Share

Chapter 4

Author: Gael Aragon
last update Last Updated: 2022-06-07 23:49:09

Hantarang pinagmasdan ni Sebastian ang babaeng kaharap mula ulo hanggang paa at pabalik. Wala siyang pakialam kung matakot man ito sa kaniya.

Mahaba ang buhok nito na basta na lang inipitan sa likod. She has a beautiful set of dreamy looking eyes, a prominent nose and a small pouted lips. Maliit din ang bilugan nitong mukha. May pagka-tan ang kulay nito at hindi rin ito katangkaran. In fact, hindi pa nga yata ito aabot sa may balikat niya.

She was wearing yellow loose shirt and same with her jeans. Kulang na lang dito ay sumbrero at chewing gum at mapagkakamalan na itong leader ng gangster sa kalye.

But he already has a doubt kung totoo ngang kasabwat ito ng kumidnap kay Bella. Dahil sa likod ng suot nitong iyon, hindi naman maikakaila ang magandang hubog ng katawan nito. Alam niya iyon, because this is the same woman he met at the elevator yesterday.

She made a huge impression on him kaya natandaan niya ito kaagad. Kapansin-pansin kasi ang itsura nito, lalo na ang mga mata nito na tila nangungusap kapag tumitingin. That’s the reason why he went back and help her out of that d***ed elevator.

Pero taliwas sa kanuya, mukhang hindi siya nito nakikilala.

Tumikhim siya bago nagsalita. At napansin niyang bahagyang napaigtad ang babae.

“Tell me. . . where is Marie? At magkano ba dapat ang hihingin ninyong ransom para ipatubos sa akin si Bella?” tanong niya sa makapanginig-tuhod na tinig. Iyong tipong matatakot sa kaniya ang kahit na sinong kaharap.

Mahigpit na napakapit si Candice sa upuan. Doon niya naisip na humugot ng lakas. Pagkatapos ay isang matalim na tingin ang iginanti niya sa lalaki. “Wala akong kilalang Marie at lalong wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo,” mariing sabi niya.

Pagak na natawa si Sebastian. “What? Your playing innocent? Come on. . .” aniya sa naniningkit na mga mata. “Pwede ba, huwag ka ng magmaang-maangan pa. Kilala ko ang mga kagaya ninyo. . .” aniya na sinadyang hindi itinuloy ang sasabihin.

Humakbang siya palapit dito at yumukod. Ang dalawang kamay ay inilagay niya sa magkabilang tagiliran ng kinauupuan nito; kung saan naroroon din ang kamay nito, and leaving her nothing to turn to.

Inilapit niya ang ulo sa may tainga nito pagkatapos ay bumulong, “Mga manloloko at opurtunista.”

At pagkasabi noon ay bahagya niyang inilayo ang sarili at tinitigan ito. Kitang-kita niya ang unti-unting panlalaki ng mga mata nito. At nakaramdam siya ng satisfaction sa nakikitang iyon.

While Candice, on the other hand, was suddenly felt terrified. Pakiramdam niya’y nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan.

At nang makabawi sa kabiglaan ay mabilis na umigkas ang kaniyang kanang kamay. Isang malutong na sampal ang ibinigay niya sa lalaking ito. Humihingal siya sa tindi ng galit na nadarama.

“Don’t you dare talked to me like that!” gigil na gigil na sikmat ni Candice. Ang mga matang kanina’y tila nangungusap ngayo’y tila naglalabas na iyon ng apoy. “You didn’t even know who I am para pagsalitaan mo ako ng gan’yan! At sino ka ba sa pag-aakala mo, ha? Hari? Diyos? If I know, gumagamit ka lang ng pera para mapasakamay mo ang batas,” ganting panunuya niya rito.

Tiim-bagang namang tinitigan ni Sebastian ang matapang na babae. Halos mag-isang linya na ang mga kilay niya sa tindi ng galit na nararamdaman.

Hindi pa siya nakakahuma sa natamong sampal mula rito nang iwinaksi nito ang mga kamay niyang nakahawak sa kinauupuan nito, pagkatapos ay mabilis itong tumayo at tinungo ang pintuan.

Malalaki ang mga hakbang na sinundan niya ito at mabilis na hinaklit sa braso.

“Where do you think you’re going?” galit na galit na tanong niya. Parang kulog na dumadagundong ang boses niya nang mga sandaling iyon.

“Sa investigation desk! Di ba roon naman talaga ako nararapat dalhin? Hindi rito sa kwartong ito na nag-aaksaya ng oras na makipagtalo sa ’yo!” mataray na sagot nito.

“Hindi pa tayo tapos mag-usap,” mariing turan niya sabay diin ng kamay sa braso nito.

