KABANATA 2 :: ARROGANT
"Sayang gwapo ka pa naman, ang luma lang ng banat mo."Nawala ang ngisi niya at napalitan iyon nang nag iigting na panga.May kung anong emosyon sa kanyang mata na hindi ko mabasa."Anong ginagawa mo dito sa bar?"Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko, partikular ang aking suot.Pinaalala lamang noon sa akin kung bakit nga ba ako naglalasing.Napapikit ako hindi dahil sa neon lights na tumama sa aking mata kundi sa pagragasa ng bawat ala-ala."Well... Hindi ko kasalanan na mas masarap ako sayo!""Tumahimik ka Vanna! Sa tatlong taon na yan hindi ako sumaya sayo!""Tanga ka ba Vanilla o ano? Hindi ka nya mahal! Narinig mo?""Tangina naman Vanna, wag kang umiyak-iyak diyan!"Walang pag dadalawang isip kong hinila ang collar ng lalaki at sinibasib ito ng halik. Ilang minuto siyang natulos sa kinatatayuan bago tuluyang tumugon."Mas magaling si Mocha, bakit si Vanna?""Wag na. Kaya yan ni Mocha mag-isa mabuti pa Vanna sa bahay ka na lang muna."Nanguyapit ako sa leeg niya at hinayaan ang hita kong nakapulupot sa kanyang bewang.Hindi ko napigilan ang paghalinghing nang padaanan niya ng daliri ang sesitibong bahagi ng aking dibdib."Gusto mo yun?" paanas niyang tanong sa gitna ng halikan namin.Para akong isang de-susing robot na biglang umungol bilang pagtugon ng piilin niya ang tuktok noon.Nang kinakapos na sa hangin ay saka lamang namin binitawan ang isa't-isa. Siya ay nakatayo pa din habang ang isang kamay ay nakasuporta sa akin. Ang isa naman ay inaayos ang posisyon ng damit ko."Wag mo akong sabikin kung hindi mo kayang sumabay sa akin."Para akong nainsulto at muli na namang bumalik sa ala-ala ang sinabi ng kapatid.Mas magaling si Mocha sa kama pero wala sya. Ako lang nandito. Si Vanilla.Umayos ako ng pagkakatayo kahit noong una ay muntik na akong mabuwal dahil sa hilo. Naalalayan kuka ang bewang ko kaya hindi ako tuluyang gumulong sa sahig."Dalhin mo ako sa bahay mo kung ganon at tingnan natin."Isang ngisi ang pinakawalan niya bago ako tuluyang pinangko palabas ng bar, walang pakealam sa mga taong nakatingin sa aming dalawa.Nagising ako kinabukasan sa isang hindi pamilyar na silid. Noong una ay blangko ang utak ko pero kalaunan ay rumagasa sa ala-ala ko ang mainit na sandaling pinasaluhan namin ng estranghero.Napabalikwas ako agad ng bangon kaya naalerto ang lalaking katabi ko.Halos sabay pa kaming napamura at kapwa sumapo sa ulo, siya marahil ay sa gulat sa reaksyon ko at ako naman ay sa kirot na nasa sentido.Kaya hindi ako umiinom ng alak, bukod sa mababang tolerance ay ayoko rin sa hangover.Napaungol ako nang hindi sinasadya matapos sumigid ang kakaibang kirot sa ibabang bahagi ng katawan ko. Akmang tatayo na ako ngunit nangilid ang luha sa aking mata dahil sa sakit na dala noon.Mas masakit pa sa ulo ko!"Ayos ka lang?"Gusto ko stang barahin at pagsisigawan pero masyado na akong maraming iniinda para idagdag pa sya."Masakit ba?""Hindi mo ba nakikita?""S-Sorry.""Bakit ka humihingi ng sorry?" pabulyaw kong tanong pero agad na bumalik sa pagkakayuko dahil sa bawat galaw ay parang may napupunit na kung ano sa loob ko."Ewan ko.""Tangina mo kase bakit mo ipinasok y-yang ano mo kagabi?""Kasalanan ko pa na nagmakaawa ka?"Ang sarap sigurong sampalin ng bunganga nya.Kahit gaano kasakit ang pagkababae ko ay pilit akong tumayo sa kama at nagbihis ng damit na suot