Share

Chapter 2

Author: Gael Aragon
last update Huling Na-update: 2022-05-24 19:49:56

“’NAY iwanan ko muna sa inyo si Daisy. Kayo na ho muna ang bahala sa kaniya,” ani Candice sa ina habang nagsusuot ng kaniyang sapatos.

Nakaupo ito sa salas at nananahi ng kurtina. Tumigil ito bahagya sa ginagawa at tiningnan siya.

“Wala pa rin bang tumatawag sa ’yo? Aba’y mag-iisang linggo na ang batang iyon dito ah,” anito.

“Wala pa rin nga ho, Inay, eh. Pero sabi naman ng mga pulis sinabihan na din daw nila ang DSWD, baka sakaling may naghahanap doon. Aabisuhan din daw nila ang mga bahay-ampunan dito sa atin at karatig bayan. Baka raw ho doon galing si Daisy,” paliwanag niya.

Tumango-tango ang inay niya. “O s’ya sige. . . Ako na muna ang bahala sa kan’ya.”

“Salamat ho, ‘Nay,” aniya at lumapit dito sabay halik sa pisngi. “Mauuna na ho ako,” paalam niya rito.

“Sige. Mag-iingat ka,” bilin nito.

Nagmamadali siyang lumabas ng kanilang bahay. Panghapon ang duty niya at medyo napasarap ang tulog niya kanina, kaya nakaligtaan niya ang oras. Kung hindi pa siya ginising ng inay niya ay baka hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya.

Papasok na siya sa entrance ng ospital nang may mabunggo siyang isang malaking lalaki. Kasalukuyan siyang nagsusuot noon ng ID kaya hindi niya ito napansin.

“I’m sorry,” aniya at bahagya lang itong nilingon.

Hindi na niya hinintay pa itong sumagot. Mabilis ang kaniyang mga hakbang na nagtungo sa elevator.

Sinulyapan niya ang relo. Namilog ang kaniyang mga mata nang mabasa ang oras doon. Limang minuto bago mag-alas tres na.

Ma-l-late na siya!

Pagbukas ng elevator ay dali-dali siyang sumakay. Nakita niyang sumakay din ang lalaking nabundol niya kanina. She just ignored him anyway. She was tapping her fingers on the handrail of the elevator nang biglang tumigil iyon.

“F**k!” ang malakas na palatak ng lalaking kasabay nang mabilis na pagsalo sa kaniya. Muntikan na siyang matumba kung hindi dahil dito.

Pero dahil malakas ang pag-uga ng elevator, pareho silang bumagsak sa sahig. Kasunod noon ang biglaang pagkawala ng ilaw sa loob.

In an instant, they were trapped inside the elevator.

She was trained at this kind of situation. Pero hindi niya mapigilan ang sarili na mabigla sa bilis ng mga pangyayari. She was stunned for a moment at kinabahan. But for some reason, the heat coming from the body of the stranger was giving her comfort. At bukod doon, para siyang nakukuryente sa pagkakadikit nilang iyon.

Mabilis na tumayo si Candice, dahilan para umalog muli ang elevator. Mabuti na lang nakahawak agad siya sa handrail.

She was about to press the emergency button nang maunahan siya ng lalaki. But it’s not working either.

“S**t! What kind of hospital is this!” malakas na mura nito.

Huminga nang malalim si Candice. Pilit niyang isinisiksik sa kasuluk-sulukang bahagi ng isip ang unti-unting pag-usbong ng takot sa dibdib, lalo pa at estranghero ang kasama niya roon.

“I’m sorry, Sir. Maybe, there was a power outage right now,” lakas loob na sabi niya rito. She wanted to open some conversation with him para mawala ang mga iniisip niya.

Hindi naman na bago iyon sa ospital na pinagtatrabahuhan. It happened most of the times and the generator can only be used to those critical patients and other emergencies.

Inilabas ni Candice ang kanyang cellphone hoping she could get any signal, but there was none. Ang kasama naman niya ay tahimik lang sa isang tabi nang maya-maya ay lumapit ito sa may pintuan.

“What are you going to do?” tanong niya rito nang makitang anyong bubuksan nito iyon.

“I don’t waste time, Miss. Marami pa akong importanteng bagay na gagawin and staying here wasn’t doing me a favor,” ang pasupladong sagot nito sa kaniya.

Iingusan na sana niya ito nang maalalang siya man ay ganoon din. May ilang minuto na siyang late!

