Lahat ng Kabanata ng The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01) : Kabanata 1 - Kabanata 10

68 Kabanata

Chapter 1: A good Joker

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang larawan namin ni Judd. Maganda ang ngiti na nakapaskil sa aking mga labi habang may nakasimangot na mukha naman ang aking asawa.Sabagay, kahit papaano ay ginusto n’ya rin naman ito, pero hindi naman n’ya akalain na magiging ganito ang kahihinatnan n’ya sa puder niya. “Kamusta ang trabaho?” Bungad na tanong ko ng pumasok ito sa loob ng kwarto namin, hindi ito umimik bagkus ay tiningnan lamang ako nito ng masama. Nasupil ko naman ang bibig at mas piniling h’wag na lamang umimik.Mapakla akong napangiti ng padabog nitong isinarado ang pinto at narinig ko ang tunog ng kanyang sasakyan kaya agad naman akong nagtungo sa bintana at tinanaw ang papaalis nitong sasakyan. Ganun naman sadya eh,diba? Mag ta'take risk tayo para sa taong mahal natin dahil sa kagustuhan na ipanalo ang pagmamahal na yun, pero darating din sa punto na mag fa'failed tayo. Na kahit alam natin sa sarili natin na umpisa pa lang talo na, pero sinubukan pa rin natin. Sabi pa nga n
last updateHuling Na-update : 2022-05-25
Magbasa pa

Chapter 2: His Girlfriend

"Hi." A baritone voice interrupts while I'm busy talking with my classmates.Nung una hindi ako humarap dito dahil baka hindi ako ang kinakausap niya. Ngunit isang kulbit ang naging dahilan upang humarap ako sa gawi ng nagsalita at isang magaan na ngiti ang sumalubong sa akin. Gwapo, matangkad, maputi, may makapal na kilay at makapal na mahabang mga pilik mata, may mapupulang labi na natitiyak kong kinahuhumalingan ng kababaihan. "Hello," I replied and I smiled at him."Can you be my friend?" He asked, at walang ibang ginawa ang aking mga kaklase kundi ang tuksuhin kami. Napailing ako at napatawa kaya tumango nalang ako.Hindi ako yung tipo ng babae na maarte, just go with the flow. Hindi porket panget iiwasan na, lahat pantay pantay sa paningin ko. "Of course," I answered. "I'm Samantha but you can call me, Sam." Nakangiti kong dugtong. "Judd." He said at ngumiti ulit ito ng sobrang gaan. Nakakagaan ng problema.----Siya ang unang lumapit, siya ang unang nangulit. Pero heto a
last updateHuling Na-update : 2022-05-25
Magbasa pa

Chapter 3: Everything is just a show

I’m just an ordinary girl, na naghangad na isa sa mga inaasam ay mapasa akin. Ngunit parang hinaharangan ‘to ng tadhana, kasi binigay nga sa akin ngunit napakahirap pa ring abutin kahit sobrang lapit na sa akin.Hindi ko rin kasi alam kung mag sisisi ba ako dahil ipinilit ko pa at heto yung naging ending ko sa kanya.I was looking at him, may maamong mukha habang may kausap. May ngiti sa mga labi na akala mo’y walang sino man ang may kaya pang tumbasan ang mga ngiti na umaalpas sa kanyang mga labi. Matapos mangyari ang insidente noong nakaraang araw ay balik na ulit sa dati, parang wala na ulit itong pakialam.Mapait ako napapangiti habang pinanood si Judd at ang babae na akala mo’y isang linta kung makakapit sa asawa ko. They are kissing like there’s no tomorrow. Parang uhaw na uhaw na sanggol, sino ba naman ako para sirain ang kanilang kaligayahan?Sa pagkakataon na ito ayoko na ulit mauulit ang ginawa ko noon, na alisin at sirain ang kasiyahan ng nag iisa kong kaibigan. Kahit asawa
last updateHuling Na-update : 2022-05-25
Magbasa pa