ko kagabi.Natatandaan kong winasak nya ang aking panty at bra kaya hindi ko na hinagilap ang mga iyon. May foam naman ang suot kong gown."San ka pupunta?"Hindi makapaniwalang tinapunan ko siya ng tingin habang sinusuot ang aking sapatos.Unti-unti na akong nasasanay sa sakit ng aking kaselanan kaya madali na lamang ang pagkilos para sa akin."Uuwi na.""Bakit?""Antok ka pa ba? Hindi ako dito nakatira malamang."Inirapan ko siya at hindi pinansin ang pagkalukot ng kanyang mukha.Sayang pogi pa naman kaso sabog."Paano kung bibigyan kita ng offer?"Nangunot ang noo ko at saglit na natigil sa pagsusuot sa strap ng aking heels."Anong klase naman iyan?""Mag stay ka kasama ko at babayaran kita sa presyong gusto mo.""Nababaliw ka na ba? Bakit ko gagawin yan?"Nagkibit balikat siya at balewalang tumayo sa kama para lapitan ako.Ilang ulit akong napalunok matapos pilit na iwasan ng tingin ang alaga niyang buhay na buhay sa umaga.Tumigil siya sa tapat ko at hinuli ang aking tingin.Napakurap-kurap ako nang mas maaninag ang pagnanasa sa kulay tsokolate niyang mata."Pera na nga ang lumalapit sa iyo ayaw mo pa?"Nanlaki ang mga mata ko at ang palad ay kusang umigkas patungo sa kanyang mukha."Hindi ako bayaran! Tangina mo sayo na yang pera mo hindi ko yan kailangan!" bulyaw ko sa kanya at walang sabi-sabing nagmartsya palabas ng unit.Nang makababa sa ground floor ay agad akong sumakay ng taxi.Ayaw pa nga akong ihatid pauwi sa Baguio kaya kinailangan ko pang doblehin ang bayad para lamang makalayo ako sa pesteng lalaki na iyon.Napaka arogante! Akala yata lahat ng tao ay mabibili ng pera niya!Kumalma lamang ako nang unti-unting maramdaman ang malamig na klima at masilayan ang mga pine tree sa labas.Eto ang tahanan ko. Tulad ng isang pine tree na kahit anong init o ulan ay nananatiling berde ang mga dahon, kahit gaano pa kasama ang buhay dapat kayanin ko pa ring lumaban.Hindi madali ang lumaki sa anino na iniwan ng ibang tao, na kahit ikaw halos hindi mo kilala kung sino ka nga ba talaga. Hindi rin madali ang mabuhay sa mundong walang ibang kinikilala kundi ang pera at kapangyarihan.Napangiti ako ng mapait nang maalala kung paano ang naging buhay ko habang lumalaki. Kung ang ibang mga bata ay may pagkakataon na magliwaliw sa labas at makipaglaro sa mga kapwa nila bata, ako ay abala sa pagsunod kina mama at Mocha. Dahil si Mocha ay pinanganak para sa kamera, sinanay din ako para maging kagaya niya. Yun nga lang habang tumatagal ay mas hindi ko na kinakaya ang industriya kaya hinayaan na lamang akong huwag mag modelo kapalit ng matataas na grado sa paaralan.Hindi ako matalino kaya imbis na maglaro ay nakaenroll ako sa iba't-ibang summer at tutorial classes.Napanatag ako nang matanaw ang kulay kape naming mansyon pero agad iyong napalitan ng pangamba dahil kalahati pa lang ng mahabang drive way ang nalalakad ko ay sumalubong na sa akin ang mangiyak-ngiyak na si Nana Maring."Vanna, anak san ka nanggaling? Kagabi ka pa hinihintay ng Mama at Papa mo!""Nakitulog po ako kina Dairene, nay."Kita ko ang bahagyang pagkalma niya nang mabanggit ko ang pangalan ni Dairene, ang pinakamalapit kong kaibigan."Mabuti naman at nakauwi ka nang ligtas, hindi mo kabisado ang Maynila hindi ba? Bakit hindi ka nagpasundo kay Berto?" tukoy nito sa anak na syang naging family driver namin pamula ng mamatay ang asawa ni Nana