KABANATA 16 :: CDNapamulat ako nang mapagtanto ang ginagawa. Nahihilo pa rin pero nagawa kong agad na bumalikwas para makalayo sa kanya.Gigil kong ginulo ang aking buhok at nagmartsya patungo sa banyo nang cycling shorts lamang ang suot.Ini-lock ko ang pinto at sa hindi malamang kadahilanan ay tumulo ang luha ko.Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Dahil walang make up, mas litaw ang putla ng aking mukha. Nagmukha tuloy akong naglalakad na bampira.Pinalis ko ang aking mga luha at naghilamos."Bakit ka ba umiiyak, Vanna?" mahinang tanong ko sa aking sarili.Bakit? Hindi ko rin alam."Vanilla anong nangyayari sayo?" narinig ko ang pagkatok ni Klein sa pintuan.Nanatili akong tahimik.Anong nangyayari sakin? Aba malay ko. Baka yung whiskey? O baka dahil gutom na ako?Sa walk in closet ako dumiretso dahil may pinto namang nagkokonekta doon at sa banyo.Pumili ako ng isang flowy dress na sleeveless. Ang haba noon ay umabot sa taas ng aking tuhod. Hinayaan ko na lamang muna ang
KABANATA 17 :: MESSAGESHiyang-hiya ako sa nakita kaya para akong idinuduyan nang ang marahang paghaplos ni Kleindro sa aking buhok ang una kong naramdaman ng magising."Nagising ba kita?" mahina niyang tanong.Umiling ako at umayos sa pagkakasiksik sa kanya para mas maramdaman ang init mula roon.Hindi ko alam kung paano pero nakaunan ako sa kanyang braso at ang binti niya ay nakadantay sa akin.Magkalayo kaming natulog kagabi ah? Nakatalikod pa nga ako.Napalunok ako ng ilang ulit at mabilis na nagtaas ng tingin sa kanya nang maramdaman ang kung anong matigas sa bandang tiyan ko.Nag iwas siya ng tingin at biglang sumipol."Ganyan ba talaga yan pag umaga?" di ko napigilang tanong."Nung wala ka pa, hindi."Natawa ako ng mahina."Baka naman pinapanuod mo yung mga CD kapag umaga kaya—""Bakit mo ba kase pinakealaman yun? Dati lang yun! Nung high school!""Asus kunwari ka pa. Andami nun, high school lang?""Oo. High school lang."Itinulak ko siya at saka umayos ng pagkakaupo sa kama pa
KABANATA 18:: PARKPinatay ko ang aking cellphone at ipinatong iyon sa aking hita."Wala yun, kaibigan lang."Tumaas ang gilid ng kanyang labi at sarkastiko akong nginisian."Kaibigan ah."Nanliit agad ang mata ko dahil sa iritasyon."Kaibigan nga! Bawal na ba akong makipagkaibigan—""Wala akong sinabing ganyan Vanilla Leticia.""Pero bakit galit ka yata—""Ngumiti ka kase kapag kausap mo ang kaibigan mo!""Anong masama doon. Kaibigan nga eh, alangan naman na umiyak ako—""Nagseselos ako!"Napipi ako sandali at hindi nakagalaw sa kinauupuan ko.Marahas niyang inihilamos ang palad sa mukha at tinalikuran ako."A-Anong… H-Ha?"Tangina nababaliw na yata ako. Hindi naman ako uminom ng alak?"Wala. Tss…"Dumaan ang ilang saglit na katahimikan. Napatitig lamang ako sa likod niya.Tama ba narinig ko?"N-Nagseselos ka?"Hindi siya sumagot."T-Teka… Seryoso nga nagseselos ka?" di pa rin makapaniwalang tanong ko.Namilog ang mata ko lalo pa at nagtalunan ang mga bulateng nasa tiyan ko. Pakiramd
