I’m just an ordinary girl, na naghangad na isa sa mga inaasam ay mapasa akin. Ngunit parang hinaharangan ‘to ng tadhana, kasi binigay nga sa akin ngunit napakahirap pa ring abutin kahit sobrang lapit na sa akin.
Hindi ko rin kasi alam kung mag sisisi ba ako dahil ipinilit ko pa at heto yung naging ending ko sa kanya.
I was looking at him, may maamong mukha habang may kausap. May ngiti sa mga labi na akala mo’y walang sino man ang may kaya pang tumbasan ang mga ngiti na umaalpas sa kanyang mga labi. Matapos mangyari ang insidente noong nakaraang araw ay balik na ulit sa dati, parang wala na ulit itong pakialam.
Mapait ako napapangiti habang pinanood si Judd at ang babae na akala mo’y isang linta kung makakapit sa asawa ko. They are kissing like there’s no tomorrow. Parang uhaw na uhaw na sanggol, sino ba naman ako para sirain ang kanilang kaligayahan?
Sa pagkakataon na ito ayoko na ulit mauulit ang ginawa ko noon, na alisin at sirain ang kasiyahan ng nag iisa kong kaibigan. Kahit asawa niya ako ngayon, ay tinatanggap ko na naman na hanggang kaibigan lang talaga. Ngunit dahil sa nagawa ko sa kanila ni Kassy noon kahit pagkakaibigan namin ay nawala na rin.
Ayos na ako dito, ang tanawin sila na masaya ay ayos na ako.
I’m just his wife, kaso sa papel nga lang. Taong bahay lang at siguro kahit ang babae na kasama nito iisipin na katulong lamang ako sa malaking bahay na ito.
Kahit naman sino siguro ay masasaktan sa ganitong eksena, hindi ko maiwasan pero ano bang magagawa ko? Should I say to him that I love him since high school? Pero para saan naman kung sasabihin ko ‘yon, for sure pagtatawanan lang ako nito.
Mapait akong ngumiti ng makita na napatingin sa gawi ko si Judd, umiling lang ako at binigyan ito ng isang tipid na ngiti bago pumasok na ulit sa loob.
Isang bangunot na naman ang tatapusin ko ngayong gabi. Bangungot na gusto kung maiwasan pero hindi ko magawa. Kahit saang sulok ng bahay ako dalhin naririnig ko lahat na akala mo’y pag aari lang nilang dalawa ang mundo na ginagalawan ko.
Na para bang sila na lang ang mundo ko sa buong magdamag at halos walang kawala, hindi matakasan kahit sa labas ng bahay ay madidinig talaga ang lahat ng ungol na kumakawala sa kanilang bibig.
Sadyang ganito na kalayo ang pagkatangay sa akin dala ng pagmamahal ko sa kanya, na kahit anong makita at marinig ay parang ayos lang at pinipilit na lang na mawalan ng pakialam. Na kahit harap-harapan na ang sakit ay ayos lang but I can’t help, tao lang din naman ako may pakiramdam.
Kinabukasan ay agad din akong nagising dahil sa ingay mula sa ibaba. Mas pinili ko muna ang manatili dito sa loob ng aming kwarto at tumitig sa kisame. Wala na talagang katapusan ng pag iisip, walang katapusan ng sakit.
“Pupunta dito si mom and dad, maybe later ay nandito na rin sila.” Agaran na bungad sa akin ni Judd ng makababa ako ng sala, tiningnan ko lang naman bago sumagot.
“Okay.” Tipid ko na sagot bago nilagpasan s’ya at pumunta na ng kusina.
“Huwag kang magkakamali ng sasabihin sa harap nila Veronica.” Imik pa nito habang nakasunod sa akin.
“Alam ko ang gagawin ko Judd, mag papanggap tayo na perfect couple at magsasabi ng mga nakakalamgam na salita sa harap nila.” Balang na sagot ko dito.
Kumuha ako ng baso at binuksan ang ref bago kumuha doon ng tubig.
Doon ko lang naman siya nahahawakan eh. Kapag bumisita ang mga magulang niya, and after that para na ulit akong isang basura sa mga mata niya. Madalang na ulit syang uuwi, kung umuwi man may kasama na namang itong mga babae niya na kung saa ay bangungot na naman sa magdamag ang aabutin sa kanila.
