Bakit hindi ba ako nag isip? Kahit kailan ang galing niya talagang paglaruan ang nararamdaman ko, ako naman na hindi na natuto at nasanay. Hindi man lang maalam makiramdam kung pinaglalaruan na ba o tunay ang pinapakita.
“Ang ganda mo naman hija.” Saad sa kanya ng ginang at hinawakan ang kanyang mga kamay. Bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Judd at nauna kami ng mommy Jasmin niya sa paglalakad. Pilit naman akong ngumingiti at sumasagot ng tango sa bawat sabihin at itanong ng ina ni Judd.
Ni isang lingon ko si Judd na may mapaglarong ngiti sa mga labi. Nahuli mo ako dun, ang sakit. Napaasa na naman nya ako, gusto kong magalit na lang yata habang buhay sa sarili ko dahil hanggang ngayon pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Bakit ba kasi sobrang tagal kong mapagod?
Pagod na kasi ako, yung katawan ko pero bakit ang puso ko patuloy pa rin na sya ang itinitibok nito. Kung pwede lang sana na utusan ang puso para matapos na ang lahat ng ito.
Halos wala akong imik hanggang sa matapos ang aming hapag, at kung umimik man ay pag nagtatanong lang si Tita Jasmin sa akin. Gusto kung lumayo sa lugar na ito, pakiramdam ko hindi ko kayang huminga sa harapan nila, parang nauubusan ako ng hangin kapag kaharap sila lalo na si Judd na hindi man lang mawala wala ang ngiti sa mga labi, komportable na nakaupo at magana na kumakain. Habang ako parang gusto kong masuka dahil hindi masikmura ang mga tao na kaharap ko sa mesa, na akala mo’y mga walang pinuproblema at ako naman na parang pasan ang buong mundo.
“Are you, okay hija?” Tanong ni tita Jasmin sa akin habang kaming dalawa ay nandito sa sala at nanonood ng tv. Hinawakan pa nito ang aking mga kamay bago hinaplos ayon.
Tipid naman akong ngumiti bago sumagot at tumingin sa kanyang mga mata. “Opo mommy Jasmin, I’m okay,” I answered at hinawakan rin ang kamay nito pabalik.
“Pinapahirapan ka ba ni Judd dito?” Hindi naman ako nakasagot agad sa naging tanong ni mommy Jasmin, pinilit ko naman ang ngumiti at napipilitan na umiling.
Nilingon ko ang gawi ni Judd na may ngiti sa mga labi habang kausap ang kanyang ama, si Tito Jake. Ngumiti ako at natitiyak kung hindi aabot yun hanggang tenga.
“Hindi po, sa totoo nga ay hindi niya ako halos padapuan sa langaw o lamok.” Natatawa kung sabi sa ginang.
Kahit ang totoo na si Judd ang lamok na gustong manakit sa akin physical at emotional.
“Ikaw talaga na bata ka. But I’m happy to see you both na maayos na nagsasama.” Nakangiti na sabi ni Tita Jasmin, sana ganun na nga lang kami.
Pero kabaliktaran lamang ang lahat. Isang napakalaking pagpapanggap lang lahat ng nakikita niyo.Gusto kung sabihin yun pero mas pinili ko ang manahimik. Gusto ko man i open up yung sakit na nararamdaman ko ngunit mas pinili ko ang tumahimik at baliktarin ang lahat ng pangyayari.
“Mas masaya po ako na ako ang pinakasalan ng anak niyo.” I looked at Judd at lumingon ito sa gawi ko. “I never thought we would reach this far, Mom. Mag kaklase lang kami noon at mag kaibigan, napaka over protective pa sa aking mga manliligaw kaya walang ibang lumalapit na lalaki sa akin bukod sa kanya. I am one of the luckiest women in the world, dahil siya ang naging asawa ko, maalaga at mapagmahal. Mahal na mahal na mahal ko po ang anak niyo Mom.” I added at patago na pinunasan ang luha bago ngumiti at nag iwas ng tingin kay Judd na nakakunot ang mga noo habang nakatingin sa gawi namin.
“And I am the luckiest mother because he became my child. Wag ka sana magsawa na mahalin ang anak ko Samantha Veronica.” Tumango ako sa sinabi ni tita Jasmine at ngumiti.