Maring."Kumalma po kayo, maayos lang ako. Kung maligaw man ako doon madali lang tumawag dito sa Baguio o pumunta sa hotel—""Nana Maring si Vanna na ba yan?"Sumikdo ang pinaghalong galit at kaba sa aking dibdib nang matunugan ang matinis na boses ng aking kapatid.Anong ginagawa ni Mocha dito?"Dito nga pala umuwi yan si Mocha, nakakapagtaka nga," ani nanay Maring habang iginigiya ako papasok sa loob ng bahay tila nababasa ang tanong sa isip ko."Mabuti naman at alam mo pa ang daan pauwi!"Sa kabila ng nanggagalaiting bungad ni mama ay lumapit pa rin ako para sana halikan siya ngunit umiwas siya kaya minabuti kong tumigil na lamang."San ka nanggaling kagabi, Vanna?" mas malumanay na tanong ni papa.Sa kanilang dalawa si mama ang mas istrikto. Si papa ay bihirang magsalita at palaging malumanay, kabaliktaran ni mama na palaging nakabulyaw tuwing magkakamali ako."K-Kina... Dairene po."Nakagat ko ang aking pang ibabang labi.Bakit kay hirap magsinungaling sa kanila?"Sinungaling!""Pero mama—""Basahin mo yan! Basahin mo Vanilla Leticia para malaman mo na pinapipiyestahan tayo dahil sa katangahan mo."Halos isampal na niya sa akin ang hawak na dyaryo kaya naman nanginginig ang kamay ko ng abutin iyon.Si Nana Maring ay pasimpleng hinahaplos ang aking likod habang nakayuko lamang sa gilid. Hindi siya maaring magsalita dahil malilintikan siya kagaya ko.Lahat naman yata kami ay takot sa galit ni mama dahil sya ang pinakamalala, hindi lang minsang sinasaktan niya ako ng pisikal kapag may ginagawa ako na ayaw niya.Nanlaki ang mga mata ko nang maaninag ang larawan at litong nagpalinga-linga. Nagtama ang mga mata namin ni Mocha at imbis na simpatya, ngiting tagumpay ang nakapaskil sa mukha niya."Nakita mo na? Hindi kita pinalaki para maging suwail! Paano mo yun nagawa kay Atticus?""M-Mama..." nabasag ang boses ko sa pinaghalo-halong kaba, galit at pagkalito sa sitwasyon."Ngayon ka iiyak? Nakakahiya ka Vanilla! Sabi ko na nga bang may iba kang lalaki," singit ni Mocha at saka binalingan si mama na tila humihingi ng saklolo."Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao sa atin? Nagpalaki ako ng isang babaeng puta?"Napapikit ako nang mariin matapos marinig ang salitang iyon galing sa bibig ng sarili kong ina.Nilingon ko si papa ngunit isang iling tanda ng disappointment ang ibinigay niya sa akin.Dire-diretso ang daloy nang aking mga luha habang pinapakinggan ang iba't-ibang akusasyon ng ina at kapatid.Binaliktad ni Mocha ang sitwasyon. Imbis na ako ang magsumbong tungkol sa kanila ni Atticus sinamantala niya ang balita sa diyaryo tungkol sa lalaking nakakuha ng pagkababae ko nang nagdaang gabi para palabasin na may lalaki ako."Wala kang dadalhing kahit na ano, lumayas ka sa pamamahay ko!"Agad akong napapitlag at nang tangkang lalapit kay mama para magmakaawa ay itinulak ako ni Mocha dahilan para mapaupo ako sa marmol na sahig.Hindi ko na alam kung anong mas masakit, ang katawan ko ba dulot ng pagbagsak o ang puso kong parang pinipiga."Narinig mo? Lumayas ka! Wala akong kapatid na manloloko—""Wag mong baliktarin Mocha! Ikaw ang—""Vanilla Leticia! Wag mong sisigawan ng ganyan ang kapatid mo!" agad na pag alma ni mama.Napangiti ako ng mapait at yumuko na lamang sa sahig kung saan halos kita ko na ang repleksyon sa kabila ng nanlalabong mata dulot ng luha.Oo nga naman, wag sisigawan pero kay Mocha lang applicable. Wag sasaktan pero si Mocha lang. Dapat pakinggan pero si Mocha rin lang. Paano ako? Kung puro si Mocha, paano si Vanna?Ni hindi man lang dininig ang paliwanag ko. Nakatatak na talaga sa mga isip nila na ako ang lamat na palaging nagbabadyang sumira sa perpekto nilang pamilya.KABANATA 3 :: SPLASH"Anak, aalis ka ba talaga?"Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo.Ang kulubot na balat ng matandang nagpalaki sa akin ay kababakasan ng lungkot. Kanina pa siya umiiyak at nakikiusap na manatili na lamang ako dahil huhupa din ang galit ni Mama pero palagay ko ay mali siya.Nang iwanan nila akong nakaligmok sa sala ay ipinakandado niya ang aking silid para siguraduhing wala talaga akong madadalang kahit na ano.Ang damit nga na suot ko ay isang maliit na bestidang bulaklakin ng asawa ni Berto. Pinahiram ako dahil gown at heels pa din ang aking suot."Ayos lang ako Nana, sa Maynila po muna ako habang galit pa ang Mama.""Bukas ang bahay namin para sayo, anak. Kumatok ka lamang."Nginitian ko ng tipid ang matanda ngunit ng kabigin ako para sa isang yakap ay hindi ko mapigilang humagulgol sa kanyang balikat.Mali ako nung inisip kong walang kapamilyang nagmamahal sa akin dahil simula pagkabata, si Nana ang kakampi ko. Palagi siyang naka
KABANATA 4 :: OFFERMasakit sa matang sinag nang araw ang bumungad sa akin pagkamulat na pangkamulat ko ng mata. Malayo sa kulay ginto at kayumangging victorian interior ng aking silid ang kulay puti at itim na kuwartong ito. Malaki ang espasyo dahil bukod sa minimal ng mga gamit ay halatang lalaki ang may ari. Kung hindi man, maiisip mo agad na ito ay ang taong ayaw sa lugar na masikip.Dahan-dahan akong bumangon sa kama at pilit inalala kung bakit ako napadpad sa lugar na ito. Ang huling tanda ko ay walang-wala akong pera dahil pinalayas ako sa amin at gusto ko nang mamatay.Natuptop ko ang bibig at inilinga-linga ang mga mata sa paligid. Puti. May liwanag. Ito na ba ang modernong bersyon ng langit?Bumaba ang paningin ko sa aking suot. Puting night dress ang dating bulaklaking bestida.Ang mga katanungan ko ay nasagot sa biglaang pagpasok ng lalaking nakasuot ng isang pormal na uniporme.Mukhang nagulat siya nang makitang nakaupo na ako sa malapad na kama ngunit sa isang kurap ay
KABANATA 5 :: WEDDING"Mama... Kapag nawala ba si Vanna sasaya ka?"Isang malutong na halakhak ang pumuno sa silid aklatan na kinaroroonan namin."Kapag sinabi kong mamatay ka, gagawin mo ba?"Napatitig ako sa sapatos kong punong-puno nang putik. Kailangan ko kaseng suungin ang mataas na baha kahit umuulan pa dahil tiyak na magagalit si mama kapag inabot ako nang dilim sa paaralan. Si Mocha lamang ang sinundo niya at naiwan ako dahil sabi ni Titser hindi aalis kapag walang sundo. Nakiusap lamang ako sa kanya at sinabing abala sa trabaho ang mama ko.Basang-basa ako pati ang lahat ng mga gamit sa loob ng bag ko pero dito ako dumiretso para ihabol ang pagbati ko sa kaarawan ni Mama.Bukas pa iyon pero isasama nila si Mocha patungong Maynila para doon magcelebrate kaya maiiwan ako dito."Umalis ka na Vanna habang nakakapagtimpi pa ako sayo."Mula sa backpack na tumutulo pa sa pagkabasa ng tubig ulan ay kinuha ko ang regalo ko sa kanya. Kahit nangingig ang kamay dahil sa lamig at kaba ay
