“WE are here at Hacienda Del Rosario. Si Don Enrique ang nagtatag sa Hacienda ang kaniyang nag-iisang anak na si madam Talia na napangawasa si Mr.Daniel Alcantara na kasalukuyang nasa ibang bansa upang i-manage ang negosyo nila doon. Ang mga anak nila ay sina Seniorito Diego and Seniorita Faith Alcantara, si Senior Deigo ay mayroon nang asawa si madam Elise Salvador Alcantara at until now ay wala pa ‘rin silang anak matapos nitong makunan four years ago. Si Seniorita Faith naman ay hanggang ngayon nag-aaral pa ‘rin sa kaniyang kursong medical.” “Malaki pala ang pamilya Del Rosario,” bulong ni Lucas na ikinatango ng katabi niya. “Kung hindi ako nagkakamali ay yung Diego ang tinutukoy nila Stella noon na sinet-up siya.” Napatingin si Lucas sa kaibigan dahil sa pagkabigla na ikinatango lang ni Ellias. Marami pang sinabi ang tour guide at pinuntahan ngunit naiwan ang kanilang isipan tungkol sa dalawang pamilya. Hindi lingid sa kanila na mag kaaway ang mga ito at alam nila na ang Del Ros
ONE MONTH LATER “Handa na ba ang lahat?” tanong ni Stella habang nakatingin sa kaniyang make up mirror habang nasa van sila papunta sa Isabella. “Everything is settled Stella—I mean Scarlet.” Napatigil si Stella sa paglalagay ng lipstick dahil sa narinig niya. “Subukan mong madulas sa harapan nila Theo ako mismo puputol sa dila mo.” Natawa naman si Vanessa sa sinabi ni Stella. “Inaasar ka lang niyan madam.” Napairap si Stella at pinagpatuloy ang paglalagay ng lipstick. “Ang tagal nating pinaghandaan ang araw na ito kaya kailangan maayos ang maging flow.” Seryosong sabi nito nang matapos maglagay ng lipstick. Tumango naman ang dalawa sa kaniya at naalala niya ang mag paghahanda na ginawa nila isang buwan na ang nakakaraan. Simula nang magpakilala siya bilang tunay na may-ari ng MonReal ay napakarami nang nangsidaluhan upang maging nais siyang ka-partner sa negosyo at isa na doon ang mga Del Rosario. Nabanggit niya sa pumunta sa kaniya na nakausap na niya ang isa nilang tauhan sa iba
“NANDITO si Daniel kasama ang anak niyang si Ace.” Nanlaki ang mata ni Don Enrique sa gulat dahil sa narinig habang si Theo naman ay agad na lumapit kay Stella at binulungan ito. Gulat ‘din siyang napatingin kay Theo at tatayo na sana upang magpaalam kay Don Enrique ngunit natigilan siya ng makita ang dalawang tao kasama ang ilang tauhan na pumapasok sa loob. Napalunok si Stella, sa nakita. Isang buwan na niyang tiniis na wag makita si Ace at hindi niya akalain na doon pa sila mag-kikita. Wala naming ibang sinisigaw ang isip niya kundi ang ‘bakit siya nandito?!’ “Don Enrique, patawad sa biglaan kong pag-uwi pero mayroon akong biggest investor na dala para sa’yo. Aksidente kaming nagkita ng anak ko sa states at doon ay nalaman ko na isa pala siyang mayamang negosyante, inalok ko siya ng partnership satin at pumayag siya.” Mahabang lintaya ni Daniel sa harapan ni Don Enrique habang napatingin naman ito sa mga tauhan na nasa likod nito. Nagtagpo ang mata nila ni Daniel at tinignan
“SANDALI,” Paalis na sana si Daniel nang magpaalam na ito dahil baka hanapin siya nila Ace. “Kapag tinanong ka ng asawa ko kung saan ka nanggaling sabihin mo kinausap kita, gusto kong bilhin sa kaniya ang lupa.” Napakunot ang noo ni Daniel ngunit hindi na nagtanong pa at hinayaan si Stella sa nais nito. Pagbalik niya sa dating Hacienda Montecarlos ay sinalubong siya nila Ace na nasa sala at mukang may pinag-uusapan. “Saan ka galing papa?” agad na tanong ni Ace sa ama. “May kinausap lang ako,” lumapit siya sa sa mga ito na mayroong nagtatakang tingin. “Kung tinatanong niyo kung sino ay si Ms.Scarlet iyon.” “Scarlet? Kilala mo siya? Close kayo?” sunod-sunod na tanong ni Harris na ikinatango ni Daniel. “Yes, nagkausap na kami noon sa state. Noon pa niya kami inaalok ng partnership,” napatango naman ang mga ito. “Anong pinag-usapan niyo?” napatingin sila kay Ace ng magtanong ito. Tumingin si Daniel ng deretsyo sa mga mata nito. “Gusto niyang bilhin sa’yo ang lupa,” napakunot ang no