Pilit kong iwinaksi ang nasa isip. Napailing na lang ako sa mga naiisip at nag kibit balikat naman ito.
“Good.” sabi lang nito bago tumalikod at umalis na sa harap ko.
Bigla naman sumagi sa isipan ko ang aking mga magulang na kay tagal ko ng hindi nakikita. Kamusta na kaya sila mama at papa. Sigurado ako na nag aalala na sila sa akin.
Siguro nga kinamumuhian na nila ako dahil ako na nga lang ang kaisa isa nilang anak tapos hindi man lang nakapag paalam kung pasaan ba, baka iniisip nila na nagtanan na ako which is kasal na naman talaga ako.
Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga dahil wala akong ibang magawa sa loob ng bahay na ito, nandito ako ngayon sa hardin may iba’t-ibang bulaklak na nakakahalina sa mga mata. Konti nalang talaga pakiramdam ko ay maloloka na ako, Kulang na lang kasi ay pati ang mga bulaklak na ito ay kausapin ko.
Bigla namang naalala ko ang araw na halikan ako ni Judd, I thought then that it would start to change. Pero mali na naman ako, ilang beses pa ba akong mag kakamali ng akala?
When I finished taking a walk in the garden, o pamamasyal ba talaga ang tawag doon ay nagtungo ako kaagad sa kusina.
Nagluto ako ng afritada, menudo, at sinigang na baboy pa ang nakasalang na isa sa mga paborito ni Judd at syempre request din raw ito ni Tita Jasmin.
Mabuti pa nga ang mga magulang nito ay maganda ang trato sa akin, pero yun ay dahil sa hindi nila alam kung bakit ako ang pinakasalan ni Judd, also I don’t know what caused Judd to tell his parents how that happened. Kung bakit ako ang naging asawa niya basta naging maayos ang lahat, walang nagbanggit o nang ungkat manlang kung anong nangyari, na parang ako talaga yung sadyang papakasalan kahit hindi naman.
Ikaw ba naman yung ikulong ng ilang taon, walang contact sa kahit na sino ay talagang wala kang malalaman kung bakit nangyari ‘yon. Pero imbis na matuwa o magalak ako feeling ko kinarma na din ako.
Halos mapatalon naman ng may maramdaman ako sa likod and it was Judd, may dalang kutsara bago sumandok ng sabaw ng niluluto kung sinigang. Muling nagkarerahan ang kabayo sa dibdib ko dahil sa iniakto nito.
Kitang-kita ko pa ang adams apple nito habang nalalagok ang sinandok niyang sabaw. Ba’t ang init yata? Itotodo ko na ba ang aircon?
“Masarap.” Napatitig ako sa sinabi nito. “Bye.” Dugtong pa nito kaya para naman akong sira na u’umis-umis dahil sa inasta ni Judd. Ano yun?
Minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ng lalaki na ayon. Iniisip ko tuloy na sana palagi na lang syang mabait at bumalik na sa dati kung saan ay maayos pa ang pakikitungo niya sa akin.
Please lang kasi, wag kang ganyan Judd dahil sa simpleng ginagawa mo parang gusto ko na muling umasa. Para siyang si Judd na nakilala ko noon, yung makulit. Yung klase ng mga tingin niya na masarap titigan.
Napailing ako sa naisip. Napaka imposible ng iniisip mo Veron.
Pero bakit ganun? May mga tao na madali tayong sasaktan at madali din tayong mapapasaya sa panandaliang oras o panahon? Feeling ko kasi ito na yung way niya para durugin ako. Magagalit tapos magiging mabait at magbibigay ng motibo, kalaunan magbibitaw naman ito ng masasakit na salita kung saan ay unti-unti na dudurugin ang pagkatao ko.
Nagitla ako ng biglang sumagi ang kamay ko sa mainit na kaldero. Bakit ba kasi may kaldero dito? H’wag na kasing isipin kung alam rin naman natin na imposible.
“Ang sakit.” Naiiyak kung sambit, ilang beses na ba akong napaso? Palibhasa kasi kung anu-ano ang inisip mo Veron, ayan tuloy madadagdagan ang pilat mo sa katawan. Tipong hindi kana ng halos nalabas ng bahay pero puro pilat at sugat ka pa rin.
Napalingon naman agad ako sa taong humanggit ng aking kamay at mabilis na isi nahod yun sa tubig.
