Hanggang dito nalang muna Kimmie's, may nagbabasa pa ba? Nalulungkot ako sa pagkawala ni Ava
TULALANG nakaupo si Stella sa labas ng morgue matapos dalhin doon si Ava nang kumpirmahin itong patay na. Ayon sa mga doctor ay halos labing tatlong minuto na itong walang buhay at dahil ‘yon sa balang tumama sa bandang puso. Kumpleto silang lahat ngayon sa labas nang morgue kung saan pare-parehong tahimik at wala sa sarili. Kanina nang magising si Stella mula sa pagkakawalang malay ay si Ava agad ang unang hinanap nito. Nalapatan na ‘rin ng first aid ang mga natamong sugat nila sa pagkakasabog ngunit hindi pa ‘rin naaalis ang sakit sa katotohanang patay na si Ava. Napapikit ng mariin si Stella at napatingala ng maalala niya ang huling tagpo nila ni Ava. Napansin ni Ace ang naging kilos ng asawa kung kaya naupo ito sa tabi niya at niyakap. “Wife, magiging ayos ‘din ang lahat.” Tila napantig ang tenga ni Stella dahil sa narinig at tumingin kay Ace. “H-Hindi magiging ayos ang lahat! Wala na si Ava, Alas! Wala na si Ava!” Natigilan si Ace dahil sa sinabi ng asawa at kitang-kita niya a
“MOMMY?” Sumilip si Princess sa loob ng kwarto ni Stella at Ace at doon ay nakita niya ang kaniyang in ana nakaupo sa isang single sofa na nakaharap sa bintana kung saan nakatingin ito doon na tila napakalayo ng tinatanaw. Pumasok ito sa loob at naglakad papalapit sa ina. “Ang sabi po ni daddy hindi ka pa kumakain.” Mahinang sabi nito kay Stella ngunit wala siyang natanggap na sagot. Napabuntong hininga si Princess, dalawang linggo na ang nakakalipas magmula ng ilibing si Ava at dalawang linggo na ‘rin ang nakalilipas magmula ng mawala ito sa kanila. Dalawang linggo na ‘ring ganoon si Stella, tahimik. Hindi makausap ng maayos, hindi kumakain ng maayos at palaging nakatulala. Lahat ng mga nakapaligid sa kaniya ay nag-aalala na lalo na ang kaniyang mag-ama. Hindi nila alam kung anong kausap ang gagawin nila kay Stella para matauhan ito na hindi niya kasalanan ang lahat. Lahat sila ay nalungkot sa pagkawala ni Ava ngunit mas nalungkot sila nang unti-unti na ‘ring nawawala sa kanila s
“HAHAHA!”Pumalibot sa buong kwarto ang malakas na tawa ni agent Tiger o mas kilala nila sa pangalang Eduardo nang makita sa balita ang bumagsak na eroplanong sinasakyan ni Stella. Ang mga tauhan nito ay nasa isang tabi at nakamasid lamang sa kanilang amo na tuwang-tuwa sa ginawa.“Akala mo ba Stella makakalimutan n akita?! Hahaha!” malademonyo kung tumawa, mala demomonyo kung umasta. Takot sa kaniya ang mga tauhan nito dahil kapag kinalaban nila si Eduardo ay siguradong katapusan na ‘rin ng kanilang buhay. Ang hindi alam ni Don Enrique ay mas masahol pa sa kaniya ang tauhan.Napahinto sa pagtawa si Eduardo at napatingin sa isang tauhan. “Hoy ikaw! Pumunta ka ngayon sa airport at makibalita kung makikita ang katawan ni Stella! Siguraduhin niyong patay na siya dahil kung hindi kayo ang mamamatay!” agad na sumunod ang tauhan kay Eduardo dahil natakot sila sa banta nito.Pagkaalis ng mga ito ay inilipat ni Eduardo ang channel at lumabas doon ang isang live kung saan ay natigilan siya ng
“TAMA nga ang hinala mo Stella,” Napasandal si Stella sa lababo ng restroom na pinasukan niya matapos niyang magpaalam kila Ace kanina. “Alin doon ang tama Theo?” naaaliw na tanong niya dito. Hindi totoo na nawawala si Theo, siya ang nagbigay ng impormasyon kay Philip tungkol sa lead na mayroon sila kay agent Tiger. Alam niya na si Theo ang gagamitin nito upang puntahan ang pekeng lead na ipinabigay niya kung kaya ginawa nila iyong paraan upang magpanggap na nawawala ito. Nagpanggap siya sa harapan nilang lahat upang hindi siya mahalata. “Tama ka na pinapasundan ka ni Philip, kapapasok lang sa loob ng tatlong agent.” Hindi na magugulat pa si Stella, walang binanggit sa kaniya na pababantayan siya gayong alam naman niyang nasa panganib ang buhay niya kaya napaka-impossible na hindi siya pababantayan ng mga ito. “Hindi lang iyon,” napatayo siya ng maayos dahil doon. “Tama kang may ginawang kababalaghan si Eduardo sa eroplano. Nakikita ko na ang malaking damage sa eroplano Stella.” N