Sana mahalin din agad ako ng inyong anak para hindi ako mapagod kakahabol sa kanya tita Jasmin. I want to say those words pero hindi ko kaya na pasanin din ni Tita Jasmin ang problema namin ni Judd. Sana lang talaga hindi pa huli ang lahat para maayos ang gusot sa pagitan naming dalawa. Ngunit sadyang napakahirap tanggapin para kay Judd ang pagsira ko sa kasal na plinano niya para sa babae na pinakamamahal niya, pero hindi ako ‘yon at never na magiging ako ang mamahalin niya.
—----
Kanina ko pang nararamdaman na parang may gustong sabihin o itanong si Judd sa akin pero lagi ko itong iniiwasan. Akala mo siya’y kating-kati at nagmamadali para paalisin ang mga magulang nito sa hindi ko malaman na dahilan. Gustuhin ko man ang magtanong ngunit parang konti na lang ay sasabog na ito dahil sa galit na makikita sa kanyang mga mata.
“Mauuna na kami hija, Judd take care of your wife. Wala na akong ibang babae na tatanggapin bukod sa kanya.” Hindi ko alam ang sasabihin o isasagot sa sinabi ni tita Jasmin, hindi ko magawang lingunin si Judd, pakiramdam ko maya maya ay mag bubuga na ito ng apoy sa akin.
“Sa susunod na bumisita kami dapat may laman na yan hija, matanda na kami gusto na namin mag kaapo.” Napangibit naman ako sa sinabi ni tito Jake, konti nalang talaga patay na ako kay Judd.
Alam ko rin kasi na hindi naman natutuwa si Judd sa mga sinasabi ng kanyang mga magulang hindi lang nito pinapahalata.
“As you wish, dad. Malapit na.” hindi naman ako makapaniwala sa narinig kaya pinakatitigan ko ito sa mata ngunit nakikita ko ang pagka disgusto sa binitawan niyang salita.
Kumabog ng mabilis ang puso ko, seriously? Huwag kang magpapa uto Veronica, palabas lang ang lahat ng ito. Tama palabas lamang lahat, be practical Veron!
We bid our goodbye to each other, at tinanaw habang papalayo ang sasakyan ng mag asawang Harrison hanggang sa mawala sila sa aming paningin.
Napaigik ako ng may mabigat na kamay ang humawak sa braso ko at mariin na hinila papasok sa loob ng bahay, halos mawalan ako ng balanse sa bilis at sa malalaki na hakbang ni Judd papasok.
“Judd, nasasaktan na ako.” reklamo ko.
Ngunit parang bingi ito na hindi nadidinig ang sinabi ko, patuloy lamang sya sa paghila sa akin kahit mangiyak ngiyak na ako sa sakit. Ramdam ko rin ang mga kuko niya na bumaon na sa braso ko kaya tuluyan na akong napahikbi ng makita ang pagdudugo noon.
“Judd, masakit!” Sigaw ko at ng makarating kami sa sala ay pwersa na niya akong binitawan at mas naramdaman ang hapdi ng braso.
Nilingon ko si Judd at nakita ko ang pagdako ng kanyang mga mata sa braso ko, imbis na makita ko ang awa sa kanyang mga mata ay parang mas natutuwa pa ito sa nakikita niya.
“What did you say to my mom!” May diin na salita na ani nito. Namumula ang kanyang mga batok at nakakuyom ang mga kamo na anytime ay pwede nya akong saktan.
“W-wala akong si-nasabi Judd.” Nangangatal ang labi na sagot dito.
Napapitlag ako ng hawakan nito ng mariin ang magkabilang braso ko, madiin at walang pakialam kahit magka doble-doble na ang sugat sa aking mga braso. Hindi na ito ang Judd na kilala ko, daig pa niya ang sinapian ng masamang ispirito dahil sa ginagawa.
“Why did she find out about our wedding ?! Why does she know that I don't treat you well! Why does my own mother want to fight me when she finds out that I'm hurting you!” Mahaba na sabi nito. Halata ang gigil sa bawat salita na pinapakawalan niya.
Umiling naman ako habang umiiyak, nagmamakaawa at nangungusap mata sa mata kung maawa ba ito o hindi kaso bigo ako.