KABANATA 6 :: LIMOUSINEKumpletong kolerete sa mukha ang ibinigay sa akin ni Roy, ang isa sa sandamakmak na men in black na nagkalat sa bahay ni Kleindro. Pinaghahanda ako para sa kasal na dinaig pa yata ang bullet train sa sobrang bilis. Tinawanan ko lamang si Kleindro nang sabihin niyang magpapakasal kami ngayon dahil akala ko'y nagbibiro siya pero heto at totoo pala.Suot ang dirty white terno, inayos ko ang pagkakapony tail ng aking buhok. Natural na alon-alon iyon kaya pinlantsya ko para mas magmukhang pormal.Matapos masigurong maayos ang buhok ay sunod kong inayos ang aking mukha. Wala akong ibang inilagay kundi ang kulay maroon na lipstick at manipis na eyeliner para hindi naman ako mukhang zombie sa mata ko.Tipid ang naging pag ngiti ko sa harap ng salamin matapos makita ang kinalabasan.Sa wakas hindi ko na kailangang umaktong kagaya ng ibang tao."Are you done?"Napapitlag ako ng maramdaman ang labi ni Kleindro sa aking leeg.Sa sobrang okupado ng aking isip ay hindi ko n
KABANATA 7 :: PHONECALLUmingay ang VIP room na kinaroroonan ng mga kaibigan ni Klein sa aming pagdating. Lima silang nasa lamesa at ang iba ay pamilyar sa akin. At sa mesa ay nakahain ang sandamakmak na putahe at pagkain."Mabuti at naisipan mong mag-imbita sa celebration!""Naku nagmamadali yan! Sa ganda ng bride baka atrasan pa."Umugong ang tawanan nang pakitaan ni Klein ng middle finger ang dalawang lalaking nangantyaw sa kanya."Hindi ko na kayo inimbita dahil mga tarantado kayo baka masira nyo pa ang kasal ko."Nagtawanan ang mga lalaki at nagngisian naman ang mga babae. Balewala iyon kay Klein na ipinaghila pa ako ng upuan bago naupo sa tabi ko. Syempre hindi iyon nakaligtas sa kantyawan."Oh naging gentleman ka na? Sabi sayo si kupido ang kailangan mo."Tipid akong napangiti.Kupido? Sex kamo."Manahimik ka dyan Kendrick!" binalingan nya ang iba. "Eto si Vanna."Hinintay kong ipakilala niya ang mga kaibigan ngunit nagkusa na ang mga ito."Hi Mrs. Lavaigne, ako si Harry. At e
KABANATA 8 :: BOREDOMNakailang balikwas na ako sa pagkakahiga pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Halos alas otso na ng gabi pero ang diwa ko ay gising na gising pa din. Asan na kaya si Kleindro?Tiningnan ko ang bagong cellphone na ibinigay niya sa akin kanina matapos kaming mag lunch at saka lamang naisipang kalikutin iyon.Ang default wallpaper ay pinalitan ko ng litrato ng aking paa. Nang makontento ay saka ako nagpunta sa contacts at dalawang numero lamang ang nandoon; pangalan ni Klein at ang kay Roy na may caps lock pang warning, kausapin lang daw kung emergency.Baliw talaga, nakabuntot nga si Roy hanggang sa hapagkainan mukha bang makikipag text mate ako?Ako:Anong oras ka uuwi?Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya kaya imbis na magpaka bad trip ay nagbihis na lamang ako ng two piece at pinatungan iyon nang makapal na bathrobe.Nagsitayuan ang dalawang bodyguard na nasa sofa at parehong nakatingin sa aking itsura, nagtataka."Dito na lang kayo sa loob, maliwa