“Ano ba! Nasasaktan ako!” anito sabay piglas sa sariling braso.

Tila naman natauhan si Sebastian. Niluwagan niya ang pagkakahawak sa braso nito.

Isang nakamamatay na tingin ang ibinigay ng babae sa kan’ya.

“Pwede ba bitawan mo nga ako!?” anitong hindi pa rin tumitigil sa pagpupumiglas. “Kung may mga tanong ka, doon ko lahat sasagutin. Gusto mo rin naman palang malaman ang totoo.” Tumatahip ang dibdib nito sa tindi ng galit.

“Hindi ako tanga, Mr. Whoever You Are! Alam kong ipapapatay mo ako kapag hindi ko nasagot ang mga katanungan mo. At huwag kang mag-alala, dahil irereklamo na rin kita ng assault at harassment, at kung ano-ano pang pwede kong isampa laban sa ’yo!” sumisigaw pang wika nito.

Doon lang pinakawalan ni Sebastian si Candice. Malapit na ring maubos ang pasensya niya sa kaharap.

“Ganoon ba? Sige! Halika! Tingnan lang natin kung saan uobra ang tapang mo,” banta niya rito sabay bukas ng pinto at malakas na ibinalibag iyon.

Napaigtad si Candice sa ginawang iyon ni Sebastian. Nagngangalit ang kalooban niya. Sino ba ito para pagbintangan siya ng kung ano-ano?

Galit na sumunod si Candice sa antipatikong lalaki at nagtungo sa investigation desk. Nakita niyang naroroon na ang dalawang lalaki, pati na ang mga pulis na dumakip sa kan’ya kanina. Prenteng nakaupo naman sa isang tabi ang hepe ng istasyon ng San Lucas.

“O, Candice, napadalaw ka? Hihingi ka ba ng update sa ini-report mo?” tanong ni Sgt. Castro sa kan’ya, na mukhang kararating lang galing sa pagroronda. Matalik itong kaibigan ng tatay niya noong nabubuhay pa ito. At sa tuwing may napupulot siyang bata, ito ang gumagawa ng police report, kagaya ng kay Daisy.

Nakita niyang nagkatinginan ang dalawang lalaki, maging ang mga pulis na hindi taga-roon ay ganoon din ang ginawa.

Napatayo naman ang hepe ng pulisya na bata-bata lang ng kaunti kay Sgt. Castro. “Anong sinasabing mong report?” mataas ang tinig na tanong nito.

Nalilitong napatingin sa kaniya si Sergeant Castro bago seryosong sinagot ang tanong na iyon ng superior. “Sir, matagal ko ng ipina-follow up sa inyo ang case report ng isang batang nasa edad lima na ipina-file ni Miss Manatili noong isang linggo. Iniligay ko iyon sa desk ninyo. Nakailang beses ko na rin iyong ipinaalala at humihingi ako ng permiso sa inyo na kung pwede sana ay sa kabilang bayan ako magtanong-tanong, pero hindi n’yo naman pinipirmahan,” mahabang paliwanag nito.

Nakita ni Candice na namula nang husto ang mukha ng hepe. Iginala nito ang paningin sa mga naroroon, partikular sa lalaking arogante.

Taas-noo naman niyang tiningnan ito. Gusto niyang makita ang reaksyon nito, ngunit mukhang hindi ito naniniwala sa sinasabing iyon ni Sgt. Castro.

“Proved it,” ang malamig na sambit nito at tiningnan ang hepe ng San Lucas.

“S-Sandali. . . lang mga Sir. . . Titingnan ko ang sinasabi nitong si Castro,” kandautal na wika nito at nagmamadaling tinungo ang sariling opisina. Paglabas nito roon ay may dala na itong isang folder at pinagpapawisan na ito nang todo.

Ibinigay nito sa lalaking arogante ang folder. Kunot-noo namang binasa nito ang laman niyon pagkatapos ay sinulyapan siya.

“So, malinaw na ba sa ’yo, Mister?” tanong niya sa naniningkit na mga mata. “Pwede ko na ba kayong kasuhan ngayon? Trespassing, harassment, assault, negligence of duty, ano pa ba? Grave threat, pagbibintang nang walang basehan,” litanya niya habang nakapamewang at isa-isang tiningnan ang mga lalaking kaharap.

Ang apat na pulis na dumakip sa kaniya kanina ay tila naputulan ng dila sa narinig. Mawawalan ng trabaho ang mga ito kapag nagkataon. Ganoon din ang hepe ng San Lucas.

Ang dalawang lalaki naman ay balewala lang na nakatingin sa kaniya. Nakita pa niyang may ibinulong ang aroganteng lalaki sa nagngangalang Bernard.

