“Matagal ng may galit sa pamilya ninyo sina Lando at Marie,” pagpapatuloy ni Bernard sa kabilang linya. “Their families were once living in Puerto del Cielo. At dahil sa papa mo nawalan sila ng bahay at lupa.” “What do mean?” kunot-noong tanong ni Sebastian dito. Hindi niya magawang sundan ang sinasabi nito. “Tito Federico bought their properties para mas mapalawak pa ang inyong lupain. Nang mabili niya iyon, walang nagawa ang pamilya nina Lando at Marie kundi lumipat sa karatig-bayan at doon nagsimulang muli. But things didn’t worked out for them. Hindi naging maayos ang pamumuhay nila. Nagpatong-patong ang mga utang nila sa kung kani-kaninong tao. Pinatay ang ama ni Lando dahil doon. Samantalang ang ina naman ni Marie ay namatay sa stroke at wala silang maipagpagamot dito. At isinisising lahat iyon nina Lando at Marie sa papa mo,” Salaysay ni Bernard. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig mula sa kaibigan. Why of all people, ang papa niya pa ang nagiging dahilan ng lahat ng kagu
Puerto del Cielo. . ."D**mit, Andrea!" ang galit na galit na sigaw ni Sebastian sa kausap sa telepono. "Gusto mo bang igapos ko pa ang mga paa mo para lang maiuwi ka rito!?" nagngangalit ang mga bagang na wika niya. Hindi sumagot ang nasa kabilang linya. Marahas na pinaraanan ni Sebastian ng kaniyang mga daliri ang malagong buhok. "This is my last ultimatum Andrea," aniya sa nag-iigting na tinig. "I am giving you three months. . . three months, Andrea. Naiintindihan mo? At kapag hindi ka pa umuwi rito, pasensyahan tayo. Dahil kung kinakailangang ikadena kita--gagawin ko, maibalik ka lang!" At pagkasabi noon ay mariin niyang diniinan ang end button ng kanyang telepono. Halos madurog na iyon sa kamay niya sa higpit ng kaniyang pagkakahawak. Paikot-ikot siya sa loob ng library habang nag-iisip, nang may biglang kumatok sa pintuan. Salubong ang kaniyang mga kilay na hinirap ang kung sino mang iyon. Nakita niyang nakatayo roon ang matandang mayordoma nila na si Manang Andeng. Pi
“Candelaria! Candelaria!” may pagmamadaling tawag kay Candice ng kaniyang inang si Virginia kasabay ng pagkatok nito sa pinto ng kaniyang silid. Kasalukuyan pa siyang nasa kasarapan ng tulog, pero halos basagin na nito ang pintuan kakakatok. Kung may malapit lang silang kapitbahay, malamang na naingayan na ang mga iyon at nasigawan na sila. Yari sa capiz ang buong kabahayan nila, sinaunang bahay iyon na minana pa ng kaniyang ama sa mga magulang nito. May dalawang kwarto iyon sa itaas at isa sa ibaba, kasama ang isang maliit na salas, kusina at palikuran. Saktong-sakto lang iyon para sa payak nilang pamumuhay. Nang hindi sumagot si Candice ay walang kaabog-abog na binuksan ng ina ang pintuan at dere-deretso itong pumasok sa loob. “Gumising ka ngang bata ka,” anito sabay tapik nang malakas sa kaniyang balikat. “’Nay naman eh. . . kaaga-aga pa. Alam n’yo namang galing ako sa night shift kagabi,” reklamo niya dito. “Gumising ka d’yan,” wika nito sa ma-awtoridad na tinig. Walan