Chapter 4: Regrets

Bakit hindi ba ako nag isip? Kahit kailan ang galing niya talagang paglaruan ang nararamdaman ko, ako naman na hindi na natuto at nasanay. Hindi man lang maalam makiramdam kung pinaglalaruan na ba o tunay ang pinapakita.“Ang ganda mo naman hija.” Saad sa kanya ng ginang at hinawakan ang kanyang mga kamay. Bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Judd at nauna kami ng mommy Jasmin niya sa paglalakad. Pilit naman akong ngumingiti at sumasagot ng tango sa bawat sabihin at itanong ng ina ni Judd.Ni isang lingon ko si Judd na may mapaglarong ngiti sa mga labi. Nahuli mo ako dun, ang sakit. Napaasa na naman nya ako, gusto kong magalit na lang yata habang buhay sa sarili ko dahil hanggang ngayon pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Bakit ba kasi sobrang tagal kong mapagod?Pagod na kasi ako, yung katawan ko pero bakit ang puso ko patuloy pa rin na sya ang itinitibok nito. Kung pwede lang sana na utusan ang puso para matapos na ang lahat ng ito.Halos wala akong imik hanggang sa matapos an
last updateHuling Na-update : 2022-05-26
Magbasa pa

Chapter 5: He's Jealous

Gabi na ng ako’y magising, nakatulog na pala ako sa pag iyak at ng tingnan ko ang orasan ay pasado alas nueve na ng gabi. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kalapit na silid, wala doon si Judd. Pero mas okay na din yun para kahit papaano ay makaiwas dahil sa pag ka pahiya kanina, hindi na lang talaga sadya kinaya ng aking nararamdaman kaya nasabi ko ang mga ganong bagay pero yun ay tagos at mula talaga sa puso ko. Umawas na kasi ang sakit na nararamdaman ko sa lahat ng ginagawa ni Judd kaya hindi ko na napigilan ang sarili na sabihin ang mga salita na ayon sa kanya.Bumaba ako ng hagdan at nagpunta na ng kusina, ini init ko ang pang ulam na niluto ko kaninang umaga bago nagpasya na kumain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasan na isipin ang itsura ni Judd ng sabihin ko ang mga salita na ayon, pakiramdam ko ay nakonsensya ito base sa pagtingin ko sa mga mata n’ya kanina pero kaya nga ba nya ang makonsensya? O baka pinagtatawanan na niya ako ngayon kasi nagawa na niya ang gusto n’ya,
last updateHuling Na-update : 2022-05-31
Magbasa pa

Chapter 6: Kassy is back

While I was busy washing the dishes hindi maiiwasan na hindi mapa isip kung bakit ganun na lang ang ini akto ni Judd. Parang kahapon lang ay nag sorry ito pero may dinala namang babae pagkauwi tapos ngayon ito namang acting skills na pinakita niya ngayong umaga.Hindi na ito bumalik sa hapag at basta na lang lumayas ng walang paalam. Gusto kung kiligin dahil sa isipin na he’s in love with me pero mali naman na pangunahan ko ang sariling saloobin dahil lang sa iniaakto nito. Tsaka, kikiligin pa ako ng lagay na ito matapos ng mga nangyari? Ano ‘yon parang wala lang? Joke lang, ganon? Napailing ako at agad ng tinapos ang paghuhugas. Chineck ko na rin ang ref at nilagyan ng tubig ang mga pitsel na kakaunti na ang laman, napansin ko rin na kakaunti na ang pagkain doon kaya dapat siguro na mamalengke na ulit si Judd. I picked up the cellphone inside our room and text him kung pwede akong mag grocery. Kahit alam ko na hindi ito papayag ay nagbaka sakali pa rin ako. Kasi sa totoo lang ay
last updateHuling Na-update : 2022-06-01
Magbasa pa

Chapter 7: Her first at all

Hindi ako mapakali sa pwesto dahil sa presensya ng tao na hindi ko inakala na makikita ko ulit. Sa lahat ng pwede naming puntahan ni Judd ay dito pa talaga? Akala ko ako na ang isa sa pinaka swerte na babae sa balat ng lupa kasi nasolo ko ang asawa ko dito sa isa sa mamahaling restaurant at kasabay na kumain. Ngunit mali ako, sadyang pinagkaitan ako ng tadhana. Hindi talaga dapat tayo magsaya o matuwa sa isang bagay dahil babawiin din ito agad at doble pa ang sakit.“You two stayed together?” Patanong na sabi nito, ngunit hindi ako umimik at nanatili lamang na nakatungo, nakatingin sa pagkain habang bahagya na ngumunguya.Nawawalan na rin ako ng gana sa pagkain, dahil pakiramdam ko ay hinuhusgahan na ako ni Kassy sa paraan ng bawat pag tingin niya sa akin. Parang unti-unti nitong binubuklat ang buo kung pag katao para mamata at may masabi sa akin.“When have you been back?” Napa angat ako ng tingin dahil sa pag iiba ni Judd ng usapan, halatang ayaw niyang mapag usapan ang tungkol sa
last updateHuling Na-update : 2022-06-01
Magbasa pa

