“’NAY iwanan ko muna sa inyo si Daisy. Kayo na ho muna ang bahala sa kaniya,” ani Candice sa ina habang nagsusuot ng kaniyang sapatos. Nakaupo ito sa salas at nananahi ng kurtina. Tumigil ito bahagya sa ginagawa at tiningnan siya. “Wala pa rin bang tumatawag sa ’yo? Aba’y mag-iisang linggo na ang batang iyon dito ah,” anito. “Wala pa rin nga ho, Inay, eh. Pero sabi naman ng mga pulis sinabihan na din daw nila ang DSWD, baka sakaling may naghahanap doon. Aabisuhan din daw nila ang mga bahay-ampunan dito sa atin at karatig bayan. Baka raw ho doon galing si Daisy,” paliwanag niya. Tumango-tango ang inay niya. “O s’ya sige. . . Ako na muna ang bahala sa kan’ya.” “Salamat ho, ‘Nay,” aniya at lumapit dito sabay halik sa pisngi. “Mauuna na ho ako,” paalam niya rito. “Sige. Mag-iingat ka,” bilin nito. Nagmamadali siyang lumabas ng kanilang bahay. Panghapon ang duty niya at medyo napasarap ang tulog niya kanina, kaya nakaligtaan niya ang oras. Kung hindi pa siya ginising ng inay niya ay
Last Updated : 2022-05-24 Read more