“Can you help me again.” Walang pag aalinlangan na tanong ko kay Justine, nilagok nito ang iniinom na kape hanggang sa maubos yun at walang buhay na tumingin sa akin habang naiiling. Umalis ito sa kanyang pag kakaupo at tinalikuran lamang ako. Sinundan ko naman ang kanyang papalayong bulto hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko. Marahil siguro ay kahit ito ay napapagod na rin na pakisamahan ako, pero sino bang hindi mapapagod kung ako nga mismo ay napapagod na rin lalo’t puro palpak lang ang nangyayari. Sumandal ako sa sofa at doon ipinagpahinga ang aking ulo bago ipinikit ang mga mata. “Wear this.” Napamulat ako ng mata ng magsalita si Justine. Nakasuot ito ng jacket at may dalang maleta. “Why? Saan ka pupunta?” Taka na tanong ko, dahil biglaan yata ang magiging pag alis nito. “Kasama ka, kaya bilisan mo na ayoko ng mabagal.” Napatanga ako sa kanyang sinabi. “Hindi ba pwede na magpahinga muna tayo?” May pagmamaktol na tanong ko pa. “Sa byahe kana magpahinga. Let’s
Nagising ako bandang alas nueve na nang umaga. Nag inat pa bago napagpasyahan ang bumangon ng maramdaman ang pangkalam ng aking sikmura, napasapo naman ako sa aking tiyan at napangibit. Kumain naman kami ni Justine kagabi pero heto at nagugutom ako. Hindi naman maiwasan ang malungkot dahil sa na receive na email kagabi. Hindi yun totoo, si Kassy lamang ang nag send noon upang saktan na naman ako. Kinagat ko ang pangibabang labi upang hindi umalpas ang aking hikbi. Isinuot kung muli ang damit na suot ko kahapon at lumabas na ng unit. Pumunta ako sa katapat na unit bago kumatok ng tatlong beses. Halos mangalay ako kakakatok dahil sa tagal kumabas ni Justine. Nakalutang naman sa ere ang aking kaliwang kamay ng biglang nagbukas ang pintuan kaya agad ko ayong binaba. Nag iwas naman agad ako ng tingin ng makita na walang saplot pang itaas si Justine."What?"masungit na tanong niya sa akin. "Gutom na ako, magdamit ka muna." Sita ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang pag alis niya sa pwe
Hindi ako makapaniwala sa taong kasama ko ngayon. Nandito kami sa isang bakanteng kubo hindi kalayuan sa aking tinutuluyan na hotel. “What are you doing here?” Judd asked me pero ang kanyang mga mata ay nakatuon sa tuhod kung kanyang ginagamot. “Isinama ako dito ni Justine.” Sagot ko pa. “Asan si Shayla?” Tanong ko pa at nakita ko na natigilan siya sa aking naging tanong. “Bumalik kana sa manila, hindi mo kailangan na nandito ka.” Naguluhan ako sa kanyang sinabi. “Ikaw bakit nandito ka?” Balik tanong ko sa kanya. Tumayo naman ito at inalis ang tuhod ko na nakapatong sa kanyang binti. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at huminga ng malalim bago sinulyapan ako at ibinalik ulit ang cellphone niya sa kanyang bulsa. “Ihahatid na kita.” Walang buhay niyang sabi sa akin at hinawakan ako sa braso. Tinabig ko ang kamay niyang yun at pinakatitigan siya sa kanyang mga mata. “Pwede bang sabihin mo sa akin lahat Judd? Gusto kung makita ang anak ko.” May diin ko na sambit sa k
