All Chapters of The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01) : Chapter 31 - Chapter 40

68 Chapters

Chapter 31: Workout

“I missed you.” Napakagad ako sa sariling labi dahil sa salita na binitawan ni Judd. Rinig ko pa ang paghinga nito ng malalim na kasalukuyang pareho lang kami ng paghinga. Malalim at akala mo’y kakapusin. Hindi naman ako sumagot bagkos ay pinakinggan ko lang ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso na akala mo’y lalabas na sa kanyang dibdib. Namayani ang katahimikan sa paligid ng ilang minuto. Tumunghay ako at sinilip ang kanyang mukha, nakita ko itong payapa na natutulog. Nangkameron naman ako ng pagkakataon para umalis sa ibabaw ni Judd kaya marahan kung itinuon ang dalawang kamay sa magkabila nitong gilid at maingat na gumalaw. Ngunit ganun na lang ang aking gulat ng ilagay ni Judd ang kanyang dalawang kamay sa aking likudan at mahigpit na niyakap. Tiningnan ko siya sa mata at agad itong nagmulat bago ngumiti sa akin ng may mapanurang ngiti. Pwersa akong nagpumiglas ngunit agad niya akong pinaikot at dinala sa kanyang ilalim na ngayon siya ay nasa ibabaw ko na.“I love you, Samant
last updateLast Updated : 2022-06-14
Read more

Chapter 32: Island

I marked the calendar inside my room. It's day 25 at hindi ko pa sila nakikitang muli. Walang communication man lang at ni isang paramdam ay wala akong naramdaman mula kay Judd. Walang gabi ang hindi ako umiyak para lamang alalahanin ang aking anak at ina, pati na rin si Judd. Minsan napapatanong na lang ako kung kamusta na ba sila, kung nakakatulog ba sila ng maayos, kung nakakakain ba sila ng masustansyang pagkain lalo na si Shayla.Marami pa ring katanungan ang bumubuo sa aking isipan na hinding-hindi ko naman malaman kung ano ba ang sagot doon. "Water." Justine said. Tulad ni Justine ay nag iba na ang ugali nito. Hindi na siya ang Justine na nakasama ko ng isang taon sa US. Bumalik na siya sa dati noong una kaming nagkasama at pinatulog ako sa condo niya. Walang buhay ang bawat salita at parang hindi kayo naging close kung makipag usap. "Thank you." Sagot ko at binuksan ang mineral water na kanyang binigay bago nilagok 'yon."Ayoko ng mahina Samantha." Buo at walang emosyon na
last updateLast Updated : 2022-06-15
Read more

Chapter 33: Helping her again

Sobrang sakit sa kalooban na ihatid ang taong mahal mo sa kanilang hantungan. Hantungan na kung saan ay maaaring hindi mo na buksan, hindi mo na sila makikita magpakaylan man at kung dumating man ang araw o ilang taon na pwede itong silipin o buksan hindi na sila kagaya noon na maganda at buo ang buong kalamnan. Parang kaylan lang iniisip ni Sam kung paano niya sisikmurain ang lahat ng nangyari sa kanyang buhay. Ilang beses siyang nagluksa pero may mas sasakit pa pala lalo’t nasaksihan niya ang lahat, nandun siya sa eksena kung saan wala ng buhay ang kanyang ina. “Nakikiramay ako Sam.” Tumango lamang siya sa sinabi ni Christine at tinalikuran na din ito kaagad. Sa mga panahon na ito ay gusto niyang mapag isa, gusto niyang isipin kung ano ba ang dapat niyang gawin. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat, hindi pa natatapos ang laban niya at kung dumating man ang panahon gusto niyang mawala si Kassy dahil sa kabayaran ng mga mahahalagang tao na kinuha nito sa kanya. “Can you please ea
last updateLast Updated : 2022-06-15
Read more