KABANATA 19 :: TRAUMAMabilis ang mga pangyayari. Pinanatili ako ni Jeff sa kanyang likuran, nakatago sa punong kahoy habang siya ay sinisiguro na walang makakalapit sa amin. Gayon din ang ginagawa ni Roy sa di kalayuan.Nangibabaw sa ere ang tunog ng gulong na biglang ipinreno. Malutong na nagmura si Roy at patakbong lumapit sa gawi namin habang nakikipagbarilan pa din. "Dumarami pa sila! Ilayo mo na si Miss Vanna dito, salubungin ninyo ang sasakyang back up!" hinihingal man ay nagawa pa rin niyang sumigaw."Pero m-may dugo ka sa—""Halika na Miss.""Si Roy—""Sumama ka na Miss Vanna."Wala akong nagawa kundi mapaluha at matulala habang kinakaladkad ako ni Jeff papalayo. Halos hindi ko na kase maihakbang ang paa kong nanghihina na.Siguradong may sugat iyon dahil hindi lamang iisang beses akong muntik na madapa at natalisod sa batonhabang tumatakbo. ."Patawad Miss."Nanlaki ang mga mata ko nang buhatin ako ni Jeff sa kanyang balikat na parang isang sako ng bigas at patakbong lumapit
KABANATA 20 :: MOTHER-IN-LAWNagkunwari pa din akong tulog. Hindi ako dumilat hangga't hindi ko naririnig ang papalayong mga yabag. Nakarinig ako ng isang malalim na buntong hininga sa aking tabi kaya naman dahan-dahan akong nagmulat ng mata para tingnan kung sino iyon.Ang madilim na mata ni Kleindro ang sumalubong sa akin. Matigas ang kanyang anyo."H-Hi…" sambit ko.Nanunuyo na naman ang aking lalamunan.Madali siyang kumilos at walang sabi-sabing inabutan ako ng tubig na isinalin niya mula sa isang pitsel sa lamesa di kalayuan sa hospital bed."Uminom ka muna."Kinuha ko ang baso pero nakaalalay pa rin siya sa bawat galawa ko. Inubos ko ang isang basong tubig at saka iyon ibinalik sa kanya."S-Salamat…"Kinuha niya ang baso at tumayo para ibalik iyon sa mesa."Magpahinga ka muna, Vanilla."Napanguso ako agad."Pero matagal na akong nagpapahinga…"Ilang araw na ba ako dito at pakiramdam ko'y isang dekada na. Wala akong ginawa kundi matulog, sagutin ang doktor at kumain. Si Kleindr
KABANATA 21 :: OCEANNakailang balikwas na ako sa kama pero mailap pa din ang antok kaya bumangon ako para silipin ang kalagayan ni Kleindro. Nakahiga siya sa sofa, bagaman at malapad iyon ay hindi sapat ang haba para sa kanya.I told him na puwede naman siyang matulog sa kama, sa tabi ko tutal kasya kami, pero tumanggi sya. Natatakot na baka magalaw na naman ng sugat ko.Ang sabi ng doctor maghihilom din naman daw in one to two weeks. Malalim ang sugat at dahil huli na nang madala sa ospital ay mas mabagal daw ang paggaling niyon.Tinitigan ko ang payapang mukha ni Kleindro habang natutulog. Ang matapang niyang itsura kapag gising ay kabaligtaran ngayong natutulog siya. Gusto kong lumapit at haplusin ang kanyang pisnging may kaunti nang stubbles pero pinigilan ko ang aking sarili at nakontento na lamang sa pagtanaw sa kanya.May kung anong mabigat ang biglang dumagan sa aking dibdib.Malapit sya pero parang ang layo-layo nya na. Yun ang laman ng aking isipan hanggang sa makatulog a
KABANATA 22 :: SMILEHindi ko ipinahalata ang nararamdaman kong kaba. Sinikap kong sumabay kay Kleindro at nagkunwaring hindi ako kinakabahan kahit ang totoo unang pagtapak ko sa makinis na sahig nang yate ay gusto ko na ulit bumalik sa port.Nakaalalay pa rin si Kleindro sa akin kahit sinabi kong ayos lamang. Inihatid niya ako sa isang kwarto at lumabas din nang mag ring ang kanyang telepono.Ako naman ay inusisa ang malaking silid at agad na nag settle sa couch para abalahin ang sarili ko sa harap ng telebisyo bawat paggalaw kase ng yate ay patindi ng patindi ang kaba ko.Naghanap ako ng magandang pelikula pero puro horror ang nakita ko kaya yun ang pinanood ko. Nawala kaagad ang atensyon ko sa pag galaw ng yate ngunit nagsisi din nang maging intense ang eksena sa pinapanood.Malakas ang volume kay hinagilap ko ang remote para pahinaan iyon ngunit nakailang pindot na ako ay hindi pa rin iyon humihina. Hindi gumana kahit ipinatok ko na iyon sa aking kamay.Kinilabutan ako nang bigla