KABANATA 9 :: BEAUTIFUL"Nakaalis na si Kleindro?" tanong ko sa dalawang bodyguard na nakaposte sa ibaba ng hagdan."Maaga pong umalis. Pinapasabing may pupuntahan kayo mamayang hapon.""Sinabi ba kung saan?"Umiling siya kaya nagkibit-balikat na lamang ako.Oh well… Pang ilang araw ko na ba dito ulit? Parang kelan lang at nakatulala ako sa fireplace habang nakasuot ng makapal na damit. Bihira akong lumabas lalo na kapag bagsak ang temperatura at heto ako ngayon sa napakainit na syudad. Hindi ko maimagine ang buhay na walang aircon."Nakahanda na po ang almusal sa garden," si Roy ang sumalubong sa akin nang akmang papasok na ako sa dining room."Sinong nagpalagay doon?" kunot noong tanong ko."Utos po ni Mr. Lavaigne."Inikot ko ang mata at sumunod sa kanya palabas.May stone pathway mula sa kitchen backdoor patungo sa gazebo na nakatayo sa mismong gitna ng garden.Hindi ko pa pala nalilibot ang bahay. Nagpasalamat ako kay Roy na agad namang dumistansya para hayaan akong kumain ng ma
KABANATA 10 :: COMFORT ROOM"Hmm…. Kase?" Umilag ako pero walang silbi dahil madali nya akong nakulong sa mga bisig niya. Nakasandal ako sa lamesang punong-puno ng mga make up tools at halos hindi makagalaw.Malakas ang pintig ng puso ko dahil sa titig niyang tila kinakabisado ang bawat parte ng mukha ko."Tara na?" Nalaglag ang panga ko nang kusa siyang lumayo sa akin.Shit yakapin mo na lang kaya ako maghapon?Kahit labag sa kalooban ay tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. Unang pagdadaiti ay ramdam ko na agad ang gaspang noon. Hindi pa siya nakontento dahil pinagsalikop pa talaga niya ang aming mga kamay.Ngayon mukha na talaga kaming bagong kasal.Halos irapan ko ang sarili dahil sa pangangarap ng gising. Anim na buwan lang at matatapos na ang lahat ng ito.Inalalayan niya ako pasakay, gayon din pagbaba ng kotse at literal na nalaglag ang panga ko dahil sa bumungad na eroplano sa paningin ko."Private plane mo?" parang timang kong sagot kahit pa nakita ko na ang pagsaludo n
KABANATA 65 :: SHOCKED"Great!" Inna clapped in glee, "Tara sama ka sakin nandito sina Harry at Vince miss ka na nila!"Wala akong nagawa nang hilahin niya ako palabas ng banyo.I treated them like my real friends after all. Medyo nakakalungkot nga lang na nawala sa grupo nila ang kapatid ko.Baka dahil sa akin o sa marami pang bagay na hindi nila napagkakasunduan ni Kleindro. Kahit ano pa man iyon nakakapnghinayang din ang ilang taon na friendship.Hindi kase nagkekwento si Kuya Kendrick tungkol doon lalo pa at ingat na ingat kami kay Kendria. If she heard it from her uncle, for sure she'll go nuts and I don't want that.Laglag ang panga ng dalawang lalaki na nadatnan namin sa lamesa. Harry immediately asked if he was dreaming while Vince stared at me like a weirdo.Nalaman ko na nandito din si Gem kanina pero umuwi na kasama ang kambal nila ni Vince dahil inaantok na ang mga bata."Kalma guys ako lang to," pab
KABANATA 64 :: SLUTWalang katapusang pagbibilin ang ginawa ko bago iwanan si Kendria kay Erna. Hindi kase sanay ang anak ko na matulog mag-isa kaya pinakiusapan ko si Erna na tabihan muna sya o di kaya ay bantayan hanggang sa makatulog.Nagpaalam naman ako kay Kendi pero alam kong iba ang tantrums nya kapag nagising tapos hindi ako mahagilap.I still don't know what time will I go home exactly dahil halos hating-gabi ang simula ng party, alas nuwebe. Actually, late na ako dahil nine thirty na pero ang sabi naman ni Kuya Kendrick ang mahalaga lang ay magpakita ako doon, hindi ko naman kailangan na magtagal."Ako na po ang bahala Ma'am," ani Erna.Sinulyapan ko si Kendria na payapa nang natutulog sa kanyang kama at saka tinapik si Erna para magpaalam."I-lock mo na lang ang pinto paglabas ko ha? May duplicate key ako kaya ako na ang bahala pag-uwi ko mamaya. Yung gatas ni Ken nasa bed side table tsaka kung magkaproblema tawagan mo