“I don’t know J-judd.” Mahina kung bulong at naglandasan ang luha sa mga mata, nalasahan ko pa ang sariling dugo ng gawaran niya ako ng isang malakas na sampal.
“Sinungaling!” sigaw nito sa mukha ko at sinampal akong muli dahilan para tuloy tuloy na magbagskan ang luha ko. Nanatiling nakatagilid ang mukha ko habang natatabingan ng mahaba kong buhok.
Pabagsak n’ya akong binitawan kaya napatama ang bewang ko sa kantuhan ng mesa dito sa sala.
Dahan dahan ko itong nilingon, halata na nagulat din ito sa kanyang ginawa at napagtanto ang mga nangyari.
“I-I'm s-so”-
“Ganyan kana ba talaga kasama?!” Humihikbi na saad ko.
“Look I’m sorry.” Sagot nito sa akin bago lumapit at hinawakan ang mga kamay ko upang itayo.
Tinabig ko naman ang kamay nito at napatigil sa ere ang kanyang mga kamay at hindi makapaniwala sa iniasta ko.
“Kung alam ko lang na ganito ang sasapitin ko sa kamay ko, sana hinayaan nalang kita noon sa desisyon mo.” Mapakla kong saad at marahan na tumayo habang hawak ang bewang. “Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil kahit kaunti, hindi kita siniraan sa magulang mo! Naawa pa nga ako sa sarili ko dahil kahit hirap na hirap na ako mas pinili ko na pagandahin ang image mo kahit sobrang baboy at hindi na makato ang ginagawa mo sa akin!” Mahaba ko pang dugtong.
“Im sorry okay, gusto ko lang naman malaman ang sinabi mo.” Mahinahon na niya ngayong sagot sa akin.
“I just told her how much I love you Judd, sinabi ko lang sa kanya kung gaano ako kaswerte sayo dahil ikaw ang naging asawa ko. Na napakaswerte ko kasi maalaga ka sakin at mahal na mahal mo ako! That I am one of the luckiest women because I am the one married to someone like you! Masama ba na maghangad na sana ganun na nga lang ang trato mo sa akin?! Akala ko may magbabago, Judd! When you kissed me without anyone seeing, yung wala tayo sa harap ng magulang mo, I thought that's where to start! Akala ko doon tayo maayos, kaso nagkamali na naman ako! Judd, napapagod na ako. I love you, mahal na mahal kita simula pa lang nung high school pa tayo magpasa hanggang ngayon! Pero yung pagkakamali na isisi mo sakin kung bakit ko pinigilan ang kasal nun, hindi ako nagkamali doon. Ini isang tabi ko ang pagmamahal ko sayo and I did that as your best friend. Kaibigan Judd! Tinanggap ko na hanggang kaibigan lang. Tanggap ko na!” Huminga ako ng malalim at iiling iling na nakatingin dito.
Bakas ang pagkagulat sa buo niyang mukha. Hindi ko na kaya, sasabog na ang dibdib ko sa sakit. Yung wala kang makausap na kaibigan kulang nalang ang ipis doon sa hardin ang kausapin ko para may mapagsabihan ng nararamdaman ko. Punong-puno na ako at hindi ko na napigilan na sabihin sa kanya ang totoo na alam kong kinabukasan ay pag sisisihan ko kung bakit ko ito sinabi lahat.
“Kahit saktan mo ako, kahit balewalain mo ako, kahit magdala ka pa ng libo-libong babae, ayos lang Judd. Sana kahit naman ganun, itatrato mo ako ng parang tao. Na kahit hindi na ako yung mahalin mo sana naman maging magkaibigan parin tayo kahit alam kung napaka labo.” Habol ko ang hininga sa pagsasalita at pinunasan ang namamalisbis na luha sa pisngi. “A–at kung hindi na kayang mag work ito, ang kasal natin, pwede naman na bitawan mo na ako. Papayag ako sa gusto mo na ma-annul tayo hindi yung itatali mo ako dito sa malaki mong bahay na parang alila mo. kaya mas mabuti pa na bitawan mo na lang ako, huwag mo naman akong pahirapan” I added sa nagmamakaawa na tono.