“Kapag napaso dapat ilagay mo agad sa tubig.” Napa titig ako dito. Heto na naman ang mga daga na nagkislutan sa kanyang tiyan, ang malakas at mabilis na pag karera ng mga kabayo sa kanyang dibdib at ang pangangatog ng tuhod dahil sa panghihina.
Maamo ang mukha at walang nababakas na pandidiri o pagkamuhi sa akin. This is the first time na hinawakan niya ako ng kami lang dalawa lang. Gusto kung kiligin at magdiwang pero hindi muna kasi baka bawiin ito agad sa akin.
Yung kasiyahan at kilig na nararamdaman ay mauwi lamang sa sakit ng katotohanan. Tinatagan ko ang mga tuhod at tumindig ng maayos.
“Sa susunod mag ingat ka.” Dagdag pa niya na parang nagsasabi sa akin tulad noon sa kung paano niya pa ako i trato bilang isang kaibigan nga lang. "Dahil hindi habang buhay ay magkasama tayong dalawa, Veron." Dagdag niya at agad na nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng sakit dahil sa sinabi niya.
Sino ba kasing may sabi na ngumiti ako? O diba na realtalk ka? Salita lang yan Veron, kaya hwag kang magpapadala sa mali mong akala.
Sabi na nga ba. Pagkatapos ng tuwa at saya, may kapalit naman na lungkot o sakit. Kasasabi ko lang kanina pero ang puso ko, yawa hindi nakinig. Bakit ka ba kasi ngumiti self?!
Ngayon ko lang din napagtanto ang mga sinabi nito, so maghihiwalay nga kami?
Ihahanda ko na ba ang sarili ko para sa araw na ayon? Para saan pa ang pagpapanggap namin? Bakit hindi na lang niya ako hiwalayan ngayon?
Tama siya, hindi habang buhay na magkasama kami. Pero bakit ba ako umaasa pa rin na balang araw ay magiging maayos kami?
Binawi ko ang kamay ko at naramdaman ko ang paglingon nya sa akin.
"Ako ng bahala." Sabi ko lang dito at umalis na ako sa harap niya. Pinatay ko muna ang kalan at nagsimula ng pumanhik sa itaas. Nangilid agad ang luha ko at kusa ng tumulo. Isang mapanakit na araw na naman ang nangyari.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Kwarto naming dalawa na kahit kailan sa tagal ng pagsasama ay ako lamang ang natutulog. Walang Judd na katabi.
Hindi mapigilan ang pagpatak ng aking luha kaya sumubsob ako sa kama at doon kumawala ang malakas kung hikbi. Tinakpan ng mga kamay ang bibig upang hindi makagawa ng ingay, dahil kapag marinig ayon ni Judd sasabihin na naman na ma drama ako, isn't it funny? Nasasaktan kana ng sobra tapos ang akala n’ya nagdadrama ka lang.
Nagbihis lang ako ng kulay pink na off-shoulder dress, pinatungan ko rin ng light make up ang aking mukha lalo na ang mata upang hindi mapansin ang kaunting pamamaga nito. Hindi ko na naman kailangan mag sandals dahil hindi naman kami lalabas ng bahay na ito kaya ang suot ko lang ay pambahay na tsinelas.
Napalingon ako sa pinto ng bumukas ayon and I didn’t expect na kakatok mula sa pinto si Judd. Nakangiti ang mapupula nitong labi at may emosyon sa mga mata niya na hindi ko naman magawang mapangalanan.
“They are here.” Malamlam ang mga mata habang nakatingin sa akin kaya ngumiti ako.
Susulitin ko ang araw na ito, dahil siguro next year na uli makakabisita sila Tita Jasmin at Tito Jake dito dahil sa busy ito sa pagpapatakbo ng kompanya nila. Pero parang mas mapapadalas ang hiling ko kung ito lang ang magiging paraan para lagi kaming maayos ni Judd, walang alitan.
“Okay, susunod na ako.” Sabi ko at ibinalik ang tingin sa salamin.
Kumuha ako ng isang pares ng hikaw bago ikinabit sa aking tenga pagkatapos ay kukuna na sana ako ng kwintas ng may kamay na dumampot noon. Ito ang kauna-unahan din na makita kong humakbang at tumuntong sa sahig ng kwartong ito ang asawa ko. Gustuhin ko man maiyak dahil sa galak ay pinigil ko na lang ang luha na gustong umalpas sa aking mga mata.