KABANATA 63 :: FAMILIAR"Usap tayo mamaya ha anak?" I kissed he cheeks and stood up. "Erna sa loob muna kayo pupunta lang ako sa home owners ek-ek, wag mong palabasin ng bahay baka mamaya makapatay na yan."Mang makapasok ang dalawa sa bahay ay saka ako tumulak paalis. Walking distance lang ang layo ng bahay namin sa opisinang sinasabi ni Erna kaya naglakad na lamang ako. Wala rin naman akong choice dahil wala akong kotse.The fat woman near the door greeted me politely, kabaligtaran nang nadatnan ko sa loob.Ang mga ulo ay halos sabay-sabay na bumaling sa akin kaya taas noo akong pumasok sa loob. Limang tao ang nasa silid. Ang babaeng nakaupo sa swivel chair, ang isang babaeng sopistikada at isang lalaki sa tabi niya. Ang dalawa pang babae ay nakatayo sa gilid ng nasa swivel chair."Good afternoon po, sorry I'm late kagagaling ko lang kase sa trabaho…" I said softly and sat to the chair across the couple."No wonder na
KABANATA 62 :: PUNCHKalalabas ko lamang sa kusina. I helped the kitchen staff dahil nagpaalam na si Thana na magreresign. She didn't told me why exactly but she promised to explain when things get better.Naninibago ang kitchen staffs syempre kahit naman minsan wala si Thana alam namin na babalik sya. Nag post na kami ng hiring kanina, marami-rami nang nag apply.Si Joryl ang nag s-screen niyon habang ako naman ang mag iinterview. I want someone trustworthy and as good as Thana kaya mas mabuting hands on ako sa pagpili."Hi Vanna!" a cheerful voice greeted me.Namukhaan ko siya though, I can't remember his name. Kasama nya yung mga kaibagan nyang highschooler yata kahapon."Hi again, I told you to call me Ate," I said softly.Tinawanan nya lang iyon at ipinagkibit balikat.Ang peircing niya ay kumikinang kagaya ng suot niyang silver watch. Still wearing his school uniform na may logo ng school at pangalang nakaburda sa baba, Kirk Franklin Diosdado."Mukhang busy kayo ah?" tanong niya
KABANATA 61 :: DADDY"You can close your mouth lady, I can almost see your throat from where I was standing," he said in a usual arrogant tone.Napakurap-kurap ako at agad na isinara ang bibig. Tinakpan ko pa iyon bago siya tiningnan ng masama.Pakiramdam ko ay sasabog na lamang bigla ang pisngi ko dahil sa labis na pag-iinit noon."What? I was just trying to be nice," he said opposite to his grim face.Nice? Sa pagkakaalam ko wala ang salitang nice sa bokabularyo nya. Take note that being nice is included after an arrogant remark. Wow Lavaigne, just wow!Pinangunutan ko siya ng noo matapos humalukipkip sa harapan niya."I don't need nice people here," inis kong pakli sa kanya.Sinulyapan ko pa ulit ang gulong ng kotse ko at binalingan siya.I caught him intently looking at me as if I am a specimen under his microscope and my damn heart is beating faster and louder than it should be."Why are you even here? Aren't you supposed to be working?" And why are you acting this casual when in