After saying all my regrets I ran to our room, itinapon ang sarili sa kama at doon ay umiyak ng umiyak, iniisip kung anong mangyayari pagkatapos ng aking lahat na sinabi sa harap niya.
Hindi ko na kasi kaya, sobra na siyang mapanakit, kaya kahit sariling sugat ko ay hindi ko na gamot at nakatulog na lang ng tuluyan, dala na rin ng pagod sa pag iyak at sakit ng puso na nararamdaman mula sa tao na hindi naman ito kayang suklian.
Gabi na ng ako’y magising, nakatulog na pala ako sa pag iyak at ng tingnan ko ang orasan ay pasado alas nueve na ng gabi. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kalapit na silid, wala doon si Judd. Pero mas okay na din yun para kahit papaano ay makaiwas dahil sa pag ka pahiya kanina, hindi na lang talaga sadya kinaya ng aking nararamdaman kaya nasabi ko ang mga ganong bagay pero yun ay tagos at mula talaga sa puso ko. Umawas na kasi ang sakit na nararamdaman ko sa lahat ng ginagawa ni Judd kaya hindi ko na napigilan ang sarili na sabihin ang mga salita na ayon sa kanya.Bumaba ako ng hagdan at nagpunta na ng kusina, ini init ko ang pang ulam na niluto ko kaninang umaga bago nagpasya na kumain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasan na isipin ang itsura ni Judd ng sabihin ko ang mga salita na ayon, pakiramdam ko ay nakonsensya ito base sa pagtingin ko sa mga mata n’ya kanina pero kaya nga ba nya ang makonsensya? O baka pinagtatawanan na niya ako ngayon kasi nagawa na niya ang gusto n’ya,
While I was busy washing the dishes hindi maiiwasan na hindi mapa isip kung bakit ganun na lang ang ini akto ni Judd. Parang kahapon lang ay nag sorry ito pero may dinala namang babae pagkauwi tapos ngayon ito namang acting skills na pinakita niya ngayong umaga.Hindi na ito bumalik sa hapag at basta na lang lumayas ng walang paalam. Gusto kung kiligin dahil sa isipin na he’s in love with me pero mali naman na pangunahan ko ang sariling saloobin dahil lang sa iniaakto nito. Tsaka, kikiligin pa ako ng lagay na ito matapos ng mga nangyari? Ano ‘yon parang wala lang? Joke lang, ganon? Napailing ako at agad ng tinapos ang paghuhugas. Chineck ko na rin ang ref at nilagyan ng tubig ang mga pitsel na kakaunti na ang laman, napansin ko rin na kakaunti na ang pagkain doon kaya dapat siguro na mamalengke na ulit si Judd. I picked up the cellphone inside our room and text him kung pwede akong mag grocery. Kahit alam ko na hindi ito papayag ay nagbaka sakali pa rin ako. Kasi sa totoo lang ay
Hindi ako mapakali sa pwesto dahil sa presensya ng tao na hindi ko inakala na makikita ko ulit. Sa lahat ng pwede naming puntahan ni Judd ay dito pa talaga? Akala ko ako na ang isa sa pinaka swerte na babae sa balat ng lupa kasi nasolo ko ang asawa ko dito sa isa sa mamahaling restaurant at kasabay na kumain. Ngunit mali ako, sadyang pinagkaitan ako ng tadhana. Hindi talaga dapat tayo magsaya o matuwa sa isang bagay dahil babawiin din ito agad at doble pa ang sakit.“You two stayed together?” Patanong na sabi nito, ngunit hindi ako umimik at nanatili lamang na nakatungo, nakatingin sa pagkain habang bahagya na ngumunguya.Nawawalan na rin ako ng gana sa pagkain, dahil pakiramdam ko ay hinuhusgahan na ako ni Kassy sa paraan ng bawat pag tingin niya sa akin. Parang unti-unti nitong binubuklat ang buo kung pag katao para mamata at may masabi sa akin.“When have you been back?” Napa angat ako ng tingin dahil sa pag iiba ni Judd ng usapan, halatang ayaw niyang mapag usapan ang tungkol sa