Dali-dali siyang lumapit dito at pumwesto sa may unahan nito. He was pulling the upper part of the door while Candice was giving all her strength to pull the lower part.

May ilang minuto na sila sa ganoong posisyon at babahagya pa lamang bumubukas iyon. Pareho na silang humihingal at pawisan.

Nang sa wakas ay kasya na ang tao sa butas, nauna ng umakyat ang estranghero palabas. Iaabot na sana niya ang kamay rito ngunit, laking gulat niya nang basta na lamang ito umalis at iwanan siya roon.

“Hoy, Mister! Pagkatapos kitang tulungan iiwanan mo lang ako rito!” tungayaw niya sa papalayong mga yabag nito. “Mister!” malakas na sigaw niya ngunit wala na ito.

Gigil na gigil na hinampas niya ang pintuan ng elevator. Medyo may kataasan pa naman ang labasan at kailangan pa niyang akyatin iyon.

Walang nagawa si Candice kundi maglambitin pataas. Pero ang problema hindi siya gaanong katangkaran, kaya nahirapan siyang maabot ang siwang noon.

Nakailang beses muna siyang tumalon bago iyon naabot, nang biglang dumulas ang mamasa-masa niyang mga kamay. Pikit ang mga matang inihanda ang sarili sa pagbagsak sa sahig nang walang ano-ano’y may humagip sa kamay niya at mabilis siyang hinila paitaas.

Nang makalabas ay agad niyang pinagpagan ang nadumihang sarili.

Magpapasalamat na sana siya sa taong tumulong sa kaniya nang sa paglingon niya ay wala na ito roon. Likurang bahagi na lang nito ang nahagip ng mga mata niya na papaliko ng hallway.

Napailing na lang siya.

“Kung sino ka man, salamat,” ang sabi niya sa sarili. Ilang minuto pa siyang nanatiling nakatayo roon bago nagmamadaling pumunta sa children’s ward.

Malilintikan na siya sa superior niya dahil late na late na siya.

*****

“WHERE have you been, hijo?” masuyong tanong ni Consuelo sa anak na si Sebastian. Kararating lang nito at pawisang-pawisan. “What happened to you?” dagdag na tanong pa nito na nangungunot na ang noo.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Sebastian. He was about to go home nang hindi niya makapa sa bulsa ng pantalon ang kaniyang cell phone kanina. Nalimutan niya iyon sa kwarto ng mama niya, kaya binalikan niya ito. But he was trapped inside the elevator just a while ago.

Nasa isang ospital ang mama niya dalawang bayan mula sa Puerto del Cielo at sinamahan niya ito roon. Hindi makararating si Dr. De Leon, ang family doctor nila, for her regular check-up sa casa. May emergency raw ito sa ospital na iyon, kaya minaigi na lamang niyang dalhin na lang doon ang kaniyang ina.

“Hijo. . .” untag ng mama niya sa kaniyang pag-iisip.

“I’m sorry, Ma. I forgot my phone at walang kuryente ngayon, kaya I used the staircase instead of elevator,” pagsisinungaling niya rito sabay ngiti. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kaniya.

Pero sa halip na ngumiti, nagkalambong ang mga mata nito. Agad siyang lumapit dito at naupo sa gilid ng kama. Nag-aalalang tinitigan niya ito.

“Why? What’s wrong Ma?” he asked.

Bumuntonghininga ito. “I missed Bella, hijo. Kailan ba sila uuwi ni Andrea?” tanong nito.

Hinawakan niya ang kamay nito at masuyong pinisil iyon. “Andrea said maybe next month. Bumabawi siguro siya kay Bella,” aniya at pilit na ngumiti rito.

Wala silang nagawa ni Antonio kundi magsinungaling dito. Nang magising ito mula sa pagkakaatake, sinabi nilang nakita na nila si Bella at kinuha ni Andrea. They didn’t want to compromise their mother’s life, lalo pa’t pinaalalahanan na rin sila ni Dr. De Leon tungkol sa kalagayan nito.

Bumuntonghiningang muli ang mama niya. “Ano pa nga bang magagawa ko? I hope this time seryoso na talaga si Andrea,” anito sa malungkot na tinig. Nag-aalala pa rin ito sa relasyon ng dalawa.

“Don’t worry, Ma. . . I know Andrea knew what she was doing. Pabayaan na muna natin sila. Bella is not getting any younger at naghahanap na rin ng kalinga ng ina. Hindi ko rin naman magampanan nang maayos ang aking tungkulin sa kaniya. But luckily, I have you to do that for her.”