“Teka. . . teka. . . Ano bang nangyayari rito Candelaria?” umaawat na tanong ni Sgt. Castro.

“Eh kasi, Ninong—”

“Ninong?!” palatak ng hepe na hindi makapaniwala sa narinig. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Sgt. Castro.

“Bakit, Sir, may problema ho ba? Hindi ba ako pwedeng magkaroon ng inaanak?” ang pilosopong tanong nito sa hepe.

“Matalik na kaibigan ko ho ang nawalang tatay nitong si Miss Manatili. Parehong grade school teachers ang mag-asawa at si Miss Manatili naman ay isa ng nurse ngayon. Ngayon, kung may reklamo kayo sa kanya,” tumigil ito sandali at nilingon ang dalawang lalaking mataman pa ring nakamasid sa kaniya bago nagpatuloy, “eh ako na ho ang nagpapatunay sa inyo na mabait itong bata na ito. Katunayan n’yan marami na nga siyang natulungan, dahil sa pag-uuwi niya ng mga batang kalye sa kanila.”

“Naku, ’Nong. . . huwag na ho kayong mag-aksaya ng panahong magpaliwanag sa mga iyan. Mga batas ’ata ang mga iyan dito sa atin. Kung makaasta akala mo kung sino,” mataray na sabi niya sabay ingos sa lalaking arogante.

“Matanong ko nga Chief,” baling ni Sgt. Castro sa hepeng hindi makaimik. “Sino ba ang mga ito? May bago ba tayong recruit na kapulisan ngayon?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang apat na pulis na nakatayo sa isang tabi, na tahimik lang na nakamasid lang sa mga nangyayari.

“Ah. . . eh. . .” Hindi naman malaman ng hepe kung ano ang sasabihin. Napatingin na lang ito kay Sebastian na tila humihingi ng saklolo.

“You created this mess, Chief. It’s your duty to fix it!” mariing sambit ni Sebastian. “And besides, I don’t have time to talk about myself here o ang makipag-argue s a’yo,” dagdag pa nito na sa kaniya nakatingin. “My child was missing for almost two months. At hindi n’yo alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.”

At pagkasabi noon ay tumayo na ito at dere-deretsong lumabas ng presinto. Kaagad naman itong hinabol ni Candice.

“Teka nga! teka nga!” aniya at hinarangan ito. “So, ganoon na lang iyon? Ni hindi ka man lang hihingi ng sorry sa ’kin after what you’ve done? Ang kapal mo rin ano!?” umuusok ang ilong na sigaw niya.

“Look, Miss. . . Kung gusto mong mag-demanda, go. Hindi kita pipigilan. Pero sa ngayon kailangan ako ni Bella,” anito sabay tabig sa kan’ya na halos ikatumba na niya.

“Aba’t! Hoy, Mr. Who Ever You Are! Magsasampa talaga ako ng kaso laban sa ’yo! At sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan gaya ng bulok mong pag-uugali!” tungayaw niya. Halos lumabas na ang mga ugat niya sa leeg sa panggigigil.

Hindi naman siya pinansin ng lalaki. Tila wala itong naririnig na sumakay ng wrangler nito kasama si Bernard at pinaharurot iyon. Hinabol niya ang mga ito.

“Hoy! Bumalik ka rito! Arogante! Antipatiko! Walang-modo! Walanghiya! Ahhh!” ang gigil na gigil na sigaw niya sa papalayong sasakyan, habang nagpapapadyak ang mga paa at kuyom ang dalawang kamao.

Walang saysay kung hahabulin niya ang mga ito sa ganitong paraan, kaya’t mabilis siyang bumalik sa loob ng presinto. Naroroon pa rin ang apat na pulis at tila ipinako na sa kinatatayuan ng mga ito

Napabuntonghininga na lang siya.

“Kalma, Candice. . . kalma,” kausap niya sa sarili upang maibsan ang galit na nag-uumapaw sa dibdib. She knew they were just following orders.

“Mga Sir, pwede n’yo ho ba akong ihatid pabalik sa amin? Tutal kayo rin naman ang dumampot sa akin kanina,” parinig niya sa mga ito.

Mabilis na tumango ang pinaka-lider ng mga ito. “Sige, ho, Ma’am. Wala hong problema. Dito man lang ay makabawi kami sa inyo.”

Tumango lang siya. Hinagilap ng mga mata niya ang kaniyang Ninong. “’Nong,  mauna na ho ako. Baka alalang-alala na ngayon sa akin si inay,” paalam niya nang makita ito.

“Siya sige. . . mag-iingat ka. Ikumusta mo na lang ako kay Virginia,” nakangiting bilin nito

“Oho. Sige ho, tuloy na kami.”