Judd stood behind me, staring intently at my reflection in the mirror as he handed me the necklace he had chosen.
After putting the necklace on my neck, he lightly kissed my shoulder up to my neck, and back again to my shoulder. Nag ka buhol buhol na ang tibok ng puso ko at nangangamba na marinig niya yon.
What is this again? Bakit kailangan mong iparamdam sakin ito, ginugulo mo na naman ang sistema ko. Kahit ihanda ko ang sarili sa panahon ng pagtatapos natin pero bakit may kung anong pumipigil sa akin?
“Perfect.” He said and hugged me from behind. “Let’s go.” He added at tumango ako.
But before getting out the door nakita ko si Tita Jasmin na nakatayo doon at may malawak na ngiti.
I knew it, palabas lang ang lahat. Ang tanga ko talaga.
Bakit hindi ba ako nag isip? Kahit kailan ang galing niya talagang paglaruan ang nararamdaman ko, ako naman na hindi na natuto at nasanay. Hindi man lang maalam makiramdam kung pinaglalaruan na ba o tunay ang pinapakita.“Ang ganda mo naman hija.” Saad sa kanya ng ginang at hinawakan ang kanyang mga kamay. Bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Judd at nauna kami ng mommy Jasmin niya sa paglalakad. Pilit naman akong ngumingiti at sumasagot ng tango sa bawat sabihin at itanong ng ina ni Judd.Ni isang lingon ko si Judd na may mapaglarong ngiti sa mga labi. Nahuli mo ako dun, ang sakit. Napaasa na naman nya ako, gusto kong magalit na lang yata habang buhay sa sarili ko dahil hanggang ngayon pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Bakit ba kasi sobrang tagal kong mapagod?Pagod na kasi ako, yung katawan ko pero bakit ang puso ko patuloy pa rin na sya ang itinitibok nito. Kung pwede lang sana na utusan ang puso para matapos na ang lahat ng ito.Halos wala akong imik hanggang sa matapos an
Gabi na ng ako’y magising, nakatulog na pala ako sa pag iyak at ng tingnan ko ang orasan ay pasado alas nueve na ng gabi. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kalapit na silid, wala doon si Judd. Pero mas okay na din yun para kahit papaano ay makaiwas dahil sa pag ka pahiya kanina, hindi na lang talaga sadya kinaya ng aking nararamdaman kaya nasabi ko ang mga ganong bagay pero yun ay tagos at mula talaga sa puso ko. Umawas na kasi ang sakit na nararamdaman ko sa lahat ng ginagawa ni Judd kaya hindi ko na napigilan ang sarili na sabihin ang mga salita na ayon sa kanya.Bumaba ako ng hagdan at nagpunta na ng kusina, ini init ko ang pang ulam na niluto ko kaninang umaga bago nagpasya na kumain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasan na isipin ang itsura ni Judd ng sabihin ko ang mga salita na ayon, pakiramdam ko ay nakonsensya ito base sa pagtingin ko sa mga mata n’ya kanina pero kaya nga ba nya ang makonsensya? O baka pinagtatawanan na niya ako ngayon kasi nagawa na niya ang gusto n’ya,
While I was busy washing the dishes hindi maiiwasan na hindi mapa isip kung bakit ganun na lang ang ini akto ni Judd. Parang kahapon lang ay nag sorry ito pero may dinala namang babae pagkauwi tapos ngayon ito namang acting skills na pinakita niya ngayong umaga.Hindi na ito bumalik sa hapag at basta na lang lumayas ng walang paalam. Gusto kung kiligin dahil sa isipin na he’s in love with me pero mali naman na pangunahan ko ang sariling saloobin dahil lang sa iniaakto nito. Tsaka, kikiligin pa ako ng lagay na ito matapos ng mga nangyari? Ano ‘yon parang wala lang? Joke lang, ganon? Napailing ako at agad ng tinapos ang paghuhugas. Chineck ko na rin ang ref at nilagyan ng tubig ang mga pitsel na kakaunti na ang laman, napansin ko rin na kakaunti na ang pagkain doon kaya dapat siguro na mamalengke na ulit si Judd. I picked up the cellphone inside our room and text him kung pwede akong mag grocery. Kahit alam ko na hindi ito papayag ay nagbaka sakali pa rin ako. Kasi sa totoo lang ay