Ilang taon ang nasayang. Ilang taon ang sakit na naranasan magpahanggang ngayon. Minsan nga napapaisip na lang ako tama pa ba ito? Hanggang ngayon kasal ako sa taong walang kasiguraduhan. Ngunit bakit parang nagiging tagilid ang aking mundo kapag siya ay nasa tabi ko. Ang taong alam lahat ng sakit na pinagdadaanan ko. Na kahit sobrang hirap ko ng intindihin mas pinili niya ang manatili at tulungan ako sa lahat ng bagay. Isang linggo akong naghintay ngunit walang Judd ang nagpakita ni kahit anino nito ay wala akong nakita. Walang Shayla na nakita, nahagkan at nahawakan man lang. Pero natitiyak ko na hindi oa dito nagtatapos at magtatagpo rin ang aming landas na darating din ang panahon para sa amin kung kami talaga ang nakatadhana. "Let's go, Samantha." Ang mahinang boses ni Justine ang nakapag pabalik sa akin sa katinuan habang nakatanaw sa malaking glass na kitang-kita ang kabuuan ng dagat. "Konting oras pa pwede ba?" Malungkot na tanong ko ngunit ngumiti ito ng tipid sa a
Tahimik lang na nakaupo si Justine at Christine sa aking maliit na sofa na sakto lang silang dalawa. Palinga-linga pa ang mga ito sa kabuuan ng aking sala na sakto at hindi kalakihan kumpara sa aming bahay noon o sa kanilang bahay ngayon."Mag meryenda muna kayo." Sabi ko sa kanila at ibinaba ang juice na dala tsaka ang tinapay. "Huwag na kayong mahiya." Dugtong ko pa bago naupo sa isang upuan naman na katuwang lang din ng inuupuan nilang sofa. "Ikaw lang dito?" Tanong sa akin ni Christine. "Yup." Sagot ko. "Tahimik, walang maingay, walang nananakit." Sagot ko at ngumiti sa kanila. Tumango naman si Christine sa akin bilang pag sang ayon habang si Justine ay nakatingin lamang sa akin at napaumis. Kumuha sila ng tinapay at nagpalaman noon ng cheese at sabay pa talaga na kumagat. "Kayo paano niyo ako nahanap?" Tanong ko pa at sinabayan sila sa pagkain ng tinapay. Nakita ko pa ang pagsiko ni Christine sa kanyang katabi. "Pinahanap ka malamang." Pilosopo naman na sagot sa akin ni Ju
Ilang araw pa ang lumipas at hindi naman muling pumunta dito si Chrristine at Justine, palagi naman akong tinatawagan ni Christine at kinakamusta kahit busy siya sa kanyang trabaho. Tinatawanan ko na lang siya kapag binabanggit ang tungkol kay Jacob na ikinakainis naman niya sa kabilang linya kapag magkausap silang dalawa. Nagsisimula na rin nga pala akong magtrabaho sa isang sikat na cafe/coffee shop dito sa San Fernando hindi naman kalayuan sa manila. Ngayon ay umaga at kakatapos ko lang gawin ang aking morning routine. Pagkalabas ko ng kwarto ay agad naman akong nakarinig ng katok mula sa pintuan. Bumungad sa akin si Jacob na may magandang ngiti at itinaas ang dalang tupperware. “Menu?” agaran na tanong ko at kinuha ang tupperware niyang dala. “Baka kasi maumay kana sa pang ulam na niluluto ko kaya dessert naman yan ate.” Nakangiti niyang sabi sa akin. “Guess what?” Tanong ko pa. “Buksan mo na lang ate, hindi na rin ako magtatagal kasi kailangan kung pumasok agad.” Tumango na
Marami ng nakapagsabi na hindi porket mabait ay mapagkakatiwalaan, meroon kasing nagbabalat kayo. Ipapakita sayo na mabait sila at mapagkakatiwalaan pero ang ending ay may balak at motibo sila sayo. Nang makarinig ako ng pagbukas ng pintuan ay agad ko namang itinapon sa ilalim ng mesa ang hibla ng buhok na nadala sa akin kamay. Marahan kung hinaplos ang aking buhok at huminga ng malalim bago ngumiti at agad ng inayos ang mesa. Kahit na kabado ay pinilit ko pa rin ang hindi ipahalata, sumasagot lamang ako sa bawat tanong niya upang mas gumaan pa ang hangin sa aming paligid. “Salamat Jacob. Bukas ulit.” Nakangiti kung sambit. “Sige, aagahan ko promise. Nagkakalaman kana nga ate eh.” Nakangiti niyang sabi sa akin at bahagyang pinisil an aking bewang. Ngumiti naman ako sa kanya at nag wave ito ng kamay sa akin. Sakto naman na ang padating na si Justine ang aming nakita na papalapit sa pwesto namin ni Jacob. Napansin ko pa ang bahagyang pagsama ng tingin ni Jacob kay Justine pero hind