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock malapit sa gilid ng kama. Bahagya kong kinusot ang mga mata at nag inat ng paa kasabay ng pag ngiwi dahil sa naramdaman na hapdi sa parting gitna. Agad namang kumalabog ng pagkakabilis ang aking dibdib na animo'y may mga kabayo na nag uunahan sa finish line doon. Naramdaman ko ang init na dumaloy paitaas sa aking pisngi na natitiyak ko na parang isang hinog na kamatis ang aking pisngi ngayon.I can’t believe for what happen, parang kahapon lang sobrang layo pero kinabukasan ay naabot ko na agad ang aking simpleng pangarap. Simpleng pangarap na sana ay maayos na ang pagsasama naming dalawa ni Judd, sa tagal ng paghihintay ngayon ay unti-unti ng nakakampatan. Pero paano kung ang kaligayahan at saya na nararamdaman ngayon ay bawiin din agad? Napailing nalang ako sa naiisip at nagkibit balikatIbinaba ko ang paa mula sa kama at nakita ko pa ang iilang mantya ng dugo doon. Bahagya akong napangiti at nagpapadyak ng paa. Ito ang tanda na siya ang
“Congratulations Mrs. Harrison, you are three months pregnant.”Ang tuwa at galak ay walang paglagyan sa puso ko. Ito na ang pinakamagandang salita na narinig sa buong buhay ko. I told Nanay na huwag munang ulitin ito kay Judd, dahil gusto ko na ako mismo ang magsasabi ng tungkol dito. Natitiyak ko na matutuwa ito kapag nalaman niya na buntis ako at magiging ama na siya. Heto rin naman kasi ang kagustuhan ni Judd para sa amin.Hindi mapalis ang ngiti sa labi ko habang nagluluto ng pancake, itlog, hotdog at bacon. Basta noong malaman kung buntis ako, nahiligan ko na ang pag gising sa umaga at ipagluto ng agahan si Judd. Masyado lang kasi akong natutuwa dahil sa mga nangyayari na maganda sa amin ngayon ng asawa ko. “You preceded me in cooking, wifey.” A husky voice filled my ears, at naramdaman ko ang pagyakap nito sa likudan ko.“Dapat lang naman na ako ang gumagawa nito.” Sagot ko dito bago humarap sa kanya at ninakawan ng halik sa malalambot niyang labi.“More.” Paguutos pa nito, ka
Matiim na tinitigan ang enveloped na hawak, nagtataka man sa pagtawag ni Judd at sa agaran nitong pagkaalam tungkol sa envelope ay hindi maiwasan ang pagbabara sa aking lalamunan. Parang mayroon akong hindi na lalaman tungkol doon, parang may mali sa iniakto ng kanyang asawa. Inuli ko ang mata sa apat na sulok ng sala at may hinanap. Marahan akong tumayo habang nagmamasid. Isip ko lang ba talaga ang nagiisip noon o sadyang tama lang ang kutob ko?Umiling ako ng bahagya at hinilot ang sintido. Imposible, napaka imposible na maglagay ito ng CCTV Camera sa loob ng bahay. Pero bakit naman niya gagawin 'yon? May tiwala naman siya siguro sa akin para magkabit ito noon gayong hindi na naman ako malimit lumabas ng bahay o dahil lang ba talaga doon?Muli akong umupo at sinulyapan ang cellphone dahil tumunog ayon, message from Judd. ‘I’m sorry kung nasigawan kita. I love you.’ Naguguluhan man ay may sumilay na ngiti sa aking labi. Hindi ko yun nireplyan at ibinaba na ang cellphone sa mesa. Naw
Nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame. Bukas na ang uwi ni Judd pero hindi ko parin alam kung paano aakto sa harap nito. Gusto kong umiwas at huwag itong kausapin pero hindi ko alam kung paano. Iniisip ko pa lang na magmukmok na lang sa kwarto habang nandito siya ay hindi naman maari ayon.Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit niya ginawa 'yon. Bakit sila magkasama ni Kassy? Yon ba ang importante niyang gagawin? Kaya halos hindi tumawag o magparamdam man lang?I heard a knock on the door and I opened it. Bumungad sa akin si Nay Loleng na may simpleng ngiti. Nanay Loleng know everything at siya lang ang nasandalan ko sa araw at oras na idinaan ko lamang sa pag iyak ang sakit at galit na nararamdaman ko. Ang hirap mag move-on dahil sa aking nakita. Gusto kong humanap ng paliwanag at dahilan pero wala akong makita. Gusto kong marinig ang side niya pero bakit parang natatakot ako na alamin pa 'yon.Hindi pa rin ako nawawalan nang
“SAMANTHA!”“SAMANTHA VERONICA!”Hindi mapigilan ang luha na patuloy sa pagpatak mula sa aking mga mata. Kahit anong tawag nito, hindi ako lumingon dahil ayokong makita kung ano man ang itsura nito, kung tinatawag lang ba niya ako para pag mukhaing tanga lamang sa harap ni Kassy. Mahina ako pagdating sa kanya. Umiiyak ba siya, mahal niya ba talaga ako?“Samantha, please. Mag usap naman tayo.” Rinig ko pang sigaw nito sa hindi kalayuan.Mabuti na lang at walang bantay sa gate ng mga oras na ito kaya madali akong nakalayo sa lugar na pakiramdam ko ay sinusunog lamang ako dahil sa kababuyan na ginagawa nila. Gusto ko lamang mapag-isa. Gusto kong lumayo, yung malayo sa lahat. Malayo sa kanya. Sobra na kasi yung sakit, yung kitang-kita mo na sa akto pero tatanggi pa at sasabihin na naguusap lang sila? God! May nag uusap na pala ngayon na magkapatong? Deretso sa kwarto imbis na sala. Napatigil ako sa mabilis na paglalakad at nap
Kahit anong papansin ko kay Judd ay hindi niya talaga ako pansinin, hindi naman kasi sa gusto ko lang magpapansin syempre para maging aware din sana siya na hindi naman mapapagkatiwalaan si Kassy lalo na't engage na silang dalawa. "Anong gagawin ko?" Tanong ko sa aking sarili habang nag mumukmok dito sa loob ng aking kwarto.Dinampot ko ang aking cellphone na nasa ibabaw ng kama at sinubukan na tawagan si Judd, ilang ring pa ay may sumagot noon. "Hello?" Bungad ko. "What do you want." Malamig na tanong niya sa akin. Napalanunok naman ako dahil pamamaraan ng kanyang pagsasalita."Pwede ba tayo mag usap?" Muli ay tanong ko. "I'm busy, Sam sa ibang araw na lang. Bye." Parang may dumurog sa aking puso dahil sa narinig. Hindi naman siya ang Judd na nakilala ko, Judd na hindi ako kayang tanggihan at pagpatayan basta-basta ng tawag. Pero anong nangyari? Kasalanan ko ba talaga lahat? Wala na ba akong karapatan na maging masaya samantalang siya ay nagpapakasaya sa piling ni Kassy? Tapos
Pinilit ko namang isipin na ang lahat ng iyon ay dahil sa kapatid lang ang turing sa akin ni Judd. Na ang gabi na yun ay isa lamang sa mga paglalambing niya sa akin. Napag pasyahan ko na rin na idistanya ang sarili ko sa kanya dahil kahit papaano ay alam ko naman na mali ang aming ginagawa. I mean, hindi na tama bilang sa isang magkaibigan lang. Ayoko na rin na malaman pa ni Kassy ang tagpo na yun at magkagulo pa silang dalawa ni Judd kaya kahit nasa malayo ay akin na lang tiningnan ang aking mahal na kaibigan. “Malungkot ka ata ngayon?” tanong sa akin ni Bianca habang kumakain kami dito sa canteen. “Bakit naman magiging malungkot? Pagdadahilan ko. “Wala napansin ko lang naman.” Sagot pa niya sa akin. Kumagat naman ako ng burger na aking binili at marahan na ngumuya. Napalingon pa ako sa malawak na glass nitong canteen na makikita at matatanaw ang mga tao na nagdaraanan. Nakita ko si Judd at Kassy na magkahawak ang mga kamay kaya agad naman akong nag iwas ng tingin. Dahil kung s