“SIGURADO ka bang patay na si Stella? At paanong naging kamuka niya si Scarlet Montenegro, ang may -ari ng MonReal State?” Napatayo si Eduardo mula sa kaniyang kinauupuan dahil sa narinig. “Don Enrique, sigurado ako na patay na siya. Wala nang mahanap na bangkay na malamang ay lumubog na ito kasama ang eroplano at isa pa ‘yang si Scarlet Montenegro ay napakalayo sa totoong Stella.” Seryosong sagot nito ngunit hindi pa ‘rin naniniwala si Don Enrique. “Paano mo nasiguradong hindi siya si Stella? Paano kung si Stella nga iyon?!” napailing si Eduardo “Don Enrique maniwala ka saakin. Nagsimula ang event ay nasa bahay pa si Stella, bantay sarado namin siya kaya napaka-impossible na nasa dalawang lugar siya gayong kitang-kita namin na kasama siya nila Alas.” Doon na natauhan si Don Enrique at napabuntong hininga. “Kailangan ko lang makasigurado Eduardo, kailan mo papatayin sila Alas? Idamay mo na silang lahat.” Iyan ang problema ngayon ni Eduardo, hindi niya magalaw galaw ang mga ito da
“PAANONG nangyari na marunong lumaban ang asawa ko?!” Napalunok si Theo nang galit na sumigaw si Stella pagkapasok nila sa hide out na ginawa ni Stella noon na nakakonekta sa kaniyang opisina. Tinignan ni Vanessa si Theo at pinanlakihan ito ng mata na tila nagsasabi na magpaliwanag ngunit umiling lang si Theo. Humarap sa kaniya si Stella kaya napatayo ng maayos si Theo, kagagaling lang nila sa Hacienda nila upang tulungan sila Philip na tapusin ang mga tauhan ni Eduardo ngunit natigilan siya ng makita ang pagbaril ni Ace sa mga kalaban lalo na ang pagbigay ni Philip ng mask kay Ace. “Sagutin mo ako Theo! Paanong nangyari na napabilang ang asawa ko sa agency!” napapitlag ito dahil sa muling pagsigaw ni Stella “H-Hindi ko alam Stella,” hindi nagustuhan ni Stella ang sinasabi ng kaibigan kung kaya kinuha nito ang isang patalim na malapit sa kaniya at ibinato sa lalaki. Agad naman nakaiwas si Theo habang nanlalaki ang mata. Doon na umaksyon si Vanessa na nagsisilbing mata nila sa p
TULALANG nakaupo si Ace sa kaniyang kinauupuan matapos ang ilang minuto nang malaman niya ang katotohanan na isang agent ang kaniyang asawa. Biglang pumasok sa isip niya ang mga kakayanan nito, ang pagiging mabigat na kamay. Ang dahilan kung paano ito nakaligtas noong dukutin siya, kung paanong siya ang natitirang buhay ng abutan nila ito na umiiyak habang yakap si Ava. Lahat ng iyon ay nagkaroon ng sagot, isang agent ang asawa niya. “B-Bakit hindi niya sinabi saakin?” wala sa sarili niyang tanong na ikinabuntong hininga ni Philip. “Dahil ayaw niyang madamay ka sa mundong ito.” Napatingin si Ace kay Philip dahil doon. “Kaya kita pinipigilan at tinatanong kung gusto mo ba talagang sumali ay dahil doon.” Naalala niya ang mga panahon na iyon, ngayon mas malinaw na sa kaniya ang katotohanan. “H-Hindi naman ako mapapahamak kung sasabihin niya hindi ba?” napatitig si Philip kay Ace. “Wag mong lokohin ang sarili mo Ace, ikaw nga hindi mo ‘rin sinasabi sa kaniya ang totoo dahil ayaw mo siy
“NAGAWA mo ba ang pinapagawa ko Vanessa?” Salubong na tanong ni Stella kay Vanessa nang pumasok ito sa loob ng secret room nila sa loob ng opisina. “Yes madam, maaaring mamaya ay hawak na nila ang result.” Napabuntong hininga si Stella sa kaniyang narinig at napasandal nalamang sa kaniyang upuan. Hindi niya gusto na gawin iyon ngunit ito lang ang tanging paraan na alam niya. Tumabi si Vanessa kay Theo na nakatingin lang kay Stella at napatingin ito dito. “Ginawa mo talaga?” mahinang bulong nito sa babae na ikinatango naman nito. “Sumusunod lang ako kay madam, alam kong ganon ka ‘din. Hindi natin siya pwedeng iwan dahil tayo nalang ang mayron siya ngayon.” Napabuntong hininga nalang ‘din si Theo dahil tama ang babae. Wala silang magagawa kundi ang suportahan si Stella. May tiwala siya sa dalaga, pero wala siyang tiwala sa pinapasok nitong gulo. Samantalang sa kinalalagyan ni Eduardo ay napatayo siya habang nakangisi dahil sa kaniyang nabalitaan tungkol sa pagkakatagpo ng katawan ni