Chapter 8: Check-up

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock malapit sa gilid ng kama. Bahagya kong kinusot ang mga mata at nag inat ng paa kasabay ng pag ngiwi dahil sa naramdaman na hapdi sa parting gitna. Agad namang kumalabog ng pagkakabilis ang aking dibdib na animo'y may mga kabayo na nag uunahan sa finish line doon. Naramdaman ko ang init na dumaloy paitaas sa aking pisngi na natitiyak ko na parang isang hinog na kamatis ang aking pisngi ngayon.I can’t believe for what happen, parang kahapon lang sobrang layo pero kinabukasan ay naabot ko na agad ang aking simpleng pangarap. Simpleng pangarap na sana ay maayos na ang pagsasama naming dalawa ni Judd, sa tagal ng paghihintay ngayon ay unti-unti ng nakakampatan. Pero paano kung ang kaligayahan at saya na nararamdaman ngayon ay bawiin din agad? Napailing nalang ako sa naiisip at nagkibit balikatIbinaba ko ang paa mula sa kama at nakita ko pa ang iilang mantya ng dugo doon. Bahagya akong napangiti at nagpapadyak ng paa. Ito ang tanda na siya ang
last updateHuling Na-update : 2022-06-02
Magbasa pa

Chapter 9: Enveloped

“Congratulations Mrs. Harrison, you are three months pregnant.”Ang tuwa at galak ay walang paglagyan sa puso ko. Ito na ang pinakamagandang salita na narinig sa buong buhay ko. I told Nanay na huwag munang ulitin ito kay Judd, dahil gusto ko na ako mismo ang magsasabi ng tungkol dito. Natitiyak ko na matutuwa ito kapag nalaman niya na buntis ako at magiging ama na siya. Heto rin naman kasi ang kagustuhan ni Judd para sa amin.Hindi mapalis ang ngiti sa labi ko habang nagluluto ng pancake, itlog, hotdog at bacon. Basta noong malaman kung buntis ako, nahiligan ko na ang pag gising sa umaga at ipagluto ng agahan si Judd. Masyado lang kasi akong natutuwa dahil sa mga nangyayari na maganda sa amin ngayon ng asawa ko. “You preceded me in cooking, wifey.” A husky voice filled my ears, at naramdaman ko ang pagyakap nito sa likudan ko.“Dapat lang naman na ako ang gumagawa nito.” Sagot ko dito bago humarap sa kanya at ninakawan ng halik sa malalambot niyang labi.“More.” Paguutos pa nito, ka
last updateHuling Na-update : 2022-06-03
Magbasa pa

Chapter 10: Judd and Kassy

Matiim na tinitigan ang enveloped na hawak, nagtataka man sa pagtawag ni Judd at sa agaran nitong pagkaalam tungkol sa envelope ay hindi maiwasan ang pagbabara sa aking lalamunan. Parang mayroon akong hindi na lalaman tungkol doon, parang may mali sa iniakto ng kanyang asawa. Inuli ko ang mata sa apat na sulok ng sala at may hinanap. Marahan akong tumayo habang nagmamasid. Isip ko lang ba talaga ang nagiisip noon o sadyang tama lang ang kutob ko?Umiling ako ng bahagya at hinilot ang sintido. Imposible, napaka imposible na maglagay ito ng CCTV Camera sa loob ng bahay. Pero bakit naman niya gagawin 'yon? May tiwala naman siya siguro sa akin para magkabit ito noon gayong hindi na naman ako malimit lumabas ng bahay o dahil lang ba talaga doon?Muli akong umupo at sinulyapan ang cellphone dahil tumunog ayon, message from Judd. ‘I’m sorry kung nasigawan kita. I love you.’ Naguguluhan man ay may sumilay na ngiti sa aking labi. Hindi ko yun nireplyan at ibinaba na ang cellphone sa mesa. Naw
last updateHuling Na-update : 2022-06-04
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status