Chapter 34: Justine

“Can you help me again.” Walang pag aalinlangan na tanong ko kay Justine, nilagok nito ang iniinom na kape hanggang sa maubos yun at walang buhay na tumingin sa akin habang naiiling. Umalis ito sa kanyang pag kakaupo at tinalikuran lamang ako. Sinundan ko naman ang kanyang papalayong bulto hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko. Marahil siguro ay kahit ito ay napapagod na rin na pakisamahan ako, pero sino bang hindi mapapagod kung ako nga mismo ay napapagod na rin lalo’t puro palpak lang ang nangyayari. Sumandal ako sa sofa at doon ipinagpahinga ang aking ulo bago ipinikit ang mga mata. “Wear this.” Napamulat ako ng mata ng magsalita si Justine. Nakasuot ito ng jacket at may dalang maleta. “Why? Saan ka pupunta?” Taka na tanong ko, dahil biglaan yata ang magiging pag alis nito. “Kasama ka, kaya bilisan mo na ayoko ng mabagal.” Napatanga ako sa kanyang sinabi. “Hindi ba pwede na magpahinga muna tayo?” May pagmamaktol na tanong ko pa. “Sa byahe kana magpahinga. Let’s
last updateLast Updated : 2022-06-16
Read more

Chapter 35: Alvin

Nagising ako bandang alas nueve na nang umaga. Nag inat pa bago napagpasyahan ang bumangon ng maramdaman ang pangkalam ng aking sikmura, napasapo naman ako sa aking tiyan at napangibit. Kumain naman kami ni Justine kagabi pero heto at nagugutom ako. Hindi naman maiwasan ang malungkot dahil sa na receive na email kagabi. Hindi yun totoo, si Kassy lamang ang nag send noon upang saktan na naman ako. Kinagat ko ang pangibabang labi upang hindi umalpas ang aking hikbi. Isinuot kung muli ang damit na suot ko kahapon at lumabas na ng unit. Pumunta ako sa katapat na unit bago kumatok ng tatlong beses. Halos mangalay ako kakakatok dahil sa tagal kumabas ni Justine. Nakalutang naman sa ere ang aking kaliwang kamay ng biglang nagbukas ang pintuan kaya agad ko ayong binaba. Nag iwas naman agad ako ng tingin ng makita na walang saplot pang itaas si Justine."What?"masungit na tanong niya sa akin. "Gutom na ako, magdamit ka muna." Sita ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang pag alis niya sa pwe
last updateLast Updated : 2022-06-17
Read more

Chapter 36: Judd or Justine?

Hindi ako makapaniwala sa taong kasama ko ngayon. Nandito kami sa isang bakanteng kubo hindi kalayuan sa aking tinutuluyan na hotel. “What are you doing here?” Judd asked me pero ang kanyang mga mata ay nakatuon sa tuhod kung kanyang ginagamot. “Isinama ako dito ni Justine.” Sagot ko pa. “Asan si Shayla?” Tanong ko pa at nakita ko na natigilan siya sa aking naging tanong. “Bumalik kana sa manila, hindi mo kailangan na nandito ka.” Naguluhan ako sa kanyang sinabi. “Ikaw bakit nandito ka?” Balik tanong ko sa kanya. Tumayo naman ito at inalis ang tuhod ko na nakapatong sa kanyang binti. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at huminga ng malalim bago sinulyapan ako at ibinalik ulit ang cellphone niya sa kanyang bulsa. “Ihahatid na kita.” Walang buhay niyang sabi sa akin at hinawakan ako sa braso. Tinabig ko ang kamay niyang yun at pinakatitigan siya sa kanyang mga mata. “Pwede bang sabihin mo sa akin lahat Judd? Gusto kung makita ang anak ko.” May diin ko na sambit sa k
last updateLast Updated : 2022-06-17
Read more

Chapter 37: Work

Ilang taon ang nasayang. Ilang taon ang sakit na naranasan magpahanggang ngayon. Minsan nga napapaisip na lang ako tama pa ba ito? Hanggang ngayon kasal ako sa taong walang kasiguraduhan. Ngunit bakit parang nagiging tagilid ang aking mundo kapag siya ay nasa tabi ko. Ang taong alam lahat ng sakit na pinagdadaanan ko. Na kahit sobrang hirap ko ng intindihin mas pinili niya ang manatili at tulungan ako sa lahat ng bagay. Isang linggo akong naghintay ngunit walang Judd ang nagpakita ni kahit anino nito ay wala akong nakita. Walang Shayla na nakita, nahagkan at nahawakan man lang. Pero natitiyak ko na hindi oa dito nagtatapos at magtatagpo rin ang aming landas na darating din ang panahon para sa amin kung kami talaga ang nakatadhana. "Let's go, Samantha." Ang mahinang boses ni Justine ang nakapag pabalik sa akin sa katinuan habang nakatanaw sa malaking glass na kitang-kita ang kabuuan ng dagat. "Konting oras pa pwede ba?" Malungkot na tanong ko ngunit ngumiti ito ng tipid sa a
last updateLast Updated : 2022-06-18
Read more

Chapter 38: Who's Jacob?