“’NAY iwanan ko muna sa inyo si Daisy. Kayo na ho muna ang bahala sa kaniya,” ani Candice sa ina habang nagsusuot ng kaniyang sapatos. Nakaupo ito sa salas at nananahi ng kurtina. Tumigil ito bahagya sa ginagawa at tiningnan siya. “Wala pa rin bang tumatawag sa ’yo? Aba’y mag-iisang linggo na ang batang iyon dito ah,” anito. “Wala pa rin nga ho, Inay, eh. Pero sabi naman ng mga pulis sinabihan na din daw nila ang DSWD, baka sakaling may naghahanap doon. Aabisuhan din daw nila ang mga bahay-ampunan dito sa atin at karatig bayan. Baka raw ho doon galing si Daisy,” paliwanag niya. Tumango-tango ang inay niya. “O s’ya sige. . . Ako na muna ang bahala sa kan’ya.” “Salamat ho, ‘Nay,” aniya at lumapit dito sabay halik sa pisngi. “Mauuna na ho ako,” paalam niya rito. “Sige. Mag-iingat ka,” bilin nito. Nagmamadali siyang lumabas ng kanilang bahay. Panghapon ang duty niya at medyo napasarap ang tulog niya kanina, kaya nakaligtaan niya ang oras. Kung hindi pa siya ginising ng inay niya ay
“Ah. . . Miss, pwedeng magtanong?” tanong ng lalaking kasalubong ni Candice. Kasalukuyan pa lang siyang pauwi nang umagang iyon. Kagabi, nang tawagan siya ng kaniyang kapalitan, dalawang oras lang ang sinabi nitong mahuhuli ito. Pero inabot na siya ng isang buong shift ay wala pa rin ang kapalitan, kaya nang sumunod na araw na siya nakapag-out. Namumungay ang mga matang nilingon niya ang lalaki. At tila naman bulang naglaho ang antok na nadarama nang makita ang itsura nito. Napaawang ang mga labi niya. Ang lalaking nasa harapan ang tamang kahulugan ng salitang macho-gwapito! Malalim ang mga mata nito na may mahahabang pilik at makakapal na mga kilay. Matangos ang ilong at may pagkakulot ang dark brown na buhok. Maputi ito pero hindi gaanong kaputian at matangkad. Nakasuot ito ng puting t-shirt at maong na pantalon. At mukha rin itong mabait, base na rin sa pagkakangiti nito sa kaniya. But the most distinctive looked of him was his brown eyes. Para iyong sa mga kastila. Kanino ng
Hantarang pinagmasdan ni Sebastian ang babaeng kaharap mula ulo hanggang paa at pabalik. Wala siyang pakialam kung matakot man ito sa kaniya.Mahaba ang buhok nito na basta na lang inipitan sa likod. She has a beautiful set of dreamy looking eyes, a prominent nose and a small pouted lips. Maliit din ang bilugan nitong mukha. May pagka-tan ang kulay nito at hindi rin ito katangkaran. In fact, hindi pa nga yata ito aabot sa may balikat niya.She was wearing yellow loose shirt and same with her jeans. Kulang na lang dito ay sumbrero at chewing gum at mapagkakamalan na itong leader ng gangster sa kalye.But he already has a doubt kung totoo ngang kasabwat ito ng kumidnap kay Bella. Dahil sa likod ng suot nitong iyon, hindi naman maikakaila ang magandang hubog ng katawan nito. Alam niya iyon, because this is the same woman he met at the elevator yesterday.She made a huge impression on him kaya natandaan niya ito kaagad. Kapansin-pansin kasi ang itsura nito, lalo na ang mga mata nito na til
Naabutan nga niya sa kanila sina Sebastian at Bernard. “Hindi pa pala umaalis ang mga hudyo,” aniya sa sarili habang naglalakad papasok ng kanilang bahay. “O, anak, naririyan ka na pala,” nakangiting salubong ng inay niya sa kaniya. Kasalukuyang kumakain ito at ang siste! Kasalo pa nito sina Bernard at Sebastian! Wala silang gaanong gamit sa bahay dahil dadalawa naman sila ng inay niya roon. May open cabinet lang na nakapagitan sa sala nila at kainan kaya mula sa sala ay kitang-kita ang tao sa kusina. Kunot-noong pinagmasdan niya ang mga ito, pagkatapos ay nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ang kaniyang ina. Bakit parang hindi ito nag-aalala sa naging kalagayan niya? At bakit kumakain ito kasabay ng dalawa na para bang walang nangyari? Tila naman nabasa nito ang lahat ng nasa isip niya. “Ah. . . huwag kang mag-alala, naikwento na sa akin nitong si Sebastian ang nangyari kanina. Humingi na rin siya ng despensa sa akin at naiintindihan ko naman siya. Matagal na rin palang n
