HABANG nasa kusina si Stella at naghahanda ng pag kain para sa kanila ay pumasok ang isang katulong nila. “Sir, excuse mo ho. May naghahanap po kay ma’am Stella, ang sabi sila ‘daw po ang tiyo at tiya niya, mga Montecarlos.” Natigilan si Ace nang marinig niya ang sinabing iyon at napatayo. “Sige, ako nang bahala. Samalat.” Sabi niya dito at aalis n asana ngunit hinawakan ni Princess ang kamay niya. Magkatabi kasi sila nag nagkukwentuhan habang nag-aantay sa mga kaibigan. “Daddy, sino po ‘yun?” napatingin si Ace sa anak at napangiti. “Kung tama ang sinabi ng katulong natin ay sila ang natitirang kamag anak ng mommy mo. Hindi ba alam mo naman na napalayas siya noon sa Isabella, sila ang nagpalayas sa kanila noon.” Napakunot ang noo ni Princess dahil doon. “Sila po pala ang nagpalayas bakit nandito po sila?” umiling si Ace kay Princess at lumuhod upang makapantay ito. “Anak, don’t be like that, okay? Kung tutuusin ay sila ang nagpalaki sa mommy mo, alam kong may dahilan sila kung bakit
Read more