Hindi ako mapakali sa pwesto dahil sa presensya ng tao na hindi ko inakala na makikita ko ulit. Sa lahat ng pwede naming puntahan ni Judd ay dito pa talaga? Akala ko ako na ang isa sa pinaka swerte na babae sa balat ng lupa kasi nasolo ko ang asawa ko dito sa isa sa mamahaling restaurant at kasabay na kumain. Ngunit mali ako, sadyang pinagkaitan ako ng tadhana. Hindi talaga dapat tayo magsaya o matuwa sa isang bagay dahil babawiin din ito agad at doble pa ang sakit.“You two stayed together?” Patanong na sabi nito, ngunit hindi ako umimik at nanatili lamang na nakatungo, nakatingin sa pagkain habang bahagya na ngumunguya.Nawawalan na rin ako ng gana sa pagkain, dahil pakiramdam ko ay hinuhusgahan na ako ni Kassy sa paraan ng bawat pag tingin niya sa akin. Parang unti-unti nitong binubuklat ang buo kung pag katao para mamata at may masabi sa akin.“When have you been back?” Napa angat ako ng tingin dahil sa pag iiba ni Judd ng usapan, halatang ayaw niyang mapag usapan ang tungkol sa
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock malapit sa gilid ng kama. Bahagya kong kinusot ang mga mata at nag inat ng paa kasabay ng pag ngiwi dahil sa naramdaman na hapdi sa parting gitna. Agad namang kumalabog ng pagkakabilis ang aking dibdib na animo'y may mga kabayo na nag uunahan sa finish line doon. Naramdaman ko ang init na dumaloy paitaas sa aking pisngi na natitiyak ko na parang isang hinog na kamatis ang aking pisngi ngayon.I can’t believe for what happen, parang kahapon lang sobrang layo pero kinabukasan ay naabot ko na agad ang aking simpleng pangarap. Simpleng pangarap na sana ay maayos na ang pagsasama naming dalawa ni Judd, sa tagal ng paghihintay ngayon ay unti-unti ng nakakampatan. Pero paano kung ang kaligayahan at saya na nararamdaman ngayon ay bawiin din agad? Napailing nalang ako sa naiisip at nagkibit balikatIbinaba ko ang paa mula sa kama at nakita ko pa ang iilang mantya ng dugo doon. Bahagya akong napangiti at nagpapadyak ng paa. Ito ang tanda na siya ang
“Congratulations Mrs. Harrison, you are three months pregnant.”Ang tuwa at galak ay walang paglagyan sa puso ko. Ito na ang pinakamagandang salita na narinig sa buong buhay ko. I told Nanay na huwag munang ulitin ito kay Judd, dahil gusto ko na ako mismo ang magsasabi ng tungkol dito. Natitiyak ko na matutuwa ito kapag nalaman niya na buntis ako at magiging ama na siya. Heto rin naman kasi ang kagustuhan ni Judd para sa amin.Hindi mapalis ang ngiti sa labi ko habang nagluluto ng pancake, itlog, hotdog at bacon. Basta noong malaman kung buntis ako, nahiligan ko na ang pag gising sa umaga at ipagluto ng agahan si Judd. Masyado lang kasi akong natutuwa dahil sa mga nangyayari na maganda sa amin ngayon ng asawa ko. “You preceded me in cooking, wifey.” A husky voice filled my ears, at naramdaman ko ang pagyakap nito sa likudan ko.“Dapat lang naman na ako ang gumagawa nito.” Sagot ko dito bago humarap sa kanya at ninakawan ng halik sa malalambot niyang labi.“More.” Paguutos pa nito, ka