"Hello... Bernard," ani Sebastian ng sagutin ng kaibigan ang telepono nito. Nagmamaneho na siya noon pabalik ng Puerto del Cielo nang maisipan itong tawagan. "I forgot to tell you something a while ago." "What is it?" anito. Kahit hindi niya nakikita ang kaibigan alam niyang nakakunot ang noo nito. "What do you think, nasaan na kaya ngayon si Marie?" tanong niya. Hangga't hindi pa ito nahuhuli ay hindi mapapalagay ang loob niya."If my instinct was right, she was just hiding around Quezon. Hindi malabong mangyari iyon lalo na at d'yan lang naman natin natagpuan si Bella." Sebastian sighed. "I want you to search every single nook here in Quezon double-time. Hindi ko hahayaang magpagala-gala ang criminal na iyon," tiim-bagang na utos niya sa kaibigan. Bernard nod on the other line. "Alright. I'll assign all the best men that I have sa paghahanap sa kaniya." "Salamat, Pare," aniya at nagpaalam na rito. Ilang sandali pa ay narating na niya ang hacienda. Dumaan lang siya sandali sa
“Matagal ng may galit sa pamilya ninyo sina Lando at Marie,” pagpapatuloy ni Bernard sa kabilang linya. “Their families were once living in Puerto del Cielo. At dahil sa papa mo nawalan sila ng bahay at lupa.” “What do mean?” kunot-noong tanong ni Sebastian dito. Hindi niya magawang sundan ang sinasabi nito. “Tito Federico bought their properties para mas mapalawak pa ang inyong lupain. Nang mabili niya iyon, walang nagawa ang pamilya nina Lando at Marie kundi lumipat sa karatig-bayan at doon nagsimulang muli. But things didn’t worked out for them. Hindi naging maayos ang pamumuhay nila. Nagpatong-patong ang mga utang nila sa kung kani-kaninong tao. Pinatay ang ama ni Lando dahil doon. Samantalang ang ina naman ni Marie ay namatay sa stroke at wala silang maipagpagamot dito. At isinisising lahat iyon nina Lando at Marie sa papa mo,” Salaysay ni Bernard. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig mula sa kaibigan. Why of all people, ang papa niya pa ang nagiging dahilan ng lahat ng kagu
“Candice, anak… Candice…” ang mahinang tawag ni Virginia sa anak sa labas ng pintuan ng silid nito. Ilang araw ng nakauwi doon si Candice at ‘ni minsan ay hindi pa ito lumalabas ng kanilang bahay. Nag-aalala na siya para sa kalagayan ng anak. Hindi ito nagkakakain at nangangayayat na ito ng husto. Sa tuwing sasapit naman ang gabi ay lagi niya itong naririnig na umiiyak. Hindi niya makuhang tanungin ang anak kung ano ba talagang nangyayari dito, maging ang lalaking naghatid dito na nagpakilalang kapatid ni Sebastian ay wala ring alam sa nangyari. Nababahala na siya ng husto dito. “Candelaria… Candice, anak, buksan mo naman ito… kausapin mo ako,” ang hirap na hirap na sabi niya. Pero walang tugon doon, ni kaluskos ay wala siyang naririnig. Napabuntong-hininga na lang si Virginia. Laylay ang mga balikat na bumaba siya ng hagdanan. Samantalang, si Candice ay nakatitig lang sa kawalan. Naririnig niya ang pagtawag ng ina pero wala siyang lakas para sagutin ito. Sa nakalipas na mga ar