Alam niyang sa kanila tutuloy ang dalawang lalaki na umalis kanina at sana abutan pa niya ang mga ito.

“Ma’am, pagpasensyahan n’yo na po ang inasal namin kanina. Hindi naman ho namin alam na matagal n’yo na palang nai-report ang kasong ito sa presinto,” anang pinaka-lider ng mga pulis na kasama niya. Katabi niya ito sa likuran, kasama ng isa pa.

“Oho nga Ma’am,” parang iisang taong sang-ayon ng tatlo.

Huminga siya nang malalim bago hinarap ang matabang lalaki sa kaniyang tabi. “Sana ho sa susunod, huwag ho kayong magpapadalos-dalos at basta-basta na lang nambibintang nang walang sapat na ebidensya. Mga pulis ho kayo at alam dapat ang tamang proseso. Paano ho kung ang nadampot n’yo ay wala talagang kaalam-alam at inosente? Sino ho ang mananagot sa batas?” pang-uusig niya sa mga ito.

As much as possible, ayaw niyang nagtatanim ng galit sa kapwa. Hindi siya ganoon pinalaki ng mga magulang niya. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay hahayaan na lang niya ang ibang tao na tapak-tapakan ang pagkatao niya. She will fight for her rights basta nasa tama siya.

Nagyuko ng ulo ang katabi niyang pulis. “Alam ko ho iyon at humingi ho ang buong kapulisan ng Puerto del Cielo ng despensa sa nangyari. Hindi n’yo ho kasi maiaalis sa amin na tumulong kahit papaano kay Mr. Monte Bello, dahil marami na ho siyang nagawa para sa bayan namin,” mahabang paliwanag nito.

Ngayon lang nag-sink in sa utak ni Candice ang pangalang binanggit nito.

Monte Bello? Saan niya nga narinig ang pangalang iyon? Tanong niya sa sarili.

“Sino ho ba ang mga taong iyon?” ang hindi na nakatiis na tanong niya sa mga ito.

Nagkatinginan ang mga ito bago siya sinagot ng katabi. “Pareho hong taga-Puerto del Cielo ang dalawang lalaking kasama namin kanina. ’Yong Bernard de Castillo ho ay isang dating sundalo. At si Mr. Sebastian Monte Bello naman ho ang siyang namamalakad ngayon ng Hacienda Monte Bello, na halos buong populasyon sa bayan namin ay sa kanila umaasa, dahil sa trabahong ibinibigay ng kanilang asyenda,” paliwanag ulit nito.

Tumango-tango si Candice.

So, isa palang haciendero ang walang-modong lalaking iyon. Kawawa siguro ang mga tauhan nito, dahil sa nakasusukang pag-uugali mayroon ito.

“Matagal na ho kasing nawawala ang anak niya, kaya ganoon na lang ho iyon ka-desperado na makita ang bata.” Narinig pa niyang sabi uli ng katabi.

Hindi na siya umimik pa.

Ibig sabihin pala, anak ng lalaking iyon si Daisy. Maganda siguro ang asawa nito kung ganoon, dahil wala namang minana sa pisikal na anyo ng lalaking iyon si Daisy. Although mas maigi na iyon, dahil monster ang tingin niya sa ama nito.

Iyon nga lang. . . monster na napaka-sexy at kaakit-akit.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gina Claudio
update please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 5

    Naabutan nga niya sa kanila sina Sebastian at Bernard. “Hindi pa pala umaalis ang mga hudyo,” aniya sa sarili habang naglalakad papasok ng kanilang bahay. “O, anak, naririyan ka na pala,” nakangiting salubong ng inay niya sa kaniya. Kasalukuyang kumakain ito at ang siste! Kasalo pa nito sina Bernard at Sebastian! Wala silang gaanong gamit sa bahay dahil dadalawa naman sila ng inay niya roon. May open cabinet lang na nakapagitan sa sala nila at kainan kaya mula sa sala ay kitang-kita ang tao sa kusina. Kunot-noong pinagmasdan niya ang mga ito, pagkatapos ay nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ang kaniyang ina. Bakit parang hindi ito nag-aalala sa naging kalagayan niya? At bakit kumakain ito kasabay ng dalawa na para bang walang nangyari? Tila naman nabasa nito ang lahat ng nasa isip niya. “Ah. . . huwag kang mag-alala, naikwento na sa akin nitong si Sebastian ang nangyari kanina. Humingi na rin siya ng despensa sa akin at naiintindihan ko naman siya. Matagal na rin palang n

    Last Updated : 2022-06-07
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 6