Matiim na tinitigan ang enveloped na hawak, nagtataka man sa pagtawag ni Judd at sa agaran nitong pagkaalam tungkol sa envelope ay hindi maiwasan ang pagbabara sa aking lalamunan. Parang mayroon akong hindi na lalaman tungkol doon, parang may mali sa iniakto ng kanyang asawa. Inuli ko ang mata sa apat na sulok ng sala at may hinanap. Marahan akong tumayo habang nagmamasid. Isip ko lang ba talaga ang nagiisip noon o sadyang tama lang ang kutob ko?Umiling ako ng bahagya at hinilot ang sintido. Imposible, napaka imposible na maglagay ito ng CCTV Camera sa loob ng bahay. Pero bakit naman niya gagawin 'yon? May tiwala naman siya siguro sa akin para magkabit ito noon gayong hindi na naman ako malimit lumabas ng bahay o dahil lang ba talaga doon?Muli akong umupo at sinulyapan ang cellphone dahil tumunog ayon, message from Judd. ‘I’m sorry kung nasigawan kita. I love you.’ Naguguluhan man ay may sumilay na ngiti sa aking labi. Hindi ko yun nireplyan at ibinaba na ang cellphone sa mesa. Naw
Nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame. Bukas na ang uwi ni Judd pero hindi ko parin alam kung paano aakto sa harap nito. Gusto kong umiwas at huwag itong kausapin pero hindi ko alam kung paano. Iniisip ko pa lang na magmukmok na lang sa kwarto habang nandito siya ay hindi naman maari ayon.Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit niya ginawa 'yon. Bakit sila magkasama ni Kassy? Yon ba ang importante niyang gagawin? Kaya halos hindi tumawag o magparamdam man lang?I heard a knock on the door and I opened it. Bumungad sa akin si Nay Loleng na may simpleng ngiti. Nanay Loleng know everything at siya lang ang nasandalan ko sa araw at oras na idinaan ko lamang sa pag iyak ang sakit at galit na nararamdaman ko. Ang hirap mag move-on dahil sa aking nakita. Gusto kong humanap ng paliwanag at dahilan pero wala akong makita. Gusto kong marinig ang side niya pero bakit parang natatakot ako na alamin pa 'yon.Hindi pa rin ako nawawalan nang
Kahit anong papansin ko kay Judd ay hindi niya talaga ako pansinin, hindi naman kasi sa gusto ko lang magpapansin syempre para maging aware din sana siya na hindi naman mapapagkatiwalaan si Kassy lalo na't engage na silang dalawa. "Anong gagawin ko?" Tanong ko sa aking sarili habang nag mumukmok dito sa loob ng aking kwarto.Dinampot ko ang aking cellphone na nasa ibabaw ng kama at sinubukan na tawagan si Judd, ilang ring pa ay may sumagot noon. "Hello?" Bungad ko. "What do you want." Malamig na tanong niya sa akin. Napalanunok naman ako dahil pamamaraan ng kanyang pagsasalita."Pwede ba tayo mag usap?" Muli ay tanong ko. "I'm busy, Sam sa ibang araw na lang. Bye." Parang may dumurog sa aking puso dahil sa narinig. Hindi naman siya ang Judd na nakilala ko, Judd na hindi ako kayang tanggihan at pagpatayan basta-basta ng tawag. Pero anong nangyari? Kasalanan ko ba talaga lahat? Wala na ba akong karapatan na maging masaya samantalang siya ay nagpapakasaya sa piling ni Kassy? Tapos
Pinilit ko namang isipin na ang lahat ng iyon ay dahil sa kapatid lang ang turing sa akin ni Judd. Na ang gabi na yun ay isa lamang sa mga paglalambing niya sa akin. Napag pasyahan ko na rin na idistanya ang sarili ko sa kanya dahil kahit papaano ay alam ko naman na mali ang aming ginagawa. I mean, hindi na tama bilang sa isang magkaibigan lang. Ayoko na rin na malaman pa ni Kassy ang tagpo na yun at magkagulo pa silang dalawa ni Judd kaya kahit nasa malayo ay akin na lang tiningnan ang aking mahal na kaibigan. “Malungkot ka ata ngayon?” tanong sa akin ni Bianca habang kumakain kami dito sa canteen. “Bakit naman magiging malungkot? Pagdadahilan ko. “Wala napansin ko lang naman.” Sagot pa niya sa akin. Kumagat naman ako ng burger na aking binili at marahan na ngumuya. Napalingon pa ako sa malawak na glass nitong canteen na makikita at matatanaw ang mga tao na nagdaraanan. Nakita ko si Judd at Kassy na magkahawak ang mga kamay kaya agad naman akong nag iwas ng tingin. Dahil kung s