Soft kisses at marahang dampi ng mga daliri sa kanyang katawan ang gumising kay Candice. She knew for sure it wasn’t Bella. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata and looked at the culprit. Matamis na mga ngiti nito ang sumalubong sa kanya. “Good morning,” malambing na wika ni Sebastian and gave her a quick kiss on her lips. “Morning…” ang namamaos na sabi niya, then looked outside the glass door. Babago pa lang sumisikat ang araw sa silangan. “What time is it?” tanong niya ng muling sulyapan ito. Hindi ito sumagot. Abala ito sa ginagawa nito sa katawan niya. He’s running his fingers smoothly on her shoulder blade na nagpanindig ng kanyang mga balahibo sa katawan. At ng hindi na ito nakatiis, isang mabilis na halik ang iginawad nito doon na nasundan pa… at nasundan pa ulit...“Sebastian…” ang nakikiliting saway niya dito. At ang hudyo, wala yatang balak tumigil! “I’m so addicted with your smell, Sweetheart…” anito in between kisses then looked at her. “Sorry, but I cannot stop
“Good morning,” ang nakangiting bati ni Sebastian pagbaba nito sa hapag-kainan. Mabilis nitong nilapitan ang nagtatakang ina at hinalikan ito sa noo, pagkatapos ay si Bella. Isang matamis na sulyap naman ang iginawad nito kay Candice, which almost made her choked. “Good morning din, hijo. Mukhang maganda ang gising mo, ah.” Puna ni Donya Consuelo dito. “Maganda talaga, Mama.” Sagot nito at isa pa uling sulyap ang ibinigay sa kanya. Namumula ang mukhang napayuko na lang siya sa pagkain. “Oh… I see…” ang tatango-tango sabi pa ni Donya Consuelo. Makahulugang tumingin ito kay Candice at ngumiti, kahit hindi iyon nakikita ng dalaga. “Oo nga pala, hijo. Tumawag si Antonio, naayos na daw niya ang problema sa kompanya. Have you talked to him yesterday? Bakit sa akin pa siya tumawag at hindi na lang sa ‘yo?” tanong nito habang matamang pinagmamasdan ang anak. Napatingin si Candice kay Sebastian. Abala na ito sa pagkain nito. “Yes, Mama. Pinagsabihan ko lang naman siya,” anito. Napaili
Hindi alam ni Candice kung gaano sila katagal sa lugar na iyon. Basta ang alam niya Sebastian was treating her like a queen. Maingat siyang inalalayan nitong makababa ng kabayo. She said a simple thank you na ginantihan naman nito ng isang napakatamis na ngiti na muntikan ng ikalaglag ng puso niya. Hinayaan lang nitong malayang makapangain ng damo ang kabayo nito bago muling bumalik sa tabi niya and enclosed her on his arms. Hindi naman siya nagprotesta sa ginawa nitong iyon, because she liked being this closed to him. It feels like heaven.They both quitely treasured that moment. Hindi niya makuhang basagin ang katahimikan nila at tanungin si Sebastian kung anong nararamdaman nito para sa kanya, dahil natatakot siya sa maaring isagot nito. But, she knew by now that she was already falling for him. His kisses confirmed it for her. At kontento na siyang ganito sila. They looked at the beautiful scenery in front of them. Ang araw na malapit na ring lumubog sa kanluran ay nagsasabog
Tahimik ang dalawa habang nanananghalian. Mas ma-eenjoy sana iyon ni Candice kung walang nangyari kanina at kung hindi mainit ang ulo ni Sebastian, pero pakiwari niya’y hindi na maaalis pa ang mga kunot sa noo nito. Para tuloy siyang lumulunok ng tinik habang kasalo ito. “Hindi ba masarap ang pagkain at halos hindi ka naman kumakain?” puna ni Sebastian sa kanya. Nakatingin ito sa plato niyang hindi naman niya halos nagagalaw ang laman. Nagulat naman si Candice sa tanong na iyon nito. Mabilis siyang umiling. “No. The food is good.” Totoo ang sinabi niyang iyon. May sinaing na tulingan, kamatis, gulay na mustasa, at ang napakatamis at sariwang-sariwang hinog na mangga. Lahat iyon ay paborito niya. “You should eat a lot para hindi ka naman nagmumukhang payat,” anito at nilagyan ng isang hiwang hinog na mangga ang plato niya. Natigilan naman siya sa tinuran nito. Totoo ba ang narinig niyang tinawag siya nitong payat? Wala sa loob na tiningnan niya ang mga braso at binti, pagkuwa’y