    "Hello... Bernard," ani Sebastian ng sagutin ng kaibigan ang telepono nito. Nagmamaneho na siya noon pabalik ng Puerto del Cielo nang maisipan itong tawagan. "I forgot to tell you something a while ago." "What is it?" anito. Kahit hindi niya nakikita ang kaibigan alam niyang nakakunot ang noo nito. "What do you think, nasaan na kaya ngayon si Marie?" tanong niya. Hangga't hindi pa ito nahuhuli ay hindi mapapalagay ang loob niya."If my instinct was right, she was just hiding around Quezon. Hindi malabong mangyari iyon lalo na at d'yan lang naman natin natagpuan si Bella." Sebastian sighed. "I want you to search every single nook here in Quezon double-time. Hindi ko hahayaang magpagala-gala ang criminal na iyon," tiim-bagang na utos niya sa kaibigan. Bernard nod on the other line. "Alright. I'll assign all the best men that I have sa paghahanap sa kaniya." "Salamat, Pare," aniya at nagpaalam na rito. Ilang sandali pa ay narating na niya ang hacienda. Dumaan lang siya sandali sa

    Last Updated : 2022-06-07
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 7

    Sa kanila na nagpalipas ng magdamag si Sebastian. Hindi na ito pinayagan pang umuwi ng kanyang ina. Ang isang kwarto sa itaas ang inokupa nito. Pang-umaga ang pasok ni Candice, kaya alas-kuatro pa lang ng madaling araw ay gising na siya. Inaantok na kinuha niya ang tuwalya at tuloy-tuloy siyang nagpunta sa banyo. Dere-deretso siya doon, kaya’t nagulantang na lang siya ng sa pagbukas niya ng pintuan ay naroroon si Sebastian, wearing nothing but a small piece of boxer shorts! Sisigaw na sana siya nang mabilis nitong natakpan ng isang kamay nito ang kanyang bibig, habang ang isa naman naman ay sapo-sapo ang kanyang batok. He pinned her at the door leaving her nowhere else to turn to. Ang sariling tinig ay naipit lang sa kanyang lalamunan sa ginawa nitong iyon. Nanlalaki ang mga matang napatitig lang siya dito. Ang antok na kanyang nadarama ay kagyat na nawala. Hindi siya makagalaw at ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. She could also feel his own heart beats

    Last Updated : 2022-06-07
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 8

    “Señorito, hinihintay po kayo ni Sir Bernard sa library,” salubong sa kanya ni Manang Andeng pagdating na pagdating niya sa casa. Tumango siya dito. Kunot-noong hinayon niya ng tingin ang library bago tuluyang pumasok doon. Naabutan niyang prenteng nakaupo ang kaibigan sa isa sa mga upuan doon. “What brought you here?” kaagad na tanong niya dito pagkapasok na pagkapasok sa loob. Dere-deretso siya sa upuan sa likuran ng kanyang lamesa. Tumayo si Bernard at may iniabot sa kanya. “I want to give this to you personally,” anito sa seryosong tinig. Salubong ang mga kilay na tinitigan niya ang kaibigan, pagkatapos ay tinanggap ang envelope at binuksan iyon. “So, you finally found her,” aniya habang binabasa ang mga reports na ibinigay nito. Tumango-tango si Bernard. “She was roaming around Itally,” sagot nito. “May tao akong nagbabantay sa kanya at nakasunod kahit saan man siya magpunta.” “Good,” aniya at hinimas ang may kahabaan ng bigote. Nanatiling nakatitig ang kanyang mga mata sa

    Last Updated : 2022-06-07
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 9

    “Linda, ikaw na ang bahala kay inay. Kapag may problema, tawagan mo ako kaagad sa ibinigay kong number sa ‘yo,” bilin niya sa kakasamahin ng kanyang ina. Nasa kwarto niya si Linda habang nagliligpit siya ng ilang mga gamit na dadalhin pa niya. Ngayong araw sila pupunta ng Puerto del Cielo at naghihintay na si Sebastian sa ibaba. Naaprobahan na noong isang ang resignation niya at nasabi niya na rin iyon kay Sebastian. Agad itong nagpagawa ng kontrata na naglalaman ng mga kondisyones ng magiging trabaho niya sa mga ito. Nakasaad doon na sa bahay ng mga ito siya titira at once a week ay may day-off siya. Hindi rin magiging mahirap ang trabahong iyon sapagkat may kapalitan naman pala siya. Pero ang ikinagulat niya ng husto ay ang sweldong nakasaad doon, fifty thousand pesos a month! Halos doble na iyon ng sahod niya sa ospital na dating pinagtatrabahuhan. Nang tanungin niya si Sebastian, ganoon daw talaga ang nararapat na sahod para sa isang nurse na kagaya niya. Hindi na lang siya u

    Last Updated : 2022-06-07
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 10