Samantha’s Point of View I was busy brushing my hair when Bianca approach me. “Tara sa gym!” Kulbit sa akin ni Bianca. “Ano naman ang gagawin ko doon?”Tanong ko sa kanya. “Ay, na late kana sa balita? May laro ngayon ng volley ball sa gym at mainit raw ang magiging laban.” Napaisip ako sa kanyang sinabi, dahil paborito ko rin ang laro na volley ball kaya nga lang medyo masakit ang aking puson dahil sa buwanang dalaw. “Kayo na lang, dito na lang muna ako.” Sagot ko na ikinanguso naman niya. “Bahala ka nandun pa naman ang ultimate crush mo.” Nanlalaki ang aking mga mata sa binitawan na salita ni Bianca. Agad akong tumayo kahit medyo naiilang sa aking buwanang dalaw ay lumapit ako ng mabilis kay Bianca at tinakpan ang kanyang bibig. “Ano ba ang sinasabi mo?” Naiinis ko na tanong sa kanya. Sinanggi naman ni Bianca ang aking kamay na nakatakip sa kanyang bibig kaya natanggal ang kamay ko doon. “Uy, aminin mo na kasi na crush mo ang volley ball captain ng Team A.” Malakas na sabi ni Bia
After 3 years“Judd nasaan na ang diaper ni Val?” Hiyaw ko. “Teka lang, hon!” Sigaw niya sa kung saan.Kahit naka aircon na ang kabuuan ng kwarto ng mga bata ay tagaktak pa rin ang aking pawis. Nagyakag kasi si Shayla na pumunta ng mall at hindi napayag na hindi kasama ang kanyang tatlong kapatid.“Ang dami ng tae mo anak.” Rinig kung sabi ni Judd habang papalapit sa aming pwesto. “Tumae na naman ikaw ha Veron.” Natatawa kung sabi at kiniliti ito na siya namang ikinautas niya ng tawa.“Mom, are they done?” Singit ni Shayla na ngayon ay nakadungaw sa may pintuan. “Wow, ang sexy naman ni ate ah!” Komento ko at nagpaikot ikot pa siya sa aming harapan ni Judd.“Ay baka may naiibig na ha.” Suway ni Judd na agad ko namang hinampas sa kanyang braso. “Ouch!” Daing pa niya.“Anong sinasabi mo? Sa bata pa ni Shayla naiibig agad?” Naiinis kung sabi sa kanya bago binihisan ang mga bata. “Tulungan mo ako dito huwag kang tumunganga.” Sabi ko pa na ikinanguso naman niya.Habang ang mga bata ay aking
Kassy's Point of ViewI never thought we would reach this far. Ang akala ko pa noon ay isa lang akong kontrabida sa kwento ng buhay nilang dalawa. Yes, dumadaan naman sadya tayo, pero hindi ko nilalahat. Dumadaan tayo sa punto na pinipili natin ang maging masama o magpakasama dahil sa katayuan natin sa buhay. Pero lahat ng yun ay pwedeng mabago kung patatakbuhin ng maayos ang ating isip at iisipin din kung ano ang pwedeng kahinatnan sa bandang huli. Mas pinili ko ang mag pakatotoo at pinili ang kabutihan na sana noong una pa lang ay aking ginawa upang hindi na nauwi sa malaking pagkakamali. Ang habol ko lang talaga noon kay Kuya Judd ay pera pero wala sa plano ang pagpayag na magpakasal sa kanya. Sadyang hindi lang mahirap magustuhan noon si Kuya Judd kaya siguro nagpadalos-dalos rin ako kahit na mayroon akong karelasyon ng mga panahon na yun at yun nga ay si Jacob. When Ate Samantha stop our marriage, galit lamang ang naramdaman ko noon sa kanya and came to the point that I accur