Samantha’s Point of View I was busy brushing my hair when Bianca approach me. “Tara sa gym!” Kulbit sa akin ni Bianca. “Ano naman ang gagawin ko doon?”Tanong ko sa kanya. “Ay, na late kana sa balita? May laro ngayon ng volley ball sa gym at mainit raw ang magiging laban.” Napaisip ako sa kanyang sinabi, dahil paborito ko rin ang laro na volley ball kaya nga lang medyo masakit ang aking puson dahil sa buwanang dalaw. “Kayo na lang, dito na lang muna ako.” Sagot ko na ikinanguso naman niya. “Bahala ka nandun pa naman ang ultimate crush mo.” Nanlalaki ang aking mga mata sa binitawan na salita ni Bianca. Agad akong tumayo kahit medyo naiilang sa aking buwanang dalaw ay lumapit ako ng mabilis kay Bianca at tinakpan ang kanyang bibig. “Ano ba ang sinasabi mo?” Naiinis ko na tanong sa kanya. Sinanggi naman ni Bianca ang aking kamay na nakatakip sa kanyang bibig kaya natanggal ang kamay ko doon. “Uy, aminin mo na kasi na crush mo ang volley ball captain ng Team A.” Malakas na sabi ni Bia
After 3 years“Judd nasaan na ang diaper ni Val?” Hiyaw ko. “Teka lang, hon!” Sigaw niya sa kung saan.Kahit naka aircon na ang kabuuan ng kwarto ng mga bata ay tagaktak pa rin ang aking pawis. Nagyakag kasi si Shayla na pumunta ng mall at hindi napayag na hindi kasama ang kanyang tatlong kapatid.“Ang dami ng tae mo anak.” Rinig kung sabi ni Judd habang papalapit sa aming pwesto. “Tumae na naman ikaw ha Veron.” Natatawa kung sabi at kiniliti ito na siya namang ikinautas niya ng tawa.“Mom, are they done?” Singit ni Shayla na ngayon ay nakadungaw sa may pintuan. “Wow, ang sexy naman ni ate ah!” Komento ko at nagpaikot ikot pa siya sa aming harapan ni Judd.“Ay baka may naiibig na ha.” Suway ni Judd na agad ko namang hinampas sa kanyang braso. “Ouch!” Daing pa niya.“Anong sinasabi mo? Sa bata pa ni Shayla naiibig agad?” Naiinis kung sabi sa kanya bago binihisan ang mga bata. “Tulungan mo ako dito huwag kang tumunganga.” Sabi ko pa na ikinanguso naman niya.Habang ang mga bata ay aking
Kassy's Point of ViewI never thought we would reach this far. Ang akala ko pa noon ay isa lang akong kontrabida sa kwento ng buhay nilang dalawa. Yes, dumadaan naman sadya tayo, pero hindi ko nilalahat. Dumadaan tayo sa punto na pinipili natin ang maging masama o magpakasama dahil sa katayuan natin sa buhay. Pero lahat ng yun ay pwedeng mabago kung patatakbuhin ng maayos ang ating isip at iisipin din kung ano ang pwedeng kahinatnan sa bandang huli. Mas pinili ko ang mag pakatotoo at pinili ang kabutihan na sana noong una pa lang ay aking ginawa upang hindi na nauwi sa malaking pagkakamali. Ang habol ko lang talaga noon kay Kuya Judd ay pera pero wala sa plano ang pagpayag na magpakasal sa kanya. Sadyang hindi lang mahirap magustuhan noon si Kuya Judd kaya siguro nagpadalos-dalos rin ako kahit na mayroon akong karelasyon ng mga panahon na yun at yun nga ay si Jacob. When Ate Samantha stop our marriage, galit lamang ang naramdaman ko noon sa kanya and came to the point that I accur
"Kas! Make it fast naman! Kanina ka pa diyan sa banyo kulang na lang diyan kana tumira!" Inis na sigaw ko mula dito sa labas ng banyo. "Patapos na!" Sigaw niya pabalik sa akin. "Saan mo ba kasi nabili yun? Dinamay mo pa ako!" Inis ko na sabi. "Basta ko lang siya dinampot doon sa market." Natatawa na sabi niya sa akin. "Bilisan mo na at kanina pang naghihintay ang ibang investor sa conference!" Sigaw ko pang muli. Hindi na niya ako sinagot at nakangiti na siya ng lumabas ng banyo habang inaayos ang parag-an ng kanyang T-shirt. Tinulak ko pa siya ng bahagya bago nagmadali na pumasok sa banyo. "Magdahan-dahan ka nga ate! Ako na naman ang malilintikan sa asawa mo kapag nadulas ka!" Suway niya sa akin ngunit isinara ko ang pintuan ng banyo ng sobrang lakas huli na ng mapagtanto kung ano ang amoy na naiwan ni Kassy sa loob ng banyo. "Ang baho!" Sigaw ko at dinig na dinig ko ang malakas na tawa niya mula sa labas. Bwesit! Makakaganti rin ako sa kanya! Ilang buwan ang lumipas matapos ku