    Pakiramdam ni Candice lumukso ang puso niya out of her chest sa lapad ng ngiting iyon ni Sebastian. Nakatulalang napatitig na lang siya dito. Is this really the Sebastian that she knew before? Bakit parang ang laki na talaga ng ipinagbago nito? Bakit parang hindi na ito nagsusungit? Para bang naglaho nang lahat iyon sa isang iglap lang. Ano bang nakain ng isang ito? Tanong pa niya sa sarili .“You looked good together,” anang isang tinig mula sa kanilang likuran.Pareho pa silang nagulat ni Sebastian at sabay na napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Isang lalaki ang nakatayo roon habang nakasandal sa isang pulang pick-up.Nangunot bigla ang noo nito ng mapagsino siya. “Miss Question?” anito at unti-unting sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi.Siya naman ang kumunot ang noo sa sinabi nito at pilit inaalala sa isipan kung saan niya ito nakita. Then, flashes of scenes from the hospital last week came into her mind.“Oh, yeah… I remember you. You’re the one at the hospital, right?” t

    Last Updated : 2022-06-07
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 11

    Tahimik na binagtas nina Candice at Sebastian ang mataas na hagdanan patungo sa second floor. Sa dinami-rami ng kwarto sa ibaba, dito pa talaga sa itaas napili ni Sebastian na bigyan siya ng silid. Maraming gustong linawin si Candice sa lalaki tungkol sa mga sinabi nito kanina, ngunit alam niyang hindi ito ang tamang oras para itanong ang mga bagay na iyon dito. Hindi muna nila isinama si Bella sa kwarto nito, dahil alam nilang gusto pa itong makasama ni Donya Consuelo. Sebastian knew, they longed for each other at pagkakataon na rin ito para masanay si Bella sa ibang tao sa paligid nito. Nang marating nila ang landing ng hagdanan sa second floor, halos malula si Candice sa bilang ng kwartong naroroon. Kung hindi siya nagkakamali, higit pa sa sampu ang silid doon na nakapaikot. Sa may gawing kaliwa ay may mini sala at mini bar. A practical part of the second floor, dahil hindi na kinakailangan pang bumaba ng kung sino man sa gabi kung nais nitong uminom. May dalawa ding kwarto doo

    Last Updated : 2022-06-07
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 12

    Maagang nagising si Candice ng sumunod na araw. Agad niyang tinungo ang kwarto ni Sallie, katabi iyon ng silid ni Donya Consuelo. Naipakilala na siya dito kahapon ni Sebastian. Mukha naman itong mabait at alam niyang makakapalagayan niya ito ng loob. Masusing itinuro nito sa kanya ang mga nararapat niyang gawin, pati na ang oras ng pagpapainom ng gamot kay Donya Consuelo. Sinabi din nito kung ano ang daily routine ng matanda. After her orientation, sa silid naman ni Donya Consuelo siya tumuloy. Naabutan niyang parehong tulog pa ito at si Bella. Napangiti siya. Bella used to sleep beside her at gaya ng lagi nitong ginagawa sa kanya, nakasiksik ang bata sa tabi ng Donya at mahigpit naman nitong yakap ang apo. Naramdaman siguro ni Donya Consuelo na may nagmamasid sa kanilang mag-lola kaya nagmulat ito ng mga mata. Malikot na iginala nito ang mga iyon sa buong silid. “What time is it?” ang paanas na tanong nito ng makita siyang nakatayo malapit sa may pintuan. “It’s six thirty Ma’

    Last Updated : 2022-06-07

Latest chapter

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 21

    “Matagal ng may galit sa pamilya ninyo sina Lando at Marie,” pagpapatuloy ni Bernard sa kabilang linya. “Their families were once living in Puerto del Cielo. At dahil sa papa mo nawalan sila ng bahay at lupa.” “What do mean?” kunot-noong tanong ni Sebastian dito. Hindi niya magawang sundan ang sinasabi nito. “Tito Federico bought their properties para mas mapalawak pa ang inyong lupain. Nang mabili niya iyon, walang nagawa ang pamilya nina Lando at Marie kundi lumipat sa karatig-bayan at doon nagsimulang muli. But things didn’t worked out for them. Hindi naging maayos ang pamumuhay nila. Nagpatong-patong ang mga utang nila sa kung kani-kaninong tao. Pinatay ang ama ni Lando dahil doon. Samantalang ang ina naman ni Marie ay namatay sa stroke at wala silang maipagpagamot dito. At isinisising lahat iyon nina Lando at Marie sa papa mo,” Salaysay ni Bernard. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig mula sa kaibigan. Why of all people, ang papa niya pa ang nagiging dahilan ng lahat ng kagu