"Kas! Make it fast naman! Kanina ka pa diyan sa banyo kulang na lang diyan kana tumira!" Inis na sigaw ko mula dito sa labas ng banyo. "Patapos na!" Sigaw niya pabalik sa akin. "Saan mo ba kasi nabili yun? Dinamay mo pa ako!" Inis ko na sabi. "Basta ko lang siya dinampot doon sa market." Natatawa na sabi niya sa akin. "Bilisan mo na at kanina pang naghihintay ang ibang investor sa conference!" Sigaw ko pang muli. Hindi na niya ako sinagot at nakangiti na siya ng lumabas ng banyo habang inaayos ang parag-an ng kanyang T-shirt. Tinulak ko pa siya ng bahagya bago nagmadali na pumasok sa banyo. "Magdahan-dahan ka nga ate! Ako na naman ang malilintikan sa asawa mo kapag nadulas ka!" Suway niya sa akin ngunit isinara ko ang pintuan ng banyo ng sobrang lakas huli na ng mapagtanto kung ano ang amoy na naiwan ni Kassy sa loob ng banyo. "Ang baho!" Sigaw ko at dinig na dinig ko ang malakas na tawa niya mula sa labas. Bwesit! Makakaganti rin ako sa kanya! Ilang buwan ang lumipas matapos ku
Dalawang beses ko ipinaling ang aking ulo, sa pagmulat ng aking mata ay kadiliman agad ang sumalubong sa akin. Idilat ko man ang mga mata ay para pa rin akong nakapikit. Hindi naman maiwasan ang napahikbi ng maalala ang mga nangyari. Ang hikbi na pinipigilan ay kusang lumakas hanggang sa nabalot na ng iyak ang lugar kung nasaan ako. Pero isa lang ang matitiyak ko, nasa isang silid ako dahil sa echoe na nililikha ng pag iyak ko."Tulong!" Iyak na sigaw ko. "Judd! Tulungan niyo ako!" Iyak ko pa ngunit pakiramdam ko ako'y humingi ng tulong pero nakalubog sa isang napakalalim na hukay at walang pag asa na may makakita o makarinig man lang. Iyak lamang ako ng iyak hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng pintuang bakal base sa bigat at ingay ng buksan ayon ng kung sino. Pinakiramdaman ko ang buong paligid ng makarinig ako ng isang mabigat na yabag ng paa. "Sino yan!?" Sigaw ko ngunit hindi pa rin naimik kung sino man ayon. Halos kilabutan ako ng maramdaman ang malamig na bagay mula sa a
Hanggang sa supamit ang gabi ay napagpasyahan na ni daddy ang magpaalam at umuwi raw kuno sa kanyang tinutuluyan na bahay, pinilit ko pa siya na dito na lang matulog ngunit talagang hindi ko siya mapigilan. Ika nga sa mga kasabihan ay mahirap pilitin ang aayaw. "So kelan niyo balak bumalik?" Tanong ko habang nakatayo sa may harap ng gate dito sa labas ng aming bahay. "Basta tatawag ako. May inaasikaso lang kasi si daddy, princess." Nakangiti niyang usal at inigay ni daddy ang kanyang palad sa aking pisngi at pinahid ayon, hindi ko na namalayan na may tumutulo na palang luha sa aking mga mata dahil na rin siguro sa pananabik at pangungulila ko sa kanya."But make sure you are always safe." Humihikbi na sabi ko at tumago lang siya sa akin. Naramdaman ko naman ang presensya ni Judd mula aking likudan at hinawakan ako sa aking magkabilang braso. Napansin ko pa ang bahagyang pagtungo ni Judd sa aking ama at ganun din si Daddy bago tuluyan ng tumalikod sa aking pwesto at sumakay sa kanyang
Naging maayos ang ilang araw na pamamalagi ni Kassy, hinayaan ko muna na tumita silang mag ina sa bahay ko at kami naman ni Judd at Shayla ay lumipat na dito sa aming mismong bahay. Si Mommy Jasmin naman ay mas pinili na samahan nalang si Kassy para kapag naalis si Kassy ay bantay si Julius at may ilan ring mga butler ang nagbabantay sa bahay para sa kanilang siguridad. Ngayong alam ko na buhay si daddy, nagtataka pa rin naman ako kung bakit hindi pa rin niya maisipan na magpakita sa akin. Ang kasalanan naman na ibinintang kay Judd ngayon ay naayos na at napatunayan na wala siyang kasalanan kundi si Jacob talaga. Pinaghahanap na ito ng mga kapulisan kaya medyo panatag na ang loob ko dahil hindi lang kami ang nakakaalam ng tungkol kay Jacob, kundi pati na rin ang mga kapulisan ay hinahanap ito."Mommy, can you open this for me. Please." Kinuha ko naman ang candy na hawak ni Shayla bago binuksan ayon. "Brush your teeth pagkatapos kumain ng candy okay." Paalala ko at tumango naman siy