KABANATA 23 :: PREGNANTNang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay mas malala pa yata ang awkwardness sa hangin kesa sa panga ni Manang na kusang nag s-stretch."A-Ah… Maligo ka kaya muna? Ise-set up lang namin ang hapagkainan, susunod din ako para magbihis.""Alright."Hinintay ko ang sasabihin ni Manang ng makaalis si Kleindro ngunit wala siyang binanggit tungkol sa nakita. Binigyan lamang niya ako ng instructions sa mga dapat kong gawin gaya ng kung paano ilalagay ang ulam sa mangkok ng mabilis ngunit hindi ako napapaso."Ayos na ito." deklara ng matanda."Sige po, babalik muna ako sa kuwarto para magbihis at maglinis ng sugat."Kumunot ang noo niya ng mabanggit ko ang salitang sugat kaya naman agad akong nagpaalam bago pa siya makapagtanong.Lagaslas ng tubig mula sa banyo ang sumalubong sa pandinig ko nang makapasok sa kuwarto.Agad naman akong lumibot para tingnan ang cabinet. Hindi ko matandaan kung may mga gamit ba akong dala ng mga bodyguard. Wala naman kaming bitbit ni Kle
KABANATA 65 :: SHOCKED"Great!" Inna clapped in glee, "Tara sama ka sakin nandito sina Harry at Vince miss ka na nila!"Wala akong nagawa nang hilahin niya ako palabas ng banyo.I treated them like my real friends after all. Medyo nakakalungkot nga lang na nawala sa grupo nila ang kapatid ko.Baka dahil sa akin o sa marami pang bagay na hindi nila napagkakasunduan ni Kleindro. Kahit ano pa man iyon nakakapnghinayang din ang ilang taon na friendship.Hindi kase nagkekwento si Kuya Kendrick tungkol doon lalo pa at ingat na ingat kami kay Kendria. If she heard it from her uncle, for sure she'll go nuts and I don't want that.Laglag ang panga ng dalawang lalaki na nadatnan namin sa lamesa. Harry immediately asked if he was dreaming while Vince stared at me like a weirdo.Nalaman ko na nandito din si Gem kanina pero umuwi na kasama ang kambal nila ni Vince dahil inaantok na ang mga bata."Kalma guys ako lang to," pab
KABANATA 64 :: SLUTWalang katapusang pagbibilin ang ginawa ko bago iwanan si Kendria kay Erna. Hindi kase sanay ang anak ko na matulog mag-isa kaya pinakiusapan ko si Erna na tabihan muna sya o di kaya ay bantayan hanggang sa makatulog.Nagpaalam naman ako kay Kendi pero alam kong iba ang tantrums nya kapag nagising tapos hindi ako mahagilap.I still don't know what time will I go home exactly dahil halos hating-gabi ang simula ng party, alas nuwebe. Actually, late na ako dahil nine thirty na pero ang sabi naman ni Kuya Kendrick ang mahalaga lang ay magpakita ako doon, hindi ko naman kailangan na magtagal."Ako na po ang bahala Ma'am," ani Erna.Sinulyapan ko si Kendria na payapa nang natutulog sa kanyang kama at saka tinapik si Erna para magpaalam."I-lock mo na lang ang pinto paglabas ko ha? May duplicate key ako kaya ako na ang bahala pag-uwi ko mamaya. Yung gatas ni Ken nasa bed side table tsaka kung magkaproblema tawagan mo