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 20

    “Candice, anak… Candice…” ang mahinang tawag ni Virginia sa anak sa labas ng pintuan ng silid nito. Ilang araw ng nakauwi doon si Candice at ‘ni minsan ay hindi pa ito lumalabas ng kanilang bahay. Nag-aalala na siya para sa kalagayan ng anak. Hindi ito nagkakakain at nangangayayat na ito ng husto. Sa tuwing sasapit naman ang gabi ay lagi niya itong naririnig na umiiyak. Hindi niya makuhang tanungin ang anak kung ano ba talagang nangyayari dito, maging ang lalaking naghatid dito na nagpakilalang kapatid ni Sebastian ay wala ring alam sa nangyari. Nababahala na siya ng husto dito. “Candelaria… Candice, anak, buksan mo naman ito… kausapin mo ako,” ang hirap na hirap na sabi niya. Pero walang tugon doon, ni kaluskos ay wala siyang naririnig. Napabuntong-hininga na lang si Virginia. Laylay ang mga balikat na bumaba siya ng hagdanan. Samantalang, si Candice ay nakatitig lang sa kawalan. Naririnig niya ang pagtawag ng ina pero wala siyang lakas para sagutin ito. Sa nakalipas na mga ar

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 19

    Soft kisses at marahang dampi ng mga daliri sa kanyang katawan ang gumising kay Candice. She knew for sure it wasn’t Bella. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata and looked at the culprit. Matamis na mga ngiti nito ang sumalubong sa kanya. “Good morning,” malambing na wika ni Sebastian and gave her a quick kiss on her lips. “Morning…” ang namamaos na sabi niya, then looked outside the glass door. Babago pa lang sumisikat ang araw sa silangan. “What time is it?” tanong niya ng muling sulyapan ito. Hindi ito sumagot. Abala ito sa ginagawa nito sa katawan niya. He’s running his fingers smoothly on her shoulder blade na nagpanindig ng kanyang mga balahibo sa katawan. At ng hindi na ito nakatiis, isang mabilis na halik ang iginawad nito doon na nasundan pa… at nasundan pa ulit...“Sebastian…” ang nakikiliting saway niya dito. At ang hudyo, wala yatang balak tumigil! “I’m so addicted with your smell, Sweetheart…” anito in between kisses then looked at her. “Sorry, but I cannot stop

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 18

    “Good morning,” ang nakangiting bati ni Sebastian pagbaba nito sa hapag-kainan. Mabilis nitong nilapitan ang nagtatakang ina at hinalikan ito sa noo, pagkatapos ay si Bella. Isang matamis na sulyap naman ang iginawad nito kay Candice, which almost made her choked. “Good morning din, hijo. Mukhang maganda ang gising mo, ah.” Puna ni Donya Consuelo dito. “Maganda talaga, Mama.” Sagot nito at isa pa uling sulyap ang ibinigay sa kanya. Namumula ang mukhang napayuko na lang siya sa pagkain. “Oh… I see…” ang tatango-tango sabi pa ni Donya Consuelo. Makahulugang tumingin ito kay Candice at ngumiti, kahit hindi iyon nakikita ng dalaga. “Oo nga pala, hijo. Tumawag si Antonio, naayos na daw niya ang problema sa kompanya. Have you talked to him yesterday? Bakit sa akin pa siya tumawag at hindi na lang sa ‘yo?” tanong nito habang matamang pinagmamasdan ang anak. Napatingin si Candice kay Sebastian. Abala na ito sa pagkain nito. “Yes, Mama. Pinagsabihan ko lang naman siya,” anito. Napaili

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 17

    Hindi alam ni Candice kung gaano sila katagal sa lugar na iyon. Basta ang alam niya Sebastian was treating her like a queen. Maingat siyang inalalayan nitong makababa ng kabayo. She said a simple thank you na ginantihan naman nito ng isang napakatamis na ngiti na muntikan ng ikalaglag ng puso niya. Hinayaan lang nitong malayang makapangain ng damo ang kabayo nito bago muling bumalik sa tabi niya and enclosed her on his arms. Hindi naman siya nagprotesta sa ginawa nitong iyon, because she liked being this closed to him. It feels like heaven.They both quitely treasured that moment. Hindi niya makuhang basagin ang katahimikan nila at tanungin si Sebastian kung anong nararamdaman nito para sa kanya, dahil natatakot siya sa maaring isagot nito. But, she knew by now that she was already falling for him. His kisses confirmed it for her. At kontento na siyang ganito sila. They looked at the beautiful scenery in front of them. Ang araw na malapit na ring lumubog sa kanluran ay nagsasabog