Everything happen for a reason, lahat may dahilan. Yan ang isa sa tumatak sa aking isipan na sinabi sa akin ni Justine noon. Hindi madaling sakit at hindi alam kung may lunas ba dito. Noon pa man ay ito na ang pinakatago-tago kung sakit mula kay Judd dahil ayoko din naman dumating ang point na maawa lang siya sa akin kaya siya naging mabait noong mga panahon na nagsasama kami. Ang gusto ko lang kasi ay kusa niya akong mahalin at ginawa naman niya. Nalaman ko lang din ang sakit ko noong nasa US kami ni Justine, kahit si Justine ay hindi ko rin sinabihan at tanging si Christine lamang, pero ngayon lang din ito nalaman ni Christine. "How did that happen?" Rinig ko pang tanong ni Judd kay Christine. "Nito ko lang din nalaman noong matuloy siya bahay at pinuntahan mo pa. Kaya pinilit namin siyang hanapin ni Justine dahil sa kalagayan niya." Paliwanag pa ni Christine sa kanyang pinsan na si Judd. "We need a doctor, the good one. Yung sigurado na magagamot siya at gagaling." Buong boses
Kahit anong papansin ko kay Judd ay hindi niya talaga ako pansinin, hindi naman kasi sa gusto ko lang magpapansin syempre para maging aware din sana siya na hindi naman mapapagkatiwalaan si Kassy lalo na't engage na silang dalawa. "Anong gagawin ko?" Tanong ko sa aking sarili habang nag mumukmok dito sa loob ng aking kwarto.Dinampot ko ang aking cellphone na nasa ibabaw ng kama at sinubukan na tawagan si Judd, ilang ring pa ay may sumagot noon. "Hello?" Bungad ko. "What do you want." Malamig na tanong niya sa akin. Napalanunok naman ako dahil pamamaraan ng kanyang pagsasalita."Pwede ba tayo mag usap?" Muli ay tanong ko. "I'm busy, Sam sa ibang araw na lang. Bye." Parang may dumurog sa aking puso dahil sa narinig. Hindi naman siya ang Judd na nakilala ko, Judd na hindi ako kayang tanggihan at pagpatayan basta-basta ng tawag. Pero anong nangyari? Kasalanan ko ba talaga lahat? Wala na ba akong karapatan na maging masaya samantalang siya ay nagpapakasaya sa piling ni Kassy? Tapos
Pinilit ko namang isipin na ang lahat ng iyon ay dahil sa kapatid lang ang turing sa akin ni Judd. Na ang gabi na yun ay isa lamang sa mga paglalambing niya sa akin. Napag pasyahan ko na rin na idistanya ang sarili ko sa kanya dahil kahit papaano ay alam ko naman na mali ang aming ginagawa. I mean, hindi na tama bilang sa isang magkaibigan lang. Ayoko na rin na malaman pa ni Kassy ang tagpo na yun at magkagulo pa silang dalawa ni Judd kaya kahit nasa malayo ay akin na lang tiningnan ang aking mahal na kaibigan. “Malungkot ka ata ngayon?” tanong sa akin ni Bianca habang kumakain kami dito sa canteen. “Bakit naman magiging malungkot? Pagdadahilan ko. “Wala napansin ko lang naman.” Sagot pa niya sa akin. Kumagat naman ako ng burger na aking binili at marahan na ngumuya. Napalingon pa ako sa malawak na glass nitong canteen na makikita at matatanaw ang mga tao na nagdaraanan. Nakita ko si Judd at Kassy na magkahawak ang mga kamay kaya agad naman akong nag iwas ng tingin. Dahil kung s