Noon lang ngumiti ang ina pero hindi pa rin iyon umabot sa mga mata nito. “I know, hijo. . . I know. . . At nagpapasalamat ako sa mga sakripisyo mo para sa pamilya natin. Pero hindi mo rin maiaalis sa akin ang ihingi palagi ng tawad ang ginawa sa ’yo—sa inyong magkakapatid ng papa mo. Dahil sa kaniya natali ka sa ganitong klaseng sitwasyon.”

“Mama, please. . . huwag mo ng pag-iisipin ang mga bagay na iyon. Baka mas lalo lang makasama sa ’yo. Isa pa, hindi naman ako pupwedeng tumalikod na lang basta-basta sa pamilya natin. Tungkulin ko ’yon bilang panganay mo,” nakangiting sagot niya rito. Pilit niyang itinatago sa likod ng mga ngiting iyon ang bakas ng masalimuot na kahapon.

Mapait naming ngumiti ang mama niya sa kaniya.

He sighed sabay tayo. “Sige na, Ma, I must go now. Marami pa akong aasikasuhin ngayon sa hacienda. May delivery tayo ngayon at kinakailangang naroroon ako,” paalam niya rito.

Tumango ito. “Sige, hijo. Don’t worry about me. Andito naman si Sallie. Patatawagan na lang kita kapag tapos na kami rito.”

“Alright.” Humalik siya sa noo nito bago tuluyang umalis.

Habang nagmamaneho ay iniisip niya ang mga sinabi sa ina kanina. Andrea was doing what she wants somewhere while her daughter was left on his care.

Isang taon pa lang noon si Bella nang umalis ito at hanggang ngayon, ni silip ay hindi man lang nito ginawa sa anak. At iyon ang labis niyang ikinagagalit dito.

Kung naririto lamang sana ang babae it kasama ang anak, baka hindi ito nangyayari ngayon. Hindi siguro maiitakas ang bata ng yaya nito.

He let out a long deep sigh at pagkatapos ay iginala niya ang paningin sa paligid.

May kalalaan din pala ang traffic sa San Lucas at nag-iisip siya ng ibang pwedeng madaanan. Baka hindi niya abutin ang delivery ng mga produkto nila sa hacienda kapag natagalan pa siya sa daan.

Nang makakita ng tyempo, lumiko si Sebastian sa isang kalye. Sa pagkakaalam niya short-cut iyon papunta sa Puerto del Cielo. Walang masyadong sasakyang nagdaraan doon dahil makalampas lang ng kaunti sa bayan ay rough road na.

May kabilisan ang pagmamaneho niya. Hindi alintana ang maalikabok at mabatong daan. Sa magkabilang gilid noon ay may taniman ng palay at mangilan-ngilang kabahayan.

Inaaliw ni Sebastian ang sarili sa pagmamasid sa paligid nang mapansin niya ang isang pamilyar na bulto. Mabilis ang ginawa niyang pag-apak sa preno na halos ikasubsob niya sa manibela. Kaagad niyang iniatras ang sasakyan pabalik at tumigil sa isang partikular na bahay sa gilid ng daan. Matagal siyang tumigil sa tapat niyon.

Kunot-noong nagmasid siya sa paligid. Wala na roon ang kanina’y nakita niya at sa isip-isip ay namalik-mata lang siguro siya.

Naghintay pa siya ng ilang sandali. Nang wala naman siyang makitang kakaiba sa bahay na iyon ay muli niyang pinaandar ang sasakyan.

Ngunit hindi naman maalis-alis sa isipan niya ang nakita. Hinugot niya ang cell phone sa bulsa ng pantalon at agad na idinayal ang numero ng kaibigang si Bernard.

“I want you to look for something,” walang kaabog-abog na sabi niya pagkasagot nito ng telepono.

“What is it?”

“I just passed from a certain house here in San Lucas and something caught my attention. I drove back pero wala na roon ang nakita ko,” kwento niya sa kaibigan.

“Baka naman nagkamali ka lang,” ani Bernard sa kabilang linya.

“I don’t know. . . But I have a strong feeling that there’s something in there. I’ll send you the address. At kung pwede, ngayon ka na rin magpadala ng tao roon o baka naman pwedeng ikaw na mismo ang magpunta rito,” naniniguradong wika niya.

“Alright, pare. I’ll be there in thirty minutes. I'll just use the chopper.”

“Thank you,” aniya at pinindot na ang end button.