Tahimik lang na nakaupo si Justine at Christine sa aking maliit na sofa na sakto lang silang dalawa. Palinga-linga pa ang mga ito sa kabuuan ng aking sala na sakto at hindi kalakihan kumpara sa aming bahay noon o sa kanilang bahay ngayon."Mag meryenda muna kayo." Sabi ko sa kanila at ibinaba ang juice na dala tsaka ang tinapay. "Huwag na kayong mahiya." Dugtong ko pa bago naupo sa isang upuan naman na katuwang lang din ng inuupuan nilang sofa. "Ikaw lang dito?" Tanong sa akin ni Christine. "Yup." Sagot ko. "Tahimik, walang maingay, walang nananakit." Sagot ko at ngumiti sa kanila. Tumango naman si Christine sa akin bilang pag sang ayon habang si Justine ay nakatingin lamang sa akin at napaumis. Kumuha sila ng tinapay at nagpalaman noon ng cheese at sabay pa talaga na kumagat. "Kayo paano niyo ako nahanap?" Tanong ko pa at sinabayan sila sa pagkain ng tinapay. Nakita ko pa ang pagsiko ni Christine sa kanyang katabi. "Pinahanap ka malamang." Pilosopo naman na sagot sa akin ni Ju
last updateLast Updated : 2022-06-18
Read more

Chapter 39: Small red box

Ilang araw pa ang lumipas at hindi naman muling pumunta dito si Chrristine at Justine, palagi naman akong tinatawagan ni Christine at kinakamusta kahit busy siya sa kanyang trabaho. Tinatawanan ko na lang siya kapag binabanggit ang tungkol kay Jacob na ikinakainis naman niya sa kabilang linya kapag magkausap silang dalawa. Nagsisimula na rin nga pala akong magtrabaho sa isang sikat na cafe/coffee shop dito sa San Fernando hindi naman kalayuan sa manila. Ngayon ay umaga at kakatapos ko lang gawin ang aking morning routine. Pagkalabas ko ng kwarto ay agad naman akong nakarinig ng katok mula sa pintuan. Bumungad sa akin si Jacob na may magandang ngiti at itinaas ang dalang tupperware. “Menu?” agaran na tanong ko at kinuha ang tupperware niyang dala. “Baka kasi maumay kana sa pang ulam na niluluto ko kaya dessert naman yan ate.” Nakangiti niyang sabi sa akin. “Guess what?” Tanong ko pa. “Buksan mo na lang ate, hindi na rin ako magtatagal kasi kailangan kung pumasok agad.” Tumango na
last updateLast Updated : 2022-06-19
Read more

Chapter 40: Sarcoma disease

Marami ng nakapagsabi na hindi porket mabait ay mapagkakatiwalaan, meroon kasing nagbabalat kayo. Ipapakita sayo na mabait sila at mapagkakatiwalaan pero ang ending ay may balak at motibo sila sayo. Nang makarinig ako ng pagbukas ng pintuan ay agad ko namang itinapon sa ilalim ng mesa ang hibla ng buhok na nadala sa akin kamay. Marahan kung hinaplos ang aking buhok at huminga ng malalim bago ngumiti at agad ng inayos ang mesa. Kahit na kabado ay pinilit ko pa rin ang hindi ipahalata, sumasagot lamang ako sa bawat tanong niya upang mas gumaan pa ang hangin sa aming paligid. “Salamat Jacob. Bukas ulit.” Nakangiti kung sambit. “Sige, aagahan ko promise. Nagkakalaman kana nga ate eh.” Nakangiti niyang sabi sa akin at bahagyang pinisil an aking bewang. Ngumiti naman ako sa kanya at nag wave ito ng kamay sa akin. Sakto naman na ang padating na si Justine ang aming nakita na papalapit sa pwesto namin ni Jacob. Napansin ko pa ang bahagyang pagsama ng tingin ni Jacob kay Justine pero hind
last updateLast Updated : 2022-06-20
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status