KABANATA 63 :: FAMILIAR"Usap tayo mamaya ha anak?" I kissed he cheeks and stood up. "Erna sa loob muna kayo pupunta lang ako sa home owners ek-ek, wag mong palabasin ng bahay baka mamaya makapatay na yan."Mang makapasok ang dalawa sa bahay ay saka ako tumulak paalis. Walking distance lang ang layo ng bahay namin sa opisinang sinasabi ni Erna kaya naglakad na lamang ako. Wala rin naman akong choice dahil wala akong kotse.The fat woman near the door greeted me politely, kabaligtaran nang nadatnan ko sa loob.Ang mga ulo ay halos sabay-sabay na bumaling sa akin kaya taas noo akong pumasok sa loob. Limang tao ang nasa silid. Ang babaeng nakaupo sa swivel chair, ang isang babaeng sopistikada at isang lalaki sa tabi niya. Ang dalawa pang babae ay nakatayo sa gilid ng nasa swivel chair."Good afternoon po, sorry I'm late kagagaling ko lang kase sa trabaho…" I said softly and sat to the chair across the couple."No wonder na
KABANATA 62 :: PUNCHKalalabas ko lamang sa kusina. I helped the kitchen staff dahil nagpaalam na si Thana na magreresign. She didn't told me why exactly but she promised to explain when things get better.Naninibago ang kitchen staffs syempre kahit naman minsan wala si Thana alam namin na babalik sya. Nag post na kami ng hiring kanina, marami-rami nang nag apply.Si Joryl ang nag s-screen niyon habang ako naman ang mag iinterview. I want someone trustworthy and as good as Thana kaya mas mabuting hands on ako sa pagpili."Hi Vanna!" a cheerful voice greeted me.Namukhaan ko siya though, I can't remember his name. Kasama nya yung mga kaibagan nyang highschooler yata kahapon."Hi again, I told you to call me Ate," I said softly.Tinawanan nya lang iyon at ipinagkibit balikat.Ang peircing niya ay kumikinang kagaya ng suot niyang silver watch. Still wearing his school uniform na may logo ng school at pangalang nakaburda sa baba, Kirk Franklin Diosdado."Mukhang busy kayo ah?" tanong niya
KABANATA 61 :: DADDY"You can close your mouth lady, I can almost see your throat from where I was standing," he said in a usual arrogant tone.Napakurap-kurap ako at agad na isinara ang bibig. Tinakpan ko pa iyon bago siya tiningnan ng masama.Pakiramdam ko ay sasabog na lamang bigla ang pisngi ko dahil sa labis na pag-iinit noon."What? I was just trying to be nice," he said opposite to his grim face.Nice? Sa pagkakaalam ko wala ang salitang nice sa bokabularyo nya. Take note that being nice is included after an arrogant remark. Wow Lavaigne, just wow!Pinangunutan ko siya ng noo matapos humalukipkip sa harapan niya."I don't need nice people here," inis kong pakli sa kanya.Sinulyapan ko pa ulit ang gulong ng kotse ko at binalingan siya.I caught him intently looking at me as if I am a specimen under his microscope and my damn heart is beating faster and louder than it should be."Why are you even here? Aren't you supposed to be working?" And why are you acting this casual when in