*****

“CANDICE anong oras ang labas mo?” tanong ni Rex, kasamahan niyang nurse na matagal na ring nanliligaw sa kaniya.

“Aysus! Para namang hindi kita katrabaho kung makapagtanong ka,” nakaingos na sagot niya rito.

Hindi siya ilag sa lalaki kahit nanliligaw ito sa kaniya. In fact, malapit nga ang loob niya rito pati na rin ang inay niya. Paminsan-minsan kasi ay dumadalaw rin ito sa kanila. At hindi nalalayong sa mga susunod n araw ay sasagutin n’ya na rin ito.

Mabait si Rex, matalino at gwapo. Matanda lang ito ng dalawang taon sa kaniya at taga-rito rin sa San Lucas. Dito na sila nagkakilala sa Virgin Mary Hospital nang matanggap siya roon.

Noong una, pangiti-ngiti lang ito sa kaniya, pasabay-sabay kapag kakain siya. And then eventually, naglakas-loob na rin itong magsabi ng tunay nitong nararamdaman.

“I just wanted to be sure,” kakamot-kamot sa ulong wika nito.

“Hay naku, Rex. . . pwera na lang kung magka-emergency. Baka nga hindi ako makauwi agad,” biro niya.

Sasagot pa sana ito ng mag-ring ang telepono sa nurse station. Mabilis iyong sinagot ni Candice at pinakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Nang maibaba ang telepono ay sinulyapan niya si Rex.

Malungkot na ngumiti ang binata nang maintindihan nito ang tingin niyang iyon.

“I know. . . work firsts,” anito.

“Sorry talaga, Rex, ha. Hindi ko naman akalain na magkaka-emergency nga,” hinging-paumanhin niya rito.

“I understand,” sagot nito. “Sige, mauuna na ako sa ’yo,” pamamaalam nito dahil kanina pang tapos ang shift nito.

“Sige. Ingat ka.”

Tumalikod na ito pagkasabi niya noon. Siya naman ay nanatiling nakatayo roon sa may nurse station at sinundan ito ng tingin hanggang sa mawala.

Kaugnay na kabanata

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 3

    “Ah. . . Miss, pwedeng magtanong?” tanong ng lalaking kasalubong ni Candice. Kasalukuyan pa lang siyang pauwi nang umagang iyon. Kagabi, nang tawagan siya ng kaniyang kapalitan, dalawang oras lang ang sinabi nitong mahuhuli ito. Pero inabot na siya ng isang buong shift ay wala pa rin ang kapalitan, kaya nang sumunod na araw na siya nakapag-out. Namumungay ang mga matang nilingon niya ang lalaki. At tila naman bulang naglaho ang antok na nadarama nang makita ang itsura nito. Napaawang ang mga labi niya. Ang lalaking nasa harapan ang tamang kahulugan ng salitang macho-gwapito! Malalim ang mga mata nito na may mahahabang pilik at makakapal na mga kilay. Matangos ang ilong at may pagkakulot ang dark brown na buhok. Maputi ito pero hindi gaanong kaputian at matangkad. Nakasuot ito ng puting t-shirt at maong na pantalon. At mukha rin itong mabait, base na rin sa pagkakangiti nito sa kaniya. But the most distinctive looked of him was his brown eyes. Para iyong sa mga kastila. Kanino ng

    Huling Na-update : 2022-05-24
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 4

    Hantarang pinagmasdan ni Sebastian ang babaeng kaharap mula ulo hanggang paa at pabalik. Wala siyang pakialam kung matakot man ito sa kaniya.Mahaba ang buhok nito na basta na lang inipitan sa likod. She has a beautiful set of dreamy looking eyes, a prominent nose and a small pouted lips. Maliit din ang bilugan nitong mukha. May pagka-tan ang kulay nito at hindi rin ito katangkaran. In fact, hindi pa nga yata ito aabot sa may balikat niya.She was wearing yellow loose shirt and same with her jeans. Kulang na lang dito ay sumbrero at chewing gum at mapagkakamalan na itong leader ng gangster sa kalye.But he already has a doubt kung totoo ngang kasabwat ito ng kumidnap kay Bella. Dahil sa likod ng suot nitong iyon, hindi naman maikakaila ang magandang hubog ng katawan nito. Alam niya iyon, because this is the same woman he met at the elevator yesterday.She made a huge impression on him kaya natandaan niya ito kaagad. Kapansin-pansin kasi ang itsura nito, lalo na ang mga mata nito na til

    Huling Na-update : 2022-06-07
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 5