KABANATA 60 :: EFFORTLESSAlways be polite with costumer, I remember saying that as the cafe's number one rule and now I might take it back."Hindi ka mukhang waitress kase mukha kang future ko," banat ulit ng isa.I cringed silently when he looked at my clothes but my mind is a bit preoccupied with something.Strike three! Kung baseball lang ito kanina pa sila nasipa palabas.Mint green candage crop top at high waist denim shorts kase ang suot ko. Natatakpan naman iyon ng apron at may cardigan akong baon in case na malamig. Some says na hindi ako mukhang nanay kung manamit and I just want to ask them sana kung may dress code ba ang mga nanay.My heart is slamming hard against my chest. This traitor organ!His eyes were dark and hooded with an emotion I couldn't read. Napaiwas ako agad nang tingin sa kanya nang magtama ang mga mata namin. He looked kinda pissed, I don't know if I got it right coz his face is ne
KABANATA 59 :: STAREKendi enjoyed eating the Black Forest. Laking pasasalamat ko na lang na hindi sya mapagtanim ng tampo dahil kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko."Oh kamusta si Kendi?" tanong ni Kuya Kendrick sa kabilang linya.Kung hindi pa siya tumawag ay hindi ko pa nalaman na biglaan siyang nagpunta sa Palawan.This guy and his mood swings. Minsan he's normal, madalas abnormal.Sinulyapan ko si Kendria sa kama bago naglakad palabas ng kanyang kwarto. I tucked her to bed and read a story book kaya madali siyang nakatulog."She's fine. Nakalimutan na ang tampo. How about you? Are still fine brother?"That was supposed to be a light question but I heard him sigh heavily."Hindi ko na alam..." he sounds so tired.Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang pinagdaraanan nya. Hindi man nya sabihin lahat, paminsan-minsan ay nadudulas siya o kusang nagsasabi ng ilang detalye."Kuya, kung maha
KABANATA 58 :: CAKESaglit pa akong napatanga sa kinatatayuan bago tuluyang makabawi.Kumurap-kurap ako at naglihis ng mata. Panay ang kalabog ng lintik kong puso.Kendi, baby asan ka na ba?Halo-halo ang nararamdaman ko habang patuloy na naghahanap ay napasulyap ako sa buffet table partikular sa isang bultong nakatayo malapit doon.Halos apat taon... Napakaraming nagbago at siguradong isa na doon ang pangangatawan niyang kung noon ay sexy na, ngayon kahit yata may button down long sleeve, ulam na."Ate, nahanap na po ni Kuya Kendrick si Kendi, nasa kusina po kasama si Sir Rod," agad na saad ni Erna nang sumulpot sa tabi ko.Isang sulyap pa at saka ako tumalikod para pumunta sa kusina.Tiwala akong hindi nagkita ang mag-ama dahil kung nagkataon tiyak na kokomprontahin ako ni Kleindro. Pero wala siyang ginawa kundi bigyan ako ng blangko ngunit mariing titig.Halos hapo pa ako nang makarating kay Kendria
KABANATA 57 :: DARKNatagalan pa kami bago makarating sa dapat puntahan dahil dumating na din ang ibang empleyado. Medyo nagkwentuhan pa kami dahil tuwang-tuwa sila sa presensya ng anak ko.Bitbit ang isang malaking duffel bag na naglalaman ng mga pangangailangan ni Kendria gaya ng gatas, pamalit na damit at ilang mga laruan ay nagpunta kami sa opisina. Dumating kase si Hailey na akala namin ay male-late."Mimi, work. Me, play. Go Mimi go!"Hindi ko maiwasang halikan ang pisngi ni Kendi habang pareho kaming nakaupo sa couch sa loob ng opisina.Itinuro na niya ang lamesa ko kung sana nakapatong ang mga reports mula sa tatlo pa naming branch. Once a month ay binibisita ko ang mga iyon, mas tutok lang ako sa Manila branch dahil mas malapit sa amin, hindi ko na kailangang iwanan si Kendria."Ang bait-bait naman ng anak ko! Dahil dyan... Anong gusto mong lunch?"Nagliwanang pa lalo ang kanyang mukha at kung wala siya sa kandu