Samantha’s Point of View I was busy brushing my hair when Bianca approach me. “Tara sa gym!” Kulbit sa akin ni Bianca. “Ano naman ang gagawin ko doon?”Tanong ko sa kanya. “Ay, na late kana sa balita? May laro ngayon ng volley ball sa gym at mainit raw ang magiging laban.” Napaisip ako sa kanyang sinabi, dahil paborito ko rin ang laro na volley ball kaya nga lang medyo masakit ang aking puson dahil sa buwanang dalaw. “Kayo na lang, dito na lang muna ako.” Sagot ko na ikinanguso naman niya. “Bahala ka nandun pa naman ang ultimate crush mo.” Nanlalaki ang aking mga mata sa binitawan na salita ni Bianca. Agad akong tumayo kahit medyo naiilang sa aking buwanang dalaw ay lumapit ako ng mabilis kay Bianca at tinakpan ang kanyang bibig. “Ano ba ang sinasabi mo?” Naiinis ko na tanong sa kanya. Sinanggi naman ni Bianca ang aking kamay na nakatakip sa kanyang bibig kaya natanggal ang kamay ko doon. “Uy, aminin mo na kasi na crush mo ang volley ball captain ng Team A.” Malakas na sabi ni Bia
After 3 years“Judd nasaan na ang diaper ni Val?” Hiyaw ko. “Teka lang, hon!” Sigaw niya sa kung saan.Kahit naka aircon na ang kabuuan ng kwarto ng mga bata ay tagaktak pa rin ang aking pawis. Nagyakag kasi si Shayla na pumunta ng mall at hindi napayag na hindi kasama ang kanyang tatlong kapatid.“Ang dami ng tae mo anak.” Rinig kung sabi ni Judd habang papalapit sa aming pwesto. “Tumae na naman ikaw ha Veron.” Natatawa kung sabi at kiniliti ito na siya namang ikinautas niya ng tawa.“Mom, are they done?” Singit ni Shayla na ngayon ay nakadungaw sa may pintuan. “Wow, ang sexy naman ni ate ah!” Komento ko at nagpaikot ikot pa siya sa aming harapan ni Judd.“Ay baka may naiibig na ha.” Suway ni Judd na agad ko namang hinampas sa kanyang braso. “Ouch!” Daing pa niya.“Anong sinasabi mo? Sa bata pa ni Shayla naiibig agad?” Naiinis kung sabi sa kanya bago binihisan ang mga bata. “Tulungan mo ako dito huwag kang tumunganga.” Sabi ko pa na ikinanguso naman niya.Habang ang mga bata ay aking
Kassy's Point of ViewI never thought we would reach this far. Ang akala ko pa noon ay isa lang akong kontrabida sa kwento ng buhay nilang dalawa. Yes, dumadaan naman sadya tayo, pero hindi ko nilalahat. Dumadaan tayo sa punto na pinipili natin ang maging masama o magpakasama dahil sa katayuan natin sa buhay. Pero lahat ng yun ay pwedeng mabago kung patatakbuhin ng maayos ang ating isip at iisipin din kung ano ang pwedeng kahinatnan sa bandang huli. Mas pinili ko ang mag pakatotoo at pinili ang kabutihan na sana noong una pa lang ay aking ginawa upang hindi na nauwi sa malaking pagkakamali. Ang habol ko lang talaga noon kay Kuya Judd ay pera pero wala sa plano ang pagpayag na magpakasal sa kanya. Sadyang hindi lang mahirap magustuhan noon si Kuya Judd kaya siguro nagpadalos-dalos rin ako kahit na mayroon akong karelasyon ng mga panahon na yun at yun nga ay si Jacob. When Ate Samantha stop our marriage, galit lamang ang naramdaman ko noon sa kanya and came to the point that I accur
"Kas! Make it fast naman! Kanina ka pa diyan sa banyo kulang na lang diyan kana tumira!" Inis na sigaw ko mula dito sa labas ng banyo. "Patapos na!" Sigaw niya pabalik sa akin. "Saan mo ba kasi nabili yun? Dinamay mo pa ako!" Inis ko na sabi. "Basta ko lang siya dinampot doon sa market." Natatawa na sabi niya sa akin. "Bilisan mo na at kanina pang naghihintay ang ibang investor sa conference!" Sigaw ko pang muli. Hindi na niya ako sinagot at nakangiti na siya ng lumabas ng banyo habang inaayos ang parag-an ng kanyang T-shirt. Tinulak ko pa siya ng bahagya bago nagmadali na pumasok sa banyo. "Magdahan-dahan ka nga ate! Ako na naman ang malilintikan sa asawa mo kapag nadulas ka!" Suway niya sa akin ngunit isinara ko ang pintuan ng banyo ng sobrang lakas huli na ng mapagtanto kung ano ang amoy na naiwan ni Kassy sa loob ng banyo. "Ang baho!" Sigaw ko at dinig na dinig ko ang malakas na tawa niya mula sa labas. Bwesit! Makakaganti rin ako sa kanya! Ilang buwan ang lumipas matapos ku