    Naabutan nga niya sa kanila sina Sebastian at Bernard. “Hindi pa pala umaalis ang mga hudyo,” aniya sa sarili habang naglalakad papasok ng kanilang bahay. “O, anak, naririyan ka na pala,” nakangiting salubong ng inay niya sa kaniya. Kasalukuyang kumakain ito at ang siste! Kasalo pa nito sina Bernard at Sebastian! Wala silang gaanong gamit sa bahay dahil dadalawa naman sila ng inay niya roon. May open cabinet lang na nakapagitan sa sala nila at kainan kaya mula sa sala ay kitang-kita ang tao sa kusina. Kunot-noong pinagmasdan niya ang mga ito, pagkatapos ay nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ang kaniyang ina. Bakit parang hindi ito nag-aalala sa naging kalagayan niya? At bakit kumakain ito kasabay ng dalawa na para bang walang nangyari? Tila naman nabasa nito ang lahat ng nasa isip niya. “Ah. . . huwag kang mag-alala, naikwento na sa akin nitong si Sebastian ang nangyari kanina. Humingi na rin siya ng despensa sa akin at naiintindihan ko naman siya. Matagal na rin palang n

    Huling Na-update : 2022-06-07
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 6

    "Hello... Bernard," ani Sebastian ng sagutin ng kaibigan ang telepono nito. Nagmamaneho na siya noon pabalik ng Puerto del Cielo nang maisipan itong tawagan. "I forgot to tell you something a while ago." "What is it?" anito. Kahit hindi niya nakikita ang kaibigan alam niyang nakakunot ang noo nito. "What do you think, nasaan na kaya ngayon si Marie?" tanong niya. Hangga't hindi pa ito nahuhuli ay hindi mapapalagay ang loob niya."If my instinct was right, she was just hiding around Quezon. Hindi malabong mangyari iyon lalo na at d'yan lang naman natin natagpuan si Bella." Sebastian sighed. "I want you to search every single nook here in Quezon double-time. Hindi ko hahayaang magpagala-gala ang criminal na iyon," tiim-bagang na utos niya sa kaibigan. Bernard nod on the other line. "Alright. I'll assign all the best men that I have sa paghahanap sa kaniya." "Salamat, Pare," aniya at nagpaalam na rito. Ilang sandali pa ay narating na niya ang hacienda. Dumaan lang siya sandali sa

    Huling Na-update : 2022-06-07
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 7

    Sa kanila na nagpalipas ng magdamag si Sebastian. Hindi na ito pinayagan pang umuwi ng kanyang ina. Ang isang kwarto sa itaas ang inokupa nito. Pang-umaga ang pasok ni Candice, kaya alas-kuatro pa lang ng madaling araw ay gising na siya. Inaantok na kinuha niya ang tuwalya at tuloy-tuloy siyang nagpunta sa banyo. Dere-deretso siya doon, kaya’t nagulantang na lang siya ng sa pagbukas niya ng pintuan ay naroroon si Sebastian, wearing nothing but a small piece of boxer shorts! Sisigaw na sana siya nang mabilis nitong natakpan ng isang kamay nito ang kanyang bibig, habang ang isa naman naman ay sapo-sapo ang kanyang batok. He pinned her at the door leaving her nowhere else to turn to. Ang sariling tinig ay naipit lang sa kanyang lalamunan sa ginawa nitong iyon. Nanlalaki ang mga matang napatitig lang siya dito. Ang antok na kanyang nadarama ay kagyat na nawala. Hindi siya makagalaw at ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. She could also feel his own heart beats

    Huling Na-update : 2022-06-07
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 8

    “Señorito, hinihintay po kayo ni Sir Bernard sa library,” salubong sa kanya ni Manang Andeng pagdating na pagdating niya sa casa. Tumango siya dito. Kunot-noong hinayon niya ng tingin ang library bago tuluyang pumasok doon. Naabutan niyang prenteng nakaupo ang kaibigan sa isa sa mga upuan doon. “What brought you here?” kaagad na tanong niya dito pagkapasok na pagkapasok sa loob. Dere-deretso siya sa upuan sa likuran ng kanyang lamesa. Tumayo si Bernard at may iniabot sa kanya. “I want to give this to you personally,” anito sa seryosong tinig. Salubong ang mga kilay na tinitigan niya ang kaibigan, pagkatapos ay tinanggap ang envelope at binuksan iyon. “So, you finally found her,” aniya habang binabasa ang mga reports na ibinigay nito. Tumango-tango si Bernard. “She was roaming around Itally,” sagot nito. “May tao akong nagbabantay sa kanya at nakasunod kahit saan man siya magpunta.” “Good,” aniya at hinimas ang may kahabaan ng bigote. Nanatiling nakatitig ang kanyang mga mata sa