KABANATA 60 :: EFFORTLESSAlways be polite with costumer, I remember saying that as the cafe's number one rule and now I might take it back."Hindi ka mukhang waitress kase mukha kang future ko," banat ulit ng isa.I cringed silently when he looked at my clothes but my mind is a bit preoccupied with something.Strike three! Kung baseball lang ito kanina pa sila nasipa palabas.Mint green candage crop top at high waist denim shorts kase ang suot ko. Natatakpan naman iyon ng apron at may cardigan akong baon in case na malamig. Some says na hindi ako mukhang nanay kung manamit and I just want to ask them sana kung may dress code ba ang mga nanay.My heart is slamming hard against my chest. This traitor organ!His eyes were dark and hooded with an emotion I couldn't read. Napaiwas ako agad nang tingin sa kanya nang magtama ang mga mata namin. He looked kinda pissed, I don't know if I got it right coz his face is ne
KABANATA 59 :: STAREKendi enjoyed eating the Black Forest. Laking pasasalamat ko na lang na hindi sya mapagtanim ng tampo dahil kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko."Oh kamusta si Kendi?" tanong ni Kuya Kendrick sa kabilang linya.Kung hindi pa siya tumawag ay hindi ko pa nalaman na biglaan siyang nagpunta sa Palawan.This guy and his mood swings. Minsan he's normal, madalas abnormal.Sinulyapan ko si Kendria sa kama bago naglakad palabas ng kanyang kwarto. I tucked her to bed and read a story book kaya madali siyang nakatulog."She's fine. Nakalimutan na ang tampo. How about you? Are still fine brother?"That was supposed to be a light question but I heard him sigh heavily."Hindi ko na alam..." he sounds so tired.Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pinagdaraanan nya. Hindi man nya sabihin lahat, paminsan-minsan ay nadudulas siya o kusang nagsasabi ng ilang detalye."Kuya, kung maha
KABANATA 58 :: CAKESaglit pa akong napatanga sa kinatatayuan bago tuluyang makabawi.Kumurap-kurap ako at naglihis ng mata. Panay ang kalabog ng lintik kong puso.Kendi, baby asan ka na ba?Halo-halo ang nararamdaman ko habang patuloy na naghahanap ay napasulyap ako sa buffet table partikular sa isang bultong nakatayo malapit doon.Halos apat taon... Napakaraming nagbago at siguradong isa na doon ang pangangatawan niyang kung noon ay sexy na, ngayon kahit yata may button down long sleeve, ulam na."Ate, nahanap na po ni Kuya Kendrick si Kendi, nasa kusina po kasama si Sir Rod," agad na saad ni Erna nang sumulpot sa tabi ko.Isang sulyap pa at saka ako tumalikod para pumunta sa kusina.Tiwala akong hindi nagkita ang mag-ama dahil kung nagkataon tiyak na kokomprontahin ako ni Kleindro. Pero wala siyang ginawa kundi bigyan ako ng blangko ngunit mariing titig.Halos hapo pa ako nang makarating kay Kendria
KABANATA 57 :: DARKNatagalan pa kami bago makarating sa dapat puntahan dahil dumating na din ang ibang empleyado. Medyo nagkwentuhan pa kami dahil tuwang-tuwa sila sa presensya ng anak ko.Bitbit ang isang malaking duffel bag na naglalaman ng mga pangangailangan ni Kendria gaya ng gatas, pamalit na damit at ilang mga laruan ay nagpunta kami sa opisina. Dumating kase si Hailey na akala namin ay male-late."Mimi, work. Me, play. Go Mimi go!"Hindi ko maiwasang halikan ang pisngi ni Kendi habang pareho kaming nakaupo sa couch sa loob ng opisina.Itinuro na niya ang lamesa ko kung sana nakapatong ang mga reports mula sa tatlo pa naming branch. Once a month ay binibisita ko ang mga iyon, mas tutok lang ako sa Manila branch dahil mas malapit sa amin, hindi ko na kailangang iwanan si Kendria."Ang bait-bait naman ng anak ko! Dahil dyan... Anong gusto mong lunch?"Nagliwanang pa lalo ang kanyang mukha at kung wala siya sa kandu