“MS. Scarlet! Napa-aga ata ang punta mo dito, kumain ka na ba? Gusto mo bang kumain muna, sasabihan ko ang mga katulong.” Bungad na sabi ni Elise kay Stella nang pumasok siya sa loob ng mansion ng mga Del Rosario. Dito na siya nag pa deretsyo kay Theo upang masimulan na niya ang kaniyang plano. “No need Elise and please, Scarlet nalang.” Nakangiti niyang sabi na ikinangiti ‘din ni Elise sa kaniya. Hindi niya mapigilang isipin na noong huling kita nila ay halos ayaw siya nitong makita at hindi manlang nginingitian. “So, bakit napa-aga ang punta mo Scarlet?” tanong nito na ikinatingin ni Stella sa paligid. “Gusto ko sanang malaman pa kung anong meron dito sa bayan niyo,” tumingin siya dito na ikinatango ni Elise. “Ganon ba? Don’t worry I will tour you, come ililibot kita sa bayan. Kotse ko na ang gagamitin ko,” napangiti si Stella ng malaki at tumango. Lumabas sila ng mansion at nandoon agad ang nakaparadang kotse sa harapan pagkatapos ay sumakay sila. “Hindi ba kita naistorbo, Elise
“BAKIT ibinigay mo kay Ms.Scarlet ang lupa?” Tanong ni Eduardo kay Don Enrique nang makapasok ito sa loob ng opisina. Naupo muna ang matanda bago tuluyang sinagot ang tanong ng tauhan. “Dahil malaking halaga ang ipinatong niya sa buong lupa,” nangunot ang noo ni Eduardo dahil sa sinagot nito. “Paano si Mr.Salvador? Hindi ba’t matagal niyo nang pinaplano ang project na ito?” Tinignan siya nito. “Malaki ang parte niya sa lupa, hati kami doon. Napaka impossible na hindi siya masilaw sa Fifty Million,” gulat na napatingin si Eduardo kay Don Enrique dahil sa sinabi nitong presyo. “50M?!” nakangiti ang matanda dahil sa naging reaction niya at tumango. “See? Palay na talaga ang lumalapit saakin ngayon.” Hindi makapaniwala sa Eduardo na maglalabas ng ganong kalaking pera si Scarlet para lamang bilhin ang lupang iyon. Ngayon ay napapaisip siya kung ipinagbili ba nila ang lupa ng mga Montecarlos ay ganoong presyo din kaya ang ibibigay nito. Hindi niya maiwasang manghinala, paanong nangya
HINDI makapaniwala si Stella na nasa loob pala ng silid na iyon si Lee, nalaman niya na opisina pala ito ng lalaki at sinadya ng matanda na doon pumunta upang marinig ng anak ang usapan nila. Ang kaso ay hindi naman inaasahan ni Leo ang mga ibubunyag nito. Ngayon nga ay malungkot na ang itsura nito habang nag kukwento kay Stella. “Ilang taon na ‘rin ang nakakaraan simula nang itago ko ang katotohanan na ito Stella, alam ko ang tungkol sa pagkamatay ng magulang mo.” Seryoso lamang na nakatingin si Stella kay Leo habang nakakuyom ang kamao. “Nalaman ko ang balak nila dahil ang mga Del Rosario ay matalik na kaibigan ng pamilya ko. Sabi saakin ng magulang ko na dumikit ako sa kanila, pero aksidenteng narinig ko ang plano nila. Natakot ako, hindi ako nagsumbong hanggang sa nabalitaan kong wala na ang magulang mo.” Bigla itong lumuhod mula sa kinauupuan nito at humingi ng tawad sa kaniya. “P-Patawarin mo ako hija, matagal na akong kinakain ng konsensya ko pero nawala ka nalang dito sa bay
“MAAARI ko ho ba kayong makausap nanang Lili?” Napatingin ang mga katulong sa pagpasok ni Stella sa dirty kitchen kung saan andoon ang kanilang pwesto ng dining noong tumira siya sa mg Del Rosario. “Stella!” napatingin siya sa tumawag sa kaniya, kung hindi siya nagkakamali ay si Rea iyon na nakatanggap ng batok mula kay Sese. “Hindi si Stella ‘yan! Si Ms.Scarlet yan! Parang hindi ka na inform nitong nakaraang araw ah?” Hindi niya maiwasan na mapangiti, hindi pa ‘rin nagbabago ang mga ito. Kulang ‘man sila doon dahil wala ang mga lalaki ay kita niya pa ‘rin na hindi sila nagbago. “Pwede niyo ba muna kaming iwan?” ngiti niyang sabi na ikinatango naman ng dalawa at maglilinis pa daw sila sa living room. Lumapit siya kay nanang Lili at niyakap ito pagkatapos ay sinabihan na pumunta sa bahay dahil hindi niya pwedeng sabihin doon lalo na at baka nakabantay sa kaniya si Diego at Talia. Ang hindi niya alam ay may nanonood sa kaniya mula sa CCTV, si Ace. Nakakunot ang noo nito ng makitang