“Hey… Ayan ka na naman sa pag-iisip mo. I was just joking you know,” untag ni Antonio sa kanya sabay hawak sa kamay niyang nakapatong sa may mesa. May himig pag-aalala ang tinig nito.“I know… may naalala lang ako,” malungkot na sabi ni Candice. “But anyway,” aniya sa pinasiglang tinig, “I will just looked around here para mawala ang mga iniisip ko.”“Well… I can tour you around kung gusto mo,” nakangiting saad naman ni Antonio.“Antonio, can we talked?” ang narinig nilang wika ng ma-awtoridad na tinig mula sa kanilang likuran. Sabay silang napabaling ni Antonio doon. Nakatayo sa gitna ng hardin si Sebastian habang ang mga mata nito ay nakatingin sa magkapatong nilang mga kamay ni Antonio.Bigla siyang kinabahan. Agad niyang binawi ang sariling palad sa pagkakahawak ni Antonio. Parang bigla ay nakaramdam siya ng takot dahil sa nakita nito.Hindi naman pinansin ni Antonio ang ikinilos niya. Tumayo lang ito at nilapitan ang kapatid. Nag-usap sandali ang dalawa pagkatapos ay muli ring
Mabilis na dinaluhan ni Candice si Sebastian ng makita itong napapikit. “Are you alright? Sumasakit pa ba ang ulo mo?” ang nag-aalalang tanong niya dito kasabay ng pagdampi ng palad niya sa braso nito. Tila naman biglang napaso si Sebastian doon at kaagad na pinalis ang kamay niya. Nagtaka si Candice. Salubong ang mga kilay na tinitigan niya ito. “What’s wrong?” tanong niya. Kagabi lang eh ayaw nitong bitawan ang kamay niya, tapos ngayon para siyang may nakakahawang sakit kung ituring nito. Huminga ng malalim si Sebastian. “I’m fine,” ang maikling sagot nito at tumayo. “We’re going downstairs. Sumunod ka na lang para sabay-sabay na tayong makapag-agahan,” ang walang emosyong sabi pa nito pagkatapos ay kinarga na si Bella. Nagpupuyos ang kaloobang sinundan ni Candice ng masamang tingin ang noo’y papalabas ng sina Sebastian. Paglapat ng pinto ay mabibigat ang mga paang nagmartsa siya pabalik sa kanyang silid. Hindi niya talaga maintindihan ang lalaki. There were times na maayos
Hindi makatulog si Candice ng gabing iyon. She was turning back and forth sa kanyang higaan. Iniisip pa rin niya ang sinabi kanina ni Donya Consuelo. Asawa ba ni Sebastian si Andrea? Ang paulit-ulit na tanong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame. Nang wala naman siyang makuhang sagot sa tanong ay inis siyang bumangon. Tinungo niya ang glass door at binuksan iyon at tuloy-tuloy na lumabas. Malamig na simoy ng hangin ang sumalabong sa kanya doon. Wala sa sariling naiyakap niya ang mga braso sa sarili at pinagmasdan ang paligid. Walang hanggang kadiliman ang nakikita niya roon. “Problem sleeping?” “Holy sh*t!” ang malakas niyang sigaw ng marinig ang buong-buong tinig na iyon sa may bandang tagiliran niya. Kaagad niyang tinakpan ang bibig upang di na makagawa pang muli ng ingay. Sapo ang dibdib na mabilis niyang nilingon ang pinanggalingan ng tinig. Nakita niya ang isang malaking bulto doon sa tapat ng kabilang silid. Nakaupo ito sa wooden chair na nasa balcony. “Sebastian?”