    Huling Na-update : 2022-06-07
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 9

    “Linda, ikaw na ang bahala kay inay. Kapag may problema, tawagan mo ako kaagad sa ibinigay kong number sa ‘yo,” bilin niya sa kakasamahin ng kanyang ina. Nasa kwarto niya si Linda habang nagliligpit siya ng ilang mga gamit na dadalhin pa niya. Ngayong araw sila pupunta ng Puerto del Cielo at naghihintay na si Sebastian sa ibaba. Naaprobahan na noong isang ang resignation niya at nasabi niya na rin iyon kay Sebastian. Agad itong nagpagawa ng kontrata na naglalaman ng mga kondisyones ng magiging trabaho niya sa mga ito. Nakasaad doon na sa bahay ng mga ito siya titira at once a week ay may day-off siya. Hindi rin magiging mahirap ang trabahong iyon sapagkat may kapalitan naman pala siya. Pero ang ikinagulat niya ng husto ay ang sweldong nakasaad doon, fifty thousand pesos a month! Halos doble na iyon ng sahod niya sa ospital na dating pinagtatrabahuhan. Nang tanungin niya si Sebastian, ganoon daw talaga ang nararapat na sahod para sa isang nurse na kagaya niya. Hindi na lang siya u

    Huling Na-update : 2022-06-07
  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 10

    Pakiramdam ni Candice lumukso ang puso niya out of her chest sa lapad ng ngiting iyon ni Sebastian. Nakatulalang napatitig na lang siya dito. Is this really the Sebastian that she knew before? Bakit parang ang laki na talaga ng ipinagbago nito? Bakit parang hindi na ito nagsusungit? Para bang naglaho nang lahat iyon sa isang iglap lang. Ano bang nakain ng isang ito? Tanong pa niya sa sarili .“You looked good together,” anang isang tinig mula sa kanilang likuran.Pareho pa silang nagulat ni Sebastian at sabay na napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Isang lalaki ang nakatayo roon habang nakasandal sa isang pulang pick-up.Nangunot bigla ang noo nito ng mapagsino siya. “Miss Question?” anito at unti-unting sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi.Siya naman ang kumunot ang noo sa sinabi nito at pilit inaalala sa isipan kung saan niya ito nakita. Then, flashes of scenes from the hospital last week came into her mind.“Oh, yeah… I remember you. You’re the one at the hospital, right?” t

    Huling Na-update : 2022-06-07

Pinakabagong kabanata

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 21

    “Matagal ng may galit sa pamilya ninyo sina Lando at Marie,” pagpapatuloy ni Bernard sa kabilang linya. “Their families were once living in Puerto del Cielo. At dahil sa papa mo nawalan sila ng bahay at lupa.” “What do mean?” kunot-noong tanong ni Sebastian dito. Hindi niya magawang sundan ang sinasabi nito. “Tito Federico bought their properties para mas mapalawak pa ang inyong lupain. Nang mabili niya iyon, walang nagawa ang pamilya nina Lando at Marie kundi lumipat sa karatig-bayan at doon nagsimulang muli. But things didn’t worked out for them. Hindi naging maayos ang pamumuhay nila. Nagpatong-patong ang mga utang nila sa kung kani-kaninong tao. Pinatay ang ama ni Lando dahil doon. Samantalang ang ina naman ni Marie ay namatay sa stroke at wala silang maipagpagamot dito. At isinisising lahat iyon nina Lando at Marie sa papa mo,” Salaysay ni Bernard. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig mula sa kaibigan. Why of all people, ang papa niya pa ang nagiging dahilan ng lahat ng kagu

