatagalan pa kami bago makarating sa dapat puntahan dahil dumating na din ang ibang empleyado. Medyo nagkwentuhan pa kami dahil tuwang-tuwa sila sa presensya ng anak ko.Bitbit ang isang malaking duffel bag na naglalaman ng mga pangangailangan ni Kendria gaya ng gatas, pamalit na damit at ilang mga laruan ay nagpunta kami sa opisina. Dumating kase si Hailey na akala namin ay male-late."Mimi, work. Me, play. Go Mimi go!"Hindi ko maiwasang halikan ang pisngi ni Kendi habang pareho kaming nakaupo sa couch sa loob ng opisina.Itinuro na niya ang lamesa ko kung sana nakapatong ang mga reports mula sa tatlo pa naming branch. Once a month ay binibisita ko ang mga iyon, mas tutok lang ako sa Manila branch dahil mas malapit sa amin, hindi ko na kailangang iwanan si Kendria."Ang bait-bait naman ng anak ko! Dahil dyan... Anong gusto mong lunch?"Nagliwanang pa lalo ang kanyang mukha at kung wala siya sa kandu