Dalawang beses ko ipinaling ang aking ulo, sa pagmulat ng aking mata ay kadiliman agad ang sumalubong sa akin. Idilat ko man ang mga mata ay para pa rin akong nakapikit. Hindi naman maiwasan ang napahikbi ng maalala ang mga nangyari. Ang hikbi na pinipigilan ay kusang lumakas hanggang sa nabalot na ng iyak ang lugar kung nasaan ako. Pero isa lang ang matitiyak ko, nasa isang silid ako dahil sa echoe na nililikha ng pag iyak ko."Tulong!" Iyak na sigaw ko. "Judd! Tulungan niyo ako!" Iyak ko pa ngunit pakiramdam ko ako'y humingi ng tulong pero nakalubog sa isang napakalalim na hukay at walang pag asa na may makakita o makarinig man lang. Iyak lamang ako ng iyak hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng pintuang bakal base sa bigat at ingay ng buksan ayon ng kung sino. Pinakiramdaman ko ang buong paligid ng makarinig ako ng isang mabigat na yabag ng paa. "Sino yan!?" Sigaw ko ngunit hindi pa rin naimik kung sino man ayon. Halos kilabutan ako ng maramdaman ang malamig na bagay mula sa a
Hanggang sa supamit ang gabi ay napagpasyahan na ni daddy ang magpaalam at umuwi raw kuno sa kanyang tinutuluyan na bahay, pinilit ko pa siya na dito na lang matulog ngunit talagang hindi ko siya mapigilan. Ika nga sa mga kasabihan ay mahirap pilitin ang aayaw. "So kelan niyo balak bumalik?" Tanong ko habang nakatayo sa may harap ng gate dito sa labas ng aming bahay. "Basta tatawag ako. May inaasikaso lang kasi si daddy, princess." Nakangiti niyang usal at inigay ni daddy ang kanyang palad sa aking pisngi at pinahid ayon, hindi ko na namalayan na may tumutulo na palang luha sa aking mga mata dahil na rin siguro sa pananabik at pangungulila ko sa kanya."But make sure you are always safe." Humihikbi na sabi ko at tumago lang siya sa akin. Naramdaman ko naman ang presensya ni Judd mula aking likudan at hinawakan ako sa aking magkabilang braso. Napansin ko pa ang bahagyang pagtungo ni Judd sa aking ama at ganun din si Daddy bago tuluyan ng tumalikod sa aking pwesto at sumakay sa kanyang
Naging maayos ang ilang araw na pamamalagi ni Kassy, hinayaan ko muna na tumita silang mag ina sa bahay ko at kami naman ni Judd at Shayla ay lumipat na dito sa aming mismong bahay. Si Mommy Jasmin naman ay mas pinili na samahan nalang si Kassy para kapag naalis si Kassy ay bantay si Julius at may ilan ring mga butler ang nagbabantay sa bahay para sa kanilang siguridad. Ngayong alam ko na buhay si daddy, nagtataka pa rin naman ako kung bakit hindi pa rin niya maisipan na magpakita sa akin. Ang kasalanan naman na ibinintang kay Judd ngayon ay naayos na at napatunayan na wala siyang kasalanan kundi si Jacob talaga. Pinaghahanap na ito ng mga kapulisan kaya medyo panatag na ang loob ko dahil hindi lang kami ang nakakaalam ng tungkol kay Jacob, kundi pati na rin ang mga kapulisan ay hinahanap ito."Mommy, can you open this for me. Please." Kinuha ko naman ang candy na hawak ni Shayla bago binuksan ayon. "Brush your teeth pagkatapos kumain ng candy okay." Paalala ko at tumango naman siy