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 20

    “Candice, anak… Candice…” ang mahinang tawag ni Virginia sa anak sa labas ng pintuan ng silid nito. Ilang araw ng nakauwi doon si Candice at ‘ni minsan ay hindi pa ito lumalabas ng kanilang bahay. Nag-aalala na siya para sa kalagayan ng anak. Hindi ito nagkakakain at nangangayayat na ito ng husto. Sa tuwing sasapit naman ang gabi ay lagi niya itong naririnig na umiiyak. Hindi niya makuhang tanungin ang anak kung ano ba talagang nangyayari dito, maging ang lalaking naghatid dito na nagpakilalang kapatid ni Sebastian ay wala ring alam sa nangyari. Nababahala na siya ng husto dito. “Candelaria… Candice, anak, buksan mo naman ito… kausapin mo ako,” ang hirap na hirap na sabi niya. Pero walang tugon doon, ni kaluskos ay wala siyang naririnig. Napabuntong-hininga na lang si Virginia. Laylay ang mga balikat na bumaba siya ng hagdanan. Samantalang, si Candice ay nakatitig lang sa kawalan. Naririnig niya ang pagtawag ng ina pero wala siyang lakas para sagutin ito. Sa nakalipas na mga ar

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 19

    Soft kisses at marahang dampi ng mga daliri sa kanyang katawan ang gumising kay Candice. She knew for sure it wasn’t Bella. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata and looked at the culprit. Matamis na mga ngiti nito ang sumalubong sa kanya. “Good morning,” malambing na wika ni Sebastian and gave her a quick kiss on her lips. “Morning…” ang namamaos na sabi niya, then looked outside the glass door. Babago pa lang sumisikat ang araw sa silangan. “What time is it?” tanong niya ng muling sulyapan ito. Hindi ito sumagot. Abala ito sa ginagawa nito sa katawan niya. He’s running his fingers smoothly on her shoulder blade na nagpanindig ng kanyang mga balahibo sa katawan. At ng hindi na ito nakatiis, isang mabilis na halik ang iginawad nito doon na nasundan pa… at nasundan pa ulit...“Sebastian…” ang nakikiliting saway niya dito. At ang hudyo, wala yatang balak tumigil! “I’m so addicted with your smell, Sweetheart…” anito in between kisses then looked at her. “Sorry, but I cannot stop

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 18

    “Good morning,” ang nakangiting bati ni Sebastian pagbaba nito sa hapag-kainan. Mabilis nitong nilapitan ang nagtatakang ina at hinalikan ito sa noo, pagkatapos ay si Bella. Isang matamis na sulyap naman ang iginawad nito kay Candice, which almost made her choked. “Good morning din, hijo. Mukhang maganda ang gising mo, ah.” Puna ni Donya Consuelo dito. “Maganda talaga, Mama.” Sagot nito at isa pa uling sulyap ang ibinigay sa kanya. Namumula ang mukhang napayuko na lang siya sa pagkain. “Oh… I see…” ang tatango-tango sabi pa ni Donya Consuelo. Makahulugang tumingin ito kay Candice at ngumiti, kahit hindi iyon nakikita ng dalaga. “Oo nga pala, hijo. Tumawag si Antonio, naayos na daw niya ang problema sa kompanya. Have you talked to him yesterday? Bakit sa akin pa siya tumawag at hindi na lang sa ‘yo?” tanong nito habang matamang pinagmamasdan ang anak. Napatingin si Candice kay Sebastian. Abala na ito sa pagkain nito. “Yes, Mama. Pinagsabihan ko lang naman siya,” anito. Napaili

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 17

    Hindi alam ni Candice kung gaano sila katagal sa lugar na iyon. Basta ang alam niya Sebastian was treating her like a queen. Maingat siyang inalalayan nitong makababa ng kabayo. She said a simple thank you na ginantihan naman nito ng isang napakatamis na ngiti na muntikan ng ikalaglag ng puso niya. Hinayaan lang nitong malayang makapangain ng damo ang kabayo nito bago muling bumalik sa tabi niya and enclosed her on his arms. Hindi naman siya nagprotesta sa ginawa nitong iyon, because she liked being this closed to him. It feels like heaven.They both quitely treasured that moment. Hindi niya makuhang basagin ang katahimikan nila at tanungin si Sebastian kung anong nararamdaman nito para sa kanya, dahil natatakot siya sa maaring isagot nito. But, she knew by now that she was already falling for him. His kisses confirmed it for her. At kontento na siyang ganito sila. They looked at the beautiful scenery in front of them. Ang araw na malapit na ring lumubog sa kanluran ay nagsasabog