Dalawang beses ko ipinaling ang aking ulo, sa pagmulat ng aking mata ay kadiliman agad ang sumalubong sa akin. Idilat ko man ang mga mata ay para pa rin akong nakapikit. Hindi naman maiwasan ang napahikbi ng maalala ang mga nangyari. Ang hikbi na pinipigilan ay kusang lumakas hanggang sa nabalot na ng iyak ang lugar kung nasaan ako. Pero isa lang ang matitiyak ko, nasa isang silid ako dahil sa echoe na nililikha ng pag iyak ko."Tulong!" Iyak na sigaw ko. "Judd! Tulungan niyo ako!" Iyak ko pa ngunit pakiramdam ko ako'y humingi ng tulong pero nakalubog sa isang napakalalim na hukay at walang pag asa na may makakita o makarinig man lang. Iyak lamang ako ng iyak hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng pintuang bakal base sa bigat at ingay ng buksan ayon ng kung sino. Pinakiramdaman ko ang buong paligid ng makarinig ako ng isang mabigat na yabag ng paa. "Sino yan!?" Sigaw ko ngunit hindi pa rin naimik kung sino man ayon. Halos kilabutan ako ng maramdaman ang malamig na bagay mula sa a
Hanggang sa supamit ang gabi ay napagpasyahan na ni daddy ang magpaalam at umuwi raw kuno sa kanyang tinutuluyan na bahay, pinilit ko pa siya na dito na lang matulog ngunit talagang hindi ko siya mapigilan. Ika nga sa mga kasabihan ay mahirap pilitin ang aayaw. "So kelan niyo balak bumalik?" Tanong ko habang nakatayo sa may harap ng gate dito sa labas ng aming bahay. "Basta tatawag ako. May inaasikaso lang kasi si daddy, princess." Nakangiti niyang usal at inigay ni daddy ang kanyang palad sa aking pisngi at pinahid ayon, hindi ko na namalayan na may tumutulo na palang luha sa aking mga mata dahil na rin siguro sa pananabik at pangungulila ko sa kanya."But make sure you are always safe." Humihikbi na sabi ko at tumago lang siya sa akin. Naramdaman ko naman ang presensya ni Judd mula aking likudan at hinawakan ako sa aking magkabilang braso. Napansin ko pa ang bahagyang pagtungo ni Judd sa aking ama at ganun din si Daddy bago tuluyan ng tumalikod sa aking pwesto at sumakay sa kanyang
Naging maayos ang ilang araw na pamamalagi ni Kassy, hinayaan ko muna na tumita silang mag ina sa bahay ko at kami naman ni Judd at Shayla ay lumipat na dito sa aming mismong bahay. Si Mommy Jasmin naman ay mas pinili na samahan nalang si Kassy para kapag naalis si Kassy ay bantay si Julius at may ilan ring mga butler ang nagbabantay sa bahay para sa kanilang siguridad. Ngayong alam ko na buhay si daddy, nagtataka pa rin naman ako kung bakit hindi pa rin niya maisipan na magpakita sa akin. Ang kasalanan naman na ibinintang kay Judd ngayon ay naayos na at napatunayan na wala siyang kasalanan kundi si Jacob talaga. Pinaghahanap na ito ng mga kapulisan kaya medyo panatag na ang loob ko dahil hindi lang kami ang nakakaalam ng tungkol kay Jacob, kundi pati na rin ang mga kapulisan ay hinahanap ito."Mommy, can you open this for me. Please." Kinuha ko naman ang candy na hawak ni Shayla bago binuksan ayon. "Brush your teeth pagkatapos kumain ng candy okay." Paalala ko at tumango naman siy