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 16

    Tahimik ang dalawa habang nanananghalian. Mas ma-eenjoy sana iyon ni Candice kung walang nangyari kanina at kung hindi mainit ang ulo ni Sebastian, pero pakiwari niya’y hindi na maaalis pa ang mga kunot sa noo nito. Para tuloy siyang lumulunok ng tinik habang kasalo ito. “Hindi ba masarap ang pagkain at halos hindi ka naman kumakain?” puna ni Sebastian sa kanya. Nakatingin ito sa plato niyang hindi naman niya halos nagagalaw ang laman. Nagulat naman si Candice sa tanong na iyon nito. Mabilis siyang umiling. “No. The food is good.” Totoo ang sinabi niyang iyon. May sinaing na tulingan, kamatis, gulay na mustasa, at ang napakatamis at sariwang-sariwang hinog na mangga. Lahat iyon ay paborito niya. “You should eat a lot para hindi ka naman nagmumukhang payat,” anito at nilagyan ng isang hiwang hinog na mangga ang plato niya. Natigilan naman siya sa tinuran nito. Totoo ba ang narinig niyang tinawag siya nitong payat? Wala sa loob na tiningnan niya ang mga braso at binti, pagkuwa’y

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 15

    “Hey… Ayan ka na naman sa pag-iisip mo. I was just joking you know,” untag ni Antonio sa kanya sabay hawak sa kamay niyang nakapatong sa may mesa. May himig pag-aalala ang tinig nito.“I know… may naalala lang ako,” malungkot na sabi ni Candice. “But anyway,” aniya sa pinasiglang tinig, “I will just looked around here para mawala ang mga iniisip ko.”“Well… I can tour you around kung gusto mo,” nakangiting saad naman ni Antonio.“Antonio, can we talked?” ang narinig nilang wika ng ma-awtoridad na tinig mula sa kanilang likuran. Sabay silang napabaling ni Antonio doon. Nakatayo sa gitna ng hardin si Sebastian habang ang mga mata nito ay nakatingin sa magkapatong nilang mga kamay ni Antonio.Bigla siyang kinabahan. Agad niyang binawi ang sariling palad sa pagkakahawak ni Antonio. Parang bigla ay nakaramdam siya ng takot dahil sa nakita nito.Hindi naman pinansin ni Antonio ang ikinilos niya. Tumayo lang ito at nilapitan ang kapatid. Nag-usap sandali ang dalawa pagkatapos ay muli ring

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 14

    Mabilis na dinaluhan ni Candice si Sebastian ng makita itong napapikit. “Are you alright? Sumasakit pa ba ang ulo mo?” ang nag-aalalang tanong niya dito kasabay ng pagdampi ng palad niya sa braso nito. Tila naman biglang napaso si Sebastian doon at kaagad na pinalis ang kamay niya. Nagtaka si Candice. Salubong ang mga kilay na tinitigan niya ito. “What’s wrong?” tanong niya. Kagabi lang eh ayaw nitong bitawan ang kamay niya, tapos ngayon para siyang may nakakahawang sakit kung ituring nito. Huminga ng malalim si Sebastian. “I’m fine,” ang maikling sagot nito at tumayo. “We’re going downstairs. Sumunod ka na lang para sabay-sabay na tayong makapag-agahan,” ang walang emosyong sabi pa nito pagkatapos ay kinarga na si Bella. Nagpupuyos ang kaloobang sinundan ni Candice ng masamang tingin ang noo’y papalabas ng sina Sebastian. Paglapat ng pinto ay mabibigat ang mga paang nagmartsa siya pabalik sa kanyang silid. Hindi niya talaga maintindihan ang lalaki. There were times na maayos

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 13

    Hindi makatulog si Candice ng gabing iyon. She was turning back and forth sa kanyang higaan. Iniisip pa rin niya ang sinabi kanina ni Donya Consuelo. Asawa ba ni Sebastian si Andrea? Ang paulit-ulit na tanong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame. Nang wala naman siyang makuhang sagot sa tanong ay inis siyang bumangon. Tinungo niya ang glass door at binuksan iyon at tuloy-tuloy na lumabas. Malamig na simoy ng hangin ang sumalabong sa kanya doon. Wala sa sariling naiyakap niya ang mga braso sa sarili at pinagmasdan ang paligid. Walang hanggang kadiliman ang nakikita niya roon. “Problem sleeping?” “Holy sh*t!” ang malakas niyang sigaw ng marinig ang buong-buong tinig na iyon sa may bandang tagiliran niya. Kaagad niyang tinakpan ang bibig upang di na makagawa pang muli ng ingay. Sapo ang dibdib na mabilis niyang nilingon ang pinanggalingan ng tinig. Nakita niya ang isang malaking bulto doon sa tapat ng kabilang silid. Nakaupo ito sa wooden chair na nasa balcony. “Sebastian?”

DMCA.com Protection Status