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 16

    Tahimik ang dalawa habang nanananghalian. Mas ma-eenjoy sana iyon ni Candice kung walang nangyari kanina at kung hindi mainit ang ulo ni Sebastian, pero pakiwari niya’y hindi na maaalis pa ang mga kunot sa noo nito. Para tuloy siyang lumulunok ng tinik habang kasalo ito. “Hindi ba masarap ang pagkain at halos hindi ka naman kumakain?” puna ni Sebastian sa kanya. Nakatingin ito sa plato niyang hindi naman niya halos nagagalaw ang laman. Nagulat naman si Candice sa tanong na iyon nito. Mabilis siyang umiling. “No. The food is good.” Totoo ang sinabi niyang iyon. May sinaing na tulingan, kamatis, gulay na mustasa, at ang napakatamis at sariwang-sariwang hinog na mangga. Lahat iyon ay paborito niya. “You should eat a lot para hindi ka naman nagmumukhang payat,” anito at nilagyan ng isang hiwang hinog na mangga ang plato niya. Natigilan naman siya sa tinuran nito. Totoo ba ang narinig niyang tinawag siya nitong payat? Wala sa loob na tiningnan niya ang mga braso at binti, pagkuwa’y

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 15

    “Hey… Ayan ka na naman sa pag-iisip mo. I was just joking you know,” untag ni Antonio sa kanya sabay hawak sa kamay niyang nakapatong sa may mesa. May himig pag-aalala ang tinig nito.“I know… may naalala lang ako,” malungkot na sabi ni Candice. “But anyway,” aniya sa pinasiglang tinig, “I will just looked around here para mawala ang mga iniisip ko.”“Well… I can tour you around kung gusto mo,” nakangiting saad naman ni Antonio.“Antonio, can we talked?” ang narinig nilang wika ng ma-awtoridad na tinig mula sa kanilang likuran. Sabay silang napabaling ni Antonio doon. Nakatayo sa gitna ng hardin si Sebastian habang ang mga mata nito ay nakatingin sa magkapatong nilang mga kamay ni Antonio.Bigla siyang kinabahan. Agad niyang binawi ang sariling palad sa pagkakahawak ni Antonio. Parang bigla ay nakaramdam siya ng takot dahil sa nakita nito.Hindi naman pinansin ni Antonio ang ikinilos niya. Tumayo lang ito at nilapitan ang kapatid. Nag-usap sandali ang dalawa pagkatapos ay muli ring

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 14

    Mabilis na dinaluhan ni Candice si Sebastian ng makita itong napapikit. “Are you alright? Sumasakit pa ba ang ulo mo?” ang nag-aalalang tanong niya dito kasabay ng pagdampi ng palad niya sa braso nito. Tila naman biglang napaso si Sebastian doon at kaagad na pinalis ang kamay niya. Nagtaka si Candice. Salubong ang mga kilay na tinitigan niya ito. “What’s wrong?” tanong niya. Kagabi lang eh ayaw nitong bitawan ang kamay niya, tapos ngayon para siyang may nakakahawang sakit kung ituring nito. Huminga ng malalim si Sebastian. “I’m fine,” ang maikling sagot nito at tumayo. “We’re going downstairs. Sumunod ka na lang para sabay-sabay na tayong makapag-agahan,” ang walang emosyong sabi pa nito pagkatapos ay kinarga na si Bella. Nagpupuyos ang kaloobang sinundan ni Candice ng masamang tingin ang noo’y papalabas ng sina Sebastian. Paglapat ng pinto ay mabibigat ang mga paang nagmartsa siya pabalik sa kanyang silid. Hindi niya talaga maintindihan ang lalaki. There were times na maayos

  • Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin   Chapter 13

    Hindi makatulog si Candice ng gabing iyon. She was turning back and forth sa kanyang higaan. Iniisip pa rin niya ang sinabi kanina ni Donya Consuelo. Asawa ba ni Sebastian si Andrea? Ang paulit-ulit na tanong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame. Nang wala naman siyang makuhang sagot sa tanong ay inis siyang bumangon. Tinungo niya ang glass door at binuksan iyon at tuloy-tuloy na lumabas. Malamig na simoy ng hangin ang sumalabong sa kanya doon. Wala sa sariling naiyakap niya ang mga braso sa sarili at pinagmasdan ang paligid. Walang hanggang kadiliman ang nakikita niya roon. “Problem sleeping?” “Holy sh*t!” ang malakas niyang sigaw ng marinig ang buong-buong tinig na iyon sa may bandang tagiliran niya. Kaagad niyang tinakpan ang bibig upang di na makagawa pang muli ng ingay. Sapo ang dibdib na mabilis niyang nilingon ang pinanggalingan ng tinig. Nakita niya ang isang malaking bulto doon sa tapat ng kabilang silid. Nakaupo ito sa wooden chair na nasa balcony. “Sebastian?”

DMCA.com Protection Status